Skip to main content
Mga Rehiyon
sa mindanao
Ang Mindanao ang ikalawang
pinakamalaki sa mga pangunahing
pangkant ng pulo. Ito ay nasa dakong
timog ng Pilipinas. Nahahati ang
Mindanao sa dalawampu’t pitong (27)
lalawigan na pinangkat sa anim (6) na
rehiyon.
REGION IX ZAMBOANGA PENINSULA
Binubuo ng Zamboanga Del Norte,
Zamboanga Del Sur at Zamboanga
Sibugay. Tinaguriang “LUKLUKAN NG
KULTURANG KASTILA SA
MINDANAO” Sentro ng Barter Trade.
• Topograpiya: makitid na lupaing
mabundok, matarik ang mga burol,
malalim ang mga bangin, lo-ok at
karagatan. Malawak ang sakahan at
magagandang tanawin. Malawak ang
kagubatan.
• Isa itong tangway dahil napapaligiran ng
Sulu Sea, Moro Gulf at Mindanao Sea.
• Paggawa ng goma ang pangunahing
industriya sa rehiyong ito.
Mga Produkto
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
REGION X NORTHERN MINDANAO
• Binubuo ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del
Norte, Misamis Occidental at Misamis
Oriental.
• Bukidnon – talampas na iba’t iba ang taas at
may malalalim na bangin at lambak sa
pagitan. May malawak na taniman ng pinya
rito.
• Misamis Occidental at Oriental ay may
maiiksing kapatagan sa tabing-dagat kalapit ng
burol. Kagubatan ang mahigit sa kalahati ng
lupain ng Misamis Occidental at Misamis
Oriental. Maulan dito buong taon kaya
malamig ang panahon. Katamtaman ang init.
Bihira ring magkabagyo dito dahil malayo sa
daanan ng bagyo.
MGA PRODUKTO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
REGION XI – DAVAO REGION
• Binubuo ng mga lalawigan ng Davao del Norte,
Davao del Sur, Davao Oriental at Compostela
Valley.
• Masagana ang lupang taniman, kabundukan,
kagubatan at yamang-tubig ng rehiyon.
Maburol at mabundok ang rehiyon.
• Pagsasaka ang pangunahing industriya sa
rehiyon.
• Mahalaga rin ang industriya ng pangingisda.
Sa rehiyong ito, matatagpuan ang Mt. Apo,
ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.
MGA PRODUKTO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
REGION XII – SOCCSKSARGEN
• Binubuo ng mga lalawigan ng
(SOC) South Cotabato, (C) Cotabato,
(SK) Sultan Kudarat, (SAR) Sarangani
and (GEN) General Santos.
MGA PRODUKTO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
REGION XIII CARAGA REGION
• Binubuo ng mga lalawigan ng Agusan del
Norte, Agusan del Sur, Surigao Del Norte at
Surigao del Sur.
• Ang CARAGA ay hindi abbreviation, ibig
sabihin ng salitang ito ay "Calagan“, ibig
sabihin, teritoryo na "tinitirhan ng matatapang
na tao." Kung sa Ingles, "the territory where
the spirited or courageous people lived."
MGA PRODUKTO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN
AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM
MINDANAO -ARMM
• Binubuo ng mga lalawigan ng
Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao,
Sulu at Tawi-Tawi.
• Marawi, Lanao Del Sur – Islamic City
of the Philippines.
• Natatag dahil sa Kasunduan sa Tripoli sa pagitan ng
Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)
noong Disyembre 23, 1976 upang makamit ang
isang makatarungan at makabuluhang pamahalaan
ng mga Muslim na Pilipino at mapabuti ang kanilang
kalagayan at pamumuhay.
• Napaliligiran ng tubig kaya’t maraming yamang –
dagat ang nakukuha rito.
MGA PRODUKTO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN