5. Mateo 2:8
8 Pagkatapos, sila ay pinapunta niya sa
Bethlehem na ganito ang bilin,
"Hanapin ninyong mabuti ang sanggol.
Kapag natagpuan ninyo siya, ipagbigay-
alam agad ninyo sa akin upang ako man
ay pumunta roon at sumamba rin sa
kanya."
10. Mateo 2:11
11 Pagpasok sa bahay, nakita nila ang
bata sa piling ni Maria na kanyang ina.
Nagpatirapa sila at sinamba ang bata.
Inihandog din nila sa kanya ang mga
dala nilang ginto, insenso at mira.
20. Kawikaan3:5-6
5 Kay Yahweh ka magtiwala, buong
puso at lubusan, at huwag kang
mananangan sa sariling karunungan.
6 Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y
alalahanin, upang ika'y patnubayan sa
iyong mga tatahakin.
22. Kawikaan3:7-8
7 Huwag mong ipagyabang ang iyong
nalalaman; igalang mo't sundin si
Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
8 Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging
matatag, mawawala ang pighati,
gagaling ang iyong sugat.
24. Kawikaan3:9-10
9 Parangalan mo si Yahweh sa
pamamagitan ng iyong mga kayamanan,
at mula sa iyong mga pinakamainam na
ani, siya ay iyo ring handugan.
10 Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang
aapaw, sisidlan ng inumin ay hindi nga
matutuyuan.
26. Roma 12:1
1 Kaya nga, mga kapatid,
ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang
sa mga kahabagan ng Dios, na inyong
iharap ang inyong mga katawan na
isang haing buhay, banal, na kaayaaya
sa Dios, na siya ninyong katampatang
pagsamba.
27. FAITHWORKS CHRISTIAN CHURCH GLOBAL
Presented By:
Ptr. Alan Esporas
FCC Main, Ampid 1, San Mateo, Rizal, PH
7am Mabuhay Service
December 11, 2016