#3 DAY 1: Ugnayan ng Globalisasyon sa Migrasyon Gamit ang mga Push at Pull Factors
#4 Naipaliliwanag ang ugnayan ng globalisasyon sa migrasyon gamit ang mga push at pull factors sa konteksto ng Global Labor Market.
#5 C. Balik-aral (5 minuto):
1. Balikan ang takdang aralin (Data-Driven Analysis) na pinagawa sa ika-apat na sesyon.
2. Magtawag ng dalawang mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang mga nakalap n impormasyon at ang mga kasagutan sa gabay na tanong.
3. Pagkatapos ng presentatsyon ng mga mag-aaral, magtatanong ang guro upang makonekta ang bagong aralin sa nakaraang aralin.
#6 Halimbawang tanong:
Dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho sa malapit na may maayos na sweldo at kondisyon ng pagtatrabahuan, ano ang kadalasang ginagawang solusyon ng mga Pilipino?
#7 Pagganyak (5 minuto):
"Saan Galing si Tita/Tito?": * Magtatanong ang guro sa klase: "Sino sa inyo ang may magulang, kamag-anak, o kakilala na nagtatrabaho sa ibang bansa?"
1. Itatala ng guro sa pisara ang mga bansang babanggitin ng mga mag-aaral (hal. Dubai, Saudi Arabia, Canada, Japan).
2. Mga Gabay na tanong:
"Sa tingin ninyo, bakit mas madali na ngayon para sa mga Pilipino ang maghanap ng trabaho sa ibang bansa kumpara noong pahanon ng ating mga lolo at lola?"
Ano kaya ang mga pagbabagong naganap?
#8 Pagtatalakay (10 minuto):
1. Ang Global Labor Market: Ipauunawa ng guro na dahil sa globalisasyon, ang paggawa (labor) ay naging "global." Ang mga bansa ay nagpapalitan hindi lang ng produkto, kundi maging ng lakas-paggawa.
#9 2. Teorya ng Migrasyon (Push vs. Pull Factors): Gagamit ang guro ng simpleng diagram sa pisara upang ipaliwanag kung bakit umaalis ang tao.
Pamprosesong Tanong:
Paano binago ng globalisasyon (teknolohiya, transportasyon, bukas na pamilihan) ang desisyon ng mga Pilipino na mangibang-bansa?
#10 Paliwanag ng Guro:
Upang maiugnay ang globalisasyon, ipasok ang konsepto na “Dahil sa internet, mas mabilis na nakikita ng mga Pilipino ang mga job openings sa ibang bansa (Teknolohiya), at dahil sa murang pamasahe sa eroplano, mas madali na ang bumiyahe (Transportasyon).”
#11 C. Pagsasanay (15 minuto): "The Tug-of-War" (Push vs. Pull Simulation)
Paano Isasagawa:
Hahatiin ang klase sa dalawang malaking pangkat: Team Push at Team Pull.
1. Sa pisara, magdodrowing ang guro ng isang malaking linya sa gitna (kumakatawan sa border ng Pilipinas at ibang bansa).
#12 2. Bibigyan ng guro ang bawat miyembro ng mga "Scenario Cards" (halimbawa: "Si Jayson ay walang mahanap na trabaho matapos mag-kolehiyo," o "Nag-aalok ang Canada ng libreng healthcare para sa pamilya ng mga Nurse").
3. Isa-isang ididikit ng mga mag-aaral ang kanilang card sa tamang panig ng pisara. Pagkatapos, kailangang ipaliwanag ng mag-aaral kung paano pinalalala o pinadadali ng teknolohiya/globalisasyon ang senaryong iyon.
#13 Alternatibo:
Dahil 10 minuto lang ito, baka maging magulo kung isa-isang lalapit ang lahat ng mag-aaral. Hatiin ang klase sa 4-5 na grupo. Bigyan ang bawat grupo ng set ng cards. Sa loob ng 3 minuto, pagtulung-tulungan nilang uriin ang mga card (Push o Pull). Pagkatapos, ang mga lider na lamang ang magdidikit sa pisara at magpapaliwanag ng isang napiling senaryo.
#14 Paglalahat (10 minuto): "3M" Hatol-Katuwiran (Migrasyon: Makabubuti o Makasasama?)
Paano Isasagawa:
1. Magpapakita ang guro ng isang timbangan o dalawang hanay sa pisara na may pamagat na "Makabubuti (Pro)" at "Makasasama (Con)".
2. Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral at tatanungin: "Sa konteksto ng globalisasyon, ang migrasyon ba ng lakas-paggawa ng bansa ay mas MAKABABUTI o mas MAKASASAMA sa pangkalahatan?"
#15 3. Kailangang magbigay ng maikling pagpapatunay ang mag-aaral batay sa tinalakay na push at pull factors bago ilagay ang kanyang hinuha sa timbangan.
Paggabay sa Konklusyon: Upang hindi maging "black and white" (mabuti o masama lang) ang tingin ng mga bata, gabayan sila sa paglalahat na ang migrasyon ay may dalawang mukha: may dala itong kabutihan sa ating ekonomiya pero mayroon ding hindi kanais-nais na epekto.
#16 Exit Ticket (5minuto): "Ang Aking Pasaporte":
Paano Isasagawa: Bigyan ang bawat mag-aaral ng isang maliit na papel na hugis pasaporte (o kahit ¼ na papel). Bago sila makalabas ng silid-aralan, kailangan nilang sagutan ang dalawang simpleng tanong:
Mga Tanong:
Magbigay ng isang (1) halimbawa kung paano binago ng globalisasyon ang dahilan ng pag-alis ng mga manggagawang Pilipino.
Sa iyong palagay, ang migrasyon ba ay mas Makabubuti o Makasasama sa pamilyang Pilipino? (Isulat ang iyong panig sa loob ng isang pangungusap).
#17
Accomodation/s:
Para sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagsusulat, maaaring tanggapin ng guro ang audio o video recording ng kanyang sagot.
#18 Mini-Interview: "Kuwentong Propesyonal"
Panuto: Maghanap at kapanayamin (sa pamamagitan ng chat, tawag, o personal) ang isang propesyonal sa inyong lugar (halimbawa: guro, nurse, engineer, o IT specialist). Itanong ang mga sumusunod at isulat ang buod sa isang malinis na papel:
Mga Gabay na Tanong sa Interview:
Naisipan mo na po ba o may plano ka bang magtrabaho sa ibang bansa? Bakit?
Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng pamahalaan ng Pilipinas upang hindi na umalis ang mga tulad mong propesyonal?
#20 Balik-aral (5 minuto):
Gawain: "Pass the Passport"
Paano Gagawin:
1. Patutugtugin ng guro ang isang masiglang kanta habang ipinapasa ng mga mag-aaral ang "pasaporte". 2. Paghinto ng musika, ang mag-aaral na humahawak nito ang sasagot sa tanong ng guro tungkol sa nakaraang leksyon.
#21 Mga Gabay na Tanong:
1. “Ano ang pangunahing pagkakaiba ng Push Factor at Pull Factor sa migrasyon?”
2. “Magbigay ng isang dahilan kung bakit umaalis ng bansa ang isang Pilipino.”
#22 Pagganyak (10 minuto):
Gawain: Sino ang Kulang? (Isang Maikling Simulation)
Paano Gagawin: * Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong sektor: Kalusugan (mga doktor/nars), Edukasyon (mga guro), at Teknolohiya (mga inhenyero/IT).
Biglang magpapatunog ang guro ng isang alarma at sasabihing, "May dumating na magandang oportunidad sa ibang bansa!" * Kakaladkarin o paaalisin sa kanilang mga upuan ang 80% ng mga mag-aaral sa bawat sektor at papalipatin sa kabilang bahagi ng silid (na kumakatawan sa ibang bansa).
Gabay na Tanong para sa Talakayan:
Ano ang naramdaman ng mga naiwang mag-aaral sa bawat sektor ngayong iilan na lamang sila?
Paano ito makakaapekto sa mga taong nangangailangan ng kanilang serbisyo?
#24 Naibibigay ang kahulugan at mga sanhi ng brain drain at naipaliliwanag ang epekto nito sa ekonomiya at sektor ng paggawa sa bansa.
#26 Pag-uugnay: Ipakikilala ng guro ang terminong Brain Drain bilang ang malawakang pag-alis ng mga skilled at propesyonal na manggagawa mula sa isang bansa patungo sa iba.
#27 A. Paglalahad ng Layunin at Paksa (2 minuto):
Ilahad ang layunin at paksa (Ang phenomenon ng brain drain) ng aralin upang maihanda sila sa talakayan.
#28 B. Pagtatalakay (10 minuto):
Gawain: Push vs. Pull Factor Analysis
Paano Gagawin: Gamit ang isang graphic organizer sa pisara, ipapaliwanag ng guro ang dalawang pangunahing sanhi ng Brain Drain:
Push Factors (Mga Nagtutulak sa Pilipinas): Mababang pasahod, kawalan ng modernong pasilidad, kawalan ng seguridad sa trabaho (contractualization), at pampolitikang kawalan ng katatagan.
Pull Factors (Mga Humihila sa Ibang Bansa): Mataas na sahod, magandang benepisyo, modernong teknolohiya, at mas maayos na kalidad ng pamumuhay.
#29 Pagsusuri sa Epekto (Discussion): *
Short-term benefit: Remittances (perang ipinapadala sa bansa na tumutulong sa ekonomiya).
Long-term damage: Kakulangan ng mga eksperto. (Halimbawa: Kulang tayo sa mga doktor sa mga baryo dahil mas pinipili nilang maging nars sa Amerika o UK dahil sa mas malaking kita).
Digital Alternative: PowerPoint / MS 365 Presentation: Mga slides na nagpapakita ng depinisyon, mga larawan ng modernong pasilidad sa ibang bansa kumpara sa lokal, at mga tsart ng epekto ng remittances.
#30 C. Pagsasanay (15 minuto):
Gawain: Cause and Effect Diagram & Roleplay Mini-Skit
1. Paano Gagawin: Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng isang partikular na sitwasyon na nagpapakita ng epekto ng brain drain.
Pangkat 1 (Sektor ng Kalusugan): Eksena sa isang pampublikong ospital na kulang sa doktor dahil nag-abroad ang mga eksperto.
Pangkat 2 (Sektor ng Edukasyon): Isang unibersidad na nawalan ng mga batikang propesor na na-recruit sa ibang bansa.
Pangkat 3 (Sektor ng Teknolohiya/Inhenyeriya): Isang lokal na kumpanya na nahihirapan mag-innovate dahil umaalis ang mga batang IT experts.
Pangkat 4 (Ang Pamahalaan): Isang pagpupulong kung paano hihikayatin ang mga OFW na bumalik (Brain Gain/Balik Scientist Program).
2. Bibigyan ang bawat pangkat ng limang minuto para sa pagbuo ng mini-skit at tatlong minuto para sa presentasyon.
#31 Pamantayan sa Pagmamarka (Rubrik):
Nilalaman (Koneksyon sa Brain Drain) - 50%
Pagkamalikhain at Pagganap - 30%
Kooperasyon ng Pangkat - 20%
#32 Paglalahat (10 minuto) Gawain: Ang Timbangang Bayan (Reflective Journal)
(Exit Ticket): Pasasagutan sa isang kapat na papel (1/4 sheet of paper) o sa journal ng mag-aaral:
"Kung ikaw ay magiging isang lisensyadong propesyonal balang araw (gaya ng doktor, nars, o inhenyero), pipiliin mo bang mangibang-bansa para sa iyong pamilya, o mananatili ka sa Pilipinas upang magsilbi sa bayan? Bakit?"
(Alternatibo): Interactive Polling Tool (kung may gadyet ang mga bata): Maaaring gumamit ng digital exit ticket o maikling response system para sa mas mabilis na pag-ipon ng kanilang mga paunang tugon.
#33 Think-Pair-Share (5 minuto): "Paano kung..."
Paano Gawin:
1. Think (Isip): Bigyan ang mag-aaral ng 1 minuto na isipin ang tanong: "Kung ang lahat ng guro sa Pilipinas ay magpapasiyang magtrabaho sa ibang bansa, ano ang mangyayari sa ating bansa sa loob ng limang taon?"
2. Pair (Kapares): Hahanap ng katabi ang mag-aaral at ibabahagi ang kanyang sagot sa loob ng 1 minuto.
3. Share (Ibahagi): Pipili ang guro ng 2 hanggang 3 pares upang ibahagi ang kanilang napag-usapan sa buong klase.
#34 Pagsusuri ng Sitwasyon (Case Analysis: Ang Kwento ng Pamilyang Pilipino)
Panuto:
Basahin at suriin ang maikling sitwasyon sa ibaba, at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa isang kalahating papel (1/2 crosswise).
Ang Sitwasyon:
Si Aling Marta ay isang lisensyadong guro sa Pilipinas, ngunit pinili niyang maging Domestic Helper sa Hong Kong dahil sa mababang pasahod dito sa bansa. Dahil dito, naiwan ang kanyang tatlong anak sa pangangalaga ng kanilang lola. Bagamat nakakapagpadala si Aling Marta ng pera para sa pribadong paaralan, gadgets, at magandang bahay, napapansin ng kanilang lola na nagiging rebelde ang panganay na anak, at madalas na malungkot at madalang magsalita ang bunsong anak dahil sa pangungulila.
#35 Accomodation/s:
Para hindi masayang ang oras ng iba sa paggawa ng activity at mabigyan sila ng pagkakataong maipahayag ang kanilang opinion, ipapasulat ng guro sa kapirasong papel ang kanilang sagot, at kokolektahin ng guro bago matapos ang klase.
#37 . (Balik-aral (5 minuto):
1. Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot sa takdang aralin ng nakaraang session (Case analysis: Kuwento ng pamilyang Pilipino) bago kolektahin ang mga ito.
2. Pagkatapos ay magtatanong ang guro upang maikonekta ang nakaraang aralin sa bagong paksang tatalakayin
#38 Pagganyak (10 minuto):
(Picture Analysis / "Suri-Larawan"):
1. Magpakita ng maikling video mula sa youtube na sumasalamin sa buhay ng OFW’s at ng pamilya nito.
2. Kung walang kuryente o internet connection, magpakia ng dalawang magkaibang larawan sa screen or printed na ididikit sa pisara:
Isang pamilyang masayang nag-uusap sa pamamagitan ng video call habang umiiyak ang anak.
Isang balikbayan box na binubuksan, ngunit may bakanteng upuan sa hapag-kainan.
Gabay na Tanong:
Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
Sa inyong palagay, sapat ba ang materyal na bagay (tulad ng remittance o balikbayan box) para mapunan ang pangungulila sa magulang?
#40 Day 3 panlipunang epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.
#41 LAYUNIN: Natutukoy ang mga iba't ibang social cost o panlipunang epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.
Natatalakay ang implikasyon ng pagkawalang-malapit ng magulang o kapamilya sa emosyonal at sikolohikal na aspeto ng mga naiwang kasapi.
#42 Pagsasanay (Pangkatang Gawain: 15 minuto)"Brainstorming Tree"
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng Manila Paper na may drowing ng puno. Ang ugat ay ang "Migrasyon" at ang mga sanga ay ang mga Social Cost.
a. Pangkat 1: Epekto sa Mag-asawa (Spousal Relationship)
Pokus: Pagkakalayo ng loob, kawalan ng komunikasyon, at posibilidad ng pagkakahiwalay (broken family).
#43 Pangkat 2: Epekto sa mga Anak (Parent-Child Relationship)
Pokus: "Parental absence" o kawalan ng gabay ng magulang, emosyonal na pangungulila, pagbaba ng marka sa paaralan, o pagrerebelde.
c. Pangkat 3: Epekto sa Lipunan at Komunidad (Extended Family)
Pokus: Pag-ako ng mga lolo/lola o kamag-anak sa responsibilidad ng pagpapalaki ng bata (surrogate parenting).
#44 . Pag-uulat: Bibigyan ng limang minuto ang bawat pangkat upang mabuo ang brainstorming tree at 2 minuto t upang ipaliwanag ang kanilang gawa.
#45 Paglalagom/Paglalahat (10 minuto): Gagabayan ng guro ang klase na mabuo ang kaisipan na:
"Ang migrasyon ay may dalawang mukha—ekonomikong kaginhawaan ngunit may kaakibat na panlipunang hamon o social cost sa pamilyang Pilipino."
#46 Malayang Talakayan at Pagpapahalaga:
Paano binabago ng teknolohiya (chat, video call) ang ugnayan ng pamilyang OFW ngayon? Nababawasan ba nito ang social cost?
Kung ikaw ay may magulang o kamag-anak na OFW, paano mo ipinapakita ang pagpapahalaga sa kanilang sakripisyo upang hindi masira ang inyong pamilya?
#47 3-2-1 Exit Ticket (5 minuto)
Ito ay mabilis na paraan bago matapos ang klase upang makita kung aling bahagi ng aralin ang tumatak sa kanila at ano pa ang kalituhan na dapat mong balikan sa susunod na pagkikita.
Panuto para sa Mag-aaral: Bago lumabas ng silid-aralan, sagutan ang Exit Ticket sa isang maliit na papel:
3 Bagay na natutunan mo ngayon tungkol sa Social Cost ng migrasyon.
2 Konseptong pumukaw sa iyong emosyon o kaisipan (hal. epekto sa bata, surrogate parenting).
1 Tanong na nananatili sa iyong isipan na nais mong i-clear sa susunod na klase.
Accomodation/s:
Para sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagsusulat, maaaring tanggapin ng guro ang audio o video recording ng kanyang sagot.
#48 "Suri-Balita o Case Study" (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto para sa Mag-aaral: Maghanap ng isang artikulo sa pahayagan, balita sa telebisyon (i-summarize), o lehitimong kuwento sa internet tungkol sa isang pamilyang Pilipino na dumanas ng matinding hamon dahil sa migrasyon (halimbawa: broken family, mga batang napabayaan, o mga lolo/lola na nahihirapang magpalaki ng apo).
Sagutin ang mga sumusunod sa inyong kwaderno:
Isulat ang pamagat ng balita/kuwento at ang buod nito.
Tukuyin kung anong uri ng social cost ang ipinakita sa sitwasyon.
Magbigay ng dalawang (2) mungkahi kung paano sana naiwasan o masosolusyunan ang ganitong problema ng pamilya o ng gobyerno.
Gabay sa Pagmamarka (Rubrik) para sa Guro:
Upang maging madali ang pagwawasto, maaari mong gamitin itong simpleng pamantayan:
Nilalaman (Kaugnayan sa Paksa ng Social Cost): 50%
Pagsusuri at Repleksyon (Lalim ng Kaisipan): 30%
Organisasyon at Pagkamalikhain: 20%
Kabuuan: 100%
#50 (Balik-aral (5 minuto):
"The Broken Heart Puzzle" (Pangkatang Gawain)
Pamamaraan:
1. Hahatiin ang klase sa maliliit na grupo. Bibigyan ang bawat grupo ng mga piraso ng puzzle.
2. Upang mabuo ang puso, kailangan nilang basahin ang mga nakasulat na social cost (hal. Bumababang marka ng anak, kawalan ng komunikasyon ng mag-asawa, pagka-addict sa bisyo dahil sa kawalan ng gabay).
3. Kapag nabuo na ang puso, mapapansin nila na may mga "lamat" o hiwa ito.
Tanong: "Ano ang ipinahihiwatig ng mga lamat sa pusong inyong nabuo patungkol sa epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?"
#51 . Pagganyak (5 minuto):
Gawain: "Balikbayan Box ng Emosyon"
Pamamaraan:
Magpapakita ang guro ng isang tunay o larawan ng Balikbayan Box at magpapatugtog ng isang sikat na kanta tungkol sa mga OFW (hal. Wapi o Isang Lahi).
Gagamit ng isang online interactive tool (gaya ng Mentimeter o Jamboard) o mga pisikal na sticky notes kung saan sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong: "Ano ang unang pumapasok sa isip mo kapag narinig mo ang salitang 'Abroad' o 'Migrasyon'?"
Hahatiin ang mga sagot sa dalawa: Materyal na Bagay (tsokolate, gadget, pera) at Emosyonal na Bagay (Pangungulila, sakripisyo, lungkot).
Pamprosesong Tanong: Bakit nga ba sa kabila ng mga padalang materyal, may kulang pa rin sa pamilyang may miyembrong nasa ibang bansa?
#53 Day 4: Mga Mungkahi kung Paano Mapapanatili ang Katatagan ng Pamilya sa Kabila ng Migrasyon
#54 Nakapagpapahayag ng empatiya at mga mungkahi kung paano mapapanatili ang katatagan ng pamilya sa kabila ng migrasyon
#55 Pagtatalakay/Pagsasanay (15 minuto):
Gawain: "Suri-Kaso at Puso" (Case Study Analysis)
Pamamaraan:
1. Pagbabasa ng isang maikling kwento o panonood ng isang short video clip (3 – 5 minutes) tungkol sa isang pamilyang ang magulang ay nag-abroad (hal. Anak na nagtapos ngunit mag-isa sa entablado, o magulang na hindi nakauwi sa Pasko).
2. Pangkatang Talakayan (The Empathy Map): Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng Empathy Map para sa isang karakter (Ang Tatay/Nanay na OFW, ang Anak na naiwan, at ang Tagapangalaga).
Sasagutin ng bawat pangkat ang mga sumusunod na katanungan:
Ano ang kanilang sinsabi?
Ano ang kanilang iniisip?
Ano ang kanilang ginagawa?
Ano ang kanilang nararamdaman?
3. Isusulat ang mga sagot gamit ang ibinigay na manila paper at marker ng guro.
4. Bibigyan ng 3 minuto ang bawat pangkat para sa pag-uulat upang maipakita ang malalim na pag-unawa sa pinagdaraanan ng bawat miyembro ng pamilya.
#56 Paglalahat (20 minuto):
Gawain: "Ang Tahanan sa Kabila ng Karagatan" (Action Plan)
Pamamaraan:
1. Mula sa natutuhang empatiya, ang bawat mag-aaral (o kapareha) ay mag-iisip ng 3 Hanggang 5 Mungkahi kung paano mapapanatili ang komunikasyon, tiwala, at pagmamahalan sa pamilya sa kabila ng distansya.
2. Pagpili ng Output (Differentiated Instruction): Malayang pumili ang mag-aaral kung paano nila ipahahayag ang kanilang mga mungkahi:
a. Infographic/Poster: Para sa mga visual na mag-aaral (Maaaring gamit ang Canva o pagguhit).
b. Vlog/Audio Message: Isang maikling video o voice note na naglalaman ng tips para sa mga pamilyang OFW.
c. Bukkas na Liham (Open Letter): Isang sulat na naglalaman ng payo para sa isang kaibigang may magulang sa abroad.
#57 Halimbawa ng mga Inaasahang Mungkahi:
Pagtatakda ng 'E-Family Time' o regular na video call na walang istorbo.
Pagiging bukas sa emosyon at hindi lang puro "pera" ang pinag-uusapan.
Pagtataguyod ng suporta mula sa mga kamag-anak na naiwan.
#58 Sulo ng Pag-asa" (Reflection Journal) –( 5 minuto):
Pamamaraan:
Pasasagutan sa mga mag-aaral ang sumusunod na talata sa kanilang kuwaderno o reflection pad bilang pagtatapos:
"Nabatid ko na ang migrasyon ay may dalang sakripisyo. Bilang isang kapwa kabataan/kamag-aral, maipakikita ko ang aking empatiya sa mga anak ng OFW sa pamamagitan ng... __________. Upang mapanatiling matatag ang aking sariling pamilya (o pamilyang may OFW), aking imumungkahi na... __________."
Accomodation/s:
Para sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagsusulat, maaaring tanggapin ng guro ang audio o video recording ng kanyang sagot.
#59 "Political Cartoon / Meme Analysis" (Malikhain at Biswal)
Panuto:
1. Maghanap ng isang editorial cartoon (editorial comic strip) o isang sikat na "political meme" na tumatalakay sa isang isyung pampolitika. (Maaari rin na ang mag-aaral mismo ang gumuhit kung nais ng guro).
2. Sa ilalim ng larawan, sagutin ang dalawang gabay na tanong:
Ano ang nakatagong mensahe o simbolismo na nais iparating ng cartoon/meme?
Makatarungan o wasto ba ang paraan ng pagpuna nito sa pamahalaan o sa isyu? Ipaliwanag.
#60 Pagtatalakay/Pagsasanay (15 minuto):
Gawain: "Suri-Kaso at Puso" (Case Study Analysis)
Pamamaraan:
1. Pagbabasa ng isang maikling kwento o panonood ng isang short video clip (3 – 5 minutes) tungkol sa isang pamilyang ang magulang ay nag-abroad (hal. Anak na nagtapos ngunit mag-isa sa entablado, o magulang na hindi nakauwi sa Pasko).
2. Pangkatang Talakayan (The Empathy Map): Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng Empathy Map para sa isang karakter (Ang Tatay/Nanay na OFW, ang Anak na naiwan, at ang Tagapangalaga).
Sasagutin ng bawat pangkat ang mga sumusunod na katanungan:
Ano ang kanilang sinsabi?
Ano ang kanilang iniisip?
Ano ang kanilang ginagawa?
Ano ang kanilang nararamdaman?
#61 3. Isusulat ang mga sagot gamit ang ibinigay na manila paper at marker ng guro.
4. Bibigyan ng 3 minuto ang bawat pangkat para sa pag-uulat upang maipakita ang malalim na pag-unawa sa pinagdaraanan ng bawat miyembro ng pamilya.
#62 Paglalahat (20 minuto):
Gawain: "Ang Tahanan sa Kabila ng Karagatan" (Action Plan)
Pamamaraan:
1. Mula sa natutuhang empatiya, ang bawat mag-aaral (o kapareha) ay mag-iisip ng 3 Hanggang 5 Mungkahi kung paano mapapanatili ang komunikasyon, tiwala, at pagmamahalan sa pamilya sa kabila ng distansya.
2. Pagpili ng Output (Differentiated Instruction): Malayang pumili ang mag-aaral kung paano nila ipahahayag ang kanilang mga mungkahi:
a. Infographic/Poster: Para sa mga visual na mag-aaral (Maaaring gamit ang Canva o pagguhit).
b. Vlog/Audio Message: Isang maikling video o voice note na naglalaman ng tips para sa mga pamilyang OFW.
c. Bukkas na Liham (Open Letter): Isang sulat na naglalaman ng payo para sa isang kaibigang may magulang sa abroad.
#63 Accomodation/s:
Para sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagsusulat, maaaring tanggapin ng guro ang audio o video recording ng kanyang sagot.