SlideShare a Scribd company logo
1 of 10
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Tinig ng Pag-ibig
By: heavenjaneblue
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na isla at isa sa mga islang ito ay ang Isla Higantes.
Noong unang panahon, sa Isla Higantes ay may isang binatang may lihim na pagtingin sa
isang dalagang nagngangalang Mayumi.
“hanggang tingin ka na lang talaga pare ano?”
Sabi ng kabarkada ni Kaloy sa kanya habang tinitingnan niya mula sa malayo ang babaeng
matagal niya nang minamahal.
“wala naman kasi akong panama kay Delfin pare. Ang laki ng agwat ng buhay namin
ni Mayumi. Mas bagay sila ni Delfin. Parehong may kaya sa buhay”
Nakangiti ngunit malungkot na sagot ni Kaloy.
“wala naman yan sa estado sa buhay Kaloy. Kung mahal mo talaga si Mayumi,
ipaglaban mo siya”
Payo ni Kokoy sa kaibigan.
“kung ipaglalaban ko ba ang pagmamahal ko kay Mayumi, ipaglalaban din ba niya
ako?”
Tanong ni Kaloy kay Kokoy.
“eh, hindi ko alam. Hindi naman kasi yata alam ni Mayumi na mahal mo siya.
Palibhasa kasi hanggang tingin ka lang.”
Sagot ni Kokoy sa kaibigan.
Hindi nakaimik si Kaloy sa tinuran ng kaibigan niya. Palibhasa kasi alam niya na tama
naman ito. Matagal nang may gusto si Kaloy kay Mayumi pero hindi niya masabi dito dahil
nangangamba siya na baka ayawan lang siya ni Mayumi at mapahiya siya.
“pare alam mo ba may paligsahan ng pagkanta mamayang gabi doon sa plaza? Balita
ko sasali daw si Mayumi.”
Pahayag ni Kokoy kay Kaloy.
Napatingin naman si Kaloy sa kaibigan niya.
“totoo?”
Sabik niyang tanong.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Batid sa kanyang mukha ang kasiyahan at kasabikan. Ito ay sa kadahilanang muli niya na
namang masusulyapan ang kanyang minamahal na si Mayumi.
Alasyete y media ng dumating si Kaloy sa plaza para manood sa paligsahan ng pagkanta.
Kaagad niyang hinanap si Mayumi at nakita niyang nasa tabi na ito ng entablado at
naghihintay sa kanyang torno sa pagkanta. Nakipagsiksikan si Kaloy doon sa kumpulan ng
mga tao malapit sa entablado para makita ang pagkanta ni Mayumi.
“kasali pala ang anak ni Don Esteban sa paligsahan?”
Parang gulat na tanong ng isang babae sa katabi niya ng makitang umakyat ng entablado si
Mayumi.
“ay, oo mare. Ang lakas nga ng loob eh.”
Sumbong ng babae sa kasama niya.
“mawalang galang na po, pero wala naman pong masama kung susubukan ni Mayumi
na kumanta di po ba?”
Hindi napigilang sabihin ni Kaloy doon sa dalawang chismosang babae.
Aba’t pinagtsitsismisan ng mga babaeng yun ang Mayumi ng buhay niya. Aminado siyang
hindi kagandahan ang boses ni Mayumi suballit ang pagkanta ang tanging pangarap nito.
Kaya wala silang karapatan para siraan si Mayumi.
Ngiti lang ang isinagot ng dalawang babae sa kanya.
Nagsimula nang kumanta si Mayumi. Umpisa pa lang ng pagkanta niya napangiwi na lahat
ng tao sa plaza. Kahit naman si Kaloy hindi naitago ang pagngiwi sa sobrang tinis at wala sa
tonong pagkanta ni Mayumi.
“Ano ba yan! Ang pangit ng boses mo!”
Sigaw ng isang lalaki di kalayuan sa pwesto ni Kaloy.
“oo nga! umalis ka na lang diyan miss!”
Segunda ng isa.
Napatingin si Kaloy kay Mayumi at kitang kita niya ang mga luhang kumawala sa mga mata
nito. Galit na sinugod niya ang dalawang lalaking uminsulto kay Mayumi. Tinulungan din
siya ni Delfin na noo’y galit din. Bugbog sarado sa kanilang dalawa ang dalawang lalaking
nagpahiya kay Mayumi. Dahil abala sila sa pambubugbog nila dun sa dalawang lalaki, hindi
nila napansin na wala na pala si Mayumi.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
“tumakbo siya papunta doon sa tabing dagat”
Sumbong ng isang batang lalaki ng hinanap na nila ni Delfin si Mayumi.
Kaagad nilang tinungo ang tabing dagat.
Samantala, dahil sa sobrang kahihiyan na natamo niya sa paligsahan, umiiyak na binagtas
ni Mayumi ang tabing dagat. Doon ang takbuhan niya sa tuwing siya ay may problema.
Patuloy lamang siya sa paglakad. Hindi niya alintana ang mga batong kanyang nadadaan.
Kung hindi pa siya nadapa dahil sa malaking bato na napatid niya ay hindi pa siya titigil sa
paglakad. Doon niya lang napagtanto na nasa dulo na pala siya ng isla kung saan ay
mayroong malalaking mga batong nagkukumpulan.
Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Kinabahan si Mayumi. Sabi kasi sa kanila na ang dulo
ng Isla Higantes kung saan yumayakap ang tubig dagat sa mga higanteng bato ay nakatago
ang kaharian ng mga taong dagat. Ang mga taong dagat na ito ay ang mga sirena, syokoy at
undin. Iniiwasan ng mga taga Isla Higantes ang magawi sa bahaging iyun ng isla dahil sa
takot na baka mabiktima ng mga taong dagat na ito.
Kaagad na pinunasan ni Mayumi ang kanyang mga luha at tinangkang bagtasin ang daang
tinahak niya kanina. Subalit may narinig siyang tawag mula sa likod ng mga naglalakihang
bato.
“psssssssst”
Tawag sa kanya.
Nagpalinga-linga naman si Mayumi para hanapin kung sino ang tumawag sa kanya.
“Si Mayumi ka diba?”
Sabi ng isang babae kay Mayumi.
Nasa likuran siya ng isang bato at kalahating katawan niya lamang ang nakikita.
“sino ka? Pano mo nalaman ang pangalan ko?”
Gulat at natatakot na tanong ni Mayumi sa babae.
“wag kang matakot. Ako si Maming. Alam ko kung anong pinagdadaan mo ngayon.
Alam kong dahil iyan sa boses mo.
Saad ng babae.
“paano mo nalaman?”
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Naguguluhang tanong ni Mayumi.
“dinala ng hangin ang hinaing mo sa akin noong isang linggo. Batid kong nais mong
magkaroon ng magandang boses katulad ng namayapa mong ina.”
Tugon ng babae sa kanya.
Nang marinig ni Mayumi ang tungkol sa kanyang ina ay hindi niya napigilang umiyak muli.
Ang kanyang ina ay kilala sa Isla Higantes bilang isang magaling na mang-aawit kaya nga
nabihag nito ang puso ng kanyang ama. Subalit, kahit isang dampi yata ng kagandahan ng
boses ay hindi niya namana sa kanyang butihing ina.
At noong isang linggo nga ay hindi niya napigilang hilingin na sana ay magkaroon siya ng
magandang boses. Handa siyang gawin lahat para lang magkaroon ng magandang boses at
nang sa gayun ay ipagmalaki naman siya ng kanyang ama.
“batid kong nais mong magkaroon ng magandang boses Mayumi.”
Saad ng babae.
“Oo!”
Sabik na sagot ni Mayumi.
“kaya kong ibigay sa iyo ang iyong kahilingan. Subalit may kapalit ito”
Tugon ng babae sa kanya.
“ano?”
Tanong ni Mayumi.
“sa ngayon hindi ko pa alam kung anong kapalit ng kahilingan mo. Pero kaya kong
ibigay sayo ngayon ang magandang boses na pinakakaasam mo”
Dahil desidido si Mayumi na magkaroon ng maganda boses ay isinawalang bahala niya na
lang ang kapalit ng kanyang kahilingan.
“sige, bigyan mo ako ngayon ng magandang boses at kahit ano pang kapalit na hingin
mo ay ibibigay ko”
Sabik at siguradong sagot ni Mayumi kay Maming.
“kung gayun ay matutupad ang iyong kahilingan”
Saad ni Maming at ang kasunod nun ay ang pag-awit niya ng isang awitin na banyaga sa
pandinig ni Mayumi.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Nang mga oras na yun unti-unting naramdaman ni Mayumi na para siyang sinasakal.
Parang ginagapos ang kanyang leeg. At dahil doon ay unti-unti siyang nawalang ng malay.
“simula ngayon kasingganda na nang iyong ina ang boses mo Mayumi”
Nakangiting saad ng babae kay Mayumi bago siya tuluyang mawalan ng malay.
Nagising si Mayumi sa kanyang kwarto. Kaagad siyang bumangon at tiningnan ang sarili sa
salamin.
“panaginip lang ba ang lahat? Totoo bang maganda na ang boses ko?”
Tanong ni Mayumi sa repleksiyon niya sa salamin.
Ibinuka niya ang kanyang bibig para kumanta ng isang awitin. At sa unang nota palang na
kanyang kinanta, batid niyang hindi nga panaginip ang lahat. Totoong maganda na nga ang
kanyang boses!
Hindi masukat ang ligayang nadarama ni Mayumi ng mga oras na yun. Sa wakas,
maipagmamalaki na din siya ng kanyang ama!
Sa bahay nina Kaloy ay hindi pa din siya mapakali dahil wala pa din siyang balita sa
kalagayan ni Mayumi. Silang dalawa ni Delfin ang nakakita kay Mayumi sa dulo ng Isla ng
nakaraang gabi. Masaya siyang nahanap nila si Mayumi subalit hindi niya maalis sa sarili
ang kabang kagabi pa bumabagabag sa kanya.
“Oy Kaloy, alam mo ba na kalat sa buong isla ngayon na gumanda ang boses ni
Mayumi. Kasing ganda na ng boses niya ang boses ng kanyang yumaong ina”
Balita kay Kaloy ng tiyahin niya.
“totoo po tiyay?”
Panigurado ni Kaloy.
“oo naman. Tanungin mo pa ang iba”
Sagot ng tiyahin ni Kaloy sa kanya.
Dali-dali namang tinungo ni Kaloy ang tabing dagat. Kalimitan kasi doon nagtitipon-tipon
ang mga tao kapag mayroong balita sa Isla nila.
“oo, talagang gumanda ang boses ni senyora Mayumi. Narinig kong hinandugan niya
ng isang awitin ang kanyang amang si Don Esteban kaninang umaga.”
Balita ni Paeng. Isang trabahador sa hacienda ng mga Alarcon.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
“nagulat nga si Don Esteban sa pagganda ng boses ng anak niya. Akala namin noong
una ay si Donya Clarita ang umaawit dahil sa mala-anghel na boses niya”
Segunda ni Paco na nagtatrabaho din sa hacienda.
Hindi napigilang mapaisip ni Kaloy sa nangyari sa kanyang mahal na si Mayumi.
Nararamdaman niyang mayroong hindi tama sa mga pangyayari at kinakabahan siya sa
pwedeng mangyari.
Makalipas ang ilang mga araw, bawat tao sa Isla Higantes ay nasaksihan at narinig ang
mala-anghel na boses ni Mayumi. Lahat ng nakarinig ay humanga sa kanya. Muling
sinalihan ni Mayumi ang lahat ng paligsahan sa pagkanta sa buong Isla Higantes at siya ay
hinirang na panalo sa bawat paligsahan na iyon. Naging tanyag ang kanyang pangalan sa
bawat sulok ng Isla Higantes. Sa mga araw ng kanyang kasikatan ay nandoon lamang si
Kaloy na lihim na sumusuporta sa kanya. Ang kasiyahan ni Mayumi ay kasiyahan na din
niya. Hindi baleng hindi siya ang kasama ni Mayumi sa mga tagumpay niya basta’t makita
lamang niya ang mga ngiting nakapagkit sa labi ni Mayumi ay ayos na siya doon. Dahil sa
katanyagan ni Mayumi sa isla nila ay mayroong taga-Maynila na umalok sa kanya na
dadalhin at pasisikatin siya sa Maynila. Kaagad naman itong tinanggap ni Mayumi dahil ito
ang matagal na niyang pangarap.
Sa araw ng kanyang pag-alis patungong Maynila ay napagdesisyunan ni Mayumi na muling
bumalik doon sa dulo ng isla.
“nais ko pong magpasalamat ulit sa inyo dahil sa magandang boses na ibinigay niyo
sakin”
Saad ni Mayumi ng makaharap niya si Maming.
“walang anuman Mayumi.Subalit ngayon ay kukunin ko na ang kapalit ng iyong
kahilingan.”
Sagot ni Maming.
“ano po iyon? Sabihin niyo lang po at ibibigay ko sa inyo”
Nakangiting saad ni Mayumi.
“ang kapalit ng magandang boses na ibinigay ko sa iyo ay.............ang iyong mga paa”
Tila nabingi si Mayumi sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni
Maming. Naliwanagan lamang siya sa nais ipahiwatig nito ng lumabas ito sa likod ng bato.
Isang babaeng may kalahating katawan ng tao at kalahating katawan ng isda ang
tumambad sa harapan niya ng tuluyan ng lumabas sa likod ng bato si Maming.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Ilang minutong hindi nakaimik si Mayumi. Gimbal na nakatingin lamang siya sa taong-isda
na nasa harapan niya. Totoo nga ang sabi-sabi sa dulo ng Isla Higantes. Totoong may mga
SIRENA!
“totoo nga kami Mayumi. Isa lamang ako sa mga nakatagong nilalang sa dagat. Tulad
mo may kagustuhan din ako. Matagal ko nang nais na makatapak sa lupang ibabaw.
Makisalamuha sa mga taong katulad mo na may paa at malayang nakakalakad sa
lupa. Kaya nga ang hinihingi kong kapalit sa magandang boses na ibinigay ko sayo ay
ang mga paa mo”
Pahayag ni Maming.
“pero..pero..luluwas ako nang Maynila ngayon. Doon mas lalong sisikat ako. Mas
magiging tanyag ako at mas madaming hahanga sa akin. Hindi mo maaring kunin ang
mga paa ko”
Natatarantang saad ni Mayumi.
“subalit nangako ka Mayumi. Nangako ka na kahit anong hingin kong kapalit ay
ibibigay mo.”
Sagot ni Maming.
“oo nangako ako. Pero wag lang po ang mga paa ko. Lahat ng tao matatakot sa akin
kapag ginawa mong buntot ang mga paa ko. Walang hahanga sa akin imbes
pandidirihan nila ako o katatakutan.”
Pagmamakaawa ni Mayumi.
“buo na ang aking desisyon Mayumi. Ang pagkakaroon ng mga paa ang tanging hiling
ko simula pa noon kaya hindi na mababali ang aking desisyon. Ang iyong mga paa
ang kapalit ng magandang boses na binigay ko sayo”
Matatag na sagot ni Maming.
Isang lalaki na nakatayo sa likuran ni Mayumi ang nakita ni Maming. Hindi ito nakagalaw at
parang estatwa lamang na nakatayo doon.
“o di kaya ang lalaking nagmamahal sayo.”
Dugtong ni Maming.
Biglang napatingin sa kanya si Delfin. Ngumiti si Maming. Hindi mawari kung anong
tumatakbo sa kanyang isipan.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
Napatingin si Mayumi kay Maming. Nakita niyang nakangiti ito pero hindi sa kanya
nakatingin. Sinundan niya ang mga tingin ni Maming at doon niya lang napansin ang
presensiya ni delfin sa kanyang likuran.
“Delfin.”
Ang tanging nasambit niya.
Tiningnan siya ni Delfin subalit kaagad itong umiwas ng tingin.
“hindi ko na hihinging kapalit ang paa mo Mayumi kung ang lalaking nagmamahal
sayo ay sasama sa akin sa aming kaharian at magiging kasintahan ng anak ko”
Sabad ni Maming.
“hindi! Ayoko! Patawad Mayumi. Mahal kita subalit hindi ko kaya ang kanyang
kahilingan. Patawad.”
At pagkasabi noon ay tumakbo na palayo si Delfin.
Naiwang nakatunganga si Mayumi at hindi alam kong anong mararamdaman. Maiinis ba
siya o magagalit dahil sa kaduwagan ni Delfin o matatawa siya dahil sa katangahan niyang
mahalin ang lalaking hindi pala siya kayang ipaglaban? Ngunit hindi niya naman masisisi si
Delfin kung tumanggi ito. Buhay na niya ang nakasalalay sa kahilingan ni Maming.
“paano ba yan Mayumi, sa tingin ko ay ang unang kahilingan ko ang tanging
matutupad mo dahil tumanggi ang kasintahan mo sa kagustuhan ko.”
Pahayag ni Maming.
Hindi nakaimik si Mayumi.
“handa ka na bang mawalan ng mga paa Mayumi?”
Tanong ni Maming.
Walang sagot mula kay Mayumi. Masyado siyang ukupado ng isiping hindi na siya sisikat pa
at wala ng pag-asang makikilala siya ng maraming tao.
“sandali!”
Isang pagtutol ang kanilang narinig.
“sandali lang. Wag mong kunin ang mga paa ni Mayumi. Hayaan mo siyang
makaluwas ng Maynila at abutin ang kanyang pangarap. Handa akong sumama sa iyo
kapalit ng mga paa ni Mayumi.”
Matatag na saad ni Kaloy kay Maming.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
“sigurado ka ba sa iyong desisyon binata?”
Tanong ni Maming.
“oo. Para sa babaeng minamahal ko handa akong ipagpalit ang buhay ko dito sa
lupa.”
Puno ng pagmamahal na saad ni Kaloy habang nakatingin kay Mayumi.
Hindi namalayan ni Mayumi na umiiyak na pala siya. Nilapitan siya ni Kaloy at masuyong
pinahid ang mga luhang nagbabagtasan sa kanyang pisngi.
“wag kang umiyak Mayumi. Gusto kong malaman mo na matagal na kitang
minamahal. Hindi ko lang masabi sayo dahil sa takot ko na baka ako’y iyong iwasan o
kaya’y hindi mo ako matanggap dahil ako’y isang maralita lamang. Minahal kita sa
kung sino ka. Sabihin man nila na pangit ang boses mo, para sa akin ang tinig mo pa
din ang nais kong marinig sa buong buhay ko. Hindi masukat ang kasiyahan ko nang
malaman kong unti-unti mo nang naaabot ang pangarap mo. Kaya ngayon, hindi ko
hahayaang mawala na lang bigla lahat ng mga iyon sayo. Sa paraang ito man lang,
sana mapadama at mapabatid ko sa iyo ang aking pagmamahal.”
Pag-amin ni Kaloy kay Mayumi at masuyong hinalikan ito sa kanyang noo.
“kung gayun tayo’y may kasunduan. Hindi ko na hihinging kapalit ang mga paa mo
Mayumi. Halika na binata at sabik akong ipakilala ka sa aking anak.”
Saad ni Maming.
“teka lang. Hindi ba pwedeng bawiin mo na lang ang magandang boses na ibinigay
mo sa akin Maming? Wag mo lang kunin si Kaloy”
Pagmamakaawa ni Mayumi.
“hindi ko na mababawi ang bagay na naibigay ko na. Pero bakit nasabi mo yan
Mayumi?”
Tanong ni Maming kay Mayumi.
“dahil....dahil mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sakin.”
Umiiyak na inamin ni Mayumi ang matagal na niyang nararamdaman kay Kaloy.
“oo Kaloy. Matagal na din kitang minamahal. Pero pakiwari ko noo’y hindi mo naman
ako mahal kaya’t tinanggap ko ang alok ni Delfin na maging kasintahan niya at
umasa ako na dadating ang panahon na ang pagmamahal ko sayo ay maibabaling ko
din sa kanya. Pero nagkamali ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko.”
Dagdag ni Mayumi.
Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue
“shhhh. Tahan na Mayumi. Masaya akong malaman na ako’y mahal mo din. Kung
nasabi lang sana natin sa isa’t-isa ng mas maaga sanay hindi naging ganito ang
sitwasyon. Basta’t tandaan mo lang Mayumi na mahal na mahal kita.”
At tuluyan na din lumuha si Kaloy.
Masakit sa kanya na iwan ang babaeng minamahal niya lalo na’t alam niyang mahal din siya
nito. Subalit kailangang may magsakripisyo sa kanilang dalawa at handa siyang
magsakripisyo.
“tama ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Kung sana Kaloy naging matapang ka
lamang para ipaglaban ang nararamdaman mo kay Mayumi edi sana masaya na
kayong dalawa ngayon. At ikaw naman Mayumi, kung sana ay naging kuntento ka
lamang sa kung anong meron ka, sana ay hindi tayo umabot sa usapang
pinagkasunduan natin. Alam mo bang nasayo na ang lahat? Marangyang buhay,
mapagmahal na ama at magandang mukha subalit handa kang ipagpalit lahat ng mga
ito para sa isang magandang boses lang. Ngayon, pati ang lalaking minamahal mo ay
mawawala sayo.”
Pahayag ni Maming.
“alam ko pong nagkamali ako. Hindi po ako naging kuntento sa kung anong meron
ako. Naging bulag ako sa mga bagay na nasa sakin na at mas umasam pa po ako nang
sobra pa. Nagsisisi na po ako. Sana po wag niyo nang kunin si Kaloy sakin.”
Puno ng pagsisising saad ni Mayumi sa sirenang si Maming.
Pinagmasdang mabuti ni Maming ang dalawang mortal na nagmamahalan sa kanyang
harapan. Napangiti siya sa kanya nakita.
“batid kong mahal niyo ang isa’t –isa at nadarama ko na ika’y nagsisisi na nga ng
tuluyan sa iyong inasal Mayumi. Kaya’t napagdesisyunan kong hayaan na lang
kayong dalawa. Sana’y maging masaya kayong dalawa ni Kaloy at sana’y magsilbing
aral ang nangyaring ito sa inyo dalawa.....Sa muli nating pagkikita.”
Nakangiting saad ni Maming at tuluyan nang lumusong sa karagatan.
At naging masaya sa piling ng isa’t-isa sina Kaloy at Mayumi.
“Walang taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nagsisisi. Pero ang mas
mahalaga....Lahat tayo ay natuto sa kamaliang nagawa natin.”

More Related Content

What's hot

Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
GinoongVerRamos
 
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
Eduardo Barretto Sr ES
 
Ang mga batas sa pilipinas
Ang mga batas sa pilipinasAng mga batas sa pilipinas
Ang mga batas sa pilipinas
Alice Bernardo
 

What's hot (20)

Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
Ap 7 q1-module-4_implikasyon-ng-llikas-na-yaman-ng-asya-reformatted (1)
 
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatidAng magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
Ang magandang daigdig ng ating mga katutubong kapatid
 
Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)Kuwentong bayan (alamat at epiko)
Kuwentong bayan (alamat at epiko)
 
Pangkat etniko at kulturang asyano
Pangkat etniko at kulturang asyano Pangkat etniko at kulturang asyano
Pangkat etniko at kulturang asyano
 
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
Mga Pangkalusugang Gawi ng Nagbibinata at Nagdadalaga - EPP 6
 
Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)
 
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
 
Dcs maynila
Dcs maynilaDcs maynila
Dcs maynila
 
Dionosio S. Salazar
Dionosio S. SalazarDionosio S. Salazar
Dionosio S. Salazar
 
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3   pangkat etnoliggwistikoAralin bilang 3   pangkat etnoliggwistiko
Aralin bilang 3 pangkat etnoliggwistiko
 
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptxAng Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptx
 
Sistemang Caste
Sistemang CasteSistemang Caste
Sistemang Caste
 
MGA ESPESYAL NA GUHIT SA GLOBO
MGA ESPESYAL NA GUHIT SA GLOBOMGA ESPESYAL NA GUHIT SA GLOBO
MGA ESPESYAL NA GUHIT SA GLOBO
 
Aralin 16
Aralin 16Aralin 16
Aralin 16
 
Ang kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagongAng kuneho at ang pagong
Ang kuneho at ang pagong
 
Pe gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Pe gr. 1 teacher's guide (q1&2)Pe gr. 1 teacher's guide (q1&2)
Pe gr. 1 teacher's guide (q1&2)
 
Vegetation cover ng asya
Vegetation cover ng asyaVegetation cover ng asya
Vegetation cover ng asya
 
Ang mga batas sa pilipinas
Ang mga batas sa pilipinasAng mga batas sa pilipinas
Ang mga batas sa pilipinas
 
Tipo ng Klima sa Pilipinas
Tipo ng Klima sa PilipinasTipo ng Klima sa Pilipinas
Tipo ng Klima sa Pilipinas
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 

Tinig ng Pag-ibig (Short Story)

  • 1. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Tinig ng Pag-ibig By: heavenjaneblue Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na isla at isa sa mga islang ito ay ang Isla Higantes. Noong unang panahon, sa Isla Higantes ay may isang binatang may lihim na pagtingin sa isang dalagang nagngangalang Mayumi. “hanggang tingin ka na lang talaga pare ano?” Sabi ng kabarkada ni Kaloy sa kanya habang tinitingnan niya mula sa malayo ang babaeng matagal niya nang minamahal. “wala naman kasi akong panama kay Delfin pare. Ang laki ng agwat ng buhay namin ni Mayumi. Mas bagay sila ni Delfin. Parehong may kaya sa buhay” Nakangiti ngunit malungkot na sagot ni Kaloy. “wala naman yan sa estado sa buhay Kaloy. Kung mahal mo talaga si Mayumi, ipaglaban mo siya” Payo ni Kokoy sa kaibigan. “kung ipaglalaban ko ba ang pagmamahal ko kay Mayumi, ipaglalaban din ba niya ako?” Tanong ni Kaloy kay Kokoy. “eh, hindi ko alam. Hindi naman kasi yata alam ni Mayumi na mahal mo siya. Palibhasa kasi hanggang tingin ka lang.” Sagot ni Kokoy sa kaibigan. Hindi nakaimik si Kaloy sa tinuran ng kaibigan niya. Palibhasa kasi alam niya na tama naman ito. Matagal nang may gusto si Kaloy kay Mayumi pero hindi niya masabi dito dahil nangangamba siya na baka ayawan lang siya ni Mayumi at mapahiya siya. “pare alam mo ba may paligsahan ng pagkanta mamayang gabi doon sa plaza? Balita ko sasali daw si Mayumi.” Pahayag ni Kokoy kay Kaloy. Napatingin naman si Kaloy sa kaibigan niya. “totoo?” Sabik niyang tanong.
  • 2. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Batid sa kanyang mukha ang kasiyahan at kasabikan. Ito ay sa kadahilanang muli niya na namang masusulyapan ang kanyang minamahal na si Mayumi. Alasyete y media ng dumating si Kaloy sa plaza para manood sa paligsahan ng pagkanta. Kaagad niyang hinanap si Mayumi at nakita niyang nasa tabi na ito ng entablado at naghihintay sa kanyang torno sa pagkanta. Nakipagsiksikan si Kaloy doon sa kumpulan ng mga tao malapit sa entablado para makita ang pagkanta ni Mayumi. “kasali pala ang anak ni Don Esteban sa paligsahan?” Parang gulat na tanong ng isang babae sa katabi niya ng makitang umakyat ng entablado si Mayumi. “ay, oo mare. Ang lakas nga ng loob eh.” Sumbong ng babae sa kasama niya. “mawalang galang na po, pero wala naman pong masama kung susubukan ni Mayumi na kumanta di po ba?” Hindi napigilang sabihin ni Kaloy doon sa dalawang chismosang babae. Aba’t pinagtsitsismisan ng mga babaeng yun ang Mayumi ng buhay niya. Aminado siyang hindi kagandahan ang boses ni Mayumi suballit ang pagkanta ang tanging pangarap nito. Kaya wala silang karapatan para siraan si Mayumi. Ngiti lang ang isinagot ng dalawang babae sa kanya. Nagsimula nang kumanta si Mayumi. Umpisa pa lang ng pagkanta niya napangiwi na lahat ng tao sa plaza. Kahit naman si Kaloy hindi naitago ang pagngiwi sa sobrang tinis at wala sa tonong pagkanta ni Mayumi. “Ano ba yan! Ang pangit ng boses mo!” Sigaw ng isang lalaki di kalayuan sa pwesto ni Kaloy. “oo nga! umalis ka na lang diyan miss!” Segunda ng isa. Napatingin si Kaloy kay Mayumi at kitang kita niya ang mga luhang kumawala sa mga mata nito. Galit na sinugod niya ang dalawang lalaking uminsulto kay Mayumi. Tinulungan din siya ni Delfin na noo’y galit din. Bugbog sarado sa kanilang dalawa ang dalawang lalaking nagpahiya kay Mayumi. Dahil abala sila sa pambubugbog nila dun sa dalawang lalaki, hindi nila napansin na wala na pala si Mayumi.
  • 3. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue “tumakbo siya papunta doon sa tabing dagat” Sumbong ng isang batang lalaki ng hinanap na nila ni Delfin si Mayumi. Kaagad nilang tinungo ang tabing dagat. Samantala, dahil sa sobrang kahihiyan na natamo niya sa paligsahan, umiiyak na binagtas ni Mayumi ang tabing dagat. Doon ang takbuhan niya sa tuwing siya ay may problema. Patuloy lamang siya sa paglakad. Hindi niya alintana ang mga batong kanyang nadadaan. Kung hindi pa siya nadapa dahil sa malaking bato na napatid niya ay hindi pa siya titigil sa paglakad. Doon niya lang napagtanto na nasa dulo na pala siya ng isla kung saan ay mayroong malalaking mga batong nagkukumpulan. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Kinabahan si Mayumi. Sabi kasi sa kanila na ang dulo ng Isla Higantes kung saan yumayakap ang tubig dagat sa mga higanteng bato ay nakatago ang kaharian ng mga taong dagat. Ang mga taong dagat na ito ay ang mga sirena, syokoy at undin. Iniiwasan ng mga taga Isla Higantes ang magawi sa bahaging iyun ng isla dahil sa takot na baka mabiktima ng mga taong dagat na ito. Kaagad na pinunasan ni Mayumi ang kanyang mga luha at tinangkang bagtasin ang daang tinahak niya kanina. Subalit may narinig siyang tawag mula sa likod ng mga naglalakihang bato. “psssssssst” Tawag sa kanya. Nagpalinga-linga naman si Mayumi para hanapin kung sino ang tumawag sa kanya. “Si Mayumi ka diba?” Sabi ng isang babae kay Mayumi. Nasa likuran siya ng isang bato at kalahating katawan niya lamang ang nakikita. “sino ka? Pano mo nalaman ang pangalan ko?” Gulat at natatakot na tanong ni Mayumi sa babae. “wag kang matakot. Ako si Maming. Alam ko kung anong pinagdadaan mo ngayon. Alam kong dahil iyan sa boses mo. Saad ng babae. “paano mo nalaman?”
  • 4. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Naguguluhang tanong ni Mayumi. “dinala ng hangin ang hinaing mo sa akin noong isang linggo. Batid kong nais mong magkaroon ng magandang boses katulad ng namayapa mong ina.” Tugon ng babae sa kanya. Nang marinig ni Mayumi ang tungkol sa kanyang ina ay hindi niya napigilang umiyak muli. Ang kanyang ina ay kilala sa Isla Higantes bilang isang magaling na mang-aawit kaya nga nabihag nito ang puso ng kanyang ama. Subalit, kahit isang dampi yata ng kagandahan ng boses ay hindi niya namana sa kanyang butihing ina. At noong isang linggo nga ay hindi niya napigilang hilingin na sana ay magkaroon siya ng magandang boses. Handa siyang gawin lahat para lang magkaroon ng magandang boses at nang sa gayun ay ipagmalaki naman siya ng kanyang ama. “batid kong nais mong magkaroon ng magandang boses Mayumi.” Saad ng babae. “Oo!” Sabik na sagot ni Mayumi. “kaya kong ibigay sa iyo ang iyong kahilingan. Subalit may kapalit ito” Tugon ng babae sa kanya. “ano?” Tanong ni Mayumi. “sa ngayon hindi ko pa alam kung anong kapalit ng kahilingan mo. Pero kaya kong ibigay sayo ngayon ang magandang boses na pinakakaasam mo” Dahil desidido si Mayumi na magkaroon ng maganda boses ay isinawalang bahala niya na lang ang kapalit ng kanyang kahilingan. “sige, bigyan mo ako ngayon ng magandang boses at kahit ano pang kapalit na hingin mo ay ibibigay ko” Sabik at siguradong sagot ni Mayumi kay Maming. “kung gayun ay matutupad ang iyong kahilingan” Saad ni Maming at ang kasunod nun ay ang pag-awit niya ng isang awitin na banyaga sa pandinig ni Mayumi.
  • 5. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Nang mga oras na yun unti-unting naramdaman ni Mayumi na para siyang sinasakal. Parang ginagapos ang kanyang leeg. At dahil doon ay unti-unti siyang nawalang ng malay. “simula ngayon kasingganda na nang iyong ina ang boses mo Mayumi” Nakangiting saad ng babae kay Mayumi bago siya tuluyang mawalan ng malay. Nagising si Mayumi sa kanyang kwarto. Kaagad siyang bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin. “panaginip lang ba ang lahat? Totoo bang maganda na ang boses ko?” Tanong ni Mayumi sa repleksiyon niya sa salamin. Ibinuka niya ang kanyang bibig para kumanta ng isang awitin. At sa unang nota palang na kanyang kinanta, batid niyang hindi nga panaginip ang lahat. Totoong maganda na nga ang kanyang boses! Hindi masukat ang ligayang nadarama ni Mayumi ng mga oras na yun. Sa wakas, maipagmamalaki na din siya ng kanyang ama! Sa bahay nina Kaloy ay hindi pa din siya mapakali dahil wala pa din siyang balita sa kalagayan ni Mayumi. Silang dalawa ni Delfin ang nakakita kay Mayumi sa dulo ng Isla ng nakaraang gabi. Masaya siyang nahanap nila si Mayumi subalit hindi niya maalis sa sarili ang kabang kagabi pa bumabagabag sa kanya. “Oy Kaloy, alam mo ba na kalat sa buong isla ngayon na gumanda ang boses ni Mayumi. Kasing ganda na ng boses niya ang boses ng kanyang yumaong ina” Balita kay Kaloy ng tiyahin niya. “totoo po tiyay?” Panigurado ni Kaloy. “oo naman. Tanungin mo pa ang iba” Sagot ng tiyahin ni Kaloy sa kanya. Dali-dali namang tinungo ni Kaloy ang tabing dagat. Kalimitan kasi doon nagtitipon-tipon ang mga tao kapag mayroong balita sa Isla nila. “oo, talagang gumanda ang boses ni senyora Mayumi. Narinig kong hinandugan niya ng isang awitin ang kanyang amang si Don Esteban kaninang umaga.” Balita ni Paeng. Isang trabahador sa hacienda ng mga Alarcon.
  • 6. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue “nagulat nga si Don Esteban sa pagganda ng boses ng anak niya. Akala namin noong una ay si Donya Clarita ang umaawit dahil sa mala-anghel na boses niya” Segunda ni Paco na nagtatrabaho din sa hacienda. Hindi napigilang mapaisip ni Kaloy sa nangyari sa kanyang mahal na si Mayumi. Nararamdaman niyang mayroong hindi tama sa mga pangyayari at kinakabahan siya sa pwedeng mangyari. Makalipas ang ilang mga araw, bawat tao sa Isla Higantes ay nasaksihan at narinig ang mala-anghel na boses ni Mayumi. Lahat ng nakarinig ay humanga sa kanya. Muling sinalihan ni Mayumi ang lahat ng paligsahan sa pagkanta sa buong Isla Higantes at siya ay hinirang na panalo sa bawat paligsahan na iyon. Naging tanyag ang kanyang pangalan sa bawat sulok ng Isla Higantes. Sa mga araw ng kanyang kasikatan ay nandoon lamang si Kaloy na lihim na sumusuporta sa kanya. Ang kasiyahan ni Mayumi ay kasiyahan na din niya. Hindi baleng hindi siya ang kasama ni Mayumi sa mga tagumpay niya basta’t makita lamang niya ang mga ngiting nakapagkit sa labi ni Mayumi ay ayos na siya doon. Dahil sa katanyagan ni Mayumi sa isla nila ay mayroong taga-Maynila na umalok sa kanya na dadalhin at pasisikatin siya sa Maynila. Kaagad naman itong tinanggap ni Mayumi dahil ito ang matagal na niyang pangarap. Sa araw ng kanyang pag-alis patungong Maynila ay napagdesisyunan ni Mayumi na muling bumalik doon sa dulo ng isla. “nais ko pong magpasalamat ulit sa inyo dahil sa magandang boses na ibinigay niyo sakin” Saad ni Mayumi ng makaharap niya si Maming. “walang anuman Mayumi.Subalit ngayon ay kukunin ko na ang kapalit ng iyong kahilingan.” Sagot ni Maming. “ano po iyon? Sabihin niyo lang po at ibibigay ko sa inyo” Nakangiting saad ni Mayumi. “ang kapalit ng magandang boses na ibinigay ko sa iyo ay.............ang iyong mga paa” Tila nabingi si Mayumi sa kanyang narinig. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Maming. Naliwanagan lamang siya sa nais ipahiwatig nito ng lumabas ito sa likod ng bato. Isang babaeng may kalahating katawan ng tao at kalahating katawan ng isda ang tumambad sa harapan niya ng tuluyan ng lumabas sa likod ng bato si Maming.
  • 7. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Ilang minutong hindi nakaimik si Mayumi. Gimbal na nakatingin lamang siya sa taong-isda na nasa harapan niya. Totoo nga ang sabi-sabi sa dulo ng Isla Higantes. Totoong may mga SIRENA! “totoo nga kami Mayumi. Isa lamang ako sa mga nakatagong nilalang sa dagat. Tulad mo may kagustuhan din ako. Matagal ko nang nais na makatapak sa lupang ibabaw. Makisalamuha sa mga taong katulad mo na may paa at malayang nakakalakad sa lupa. Kaya nga ang hinihingi kong kapalit sa magandang boses na ibinigay ko sayo ay ang mga paa mo” Pahayag ni Maming. “pero..pero..luluwas ako nang Maynila ngayon. Doon mas lalong sisikat ako. Mas magiging tanyag ako at mas madaming hahanga sa akin. Hindi mo maaring kunin ang mga paa ko” Natatarantang saad ni Mayumi. “subalit nangako ka Mayumi. Nangako ka na kahit anong hingin kong kapalit ay ibibigay mo.” Sagot ni Maming. “oo nangako ako. Pero wag lang po ang mga paa ko. Lahat ng tao matatakot sa akin kapag ginawa mong buntot ang mga paa ko. Walang hahanga sa akin imbes pandidirihan nila ako o katatakutan.” Pagmamakaawa ni Mayumi. “buo na ang aking desisyon Mayumi. Ang pagkakaroon ng mga paa ang tanging hiling ko simula pa noon kaya hindi na mababali ang aking desisyon. Ang iyong mga paa ang kapalit ng magandang boses na binigay ko sayo” Matatag na sagot ni Maming. Isang lalaki na nakatayo sa likuran ni Mayumi ang nakita ni Maming. Hindi ito nakagalaw at parang estatwa lamang na nakatayo doon. “o di kaya ang lalaking nagmamahal sayo.” Dugtong ni Maming. Biglang napatingin sa kanya si Delfin. Ngumiti si Maming. Hindi mawari kung anong tumatakbo sa kanyang isipan.
  • 8. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue Napatingin si Mayumi kay Maming. Nakita niyang nakangiti ito pero hindi sa kanya nakatingin. Sinundan niya ang mga tingin ni Maming at doon niya lang napansin ang presensiya ni delfin sa kanyang likuran. “Delfin.” Ang tanging nasambit niya. Tiningnan siya ni Delfin subalit kaagad itong umiwas ng tingin. “hindi ko na hihinging kapalit ang paa mo Mayumi kung ang lalaking nagmamahal sayo ay sasama sa akin sa aming kaharian at magiging kasintahan ng anak ko” Sabad ni Maming. “hindi! Ayoko! Patawad Mayumi. Mahal kita subalit hindi ko kaya ang kanyang kahilingan. Patawad.” At pagkasabi noon ay tumakbo na palayo si Delfin. Naiwang nakatunganga si Mayumi at hindi alam kong anong mararamdaman. Maiinis ba siya o magagalit dahil sa kaduwagan ni Delfin o matatawa siya dahil sa katangahan niyang mahalin ang lalaking hindi pala siya kayang ipaglaban? Ngunit hindi niya naman masisisi si Delfin kung tumanggi ito. Buhay na niya ang nakasalalay sa kahilingan ni Maming. “paano ba yan Mayumi, sa tingin ko ay ang unang kahilingan ko ang tanging matutupad mo dahil tumanggi ang kasintahan mo sa kagustuhan ko.” Pahayag ni Maming. Hindi nakaimik si Mayumi. “handa ka na bang mawalan ng mga paa Mayumi?” Tanong ni Maming. Walang sagot mula kay Mayumi. Masyado siyang ukupado ng isiping hindi na siya sisikat pa at wala ng pag-asang makikilala siya ng maraming tao. “sandali!” Isang pagtutol ang kanilang narinig. “sandali lang. Wag mong kunin ang mga paa ni Mayumi. Hayaan mo siyang makaluwas ng Maynila at abutin ang kanyang pangarap. Handa akong sumama sa iyo kapalit ng mga paa ni Mayumi.” Matatag na saad ni Kaloy kay Maming.
  • 9. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue “sigurado ka ba sa iyong desisyon binata?” Tanong ni Maming. “oo. Para sa babaeng minamahal ko handa akong ipagpalit ang buhay ko dito sa lupa.” Puno ng pagmamahal na saad ni Kaloy habang nakatingin kay Mayumi. Hindi namalayan ni Mayumi na umiiyak na pala siya. Nilapitan siya ni Kaloy at masuyong pinahid ang mga luhang nagbabagtasan sa kanyang pisngi. “wag kang umiyak Mayumi. Gusto kong malaman mo na matagal na kitang minamahal. Hindi ko lang masabi sayo dahil sa takot ko na baka ako’y iyong iwasan o kaya’y hindi mo ako matanggap dahil ako’y isang maralita lamang. Minahal kita sa kung sino ka. Sabihin man nila na pangit ang boses mo, para sa akin ang tinig mo pa din ang nais kong marinig sa buong buhay ko. Hindi masukat ang kasiyahan ko nang malaman kong unti-unti mo nang naaabot ang pangarap mo. Kaya ngayon, hindi ko hahayaang mawala na lang bigla lahat ng mga iyon sayo. Sa paraang ito man lang, sana mapadama at mapabatid ko sa iyo ang aking pagmamahal.” Pag-amin ni Kaloy kay Mayumi at masuyong hinalikan ito sa kanyang noo. “kung gayun tayo’y may kasunduan. Hindi ko na hihinging kapalit ang mga paa mo Mayumi. Halika na binata at sabik akong ipakilala ka sa aking anak.” Saad ni Maming. “teka lang. Hindi ba pwedeng bawiin mo na lang ang magandang boses na ibinigay mo sa akin Maming? Wag mo lang kunin si Kaloy” Pagmamakaawa ni Mayumi. “hindi ko na mababawi ang bagay na naibigay ko na. Pero bakit nasabi mo yan Mayumi?” Tanong ni Maming kay Mayumi. “dahil....dahil mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sakin.” Umiiyak na inamin ni Mayumi ang matagal na niyang nararamdaman kay Kaloy. “oo Kaloy. Matagal na din kitang minamahal. Pero pakiwari ko noo’y hindi mo naman ako mahal kaya’t tinanggap ko ang alok ni Delfin na maging kasintahan niya at umasa ako na dadating ang panahon na ang pagmamahal ko sayo ay maibabaling ko din sa kanya. Pero nagkamali ako dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko.” Dagdag ni Mayumi.
  • 10. Tinig ng Pag-ibig heavenjaneblue “shhhh. Tahan na Mayumi. Masaya akong malaman na ako’y mahal mo din. Kung nasabi lang sana natin sa isa’t-isa ng mas maaga sanay hindi naging ganito ang sitwasyon. Basta’t tandaan mo lang Mayumi na mahal na mahal kita.” At tuluyan na din lumuha si Kaloy. Masakit sa kanya na iwan ang babaeng minamahal niya lalo na’t alam niyang mahal din siya nito. Subalit kailangang may magsakripisyo sa kanilang dalawa at handa siyang magsakripisyo. “tama ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Kung sana Kaloy naging matapang ka lamang para ipaglaban ang nararamdaman mo kay Mayumi edi sana masaya na kayong dalawa ngayon. At ikaw naman Mayumi, kung sana ay naging kuntento ka lamang sa kung anong meron ka, sana ay hindi tayo umabot sa usapang pinagkasunduan natin. Alam mo bang nasayo na ang lahat? Marangyang buhay, mapagmahal na ama at magandang mukha subalit handa kang ipagpalit lahat ng mga ito para sa isang magandang boses lang. Ngayon, pati ang lalaking minamahal mo ay mawawala sayo.” Pahayag ni Maming. “alam ko pong nagkamali ako. Hindi po ako naging kuntento sa kung anong meron ako. Naging bulag ako sa mga bagay na nasa sakin na at mas umasam pa po ako nang sobra pa. Nagsisisi na po ako. Sana po wag niyo nang kunin si Kaloy sakin.” Puno ng pagsisising saad ni Mayumi sa sirenang si Maming. Pinagmasdang mabuti ni Maming ang dalawang mortal na nagmamahalan sa kanyang harapan. Napangiti siya sa kanya nakita. “batid kong mahal niyo ang isa’t –isa at nadarama ko na ika’y nagsisisi na nga ng tuluyan sa iyong inasal Mayumi. Kaya’t napagdesisyunan kong hayaan na lang kayong dalawa. Sana’y maging masaya kayong dalawa ni Kaloy at sana’y magsilbing aral ang nangyaring ito sa inyo dalawa.....Sa muli nating pagkikita.” Nakangiting saad ni Maming at tuluyan nang lumusong sa karagatan. At naging masaya sa piling ng isa’t-isa sina Kaloy at Mayumi. “Walang taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali. Lahat tayo nagsisisi. Pero ang mas mahalaga....Lahat tayo ay natuto sa kamaliang nagawa natin.”