Skip to main content
Pag-aaral sa
Kasaysayan at
Lipunang
Pilipino
Strengthened Senior High School
Department of Education
Grade 11 - Core Subject
Mga
Paniniwala ng
Sinaunang
Pilipino
LINGGO 7
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
Dimensyon ng
Buhay –
Ginhawa / Life
Force
Session 3
Pag-aaral sa Kasaysayan at Lipunang Pilipino
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Nasusuri ang umiiral na
paniniwala at
pananampalataya ng
kalinangang Pilipino mula
sa lipunang barangay.
L a y u n i n
1.Maipaliwanag ang konsepto ng ginhawa bilang life
force ng sinaunang Pilipino
2.Matukoy ang ugnayan ng ginhawa sa kalusugan,
kaluluwa, at pamumuhay
3.Masuri ang kahalagahan ng balanse ng ginhawa
sa buhay ng tao
N i l a l a m an :
Dimensyon ng Buhay – Ginhawa / Life Force
Pagbabalik-tanaw
1.Ano ang anting-anting at ano ang
kahalagahan nito?
2.Ano ang papel ng hiyas sa sinaunang lipunan?
3.Paano ipinapakita ng mga paniniwala ang
kultura ng sinaunang Pilipino?
Motivational Activity
“Kapag sinabing ‘wala
kang ginhawa,’ ano
ang ibig sabihin nito?”
MAGINHAWA BA?
Motivational Activity
Ginhawa ba ay pisikal lamang o
may kinalaman din sa
damdamin at espiritu?
MAGINHAWA BA?
Konsepto ng
Ginhawa bilang Life
Force
Sa sinaunang
paniniwalang
Pilipino, ang
ginhawa ay
tumutukoy sa
kabuuang kalagayan
ng isang tao—
pisikal, emosyonal,
at espiritwal.
Ito ay maaaring
ituring na life force
o lakas ng buhay na
nagpapanatili sa tao
na malusog at
maayos ang
kalagayan.
Ang salitang
“ginhawa” ay hindi
lamang
nangangahulugan
ng “comfort” kundi
ng balanse at
kaayusan ng buong
pagkatao.
Mga Dimensyon ng
Ginhawa
1. Pisikal na
Ginhawa
• Kalusugan ng
katawan
• Lakas at
kakayahang
gumawa
Halimbawa: Ang isang
taong malusog ay may
sapat na ginhawa
upang magtrabaho.
2. Emosyonal na
Ginhawa
• Kapayapaan ng isip
• Kawalan ng stress o
matinding problema
Halimbawa: Ang taong
walang alalahanin ay
sinasabing “magaan
ang loob.”
3. Espiritwal na
Ginhawa
• Ugnayan sa kaluluwa
at espiritu
• Paniniwala sa mga
puwersang hindi
nakikita
Halimbawa: Ang
pagsasagawa ng ritwal ay
paraan upang mapanatili
ang ginhawa.
Kawalan ng Ginhawa
at Sakit
Naniniwala ang
sinaunang Pilipino
na ang sakit ay
dulot ng:
• Kawalan ng
balanse sa
ginhawa
• Galit ng espiritu
• Paglabag sa
paniniwala o
Dahil dito,
gumagamit sila ng:
• Ritwal ng
pagpapagaling
• Anting-anting
• Panalangin o alay
Kahalagahan ng
Balanse ng Ginhawa
Ang balanse ng
ginhawa ay
mahalaga upang:
• Mapanatili ang
kalusugan
• Maiwasan ang
sakit
• Makapamuhay
nang maayos
Ang konseptong ito ay
nagpapakita na ang sinaunang
Pilipino ay may holistic na
pananaw sa buhay—hindi
lamang katawan kundi pati
isip at espiritu.
Exit Ticket
Bakit mahalaga ang balanse ng
ginhawa sa buhay ng tao?
Main Activity
KUMUSTA KA?
1.Gumawa ng 3-column chart:
a. Pisikal
b. Emosyonal
c. Espiritwal
2.Sagutin:
a. Ano ang kalagayan mo sa bawat aspeto?
b. Ano ang maaari mong gawin upang
mapabuti ito?
3.Magbahagi ng insight (voluntary).
Ginhawa Self-Assessment
Short Summary
Ang ginhawa ay tumutukoy sa kabuuang
kalagayan ng tao—pisikal, emosyonal, at
espiritwal. Para sa sinaunang Pilipino,
mahalaga ang balanse nito upang mapanatili
ang kalusugan at maayos na pamumuhay.
Assignment
Reflection: Paano mo mapapanatili
ang iyong ginhawa sa pang-araw-
araw na buhay?
“Health is a state
of complete
harmony of the
body, mind, and
spirit.”
– B.K. Iyengar

Editor's Notes