2. “At sinasabi ko sa inyo, na ang
bawa't salitang walang kabuluhang
sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila
sa araw ng paghuhukom.”
3. 16 Nang magkagayo'y silang
nangatatakot sa Panginoon ay
nagsangusapan: at pinakinggan ng
Panginoon, at dininig, at isang aklat
ng alaala ay nasulat sa harap
niya, para sa kanila na nangatakot sa
Panginoon, at gumunita ng kaniyang
pangalan.
4. 17 At sila'y magiging akin, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, sa araw na
aking gawin, sa makatuwid baga'y
isang tanging kayamanan; at akin
silang kaaawaan, na gaya ng isang
tao na naaawa sa kaniyang anak na
naglilingkod sa kaniya.
5. 18 Kung magkagayo'y
manunumbalik kayo at makikilala
ninyo ang matuwid at ang
masama, yaong naglilingkod sa Dios
at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.
6. 14 Inyong sinabi, Walang kabuluhan
ang maglingkod sa Dios; at anong
kapakinabangan nito na ating
iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y
nagsilakad na may pananangis sa
harap ng Panginoon ng mga hukbo?
7. 15 At ngayo'y ating tinatawag ang
palalo na mapalad, oo, silang
nagsisigawa ng kasamaan ay
nangagtayo; oo, kanilang tinutukso
ang Dios, at tumatakas.
8. 1 Sapagka't, narito, ang araw ay
dumarating, na nagniningas na parang
hurno; at ang lahat na palalo, at ang lahat
na nagsisigawa ng kasamaan ay magiging
parang dayami, at ang araw na
dumarating ay susunog sa kanila, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, na anopa't hindi
magiiwan sa kanila ng kahit ugat ni sanga
man.
9. 2 Nguni't sa inyo na nangatatakot sa
aking pangalan ay sisikat ang araw ng
katuwiran na may kagalingan sa
kaniyang mga pakpak; at kayo'y
magsisilabas, at magsisiluksong
parang guya mula sa silungan.
10. 3 At inyong yayapakan ang
masasama; sapagka't sila'y magiging
abo sa ilalim ng mga talampakan ng
inyong mga paa sa kaarawan na aking
gawin, sabi ng Panginoon ng mga
hukbo.
11. “Maglagay ka ng bantay, Oh
Panginoon, sa harap ng aking bibig;
ingatan mo ang pintuan ng aking mga
labi.”
12. “Iyong isinasaysay ang aking mga
paggagala: ilagay mo ang aking mga
luha sa iyong botelya; wala ba sila sa
iyong aklat?”
13. 18 Datapuwa't ang mga bagay na
lumalabas sa bibig ay sa puso
nanggagaling; at siyang
nangakakahawa sa tao.
14. 19 Sapagka't sa puso nanggagaling
ang masasamang pagiisip, mga
pagpatay, mga
pangangalunya, pakikiapid, mga
pagnanakaw, mga pagsaksi sa di
katotohanan, mga pamumusong:
15. 29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at
dumating si Esau na galing sa
parang, at siya'y nanglalambot:
16. 30 At sinabi ni Esau kay
Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na
pakanin mo ako niyaong mapulang
lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot:
kaya't tinawag ang pangalan niya na
Edom.
17. 31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo
muna sa akin ang iyong
pagkapanganay.
18. 32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y
namamatay: at saan ko
mapapakinabangan ang
pagkapanganay?
19. 33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo
muna sa akin; at isinumpa niya sa
kaniya: at kaniyang ipinagbili ang
kaniyang pagkapanganay kay Jacob.
20. 34 At binigyan ni Jacob si Esau ng
tinapay at nilutong lentehas; at siya'y
kumain, at uminom, at bumangon at
yumaon: gayon niwalang halaga ni
Esau ang kaniyang pagkapanganay.
21. 34 Nang marinig ni Esau ang mga
salita ng kaniyang ama ay humiyaw
ng malakas at ng di kawasang
kapanglawan: at sinabi sa kaniyang
ama. Basbasan mo ako, ako
naman, Oh ama ko.
22. 35 At kaniyang sinabi, Naparito ang
iyong kapatid sa pamamagitan ng
daya, at kinuha ang basbas sa iyo.
23. 36 At kaniyang sinabi, Hindi ba
matuwid ang pagkatawag sa kaniyang
Jacob? sapagka't kaniyang inagawan
ako nitong makalawa: kaniyang
kinuha ang aking pagkapanganay;
at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas
sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo
ba ako ipinaglaan ng basbas.
24. 37 At sumagot si Isaac, at sinabi kay
Esau. Narito, inilagay ko siyang
panginoon mo, at sa kaniya'y ibinigay
kong lingkod ang lahat niyang mga
kapatid; at sa trigo at sa bagong
alak, ay kinandili ko siya; at sa iyo'y
ano ngang magagawa ko ngayon
anak ko?
25. 38 At sinabi ni Esau sa kaniyang
ama, Wala ka ba, kundi isa lamang
basbas, ama ko? Basbasan mo ako,
ako naman, Oh ama ko. At humiyaw
si Esau at umiyak.
26. 10 Sapagka't tinupad mo ang salita
ng aking pagtitiis, ikaw naman ay
aking iingatan sa panahon ng
pagsubok, na darating sa buong
sanglibutan, upang subukin ang mga
nananahan sa ibabaw ng lupa.
27. 11 Ako'y dumarating na madali:
panghawakan mong matibay ang
nasa iyo, upang huwag kunin ng
sinoman ang iyong putong.