Skip to main content
Pag-aaral sa
Kasaysayan at
Lipunang
Pilipino
Strengthened Senior High School
Department of Education
Grade 11 - Core Subject
umiiral na
paniniwala at
pananampalataya
ng kalinangang
Pilipino
LINGGO 8
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
Paniniwala sa
Kaluluwa,
Kamatayan, at
Kabilang-Buhay
Session 1
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang umiiral na
paniniwala at
pananampalataya ng
kalinangang Pilipino mula
sa lipunang barangay.
L a y u n i n
1.Maipaliwanag ang paniniwala ng sinaunang
Pilipino sa kaluluwa at kamatayan
2.Matukoy ang iba’t ibang konsepto ng kabilang-
buhay
3.Masuri ang epekto ng mga paniniwalang ito sa
kultura
N i l a l a m an :
Paniniwala sa Kaluluwa, Kamatayan, at
Kabilang-Buhay
Pagbabalik-tanaw
1.Ano ang konsepto ng ginhawa bilang life
force?
2.Ano ang kaugnayan ng ginhawa sa kalusugan?
3.Paano ipinapakita ng paniniwala ang kultura
ng sinaunang Pilipino?
Motivational Activity
“Ano ang mangyayari
pagkatapos ng
kamatayan?”
MAGINHAWA BA?
Motivational Activity
Pare-pareho ba ang paniniwala
ng lahat? Bakit nagkakaiba?
MAGINHAWA BA?
Paniniwala sa
Kaluluwa at
Kabilang-Buhay
Naniniwala ang
sinaunang Pilipino
na ang tao ay may
kaluluwa na
nagpapatuloy kahit
matapos ang
kamatayan. Ito ang
nagbibigay-buhay sa
katawan.
Ang tao ay hindi
lamang binubuo
ng pisikal na
katawan kundi
mayroon ding
espirituwal na
bahagi na
tinatawag na
Ang kaluluwang
ito ang
pinaniniwalaang
nagbibigay-
buhay sa tao at
nagpapatuloy
kahit matapos
ang kamatayan.
Paniniwala sa
Kaluluwa
Naniniwala ang
mga sinaunang
Pilipino na ang
bawat tao ay
may kaluluwa na
siyang
nagbibigay ng
buhay, lakas, at
Habang ang tao
ay nabubuhay,
ang kaluluwa ay
nananatili sa
katawan at
nagbibigay ng
sigla at
kamalayan.
Kapag ang isang
tao ay namatay,
pinaniniwalaang
ang katawan ay
nawawala ngunit
ang kaluluwa ay
hindi
namamatay.
Ang
paniniwalang ito
ang naging
dahilan kung
bakit malaki ang
paggalang nila
sa buhay at sa
mga yumao.
Konsepto ng
Kamatayan
Para sa mga
sinaunang
Pilipino, ang
kamatayan ay
hindi katapusan
kundi bahagi ng
natural na siklo
ng buhay.
Ito ay isang
paglipat mula sa
mundong pisikal
patungo sa
espirituwal na
mundo.
Ipinapakita nito
na para sa kanila,
ang buhay at
kamatayan ay
magkaugnay at
parehong
mahalagang
bahagi ng pag-
iral ng tao.
Kabilang-Buhay
Naniniwala ang
mga sinaunang
Pilipino na may
kabilang-buhay o
lugar na
pinupuntahan ng
kaluluwa
pagkatapos ng
kamatayan.
1. Mundo ng mga
Espiritu
May paniniwala sila
sa isang mundong
tinitirhan ng mga
espiritu kung saan
nagpapatuloy ang
kaluluwa
pagkatapos ng
2. Tirahan ng mga
Ninuno
Sa maraming
pamayanan,
pinaniniwalaan na ang
mga ninuno ay may
sariling tirahan sa
kabilang-buhay kung
saan sila ay
nagpapatuloy bilang
tagapagbantay ng
3. Iba’t Ibang Antas
ng Pag-iral
May ilang paniniwala
rin na ang kabilang-
buhay ay may iba’t
ibang antas depende
sa naging buhay ng
tao.
3. Iba’t Ibang Antas
ng Pag-iral
Maaaring may lugar
para sa mabubuti, para
sa matatapang, o para
sa mga hindi naging
maayos ang
pamumuhay.
3. Iba’t Ibang Antas
ng Pag-iral
Halimbawa, may
paniniwala na ang
kaluluwa ay
naglalakbay patungo
sa ibang mundo at
kinakailangang
gabayan upang
makarating nang
ligtas.
Ritwal at Tradisyon
sa Kamatayan
Dahil sa paniniwala
sa kaluluwa at
kabilang-buhay,
nagsasagawa ang
mga sinaunang
Pilipino ng iba’t
ibang ritwal upang
matulungan ang
yumao sa kanyang
paglalakbay.
1. Paglilibing na may
Ritwal
Ang paglilibing ay
hindi basta
simpleng paglalagay
ng katawan sa lupa.
2. Pag-aalay
Nag-aalay sila ng
pagkain, inumin, at
iba pang bagay
bilang paggalang sa
yumao at bilang
tulong sa kanyang
espirituwal na
paglalakbay.
3. Pagdarasal
May mga panalangin
at ritwal na
isinasagawa upang
gabayan ang
kaluluwa at
mapanatili ang
kapayapaan ng
pamilya at
Ang paniniwala sa kaluluwa at
kabilang-buhay ay may
malaking epekto sa kultura at
pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino.
Ang paniniwalang ito ay nagdulot
ng:
• Paggalang sa mga patay
• Pagpapanatili ng tradisyon
• Paniniwala sa koneksyon ng
buhay at kabilang-buhay
Main Activity
1.Hatiin ang klase sa 4-5 na grupo
2.Bawat isa ay magbabahagi:
a. karanasan tunkol sa kamatayan
b. mga paniniwala kapag may patay
c. paano ito nagiging kakaiba sa
ibang kultura?
3.Ibahagi sa klase.
Karanasan ng kamatayan
Short Summary
Naniniwala ang sinaunang Pilipino na ang
kaluluwa ay nagpapatuloy pagkatapos ng
kamatayan at may kabilang-buhay. Ang
paniniwalang ito ay nakaapekto sa kanilang
ritwal at kultura.
Exit Ticket
Paano nakaapekto ang paniniwala
sa kabilang-buhay sa tradisyon ng
sinaunang Pilipino?
Assignment
Magtanong sa pamilya tungkol sa
paniniwala nila sa kabilang-buhay.
"Death is not the
opposit of life,
but a part of it.”
-Haruki Murakami