Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Si ino ang batang mabait (1) lalalaalaalal
1. 1. Si Ino ang batang mabait, matalino at maagap. Lahat ng tao sa kanilang bayan ay
kinatutuwaan siya.
2. Isang araw sa kanilang paaralan nagpagawa ng proyekto ang kanilang guro tungkol sa
mga suliranin natin sa ating kapaligiran at ito’y ipapasa sa darating na Biyernes
3. Sinimulan niya agad ang kanyang proyekto pagkauwing pagkauwi niya sa kanilang
tahanan para matapos itong maaga. Nagpaalam siya sa kanyang ina naaalis lang ng
sandal upang maghanap ng magandang tema para sa kanyang proyekto.
4. Habang naglalakad nakita niya ang isa niyang kamag-aral na si Buboy na masayang
naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan. Agad niya itong nilapitan at binati “Hi!
Buboy di mo pa ba sisimulan ang ating proyekto? Sa darating na biyernes na iyon
ipapasa”.-Ino , sumagot si Buboy “ah! Hindi ko pa iyon sisimulan Ino sa Biyernes pa
naman iyon eh! Baka bukas ko nalang sisimulan, Lunes pa lang naman eh”. “Ah! Ganun
ba”sagot ni Ino “Sige magpapaalam na ako Buboy kasi sisimulan ko na yung akin. Sige
bye”paalam ni Ino kay Buboy.
5. Nang makarating si Ino sa lugar na pupuntahan niya agad niya sinimulan ang kanyang
proyekto pinili niya ay ang problema sa basura na ang tema: Valenzuela may Disiplina.
6. Halos makalahati na niya ang kanyang proyekto at ang kulang na lamang ay ang mga
panayam sa opisyal sa kanilang barangay para Ito’y matapos na.
7. Kinabukasan, ipinagpatuloy ni Ino ang paggawa ng kanyang proyekto, agad siyang
nagtungo sa kanilang barangay office at nagkalap ng impormasyon sa kanilang kapitan
tungkol sa problema nila sa basura at mga hakbang upang masulusyunan ito.
8. Pagkatapos ng kanyang panayam napagdesisyunan niyang umuwi at ipagpatuloy ang
paggawa ng kanilang proyekto.Sa kanilang tahanan itinala na ni Ino ang mga
impormasyon na kanyang nakalap upang matapos na ito at makagawa na ng gawaing
bahay at makapaglaro.
9. Araw ng huwebes at masayang masaya na si Ino dahil tapos na niya ang kanyang
proyekto at dadalhin na lamang niya ito kinabukasan para ipasa sa kanilang guro.Tapos
narin niya ang mga gawaing bahay at pinayagan nasiya ng kanyang ina na makapaglaro
na.
10. Habang naglalaro siya sa kanilang bakuran nakita niya si Buboy napalakad-lakad at
parang malalim ang iniisip .Agad niya itong nilapitan at tinanong,”Oh Buboy ang lalim
yata ng iniisip mo ah?”sumagot si Buboy,”oo nga Ino di ko pa rin nagagawa yung
proyekto natin eh wala akong maisip na magandang tema kasi halos lahat nagawa nang
mga kaklase natin.”Bakit ngayon mo lang gagawin huwebes na ngayon ah.”sagot ni
Ino.Nahiyang sumagot siBuboy dahil nawala ito sa isip niya nag paalam nalang siya at
gagawa na daw siya nito.
11. Kinabukasan,biyernes agadkinolekta ng kanilang guro ang proyekto.Hindi nakapagpasa
ng proyekto si Buboy dahil hindi niya natapos ang proyekto nakakuha tuloy ito ng
mababang marka at si Ino naman ay mataas na marka para rito.ipinapakita na daig ng
taong maagap ang masipag.