Ang patakarang piskal ay mahalaga sa pagpapatatag ng pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng badyet, paggasta, at pagbubuwis. May dalawang pangunahing uri ng patakarang piskal: expansionary at contractionary, na ginagamit ng pamahalaan upang kontrolin ang antas ng ekonomiya at mangolekta ng buwis. Ang mga buwis ay may iba’t-ibang uri na nakakatulong sa pagkakaroon ng pondo para sa publiko at dapat maging makatarungan, tiyak, at maginhawa sa mga mamamayan.