Skip to main content
9
Modelong Banghay- Aralin
sa Asignaturang Filipino
Aralin
5
Kuwarter 1
Banghay Aralin sa Asignatura 9
Kuwarter 1: Aralin 5 (Linggo 7)
TP 2025-2026
Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10 Curriculum
sa Taong-Panunurang 2025-2026. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto
ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw
ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan.
Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon..
Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong
sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa blr.od.@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat
Manunulat:
• Patricia Gertrude S. Reyes – Malabon National High School
Mga Tagasuri:
• Joel C. Malabanan – Philippine Normal University - Manila
Mga Tagapamahala
Philippine Normal University
Research Institute for Teacher Quality
SiMERR National Research Center
1
FILIPINO/ KUWARTER 1/BAITANG 9
I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kasanayang komunikatibo, pagiging malikhain, at
kritikal na pag-unawa at pagsusuri ng mga tekstong pampanitikan sa Panahon ng
Kasarinlan, tekstong impormasyonal (argumentatibo) para sa paghubog ng kamalayang
panlipunan at pagbuo ng mga teksto sa iba’t ibang paraan (multimodal) para sa tiyak
na layunin, pagpapakahulugan, at target na babasa o awdiyens.
B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang pabalat ng graphic novel na batay sa isinagawang literaring analisis
ng nabasang nobela na isinasaalang-alang ang mga elemento ng biswal at multimodal na
may paglalapat ng kasanayang komunikatibo, at etikal na kasanayan at pananagutan.
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Nakabubuo ng isang pabalat ng graphic novel hango sa literaring analisis
a. Nakapipili ng nobela sa Panahon ng Kasarinlan
b. Naitatala ang pinakakapana-panabik na bahagi ng nobela na gagamitin sa
pabalat ng graphic novel
c. Naiguguhit ang imahen/larawan (ilustrasyon ng tauhan, tema, panel, gutter) ng
mga tauhan batay sa mga pangyayari at dayalog na kinasangkutan nila
d. Nakabubuo ng borador (disenyo at pabalat o cover) para sa graphic novel gamit
ang mga elementong biswal
C. Nilalaman Pagbuo ng Tekstong Multimodal
Pagbuo ng pabalat ng graphic novel
D. Integrasyon Edukasyong Pangkapayapaan
2
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Multimodal. (2018, October 11). Slideshare: A Scribd Company. Retrieved May 5, 2024, from
https://www.slideshare.net/slideshow/multimodal-119125162/119125162
Multimodal text Grade 10 Module 7.pptx. (2022, September 5). [Slide show]. SlideShare. https://www.slideshare.net/slideshow/multimodal-
text-grade-10-module-7pptx/252837620
PEJ Reader. (n.d.).
https://ejournals.ph/function/reader1/read2/web/reader.php?id=uploads%2Farchive%2FMALAY%2FVol.+6+No.+1+%281987%29%
2FMgaA%2F01+C+Bautista.pdf&di=7708
Prezi, E. M. B. O. (n.d.). Panahon ng Kasarinlan. prezi.com. https://prezi.com/jd7gs83bmhia/panahon-ng-kasarinlan/
Studypool Homework Help - Ang tekstong multimodal. (n.d.). https://www.studypool.com/documents/6605664/ang-tekstong-multimodal
Studocu. (n.d.). English 8 Q2 Mod3 Compare and contrast same topic in different multimodal texts V8 - English Quarter - Studocu.
https://www.studocu.com/ph/document/mabini-national-high-school/empowerment-technologies/english-8-q2-mod3-compare-
and-contrast-same-topic-in-different-multimodal-texts-v8/24888863
Tan, S. (n.d.-a). Ang tesktong multimodal. Scribd. https://www.scribd.com/document/414756392/Ang-Tesktong-Multimodal
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO
A. Pagkuha ng
Dating
Kaalaman
Maikling Balik-aral
IMPOR-TASTIK
Panuto: Sa tulong ng graphic organizer, ipasulat sa mga mag-aaral ang
mahahalaga at kahanga-hangang impormasyong kanilang nalalaman o
naaalala tungkol sa Tekstong Biswal. Isulat sa mga blangkong bilog ang
impormasyon.
UNANG ARAW
Maaaring ipasulat sa pisara,
sa malinis na papel,
kartolina, o manila paper.
Maaari ring hatiin ang klase
sa apat na pangkat. Bigyan
ng 10 minuto ang bawat
pangkat upang
magbahaginan ng kanilang
ideya. Pagkatapos nito ay
pumili sa bawat pangkat ng
kinatawan ang mag-uulat
nito.
3
Sa bahaging ito, maaaring i-
print ng guro ang kopya ng
infographic at ipakita sa harap
ng klase. Maaari ring ipakita ito
sa pamamagitan ng powerpoint
presentation.
Ang pagsagot o pagtalakay ay
maaaring sa paraan ng
tradisyonal na talakayan o sa
pamamagitan ng iba pang
paraan tulad ng spin the wheel,
pag-iikot ng bola, at iba pa.
TEKSTONG
BISWAL
I
I
I
I
4
INFO-KAALAMAN
Panuto: Ipakita sa mag-aaral ang halimbawa ng infographic at sagutan ang
mga sumusunod na katanungan.
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang paksang tinatalakay sa infogrpahic?
2. Paano inilahad ang mga impormasyon sa larawan?
3. Nakatulong ba ang infographic sa kaalaman tungkol sa identity theft
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang ilang bahagi rito, ano ito
at bakit? Paano mo ito ipapakita?
B. Paglalahad ng
Layunin
Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
PAGHAMBINGIN MO
Panuto: Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa ibaba. Ipaisa-isa ang mga
magkakatulad at di-magkakatulad na impormasyon sa pagitan ng dalawang
larawan. Gamitin ang venn diagram sa pagsagot.
TRADISYONAL NA KASUOTAN
Maghanap ng larawan ng infographic.
Iminumungkahing paghahanapan ng larawan:
https://www.unodc.org/roseap/uploads/document
s/KnowScam/images/B3_03_-Tagalog-How-do-you-
know-if-youre-a-victim-of-identity-theft-01.png.
5
PILIPINAS KOREA
Mga gabay na tanong:
1. Naging madali ba ang paghahambing sa pamamagitan ng mga larawan?
2. Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa paghahambing ng mga ito?
3. Paano nakatulong ang mga larawan sa itaas sa pagkuha ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad?
Upang matiyak ang
pagsunod sa iba't ibang
Batas sa Karapatang-Sipi,
inirerekomenda ang mga
iminungkahing tagubilin.
C. Paglinang at
Pagpapalalim
Kaugnay na Paksa 1: Tekstong Multimodal
Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ang teksto at gawin ang mga nakahandang gawain.
IKALAWANG ARAW
Maaaring ipapanood sa mag-
aaral ang Tekstong Multimodal
sa link na ito:
https://www.youtube.com/res
PAGKAKATULAD
1. ___________
2. ___________
3. ___________
PAGKAKAIBA
1. ___________
2. ___________
3. ___________
PAGKAKAIBA
1. ___________
2. ___________
3. ___________
PILIPINAS KOREA
Maghanap ng larawan
ng tradisyonal na
kausotan ng mga
Pilipino.
Maghanap ng larawan
ng tradisyonal na
kausotan ng mga
Koreano.
6
PINATNUBAYANG BABASAHIN:
TEKSTONG MULTIMODAL
Binibigyang-kahulugan ang paglikha bilang ‘pagbuo at/o produksyon ng
pasalita, pasulat o naka-print o nasa anyong digital na pinagsama-sama upang
matugunan ang iba't ibang pangangailangan sa iba't ibang disiplina.
Ang Multimodal ay binigyang-kahulugan bilang paggamit ng estilo ng dalawa o
mahigit pang moda ng komunikasyon. Halimbawa nito ay mga imahen, kilos
musika, pasalita at/o pasulat na wika.
MGA URI NG TEKSTONG MULTIMODAL
• Papel - katulad ng mga aklat, komiks, posters.
• Digital – tulad ng mga slide presentations, e-books, blogs, e-posters,
webpages at social media, tungo sa animation, pelikula at video games.
• Live o aktuwal – mga halimbawa ay isang pagtatanghal, mga sayaw,
pagpapamalas o pangyayari.
• Transmedia - kung saan isinasalaysay ito gamit ang multiple delivery
channels na maaaring kombinasyon ng iba't ibang paraan sa paggamit ng
midyum. Halimbawa nito ay mga aklat, komiks, magasin, pelikula, mga web
series at video game kung saan ang lahat ng ito ay bahagi ng kabuoang
kuwento.
Ang mabisang komposisyong multimodal ay nangangailangan ng bagong pag-
aangat ng disenyo ng mga kasanayan at kaalaman. Ito ay upang magawa ng mga
mag-aaral na makabuo ng matalinong pagpapasiya sa loob at labas ng iba't ibang
ults?search_query=tekstong+m
ultimodal
7
paraan ng moda ng pakikipagkomunikasyon nang maging mabisa ang pagkakabuo
ng tamang pagpapakahulugan.
LISTA-GUHIT
Panuto: Isa-isahin ang mga kapana-panabik na mga pangyayari sa nobelang
“Pagkamulat ni Magdalena” na isinulat ni Alejandro G. Abadilla.
MGA KAPANA-PANABIK NA PANGYAYARI SA NOBELA
1.
2.
3.
4.
5.
Mula sa mga naisulat na pangyayari, bumuo ng borador ng isang pabalat para sa
nobela.
Basahin ang mga tauhan at
buod ng nobela sa link na ito:
https://www.scribd.com/docu
ment/513765334/pagkamulat-
ni-magdalena
8
D. Paglalahat Pabaong Pagkatuto
A. PAGBUO NG BURADOR
Panuto: Hatiin ang klase sa limang grupo. Bumuo ang bawat grupo ng isang borador
(disenyo at pabalat o cover) para sa graphic novel gamit ang iba’t ibang elementong
biswal. Gamitin ang nobelang “Pagkamulat ni Magdalena” na isinulat ni Alejandro
G. Abadilla. Tingnan ang pamantayan sa ibaba para sa mga dapat isaalang-alang.
Pamantayan sa pagmamarka:
Organisasyon - 20
Kalidad ng mga larawan - 15
Kaayusan - 10
Bisa ng Pagkakabuo - 5
KABUUAN - 50
B. MAKABULUHANG PAGNINILAY
IKATLONG ARAW
Ilaan ang araw na ito upang
makapag-usap, makapag-plano
at makabuo ng borador ang
bawat pangkat.
Posibleng tuon ng kasagutan:
9
Futuristic kung tutuusin ang nobelang “Pagkamulat ni Magdalena” na nalathala
noong 1958 ngunit ang tagpuan ay 1980. Sagutin ang sumusunod:
1. Bakit mahalaga ang nobela sa konteksto ng pagsusuri sa kasalukuyan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Masasabi bang nagkatotoo na ang nobela sa kasalukuyan? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
1. Hindi nasakop ng Tsina ang
Pilipinas pagdating ng 1980.
Subalit naging matatag ang
kapit ng mga Tsino sa ating
ekonomiya. Karamihan sa
pinakamayayaman sa ating
bansa ay mga Tsino at sila ang
may control ng ating mga
negosyo.
Mahalaga ang nobela upang
maipabatid sa mga kabataan
ang posibleng maganap sa
Pilipinas kapag tayo ay tuluyang
nasakop ng Tsina lalo pa at
mainit ang isyu sa West
Philippine Sea. Ang presensiya
ng mga POGO (Philippine
Offshore Gaming Operators) na
kontrolado ng mga Tsino at ang
pagkakaroon ng mayor sa
Tarlac na pinaghihinalang Tsino
ay nakakapangamba.
2. Dahil mga Tsino ang may-ari
ng mga malls, POGO, hardware
at iba pang industriya ng sa
Pilipinas, masasabing sakop na
nila ang Pilipinas gamit ang
ekonomiya. Maging ang mga
pulitikong namumuno sa ating
bansa ay nagwagi sa eleksyon
gamit ang pondong mula sa
Tsina.
10
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO
E. Pagtataya 1. Pagsusulit
TAMA O MALI
Panuto: Basahin ang mga pahayag at suriin kung ito ay tama o mali.
________1. Ang Multimodal ay binigyang-kahulugan bilang paggamit ng estilo ng
dalawa o mahigit pang moda ng komunikasyon.
________2. Ang infographic ay isinasalaysay gamit ang multiple delivery channels na
maaaring kombinasyon ng iba't ibang paraan sa paggamit ng midyum.
________3. Ang mga halimbawa ng multimodal na papel ay ang komiks, poster at
mga aklat.
________4. Transmedia na multimodal ang ginagamit kung ang mga aklat, komiks,
magasin, pelikula, mga web series at video game ay bahagi ng kabuoang
kuwento.
________5. Ang mabisang komposisyong multimodal ay hindi nangangailangan ng
bagong pag-aangat ng disenyo ng mga kasanayan at kaalaman upang
makagawa nang matalinong pagpapasya.
2. DUGTUNGAN TAYO
Panuto: Dugtungan ang mga parirala upang mabuo ang pangungusap.
Natutuhan ko tungkol sa tekstong multimodal ay _________________________.
Nalaman ko na maaaring gamitin ang tekstong multimodal sa _____________.
Bilang mag-aaral, malaking tulong ang tekstong multimodal dahil
_________________.
3. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
IGUHIT MO
Panuto: Ipabasa muli sa mag-aaral ang nobelang “Pagkamulat ni Magdalen. Bumuo
ng isang poster patungkol sa temang inilalahad sa akda. TIngnan ang pamantayan
sa pagmamarka.
IKAAPAT NA ARAW
SUSI NG PAGWAWASTO:
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Mali
Sa bahaging ito, maaaring
magtawag ang guro ng mga
mag-aaral ng upang
sumagot. Maaari rin niya
itong ipasulat sa isang papel
at saka mamili ng mag-aaral
na magbabahagi ng kanilang
sagot.
Ang pagbuo ng poster ay
maaaring digital o
papel/guhit. Maaari ring
mamili ang guro ng isang uri
ng tekstong multimodal na
11
Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman - 20
Kaangkupan ng konsepto - 15
Pagkamalikhain - 10
KABUUAN - 45
siyang gagamitin ng buong
klase.
F. Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan
sa pagtuturo sa
alinmang sumusunod
na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at
Iba pang Usapin
Hinihikayat ang mga guro na
magtala ng mga kaugnay na
obserbasyon o anomang
kritikal na kaganapan sa
pagtuturo na
nakakaimpluwensya sa
pagkamit ng mga layunin ng
aralin. Maaaring gamitin o
baguhin ang ibinigay na
template sa pagtatala ng mga
kapansin-pansing lugar o
alalahanin sa pagtuturo.
Bilang karagdagan, ang mga
tala dito ay maaari ding maging
isa mga gawain na
ipagpapatuloy sa susunod na
araw o mga karagdagang
aktibidad na kailangan.
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral
At iba pa
G. Pagninilay Gabay sa Pagninilay:
▪ Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin?
Ang mga entry sa seksyong ito
ay mga pagninilay ng guro
tungkol sa pagpapatupad
12
Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?
▪ Mag-aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?
▪ Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?
ng buong aralin, na
magsisilbing input para sa
pagsasagawa ng LAC/Collab
sessions. Maaaring gamitin o
baguhin ang ibinigay na
mga gabay na tanong sa
pagkuha ng mga
insight ng guro.