Skip to main content
Pag-aaral sa
Kasaysayan at
Lipunang
Pilipino
Strengthened Senior High School
Department of Education
Grade 11 - Core Subject
Kalinangang Ilaya
(Hilaga at Loob ng
Lupain)
Week 3
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
Kilalanin ang
mga Igorot
Session 3
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO 3
Naiuugnay ang mga kultura
at kamalayang
pangkasaysayan sa
sariling konteksto at
karanasan
L a y u n i n
1.Makilala ang mga Igorot bilang isa sa mga
pangkat etniko sa Pilipinas.
2.Mailarawan ang lokasyon, kabuhayan, at kultura
ng mga Igorot.
3.Mapahalagahan ang ambag ng mga Igorot sa
kulturang Pilipino.
N i l a l a m a n :
Kilalanin ang mga Igorot
Pagbabalik-tanaw
1.Ano ang Ilaya?
2.Ano ang pangunahing kabuhayan sa Ilaya?
3.Paano naaapektuhan ng kapaligiran ang
kultura?
Motivational Activity
Sa inyong unang
tingin, ilarawan
ang mga bagay na
ito:
Sino sila?
Motivational Activity
Sino SIla?
Motivational Activity
Sino SIla?
Motivational Activity
Ang mga larawang ito ay
nagpapakita ng buhay at kultura
ng mga Igorot—isa sa mga
kilalang pangkat etniko sa
kabundukan ng Hilagang Luzon.
Sino sila?
Think-Pair-Share:
Kung ikaw ay nakatira sa isang
malamig at mabundok na lugar:
Ano ang maaari mong maging
hanapbuhay?
Ano ang mga tradisyong maaaring
mabuo sa inyong komunidad?
Sino ang mga
Igorot ?
Ang mga Igorot ay
isang pangkat ng mga
katutubong
mamamayan na
naninirahan sa
kabundukan ng
Hilagang Luzon, lalo na
sa rehiyong kilala bilang
Cordillera
Ang salitang “Igorot”
ay nagmula sa
salitang
nangangahulugang
taong bundok o mga
taong naninirahan sa
kabundukan.
Sila ay kabilang sa
mga pinakaunang
pamayanang Pilipino
na nagpanatili ng
kanilang kultura,
tradisyon, at paraan
ng pamumuhay sa
kabila ng pagdating
ng mga dayuhan at
Hindi iisa ang
pangkat ng Igorot.
Binubuo sila ng iba’t
ibang pangkat etniko
tulad ng Ifugao,
Kankanaey, Bontoc,
Ibaloi, Isneg,
Kalinga, at Apayao.
Lokasyon at
Kapaligiran
Matatagpuan ang
mga Igorot sa
matataas at
mabundok na
bahagi ng
Hilagang Luzon.
Ang kanilang tirahan
ay karaniwang nasa
mga lugar na may
malamig na klima,
matatarik na bundok,
makakapal na
kagubatan, at
malalalim na lambak.
Dahil sa ganitong uri
ng kapaligiran, hindi
madali ang
pamumhay sa
kanilang lugar, kaya
kinailangan nilang
maging masipag,
matiyaga, at
mapamaraan.
Ang kabundukan ay
nagsisilbing
proteksiyon sa
kanilang pamayanan
at naging dahilan kung
bakit napanatili nila
ang kanilang
katutubong kultura sa
loob ng mahabang
Ang kanilang
malapit na
ugnayan sa
kalikasan ay
naging sentro ng
kanilang buhay.
Kabuhayan ng mga
Igorot
Ang pagsasaka ang
pangunahing
ikinabubuhay ng mga
Igorot, lalo na ang
pagtatanim ng palay,
gulay, mais, at kamote.
1. Pagsasaka
Isa sa kanilang
pinakatanyag na
ambag ay ang
paggawa ng
hagdan-hagdang
palayan o rice
terraces.
1. Pagsasaka
Ito ay patunay ng
katalinuhan, tiyaga,
at pagkakaisa ng
mga Igorot sa pag-
angkop sa kanilang
kapaligiran!
1. Pagsasaka
Bukod sa pagsasaka,
mahalaga rin ang
pangangaso at
pangangalap bilang
bahagi ng kanilang
pang-araw-araw na
buhay.
2. Pangangaso at
Pangangalap
Nanghuhuli sila ng
mga hayop sa
kagubatan tulad ng
usa, ibon, at baboy-
ramo bilang pagkain.
2. Pangangaso at
Pangangalap
Ang pag-aalaga ng
baboy, manok, at iba
pang hayop ay
mahalaga rin sa
kanilang kabuhayan at
kultura.
3. Pag-aalaga ng Hayop
Ang mga hayop na ito
ay ginagamit hindi
lamang bilang pagkain
kundi bilang bahagi rin
ng mga ritwal at
seremonyang
panrelihiyon.
3. Pag-aalaga ng Hayop
1. Bakit napanatili ng mga Igorot
ang kanilang kultura?
2.Paano nakaimpluwensya ang
kapaligiran sa kanilang paraan ng
pamumuhay?
Sagutin:
Bagama't ang Cabanatuan City ay
isang kapatagan at hindi mabundok
tulad ng Cordillera, paano ninyo
pinahahalagahan ang mga
tradisyon at kultura ng inyong
komunidad?
Sagutin:
Ano ang isang natatanging
katangian ng mga Igorot na nais
mong tularan? Ipaliwanag.
Sagutin: