4. Roma 12:2
“ Huwag kayong makiayon sa
takbo ng mundong ito. Mag-iba
kayo sa pamamagitan ng pagbabago
ng inyong pag-iisip upang
maunawaan ninyo ang kalooban ng
Diyos; kung ano ang mabuti,
kalugud-lugod at ganap na kalooban
Niya.”
5. Kawikaan 1:33
“ Ngunit ang makinig
sa Akin, mananahan ng
tiwasay, mabubuhay nang
payapa, walang
katatakutan.”
6. Roma 2:5
“ Ngunit sa Katigasan ng
iyong ulo at di pagsisisi, lalo
mong pinapabigat ang parusang
igagawad sa iyo sa araw na iyon,
kung kailan ihahayag ang poot at
makatuwirang paghatol ng
Diyos.”
7. Kawikaan 1:32
“ Katigasan ng ulo
ang papatay sa
mangmang, sa dusa ay
masasadlak sa kawalan ng
kaalaman.”
8. Roma 12:19
“ Mga minamahal,
huwag kayong maghihiganti;
ipaubaya ninyo iyon sa Diyos.
Sapagkat nasusulat, ‘Akin ang
paghihiganti, Ako ang gaganti’,
sabi ng Panginoon.”