Katuturan ng wika

53,802 views

Published on

3 Comments
9 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
53,802
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
416
Comments
3
Likes
9
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Katuturan ng wika

  1. 1. KATUTURAN NG WIKA
  2. 2. Ano nga bang wika ang ginagamit ko? Ayon sa linggwistang si Edgar Stuvenant, ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao. Samantala, ayon naman kay Archibald A. Hill na sumulat ng “What is Language?”, ang wika ay ang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ganito naman ang tinuran ni Gleason, “Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura”.
  3. 3. Sa ibinigay na katuturan ni Gleason ay maaari nating kuhanin ang katangian at kalikasan ng wika: Ang wika ay may dalawang masistemang balangkas Ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng salita. Gayundin, ang mga salita ay mapagsasama-sama upang makabuo ng mga parirala at pangungusap.
  4. 4.  Ang mga pangungusap ay mapagsasama-sama upang makabuo ng makabuluhang diskurso o pamamahayag. Ang masistemang pagsasama-sama ng mga tunog ay nasa antas ponolohiya at sintaksis. Halimbawa: ang mga makahulugang tunog na / m /, / i /, / s /, /a / ay masistemang mapagsasama-sama tulad sa /mais /, /misa /, /sima/, at /asim/ nang may kahulugang ibinibigay. Gayundin naman mapagsasama ang salitang mais at matamis upang makabuo ng parirala subalit dapat gumamit ng pang-angkop na na upang mabuo ang pariralang matamis na mais o mais na matamis. Ang pangungusap ay karaniwang may balangkas na panaguri na sinusundan ng simuno o paksa tulad ng sa kumain siya ng mais na matamis. Maaari din naman mauna ang paksa sa panaguri tulad ng sa: Siya ay kumain ng matamis na matamis na hindi nababago ang kahulugan ng pangungusap.
  5. 5.  Ang wika ay arbitraryo Nangangahulugang na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit. Isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. Kaya huwag nang pagtakhan kung bakit may mga salitang binibigkas ay tila nakatutuwa o magkaminsan pa nga ay nakakainis sa ibang tao.
  6. 6.  Ang wika ay sinasalitang tunog Maraming tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika sapagkat ang karamihan ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila, babagtingang tinig, ngalangala, at iba pa. Ang wika ay sinasalita at ang pagsulat ay representasyon lamang ng mga tunog na sinasalita. Ang pasulat na wika ay paraan lamang ng pagtatala ng mensaheng ibig ipahayag ng nagsasalita.
  7. 7.  Ang wika ay pantao Naiiba ang wikang pantao sa wikang panghayop. Ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura samantalang ang wikang panghayop ay ginagamit sa sariling lahi. Natututunan ng tao ang wika ng pamayanang kanyang tinitirhan na maaaring hindi ito ang wika ng magulang niya, alalaong baga matututunan ng aso ang pagkahol lamang; ang pusa ay pagngiyaw lamang kahit saan nakatira ang mga ito. Ang wika ng hayop ay walang sistema ng tunog at kahulugan. Hindi ginagamit ng hayop ang wika tulad ng paggamit ng tao sa pag-uusap ng mga nakaraan at mga darating pang pangyayari, pagtatalo sa ilang paksa, pagbibigay ng opinyon at iba pang pamamahayag.
  8. 8.  Ang wika ay komunikasyon Ang wika ay behikulo ng komunikasayon ng dalawang taong nag- uusap. Ginagamit nila ang wika upang ipahayag ang kanilang pangangailangan, damdamin, at ang kanilang iniisip. Ginagamit nila ang wika sa kanilang pakikipag-ugnayan sa lahat ng pagkakataon.
  9. 9. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Ang kultura ng isang sibilisasyon ay makikita sa wikang ipinahahayag ng sibilisasyong yaon. Ang tunay na daigdig ay tinatawag nang walang kamalayan sa mga gawaing pangwika ng pangkat na kinabibilangan. Nakakakita at nakaririnig tayo at nagkakaroon ng mga karanasan sapagkat ang mga ugaling pangwika ng ating pamayanan ay nagtalaga sa ating pumili ng mga interpretasyon. Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao. Sapat ang wika upang magpahayag sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
  10. 10.  Walang wikang higit na superyor kaysa ibang wika dahil ang wikang ginagamit ng mga taong may isang kultura ay may kasapatan sa pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. Ang mga Pilipino, halimbawa ay may sapat na pantawag sa rice tulad ng palay, bigas, malagkit, pinipig, sinaing, sinangag, nilugaw, bahaw, tutong. Dahil ito ang kanilang pangunahing pagkain at marami silang pantawag sa carry tulad ng bitbit, kipkip, sunong, pasan, dala, hawak, pangko, karga dahil sa pangkulturang gawain ng tao.
  11. 11.  Samantala, may pagkakaibang makikita sa pagtingin sa hayop ng mga Kastila at Amerikano. May ilang salitang gamit para sa tao at hayop sa Ingles. Sa Kastila, hiwalay ang gamit para sa tao at hayop. Sa Ingles parehong may “legs” ang hayop at tao. Sa Kastila, ang mga hayop ay may “patas” at ang tao ay may “piernas”. Sa Ingles ang hayop at tao ay may “backs” at “necks”. Sa Kastila ay “espalda” at “cuelleo” ang likod at leeg ng tao, samantala sa hayop ay may “lomo” at “pescuezo”. Sa Ingles, ang hayop at tao ay parehong ginagamitan ng mga salitang “get nervous”, “have hospitals” at “cemeteries”. Sa Kastila wala. Sa Pransiya ang gatas ay may kahulugang “special drink” sa Amerika ito’y karaniwang pagkain at inumin. Sa Kastila may “segunda almuerzo”, sa atin isang almusal lamang.
  12. 12. Mayroon pang ibang katangian ang wika na dapat mabatid ng mag-aaral ng wika upang higit niyang maunawaan ang kanyang sinasabi at binabasa . Ang wika ay malikhain Taglay ng wika ang mga tuntunin na makapagbubuo ng walang hanggang pangungusap, ang katutubong nagsasalita ng wika ay makalilikha ng mga pangungusap na maaaring hindi pa niya kailanman nasasabi, nababasa o naririnig. Nauunawaan niya ang mga ganitong pangungusap dahil nailagay niya sa kanyang utak ang mga tuntunin ng wika. Ang wika ay patuloy na nagbabago Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya gayundin ang wika. Patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang mabago rin ang alpabeto at ang sistema ng palabaybayan.
  13. 13.  Ang wika ay natatangi Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Maaaring sabihin na may wikang magkahawig dahil pare-parehong mayroon ang mga ito ng sistema ng mga tunog, sistema ng pagbubuo ng mga salita at sistema ng pag-uugnay ng mga pangungusap.
  14. 14.  Mabilis ang pag-inog ng mundo sa sarili nitong aksis, ang buhay ng tao ay gayundin patuloy itong sumasabay sa walang habas na pagbabago. Pigilan man natin ay walang tayong magagawa kundi ang tanggapin dahil tanging ang pagtanggap lamang na ito tayo mabubuhay. Ang wika ng tao ay sinasabing pinaka-dakila sa lahat ng imbensyon sa mundo. Mas mahalaga pa sa apoy at gulong na pinagsimulan ng sibilisasyon. Gamit ang wika ay nagagawa ng taong magpahayag ng kanyang nararamdaman at naiisip.
  15. 15.  Nagagawa din niyang maisakatuparan ang kanyang mga balakin at ang kanyang panaginip ay nagiging realidad. Nabasa mo na ba ang 1,000 Leagues under the sea? Naisulat ito ng may-akda bago pa magkaroon ng submarine. Tunay na makapangyarihan ang wika, nagagawa nitong kontrolin, manipulahin at baguhin ang kilos ng tao. Totoo ngang, ang wika ay buhay at daynamiko. Ang buhay ng tao ay walang katiyakan, walang makapagsasabi kung hanggang kailan ito magtatagal subalit isa lang ang tiyak habang gamit natin ang wika ang tao ay mananatiling buhay magpakailanman.

×