Paksang-Aralin
Paksa: Alamat
Kasanayang Panggramatika: Mga Pang-ugnay sa
Paglalahad
Teksto: Ang Alamat ng Baysay
(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit)
salin ni Reynaldo S. Reyes
Mula sa “The Legend” by Damian L. Eugenio, UP Press
Sanggunian:
Grade 7 Kurikulum Guide (2013)
Kalinangan (Rex Bookstore)
www.rexinteractive.com
www.youtube.com
Aralin 1
ALAMAT
(BAHAGI NG THE BEAUTIFUL BUNGANGSAKIT)
SALIN NI REYNALDO S. REYES
MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIO
UP PRESS
Alamat ng Baysay
Balik-aral
Ano ang paborito
ninyong laro at bakit?
LUGAR MO!
HUHULAAN KO!
Pagganyak:
Kikilalanin
ninyo ang
mga
larawan na
ipapakita
ko.
Tanong???
1. Napuntahan na ba ninyo
ang mga lugar na ito?
2. Alin dito ang hindi pa
ninyo nadadalaw/
napupuntahan? Bakit?
3. Paano nakatutulong sa
programang panturismo
ang mga pook na ito?
4. Ano ang maaari mong
gawin para mapaunlad ang
bayan ng Santa Barbara?
Paghahawan ng Sagabal
Panuto:
Gamitin sa sariling
pangungusap ang mga
sumusunod na ayon sa
sariling pagkaunawa.
(Prior Knowledge)
1. Kuta
2. Nagtatag
3. Bukana
4. Vinta
5. Kublihan
Paglalahad ng Aralin
(BAHAGI NG THE BEAUTIFUL BUNGANGSAKIT)
SALIN NI REYNALDO S. REYES
MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIO
UP PRESS
Alamat ng Baysay
Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang
mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong
Heswita, ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon.
Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag
na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang
nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas
na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng
Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco
Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong
ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita,
sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may
kahulugang “maganda” bilang parangal at sa alaala ng kanilang
magandang si Bungangsakit.
Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni
Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa
pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, sila’y nagkaisa at
nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang
Guibaysayi, na may kahulugang “Ang Pinakamaganda” bilang
pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si
Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng
pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na
kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy,
isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang-
dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa
matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa
kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni
Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa
laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating
na mga vinta.
Noong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para
sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa
kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong
kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang
malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang
araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na
kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.
Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang
buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang
humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa
malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan ng
bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga
burol. Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore.
Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga
burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at
kublihan kapag may malalakas na bagyo.
1. Bakit nagtatag ng
matibay na depensa ang mga
naninirahan sa Balud?
Pagtalakay sa Teksto:
2. Ano-anong mga pag-
unlad ang naganap sa mga
mamamayan sa kuwento?
3. Bakit hindi naging
matagumpay ang
pagtatayo ng Simbahang
Katoliko sa kanilang lugar?
4. Paano nakayanan ng mga
mamamayan ang mga
pagsubok na dumating sa
kanilang buhay?
5. Alin sa mga pangyayari
sa akda ang kapani-paniwala?
Alin naman ang hindi kapani-
paniwala?
Kapani-paniwala Di-kapani-paniwala
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5
Pagpapahalagang Pangkatauhan
Kung ikaw ang
mapipiling pinuno
ng Baysay, paano
mo pamumunuan
ang iyong
mamamayan?
Kasanayang Pampanitikan
KALIGIRAN NG ALAMAT
Ang alamat ay likhang kuwento na pasalindila na
nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagmula
sa wikang Latin na legenda na nangangahulugang “upang
mabasa.”
Layunin ng alamat na magpaliwanag ng pinagmulan ng
mga bagay sa iba’t ibang paraan. Hindi man makatotohanan
ang mga alamat, naging instrumento naman ito ng pagtuturo
ng wastong asal, paghahanap ng katotohanan, at
pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa
kasalukuyang panahon.
Sanggunian: Ilaw: Pinagsanib ng Wika
at Panitikan Baitang 7,
Leonora dela-Cruz Oracion,
Innovative Educational
Materials, Inc. 2012
ELEMENTO NG ALAMAT
1. Tauhan – ang mga gumaganap sa isang
alamat; ang nagbibigay buhay sa temang nais na
iparating ng alamat.
2. Tagpuan – ang bumubuo ng
imahinasyon ng mga mambabasa; nagpapakita
hindi lamang ng lugar at panahon kung kalian at
saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din
ng paraan ng pamumuhay o estado ng mga tauhan
sa lipunan.
3. Banghay – ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari
sa isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi:
Simula – inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat
Katawan – inilalahad ang mga pangyayaring
nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat
tauhan at ang suliranin at paraan ng pagharap ng
tauhan sa suliranin
Wakas – ang kinahihinatnan ng kuwento o naging
resolusyon
Sanggunian: Manwal sa Pagsasanay sa
Pilipino-Panitikan Ikatlong Taon ng
Mataas na Paaralan, DECS-FAPE-
PNC Programa sa Pagsasanay sa
Filipino, 1991
Pagtalakay Panggramatika
Pahambing o Komparatibo
ito ay mga pahayag na ginagamit
sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay,
lunan o pangyayari.
Dalawang Uri ng Pahambing:
1. Pahambing na magkatulad
2. Pahambing na di-magkatulad
Pahambing na magkatulad
naghahambing ng dalawang bagay
na may parehong timbang o kalidad,
ginagamitan ito ng mga salitang pareho,
tulad, gaya ng, kamukha ng, kapareho,
magkasing-, magsing- at iba pa.
Halimbawa:
1. Parehong maunlad ang barangay na
Buyo at Jibao-an kung pagbabatayan ang
mga nakatayong istruktura.
2. Maganda ang pagpapalakad niya sa
barangay katulad din ng pagpapalakad ng
kanyang ama bilang barangay kapitan.
Pahambing na di – magkatulad
pahambing na nagpapakita ng diwa
ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat.
Nauuri ito sa dalawa:
Ito ay palamang at pasahol.
Ang palamang ay may higit
na positibong katangian ang
inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
Naipapakita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga salitang lalo,
higit, di-hamak, mas, at iba pa.
Halimbawa:
1. Higit na matamis ang mangga
ng Guimaras kaysa sa ibang
probinsya.
2. Mas marami ang tao sa plaza
kaysa sa simbahan.
Ang pasahol ay may higit na
negatibong katangian ang
inihahambing sa pinaghahambingan.
Gumagamit dito ng di-gaano, di-
gasino at di-masyado.
Halimbawa:
1. Di-gaanong malawak ang
sementeryo ng Buyo sa sementeryo sa
bayan.
2. Di- masyadong marami ang tao sa
palengke kung Martes ikumpara sa araw
ng Biyernes.
Gawain sa
Pagpapahalaga
Pangkatang
Gawain
Balikan ang
Alamat ng Baysay,
isasalin ninyo ito
sa anyong komiks.
Gawin itong
malikhain at
makulay. Maaaring
sa computer o
guhit kamay ang
gagawing komiks.
Pamantayan 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos Marka
Nilalaman ng
Komiks
Maayos at maganda
ang nilalaman ng
komiks. Malinaw
ang mensahe na nais
iparating nito.
May mga bahaging
hindi maayos ang
nilalaman at
mensaheng nais
iparating.
Magulo ang nilalaman ng
komiks at hindi malinaw ang
mensaheng nais iparating
Kaangkupan sa
Paksa
Napakaangkop ng
tema ng ginawang
komiks
May kaangkupan
ang tema ng
ginawang komiks
Hindi angkop o walang
kaugnayan ang nabuong
komiks sa tema
Pagkakabuo
(guhit kamay/
computer)
Napakaangkop ng
ginawang disenyo at
nilalaman ng
komiks. Epektibong
nagamit at
nakapupukaw ng
atensyon
May kaangkupan
ang disenyo ngunit
hindi gaanong
nagamit nang wasto
ang mga larawan
Walang kaangkupan at hindi
nagamit nang wasto ang
nilalaman at disenyo ng guhit
Paraan ng
Presentasyon
Maayos at
maliwanag ang
paraan ng
presentasyon
May bahaging
magulo sa paraan ng
presentasyon
Hindi maayos at maliwanag ang
paraan ng presentasyon
Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka sa Paggawa ng Komiks
Pagtataya A
Panuto: Ihambing ang binasang
alamat sa iba pang alamat na nabasa
ninyo. Gumamit ng mga pangungusap na
may pahambing na magkatulad at
pangungusap para sa pahambing na di-
magkatulad. Gamitin ang grapikong
pantulong sa ibaba.
Alamat ng Baysay Ibang Alamat na Nabasa
Tema
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Aral na Natutuhan
Paghahambing ng Alamat
Pagtataya B
Panuto: Tukuyin kung palamang o
pasahol ang mga salitang pahambing na
ginamit sa pangungusap.
Iloilo Golf and Country Club
Kinilala bilang pinakamatandang golf course sa Pilipinas.
Napatunayan ito dahil sa mga nahukay na dalawang bola na
may markang Wright and Ditson at Spalding and Pat na kapwa
may ukit na taong 1899. Itinatag ito ng 13 inhenyerong taga-
Scotland habang ginagawa ang Proyektong Philippine Railway
System na dadaan sa bayan ng Santa Barbara. Binuo ang Santa
Barbara Golf and Country Club para lamang sa mga taga-
Britanya at Amerika. Naging kasapi ng Royal and Ancient Golf
Club of St. Andrews Fife, Scotland at tumanggap ng mga
Pilipinong kasapi noong 1920. Sinunog ito ng mga Hapon ang
Club House noong 1941 at nagsilbing kuwartel ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.
Kasunduan
Pangkatang Gawain
Panuto:
Bumuo ng isang alamat
kaugnay ng larawang ito.
Sikaping gumamit ng mga
salitang pahambing.
Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka
Nilalaman/Kuwento - 30%
Kasiningan at Kaayusan ng Banghay - 30%
Kaangkupan ng Salitang Ginamit – 20%
Pagpapalutang ng Kultura – 20%
100%
Maraming Salamat
Pamela S. Caday
Teacher II
Tagsing-Buyo National High School

Aralin 1 second grading

  • 1.
    Paksang-Aralin Paksa: Alamat Kasanayang Panggramatika:Mga Pang-ugnay sa Paglalahad Teksto: Ang Alamat ng Baysay (Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit) salin ni Reynaldo S. Reyes Mula sa “The Legend” by Damian L. Eugenio, UP Press Sanggunian: Grade 7 Kurikulum Guide (2013) Kalinangan (Rex Bookstore) www.rexinteractive.com www.youtube.com
  • 2.
  • 3.
    (BAHAGI NG THEBEAUTIFUL BUNGANGSAKIT) SALIN NI REYNALDO S. REYES MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIO UP PRESS Alamat ng Baysay
  • 4.
  • 5.
  • 6.
  • 17.
  • 18.
    1. Napuntahan naba ninyo ang mga lugar na ito?
  • 19.
    2. Alin ditoang hindi pa ninyo nadadalaw/ napupuntahan? Bakit?
  • 20.
    3. Paano nakatutulongsa programang panturismo ang mga pook na ito?
  • 21.
    4. Ano angmaaari mong gawin para mapaunlad ang bayan ng Santa Barbara?
  • 22.
  • 23.
    Panuto: Gamitin sa sariling pangungusapang mga sumusunod na ayon sa sariling pagkaunawa. (Prior Knowledge)
  • 24.
    1. Kuta 2. Nagtatag 3.Bukana 4. Vinta 5. Kublihan
  • 25.
  • 26.
    (BAHAGI NG THEBEAUTIFUL BUNGANGSAKIT) SALIN NI REYNALDO S. REYES MULA SA “THE LEGEND” BY DAMIAN L. EUGENIO UP PRESS Alamat ng Baysay
  • 27.
    Dahil sa ipinakitangkalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita, ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamuno ng Binongtoan ay sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy, at Tomas Makahilig. Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang “maganda” bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit.
  • 28.
    Samantala, ang mgataga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang “Ang Pinakamaganda” bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. Ang mga naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang na kalalakihan sa kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang ang mga tulisang- dagat ay muling babalik kaya’t nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta.
  • 29.
    Noong 1832, angilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian. Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol. Isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.
  • 30.
    1. Bakit nagtatagng matibay na depensa ang mga naninirahan sa Balud? Pagtalakay sa Teksto:
  • 31.
    2. Ano-anong mgapag- unlad ang naganap sa mga mamamayan sa kuwento?
  • 32.
    3. Bakit hindinaging matagumpay ang pagtatayo ng Simbahang Katoliko sa kanilang lugar?
  • 33.
    4. Paano nakayananng mga mamamayan ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay?
  • 34.
    5. Alin samga pangyayari sa akda ang kapani-paniwala? Alin naman ang hindi kapani- paniwala?
  • 35.
  • 36.
    Pagpapahalagang Pangkatauhan Kung ikawang mapipiling pinuno ng Baysay, paano mo pamumunuan ang iyong mamamayan?
  • 37.
  • 38.
    KALIGIRAN NG ALAMAT Angalamat ay likhang kuwento na pasalindila na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay nagmula sa wikang Latin na legenda na nangangahulugang “upang mabasa.” Layunin ng alamat na magpaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay sa iba’t ibang paraan. Hindi man makatotohanan ang mga alamat, naging instrumento naman ito ng pagtuturo ng wastong asal, paghahanap ng katotohanan, at pagpapayabong ng kultura ng ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon. Sanggunian: Ilaw: Pinagsanib ng Wika at Panitikan Baitang 7, Leonora dela-Cruz Oracion, Innovative Educational Materials, Inc. 2012
  • 39.
    ELEMENTO NG ALAMAT 1.Tauhan – ang mga gumaganap sa isang alamat; ang nagbibigay buhay sa temang nais na iparating ng alamat. 2. Tagpuan – ang bumubuo ng imahinasyon ng mga mambabasa; nagpapakita hindi lamang ng lugar at panahon kung kalian at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng paraan ng pamumuhay o estado ng mga tauhan sa lipunan.
  • 40.
    3. Banghay –ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa isang alamat na nahahati sa tatlong bahagi: Simula – inilalarawan ang tauhan at tagpuan ng alamat Katawan – inilalahad ang mga pangyayaring nagpapakita ng pag-iisip at kaugalian ng bawat tauhan at ang suliranin at paraan ng pagharap ng tauhan sa suliranin Wakas – ang kinahihinatnan ng kuwento o naging resolusyon Sanggunian: Manwal sa Pagsasanay sa Pilipino-Panitikan Ikatlong Taon ng Mataas na Paaralan, DECS-FAPE- PNC Programa sa Pagsasanay sa Filipino, 1991
  • 41.
    Pagtalakay Panggramatika Pahambing oKomparatibo ito ay mga pahayag na ginagamit sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari.
  • 42.
    Dalawang Uri ngPahambing: 1. Pahambing na magkatulad 2. Pahambing na di-magkatulad
  • 43.
    Pahambing na magkatulad naghahambingng dalawang bagay na may parehong timbang o kalidad, ginagamitan ito ng mga salitang pareho, tulad, gaya ng, kamukha ng, kapareho, magkasing-, magsing- at iba pa.
  • 44.
    Halimbawa: 1. Parehong maunladang barangay na Buyo at Jibao-an kung pagbabatayan ang mga nakatayong istruktura. 2. Maganda ang pagpapalakad niya sa barangay katulad din ng pagpapalakad ng kanyang ama bilang barangay kapitan.
  • 45.
    Pahambing na di– magkatulad pahambing na nagpapakita ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat. Nauuri ito sa dalawa: Ito ay palamang at pasahol.
  • 46.
    Ang palamang aymay higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba pa.
  • 47.
    Halimbawa: 1. Higit namatamis ang mangga ng Guimaras kaysa sa ibang probinsya. 2. Mas marami ang tao sa plaza kaysa sa simbahan.
  • 48.
    Ang pasahol aymay higit na negatibong katangian ang inihahambing sa pinaghahambingan. Gumagamit dito ng di-gaano, di- gasino at di-masyado.
  • 49.
    Halimbawa: 1. Di-gaanong malawakang sementeryo ng Buyo sa sementeryo sa bayan. 2. Di- masyadong marami ang tao sa palengke kung Martes ikumpara sa araw ng Biyernes.
  • 50.
  • 51.
  • 52.
    Balikan ang Alamat ngBaysay, isasalin ninyo ito sa anyong komiks. Gawin itong malikhain at makulay. Maaaring sa computer o guhit kamay ang gagawing komiks.
  • 53.
    Pamantayan 5 Puntos4 Puntos 3 Puntos Marka Nilalaman ng Komiks Maayos at maganda ang nilalaman ng komiks. Malinaw ang mensahe na nais iparating nito. May mga bahaging hindi maayos ang nilalaman at mensaheng nais iparating. Magulo ang nilalaman ng komiks at hindi malinaw ang mensaheng nais iparating Kaangkupan sa Paksa Napakaangkop ng tema ng ginawang komiks May kaangkupan ang tema ng ginawang komiks Hindi angkop o walang kaugnayan ang nabuong komiks sa tema Pagkakabuo (guhit kamay/ computer) Napakaangkop ng ginawang disenyo at nilalaman ng komiks. Epektibong nagamit at nakapupukaw ng atensyon May kaangkupan ang disenyo ngunit hindi gaanong nagamit nang wasto ang mga larawan Walang kaangkupan at hindi nagamit nang wasto ang nilalaman at disenyo ng guhit Paraan ng Presentasyon Maayos at maliwanag ang paraan ng presentasyon May bahaging magulo sa paraan ng presentasyon Hindi maayos at maliwanag ang paraan ng presentasyon Pamantayan: Rubrik sa Pagmamarka sa Paggawa ng Komiks
  • 54.
    Pagtataya A Panuto: Ihambingang binasang alamat sa iba pang alamat na nabasa ninyo. Gumamit ng mga pangungusap na may pahambing na magkatulad at pangungusap para sa pahambing na di- magkatulad. Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba.
  • 55.
    Alamat ng BaysayIbang Alamat na Nabasa Tema Tauhan Tagpuan Banghay Aral na Natutuhan Paghahambing ng Alamat
  • 56.
    Pagtataya B Panuto: Tukuyinkung palamang o pasahol ang mga salitang pahambing na ginamit sa pangungusap.
  • 65.
    Iloilo Golf andCountry Club Kinilala bilang pinakamatandang golf course sa Pilipinas. Napatunayan ito dahil sa mga nahukay na dalawang bola na may markang Wright and Ditson at Spalding and Pat na kapwa may ukit na taong 1899. Itinatag ito ng 13 inhenyerong taga- Scotland habang ginagawa ang Proyektong Philippine Railway System na dadaan sa bayan ng Santa Barbara. Binuo ang Santa Barbara Golf and Country Club para lamang sa mga taga- Britanya at Amerika. Naging kasapi ng Royal and Ancient Golf Club of St. Andrews Fife, Scotland at tumanggap ng mga Pilipinong kasapi noong 1920. Sinunog ito ng mga Hapon ang Club House noong 1941 at nagsilbing kuwartel ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.
  • 66.
  • 67.
    Panuto: Bumuo ng isangalamat kaugnay ng larawang ito. Sikaping gumamit ng mga salitang pahambing.
  • 68.
    Pamantayan: Rubrik saPagmamarka Nilalaman/Kuwento - 30% Kasiningan at Kaayusan ng Banghay - 30% Kaangkupan ng Salitang Ginamit – 20% Pagpapalutang ng Kultura – 20% 100%
  • 69.
  • 70.
    Pamela S. Caday TeacherII Tagsing-Buyo National High School