LIMITLESS 03 - THE FRUIT OF THE HOLY SPIRIT - PTR. VETTY GUTIERREZ - 4PM AFTE...
I AM AFFLICTED - PTR. ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
1.
2.
3. EFESO 3:1-13
1 Dahil dito, akong si Pablo ay naging
bilanggo para kay Cristo Jesus alang-
alang sa inyong mga Hentil. 2 Marahil ay
nabalitaan na ninyo na dahil sa
kagandahang-loob ng Diyos ay
pinagkatiwalaan Niya ako ng tungkuling
ito para sa inyong ikabubuti.
4. EFESO 3:1-13
3 Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag
sa akin ng Diyos ang Kanyang hiwaga. 4
At habang binabasa ninyo ito, malalaman
ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa
hiwaga tungkol kay Cristo.
5. EFESO 3:1-13
5 Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao
noong mga nakaraang panahon, ngunit
inihayag ngayon ng Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu, sa Kanyang
mga banal na apostol at mga propeta.
6. EFESO 3:1-13
6 At ito ang lihim: sa pamamagitan ng
Magandang Balita, ang mga Hentil ay
may bahagi rin sa mga pagpapala ng
Diyos tulad ng mga Judio; kabilang din
sila sa iisang katawan at may bahagi sa
pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus.
7. EFESO 3:1-13
7 Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako'y
ginawa Niyang lingkod upang ipangaral
ang Magandang Balita. Ang tungkuling
ito'y ibinigay Niya sa akin sa
pamamagitan ng Kanyang
kapangyarihan.
8. EFESO 3:1-13
8 Ako ang pinakahamak sa lahat ng
mga pinili ng Diyos. Gayunma'y
minarapat Niyang ipagkaloob sa akin ang
natatanging karapatan na ito, ang
mangaral ng Magandang Balita sa mga
Hentil tungkol sa di-masukat na
kayamanan ni Cristo,
9. EFESO 3:1-13
9 at magpaliwanag sa lahat kung
paano isasagawa ng Diyos ang Kanyang
lihim na plano. Sa mga nakaraang
panahon ay inilihim ito ng Diyos na
lumikha ng lahat ng bagay.
10. EFESO 3:1-13
10 Ginawa Niya ito upang sa
pamamagitan ng iglesya ay maipakilala
ngayon sa mga pinuno at mga
maykapangyarihan sa sangkalangitan
ang walang hanggang karunungan ng
Diyos na nahahayag sa iba't ibang
paraan.
11. EFESO 3:1-13
11 Ito'y alinsunod sa Kanyang layunin
bago pa man likhain ang sanlibutan.
Tinupad Niya ang layuning ito sa
pamamagitan ni Cristo Jesus na ating
Panginoon. 12 Dahil sa ating pakikipag-
isa at pananalig sa Kanya, makakalapit
tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at
panatag ang loob.
12. EFESO 3:1-13
13 Kaya't hinihiling ko sa inyo na huwag
kayong panghihinaan ng loob dahil sa
mga kahirapang tinitiis ko alang-alang sa
inyo, sapagkat ito'y para sa inyong
ikararangal.
13. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
How do the poorest of the poor in
Metro Manila manage to survive?
Recently, InterAksyon.com talked to
one of them - Rosalinda Garcia –a
street sweeper in Barangay 20,
Tondo, Manila.
Garcia, a widow, lives with her
young daughter in a barely 2x2-
square meter room in one of the
depressed communities in Parola
Compound. Their house has no
source of water, electricity, and
toilet.
14. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
Garcia says she and her daughter,
who have no formal schooling, don't
know how to read or write and can't
always eat three square meals a
day. "Natutulog na lang kami ng
maaga, para di na makaramdam ng
gutom [We just sleep early so that
we don't feel the hunger pains
anymore].“
15. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
INTERAKSYON (IA): Ano po ang
natapos ninyo?
GARCIA: Hindi ako nakapag-aral
kahit Grade One.
IA: Ilang taon na po kayo?
GARCIA: Kwarenta... Singkwenta...
Hindi ako sigurado eh.
IA: May birth certificate po ba kayo?
GARCIA: Wala.
16. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Nasaan po ang asawa ninyo?
GARCIA: Patay na. Matagal na. Napag-
tripan ng mga adik sa Pier 2, pinalo nang
pinalo sa binti. Hindi na nakatayo. Tapos
nagkaroon ng diabetes.
IA: May anak po ba kayo?
GARCIA: Oo, etong kasama ko, si Jennifer.
IA: Ilang taon na po si Jennifer?
IA: Kahit kailan po hindi nakapag-aral? Kahit
Grade One?
17. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Onse... katorse... Di rin ako
sigurado.
IA: Wala rin po siyang birth certificate?
GARCIA: Wala, di ko naparehistro.
IA: Nag-aaral po ba siya?
GARCIA: Hindi.
IA: Kahit kailan po hindi nakapag-aral? Kahit
Grade One?
18. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Hindi.
IA: Ano po ang trabaho ninyo?
GARCIA: Nagwawalis ng kalsada
IA: Ilang oras po ang trabaho ninyo?
GARCIA: Mga lima.
IA: Anong oras kayo nagsisimulang
magwalis?
GARCIA: Alas kwatro (ng madaling araw).
19. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Anong oras natatapos?
GARCIA: Mga alas nuwebe (ng umaga).
IA: Magkano po ang kita ninyo?
GARCIA: Dalawang libo.
IA: Kada buwan?
GARCIA: Kada tatlong buwan.
IA: Sino po ang nagpapasweldo sa inyo?
GARCIA: Ang barangay.
20. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Ano po ang kadalasang almusal ninyo?
GARCIA: Monay at kape.
IA: Magkano po ang gastos ninyo sa
almusal sa isang araw?
GARCIA: Trenta pesos.
IA: Sa tanghalian po, ano ang kadalasang
kinakain?
GARCIA: Pakbet na gulay o kaya tuyo.
IA: Magkano po ang nagagastos sa ulam?
21. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Mga kinse (pesos)
IA: Niluluto po ninyo ang ulam o binibili?
GARCIA: Binibili, luto na.
IA: Paano po ang bigas?
GARCIA: 'Yung Iglesia ni Cristo ang
nagbibigay sa amin. Tatlong kilong bigas
kada Lunes.
IA: Tatlong kilong bigas sa isang linggo
kasya na?
22. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Di kasya. Mga apat o limang araw
lang nagtatagal ang bigas.
IA: Eh Paano po pag wala nang bigas?
GARCIA: Tinapay na lang, o minsan wala.
23. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Ang bigas po ba ninyo kayo ang
nagsasaing?
GARCIA: Hindi, nakikisaing na lang sa
kapitbahay. Wala akong gamit sa pagluluto.
IA: Nakakain po ba kayo palagi ng tatlong
beses isang araw?
GARCIA: Siguro... mga tatlo o apat na araw
lang tatlong beses ang kain sa isang linggo.
IA: Doon po sa mga araw na di kayo
kumakain ng tatlong beses, ilang beses na
lang po kayo kumakain?
24. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Dalawa o isang beses na lang.
IA: Ano po kinakain ninyo sa mga natirang
araw na di ninyo nakukumpleto ang pagkain
ng tatlong beses isang araw?
GARCIA: Tinapay na lang. Pag may natirang
kanin o may nagbigay ng kanin, toyo ang
ulam.
25. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Magkano po ang kadalasang budget
ninyo sa pagbili ng toyo sa isang linggo?
GARCIA: Apat na piso.
IA: Pag nagugutom po at wala nang makain,
ano po ang ginagawa ninyo?
GARCIA: Wala. Natutulog na lang kami ng
maaga para 'di makaramdam ng gutom.
26. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Wala po kayong gripo sa bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo kumukuha ng tubig?
GARCIA: Umiigib sa kapitbahay.
IA: Libre po 'yon?
GARCIA: Hindi, may bayad. Piso isang
galon.
27. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Sa isang linggo, ilang galon po ang
binibili ninyo?
GARCIA: Dalawa.
IA: Ilang beses po kayong naliligo sa isang
linggo?
GARCIA: Dalawang beses.
IA: Si Jennifer po?
GARCIA: Dalawa rin, sabay kaming maligo.
28. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Nagsha-shampoo po kayo?
GARCIA: Minsan, pag may pambili.
IA: Eh pag wala?
GARCIA: Sabon na lang.
IA: Ano pong sabon?
GARCIA: Kadalasan 'yung sabong panlaba,
'yon na rin panligo.
29. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Ano po ang sabong panlaba ninyo?
GARCIA: Champion.
IA: Ilang beses po kayong maglaba sa isang
linggo?
GARCIA: Isa.
IA: Magkano nagagastos ninyo sa pagbili ng
Champion sa isang linggo?
30. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Sampu (piso).
IA: May CR po kayo?
GARCIA: Wala.
IA: Saan po kayo dumudumi?
GARCIA: Sa plastic o kaya sa damit na di na
ginagamit.
IA: Saan n'yo po tinatapon ang dumi ninyo?
31. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Sa basurahan o kaya sa imburnal.
IA: Saan po kayo umiihi?
GARCIA: Sa arinola.
IA: Saan po ninyo tinatapon ang ihi ninyo?
GARCIA: Sa imburnal din.
32. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Ano po ang ginagamit niyo na panlinis ng
tenga?
GARCIA: Palito ng posporo.
IA: Nireregla pa po ba kayo?
GARCIA: Hindi na.
IA: Kailan pa po kayo huling nagkaregala?
33. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Matagal na... di ko na matandaan.
IA: Noong nireregla pa po kayo, nakakabali
po kayo ng menstrual pad o napkin?
GARCIA: Pag may pambili. Pag wala,
pasador na lang. 'Yung tela o kaya lumang
damit na di na ginagamit.
34. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: May sapatos po ba kayo?
GARCIA: Wala. Step-in lang.
IA: Ilang buo o maayos pa pong panty
meron kayo?
GARCIA: Dalawa.
35. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
IA: Anu-ano po ba ang gamit ninyo sa
bahay?
GARCIA: Wala.
IA: Wala? Kahit kutsara?
GARCIA: Ah meron - kutsara, tinidor,
pinggan.
IA: Ano pa?
36. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Kumot, unan, hanger.
IA: Ano pa po?
GARCIA: Wala na.
IA: Kung magkapera po kayo pambili ng
pagkain, ano po ang gusto ninyong kainin?
37. PAANO BA MAGING
SOBRANG HIRAP?
GARCIA: Gusto kong kumain ng baboy.
'Yung adobo. Matagal na akong di nakakain
no'n.
IA: Ano po ang nararamdaman niyo kapag
sobra kayong nagugutom?
GARCIA: Sumasakit ang ulo ko. Masakit
ang tiyan... maasim ang sikmura.
58. EFESO 3:1-6
1 Dahil dito, akong si Pablo ay naging
bilanggo para kay Cristo Jesus alang-
alang sa inyong mga Hentil. 2 Marahil ay
nabalitaan na ninyo na dahil sa
kagandahang-loob ng Diyos ay
pinagkatiwalaan Niya ako ng tungkuling
ito para sa inyong ikabubuti.
59. EFESO 3:1-6
3 Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag
sa akin ng Diyos ang Kanyang hiwaga. 4
At habang binabasa ninyo ito, malalaman
ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa
hiwaga tungkol kay Cristo.
60. EFESO 3:1-6
5 Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao
noong mga nakaraang panahon, ngunit
inihayag ngayon ng Diyos sa
pamamagitan ng Espiritu, sa Kanyang
mga banal na apostol at mga propeta.
61. EFESO 3:1-6
6 At ito ang lihim: sa pamamagitan ng
Magandang Balita, ang mga Hentil ay
may bahagi rin sa mga pagpapala ng
Diyos tulad ng mga Judio; kabilang din
sila sa iisang katawan at may bahagi sa
pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus.
62. Kadalasan kung tayo’y naghihirap
natutuon ang ating paningin sa ating
sarili lamang at nakakalimutan nating
naghihirap din ang iba.
64. Ang pagkakakulong ni Pablo para
makakilala ang mga hindi
mananampalataya kay Hesus at
upang magbigay ng magandang
patotoo tungkol sa kabutihan Niya.
65. Nag-iba ang ibig sabihin ng paghihirap
ni Pablo at natuon ito sa
pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.
66. Ang tanong sa atin, sa ating
paghihirap, papaano tayo nagiging
daan upang makilala si Hesus?
67. Ano ang pinagdaanan mo? Ano ang
pinagdadaanan mo? Ano ang itinuturo
sa iyo ng Diyos? Paano mo ito
magagamit sa tama at hindi
masayang?
68. Pinili ni Hesus na pumasok sa mundo
nating puno ng paghihirap, pagdurusa,
pagpapasakit at kalungkutan at ang
lahat ng ito’y Kanyang
napagtagumpayan sa krus.
69. Kung ikaw ay nagdanas ng matinding
paghihirap, ikaw ay magagamit ng
Diyos para maging pagpapala sa iba.
71. EFESO 3:7-9
7 Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako'y
ginawa Niyang lingkod upang ipangaral
ang Magandang Balita. Ang tungkuling
ito'y ibinigay Niya sa akin sa
pamamagitan ng Kanyang
kapangyarihan.
72. EFESO 3:7-9
8 Ako ang pinakahamak sa lahat ng
mga pinili ng Diyos. Gayunma'y
minarapat Niyang ipagkaloob sa akin ang
natatanging karapatan na ito, ang
mangaral ng Magandang Balita sa mga
Hentil tungkol sa di-masukat na
kayamanan ni Cristo,
73. EFESO 3:7-9
9 at magpaliwanag sa lahat kung
paano isasagawa ng Diyos ang Kanyang
lihim na plano. Sa mga nakaraang
panahon ay inilihim ito ng Diyos na
lumikha ng lahat ng bagay.
74. Si Pablo ay nakakulong pero siya ay
naglilingkod pa rin at lumalago pa sa
pananampalataya sa Panginoon.
75. Makikita kay Pablo ang kababaang-
loob, paglilingkod at paglago niya kahit
siya ay nakakulong.
76. Ang dahilan ng ating paglalim sa
relasyon natin sa Diyos ay upang
maging pagpapala tayo sa ating
kapwa.
77. Hinahayaan tayo ng Diyos na dumaan
sa matitinding pagsubok o paghihirap
upang makilala natin Siya ng lubos at
maging kapahayagan ito ng Kanyang
kadakilaan.
79. EFESO 3:10-13
10 Ginawa Niya ito upang sa
pamamagitan ng iglesya ay maipakilala
ngayon sa mga pinuno at mga
maykapangyarihan sa sangkalangitan
ang walang hanggang karunungan ng
Diyos na nahahayag sa iba't ibang
paraan.
80. EFESO 3:10-13
11 Ito'y alinsunod sa Kanyang layunin
bago pa man likhain ang sanlibutan.
Tinupad Niya ang layuning ito sa
pamamagitan ni Cristo Jesus na ating
Panginoon. 12 Dahil sa ating pakikipag-
isa at pananalig sa Kanya, makakalapit
tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at
panatag ang loob.
81. EFESO 3:10-13
13 Kaya't hinihiling ko sa inyo na huwag
kayong panghihinaan ng loob dahil sa
mga kahirapang tinitiis ko alang-alang sa
inyo, sapagkat ito'y para sa inyong
ikararangal.