3. NEHEMIAS 1:1-11
1 Ito ang kasaysayan ng mga
nagawa ni Nehemias na anak ni
Hacalias. Noon ay ikasiyam na
buwan, ng ikadalawampung
taon ng paghahari ni
Artaxerxes. Akong si Nehemias
ay nasa Lunsod ng Susa, ang
kabiserang lunsod,
4. NEHEMIAS 1:1-11
2 nang dumating ang kapatid
kong si Hanani, kasama ang
isang pangkat ng mga lalaki
mula sa Juda. Kinumusta ko
sila tungkol sa Jerusalem at sa
mga Judiong nagbalik sa Juda
mula sa pagkabihag sa
Babilonia.
5. NEHEMIAS 1:1-11
3 Sumagot sila, "Kawawa naman
sila roon. Hinahamak at nilalait
ng mga dayuhang nakatira
malapit doon." Sinabi nila na
wasak pa ang mga pader ng
Jerusalem at ang mga pintuan
ng lunsod ay hindi pa nagagawa
mula nang sunugin iyon.
6. NEHEMIAS 1:1-11
4 Nang marinig ko ito, naupo
ako at napaiyak. Ilang araw
akong nagdalamhati at
nag-ayuno. Nanalangin ako ng
ganito sa Diyos ng kalangitan.
7. NEHEMIAS 1:1-11
5 "O Yahweh, Diyos ng kalangitan,
kayo ay dakila at nanginginig kami sa
takot sa inyong presensya. Matapat
ninyong tinutupad ang inyong tipan at
wagas na pag-ibig sa mga nagmamahal
sa inyo at tumutupad ng inyong mga
utos.
8. NEHEMIAS 1:1-11
6 Pagmasdan ninyo ako at pakinggan
ang aking panalangin. Nananalangin ako
sa inyo araw at gabi para sa bayang Israel
na inyong lingkod. Inaamin ko pong
nagkasala kami sa inyo, ako at ang aking
mga ninuno.
9. NEHEMIAS 1:1-11
7 Napakabigat ng aming kasalanan sa
inyo! Hindi namin sinunod ang inyong
Kautusan. Nilabag namin ang mga
tuntuning ibinigay ninyo sa amin sa
pamamagitan ng inyong lingkod na si
Moises.
10. NEHEMIAS 1:1-11
8 Sinabi ninyo kay Moises, 'Kung
kayong mga Israelita ay tatalikod sa akin,
ikakalat ko kayo sa iba't ibang mga
bansa. 9 Subalit kung manunumbalik
kayo at tutupad sa aking mga utos,
mapadpad man kayo sa
pinakamalalayong lugar, titipunin ko
kayong muli sa lupaing aking pinili
upang sambahin ako roon.'
11. NEHEMIAS 1:1-11
10 Sila ang inyong mga lingkod at ang
inyong bayan na tinubos sa
pamamagitan ng inyong dakilang
kapangyarihan at lakas. 11 O
Panginoon, pakinggan ninyo ang
panalangin ko, at ng iba pang lingkod
ninyo na nagnanais magparangal sa inyo.
Pagtagumpayin po ninyo ako ngayon at
loobin po ninyong kahabagan ako ng
hari."
24. NEHEMIAS 2:3-5
3 Natakot ako kaya sinabi ko
sa hari, "Nawa'y ingatan kayo
ng Diyos, habang panahon!
Nalulungkot po ako sapagkat
ang lunsod na pinaglibingan
sa aking mga ninuno ay
wasak at ang mga pintuan
niyon ay natupok ng apoy."
25. NEHEMIAS 2:3-5
4 "Ano ngayon ang nais mo?"
tanong ng hari. Nanalangin
ako sa Diyos ng kalangitan,
at pagkatapos,
26. NEHEMIAS 2:3-5
5 sinabi ko sa hari, "Kung
pahihintulutan po ninyo ako,
Kamahalan, nais kong umuwi
sa Juda, upang itayong muli
ang lunsod na pinaglibingan
sa aking mga ninuno."