Ang epiko ay isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali laban sa mga kaaway, na naglalarawan ng mga di-kapani-paniwalang pangyayari. Ito ay maaaring ipahayag sa pasalita, patula, o paawat at karaniwang may haba mula 1,000 hanggang 5,000 linya, na may layuning magbigay aliw at kumikilala sa kultura at tradisyon ng iba't ibang rehiyon. Ang mga pangunahing elemento ng epiko ay tagpuan, tauhan, at ang pagsasalamin ng mga ritwal at paniniwala ng sinaunang pamayanan.