1. TALINGHAGA NG MANGHAHASIK
IKALAWANG BAHAGI NG NAKARAANG ARALIN
ARALIN 2.1: BINHING NAHULOG SA BATUHAN
GAWAIN: “ARTS and CRAFT”
Ang ikalawang leksyon sa serye ng apat na aralin tungkol sa talinghaga ng manghahasik ay
makatutulong sa mga bata na matuklasan kung gaano kamangha-mangha ang Salita ng Diyos.
Huwag nating hayaan ang takot at tukso ng sanlibutang ito na makuha ito mula sa atin.Sa
pagkakataong ito, oras na para matutuhan ng mga bata ang pagpapalalim sa kanilang mga puso ang
binhing kanilang natatanggap mula sa Diyos.
PAKSA
Pagpapatibay, Pagpapalalim ng tubo ng binhi, pananampalataya sa Diyos
PANIMULANG GAWAIN
Panalangin
Pag-awit ng “SOW the Word”
MEMORY WORK (Pagbabalik-aral)
MATEO 5:10 “Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng
langit” Ipaliwanag ang kahulugan ng bersikulong kinabisado.
Gawain:
Hatiin ang mga bata sa apat na grupo. (Depende sa kanilang dami)Bigyan ang mga bata ng tig-isang
kopya ng papel at lapis tiyakin na ang sukat ng papel na mapupunta sa bawat bata ay kakasya ang
isang kamay kapag tayo ay nag “trace” ng pattern ng kamay ng bawat isa.
Sa tulong ng guro, babakatin ng bawat isang bata ang kanilang kaliwang kamay (kung sila ay kanan
magsulat) kanang kamay kung sila ay kaliwete. Matapos ito, sa bawat isang daliri, isusulat ng mga
bata ang kanilang mga salitang ibibigay ng guro sa kanila. (Hear, Read, Study, Memorize and
Meditate) Ipaliliwanag ng guro ang kahulugan ng bawat salita at kung paano ito makatutulong sa
pagpapalalim ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Ang bawat salita sa
ay kumakatawan sa bawat bersikulo sa ibaba.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makulayan ang kanilang ginawa gamit ang krayola na
kanilang pagsasalu-saluhang magkakagrupo.
Roma 10:17 (Hear) Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay
bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
Pahayag 1:3a (Read) Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng
propesiya..
2. Gawa 17:11 (Study) Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kaysa mga taga
Tesalonica, sapagka't tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-
araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito
Awit 119:11,13 (Memorize) Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag
akong magkasala laban sa iyo. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga
kahatulan ng iyong bibig
Awit 119:15 (Meditate) Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga
daan.
Kung may oras pa, tumawag ng isang Volunteer na mamimili ng may pinakamagandang gawa mula
sa kaniyang mga kaklase pagkatapos ay papili siya ano sa mga salitang nakasulat ang sa tingin niya
ay kayang-kaya niyag gawin at sisimulan na niyang gawin upang higit na mapalapit sa Diyos sa
pamamagitan ng kanyang mga salita.
PANGWAKAS NA GAWAIN
Merienda
Panalangin