Understanding Homeostasis: Maintaining Internal Body Balance and Stability
Explore the key concepts of homeostasis including stimulus, receptor, control center, effector, and indicators like body temperature and blood glucose, highlighting the importance of stable internal conditions for survival.
Learning Objectives
• Definehomeostasis.
• Define stimulus, receptor, set point, control center, effector,
and response.
• Identify the indicators of homeostasis.
• Explain why stable internal conditions are important.
3.
What is Homeostasis?
Homeostasisis the process by which the body maintains a
relatively stable internal environment despite changes inside or
outside the body.
• The body is constantly exposed to changes.
• It keeps internal conditions within a normal range.
• Different body systems work together.
• This balance is necessary for survival.
STIMULUS
A stimulus isany change inside or outside the body that
triggers a response.
• Starts the homeostatic process.
• May come from inside or outside the body.
7.
RECEPTOR
A receptor detectsa stimulus.
• Receives information.
• Sends signals to the control center.
Example:
Temperature receptors in the skin.
8.
SET POINT, CONTROLCENTER,
EFFECTOR
Set Point – Normal value the body maintains.
Control Center – Receives information and
decides the response.
Effector – Carries out the response to restore
balance.
Learning Objectives
• Definehomeostasis.
• Define stimulus, receptor, set point, control center, effector,
and response.
• Identify the indicators of homeostasis.
• Explain why stable internal conditions are important.
Editor's Notes
#1 Ngayon ay pag-aaralan natin ang Homeostasis o pagpapanatili ng balanse sa loob ng ating katawan.
Araw-araw ay nagbabago ang ating kapaligiran. Minsan mainit, minsan malamig. Kumakain tayo, nag-eehersisyo, tumatakbo, o natutulog. Kahit maraming pagbabagong nangyayari, napapanatili pa rin ng katawan ang tamang kondisyon upang maging maayos ang ating kalusugan.
Ang kakayahang ito ng katawan na panatilihing stable ang internal environment ay tinatawag na homeostasis."
Halimbawa:
• Kapag mainit ang panahon, pinagpapawisan tayo.
• Kapag malamig naman, nanginginig tayo.
• Kapag kulang sa tubig, nauuhaw tayo.
"Ito ang mga halimbawa ng homeostasis."
#2 Una, maipapaliwanag kung ano ang homeostasis.
Ikalawa, matutukoy ang iba't ibang bahagi ng homeostatic mechanism tulad ng stimulus, receptor, set point, control center, effector, at response.
Ikatlo, makikilala ang mga indicator o palatandaan ng homeostasis.
At panghuli, maipaliliwanag kung bakit mahalagang mapanatili ang tamang kondisyon sa loob ng ating katawan.
#3 Ang salitang 'homeostasis' ay nangangahulugang pagpapanatili ng halos pare-parehong kondisyon sa loob ng katawan kahit nagbabago ang kapaligiran.
Hindi ibig sabihin nito na hindi na nagbabago ang katawan.
Ang ibig sabihin ay mabilis itong nag-aadjust upang manatiling nasa normal na kondisyon.
Halimbawa, kapag kumain tayo ng matatamis, tumataas ang blood sugar. Hindi ito hinahayaang manatiling mataas ng katawan.
Naglalabas ang pancreas ng insulin upang maibalik ito sa normal. Insulin = hormone na nagpapababa ng blood sugar sa pamamagitan ng pagtulong sa glucose na makapasok sa cells para maging enerhiya.
Bigyang-diin:
"Ang homeostasis ang dahilan kung bakit nananatiling buhay at malusog ang ating mga cells at organs."
#4 Sweating o pagpapawis.
Kapag mainit ang katawan, naglalabas tayo ng pawis upang mailabas ang sobrang init.
Shivering o panginginig.
Kapag malamig ang panahon, nanginginig ang ating muscles upang makalikha ng init.
Feeling thirsty.
Kapag kulang ang tubig sa katawan, nakakaramdam tayo ng uhaw upang mapalitan ang nawalang tubig."
Tanong sa klase:
"Alin dito ang naranasan ninyo ngayong linggo?"
#5 Napakahalaga ng homeostasis dahil ito ang nagpapanatiling maayos ang paggana ng ating katawan.
Una, pinananatiling malusog ang ating cells.
Ikalawa, natutulungan nitong gumana nang maayos ang iba't ibang organs tulad ng puso, utak, at kidneys.
Ikatlo, pinananatili nitong normal ang body temperature, blood glucose level, at blood pressure.
Kapag hindi na kayang mapanatili ng katawan ang balanse, maaari tayong magkasakit."
Halimbawa:
"Kapag sobrang taas ng body temperature at hindi ito bumaba, maaari tayong magkaroon ng heat stroke."
#6 Ang stimulus ay anumang pagbabago na nangyayari sa loob o labas ng katawan na nag-uudyok ng isang response.
Ito ang nagsisimula ng homeostatic process.
Maaaring galing ito sa loob ng katawan o sa kapaligiran."
Halimbawa:
• Mainit na panahon
• Malamig na panahon
• Gutom
• Uhaw
• Mataas na blood sugar pagkatapos kumain
Sabihin:
"Kapag may stimulus, kailangan itong mapansin ng katawan upang makapagbigay ng tamang tugon.
#7 Ang receptor ang unang nakakakita o nakakaramdam ng stimulus.
Para itong sensor ng ating katawan.
Kapag may pagbabago, nagpapadala ito ng impormasyon papunta sa control center."
Halimbawa:
Kapag nahawakan ninyo ang mainit na tasa ng kape, ang temperature receptors sa balat ang unang nakakaramdam ng init.
Pagkatapos, nagpapadala sila ng signal sa utak upang makapagdesisyon kung ano ang dapat gawin.
#8 Ngayon naman ay alamin natin ang tatlong mahalagang bahagi ng homeostasis.
Una, Set Point.
Ito ang normal na value na gustong mapanatili ng katawan.
Halimbawa, ang normal body temperature ay humigit-kumulang 37°C.
Ikalawa, Control Center.
Ito ang tumatanggap ng impormasyon mula sa receptor at nagpapasya kung ano ang gagawin.
Kadalasan, ang utak o hypothalamus ang control center para sa body temperature.
Ikatlo, Effector.
Ito ang bahagi ng katawan na gumagawa ng aksyon upang maibalik ang balanse.
Halimbawa, sweat glands, muscles, puso, at kidneys."
Example:
Mainit ang katawan.
↓
Receptor → balat nakakaramdam ng stimulus.
↓
Control Center → hypothalamus ang tumatanggap ng impormasyon mula sa receptor
↓
Effector → sweat glands gumagawa ng aksyon upang maibalik ang balanse.
↓
Response → pagpapawis
↓
Normal ulit ang temperatura.
#9 Paano natin malalaman kung stable ang ating katawan?
Mayroon tayong tinatawag na indicators of homeostasis.
Ito ang mga sinusukat upang malaman kung nasa normal condition ang katawan."
Body Temperature
"Karaniwang nasa 37°C ang normal body temperature."
Blood Glucose
"Ito ang dami ng glucose o asukal sa dugo na ginagamit bilang enerhiya."
Blood Pressure
"Ito ang puwersa ng pagdaloy ng dugo sa ating blood vessels."
Sabihin:
"Kapag ang mga indicator na ito ay sobrang taas o sobrang baba, maaaring may problema sa homeostasis."