1. Anime Kabayan: EYEWATCHER (Multiply
Edition)
Jan 8, '08 1:58 AM
Sino ba ang mag-aakalang ang aming pagbibigay ng mensahe sa isa sa mga anime dubbing directors sa
Pilipinas at sa paggawa ng mga videos sa ZOHNe TV YouTube account ay magsusukli sa amin ng taus-
pusong pasasalamat at pagtitiwala?
Nito lamang kagabi ay ipinaalam namin kay Mr. Bernie Malejana, ang dubbing director ng Eyeshield 21
na kasalukuyang ipinapalabas sa Hero TV na siya ang ibinoto ng karamihan sa matagumpay na Otaku’s
Verdict 2007 bilang Anime Dubbing Director of the Year. Nagulat ako nang matanggap ko ang kanyang
sagot:
Salamat po sa pag bati at salamat po sa mga naniwala sa kakayahan ko bilang isang direktor sa dubbing…
Nakakataba ng puso ang malamang may mga tulad ninyong nagbibigay ng importansiya sa mga tulad
naming di napapansin ng karamihan… Salamat sa Otaku’s Verdict dahil nalaman namin na meron pala
kaming kanya-kanyang mga taga-suporta na nagbigay ng boto samin nung nagdaang Otaku’s Verdict…
Umasa po kayo na lalo naming mamahalin at pagbubutihin ang aming trabaho alang-alang sa inyo na
patuloy na sumusuporta sa mga programang idina-dub namin…
Happy New Year!!! Maging Masagana sana ang taong ito para sa ating lahat!!!
God Bless!!!
Masayang-masaya ako. Masasabi kong kailangang-kailangan talaga ng mga dubbers ang ating suporta.
Kaya lubos ang pasasalamat ni Mr. Malejana sa kanyang natanggap na karangalan, na mula sa boto
ninyong mga Pinoy anime fans.
Samantala, ang ZOHNe TV naman na mapapanood sa YouTube ay ang aming mulitmedia channel na ang
layunin ay makapaghatid ng mga anime balita at impormasyon, maging komentaryo sa mga isyung
2. bumabalot sa industriyang ating ginagalawan. Sa kasamaang palad ay ZOHNe TV Billboard ang aming
maibibigay sa inyo. Pero sisikapin naming maghatid ng serbisyo sa abot ng aming makakaya.
Sa ika-13 edisyon ng ZOHNe TV Billboard ay may nagpost ng video reply sa aming account. Ito ay mula
sa username na “creativisions”. Napag-alaman naming pag-aari ito ng Creativoices Productions, na
pinamumunuan ni Mr. Pocholo Gonzales, ang tinaguriang “Voice Master”. Ang mga animes na Offside at
Ursula’s Kiss ang ilan sa kanilang mga nai-dub nang anime at palabas sa Hero TV.
Sa kanilang video reply, ipinakita ng Creativoices kung paano nila ginagawa ang pagda-dub sa kanilang
mga anime project. Inihalimbawa nila sa naturang video ang Offside.
Ang lalong nagtaba sa aming puso ay nagsubscribe pa sila sa ZOHNe TV, Habang isinusulat ang entry na
ito, ZOHNe TV pa lang ang kanilang subscription.
Agad naman kaming nagpadala ng mensahe pasasalamat sa kanilang pagsagot at pagsubscribe sa amin.
Muli, ang aming pasasalamat kina Mr. Bernie Malejana at kay Mr. Pocholo Gonzales at sa mga bumubuo
ng Creativoices Productions. Makakaasa po kayo na pagbubutihin namin ang aming ginagaw, tulad ng
pagsisikap ninyong mapasaya ang mga Pinoy anime fans na tulad namin.
Source:animekabayanzoh.multiply.com/journal/item/20?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fite
m 2/