Ang Cold War ay nag-ugat sa tensyon sa pagitan ng United States at Unyong Sobyet matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula 1940 hanggang 1990, kung saan nagkaroon ng matinding kompetisyon at ideolohikal na pagkakahati. Ang neokolonyalismo naman ay tumutukoy sa patuloy na impluwensiya ng mga mananakop sa kanilang mga dating kolonya sa pamamagitan ng ekonomiya at kultura, na nagiging sanhi ng labis na pag-asa at pagkawala ng karangalan ng mga mamamayan. Ang mga estratehiya ng neokolonyalismo ay kinabibilangan ng pang-ekonomiyang tulong na may kondisyon, dayuhang pautang, at covert operations na naglalayong pahinain ang mga pamahalaan.