Skip to main content
GMRC
Pamamahala sa mga Bagay na
Hindi na Nagagamit sa Tulong
ng Kapuwa
QUARTER 3 WEEK 7
D
A
Y
Find the Odd One Out
Tingnan ang bawat set ng larawan.
Piliin kung alin ang hindi nababagay
at ipaliwanag kung bakit. Gamitin
ang inyong sagot upang pag-isipan
kung paano tayo dapat maging
masinop at responsable sa
paggamit ng mga bagay.
✏️Lapis – Pambura – Lukot na papel
️ 🗑️
☕ Tasa – 🥄 Kutsara – 🍼 Plastik na bote
📘 Kuwaderno – Gunting – 🍌 Balat ng saging
✂️
🎒 Bag – Mga aklat – 🗑️Balat ng kendi
️ ️ ️
️
️
️
️
️
️
️
️
️
️
️
️
Bawat grupo ay bibigyan ng isang
mini tray na may iba’t ibang
lumang bagay tulad ng piraso ng
papel, takip ng bote, sirang
krayola, at karton. Pag-usapan sa
grupo ang mga tanong sa ibaba
at ilahad ang inyong mga ideya.
1. Ano ang maaari pang gawin dito?
2. Kapaki-pakinabang pa ba ito?
Upang mabawasan ang basura at
mapangalagaan ang kalikasan,
kailangan nating maging masinop
sa paggamit ng mga bagay. Kaya
pag-aaralan natin ngayon ang 4Rs
—mga simpleng paraan para
makatulong sa ating kapaligiran.
1. Reduce (Pagbawas) – Bawasan ang
paggamit ng mga bagay na mabilis nagiging
basura.
2. Reuse (Muling Paggamit) – Gamitin ulit ang
mga bagay sa iba’t ibang paraan bago ito
itapon.
3. Recycle (Pagre-recycle) –
Gawing panibagong produkto
ang lumang materyales tulad ng
papel, plastik, at lata.
4. Refuse (Pagtanggi) – Tumanggi
sa mga bagay na hindi kailangan,
lalo na kung disposable o
nakakalikha ng basura.
Bawat grupo ay bibigyan ng
picture puzzles na nagpapakita
ng tamang 4R solutions tulad
ng: scratch paper, recycled
bottle planter, refuse plastic, at
reduce packaging. Buoin ang
puzzle at pagkatapos ay
ipaliwanag sa klase ang
mensaheng ipinapakita nito.
Bawat grupo ay bibigyan ng isang
whiteboard. Magbabasa ako ng 10
maiikling sitwasyon, at kailangan
ninyong sumagot nang mabilis
gamit ang tamang sagot: Reuse,
Recycle, Reduce, o Refuse. Itaas
ang whiteboard kapag tapos na
ang inyong sagot.
1. May natira kang mga malinis na bond
paper na may print sa likod.
2. Bibigyan ka ng tatlong plastik bag sa
tindahan kahit isa lang ang kailangan mo.
3. May bote ng softdrinks na gawa sa
plastik matapos mo uminom.
4. Bumibili ka ng pagkain at sobrang dami
ng packaging at lalagyan.
5. May lumang kahon ng sapatos sa
bahay.
6. Inalok ka ng libreng plastic fan
ngunit hindi mo naman kailangan.
7. May sirang krayola na puwede
pang gamitin sa art activity.
8. May lata ng gatas na puwede
pang gawing paso.
9. Gagamit ka ng straw kahit may
sariling tumbler ka.
10. May mga lumang diyaryo na
nakaipon sa bahay.
Silipin ang laman ng inyong bag.
Pumili ng isang bagay na hindi
ninyo nagagamit o madalas naiipit
lang sa loob. Sagutin ang tanong:
‘Ano ang puwede kong gawin dito
para maging masinop?’ Pag-
usapan at ibahagi ang inyong
sagot sa klase.
Tandaan:
Ang pagiging masinop ay nakikita sa
paraan ng pag-aalaga sa gamit at
wastong pagpili kung paano ito gagamitin
muli
Piliin at bilugan ang tamang sagot:
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse.
1. Nakakita ka ng lumang garapon na
walang laman.
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse
2. Inaalok ka ng plastik na straw kahit
may sarili kang tumbler.
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse
3. May malaking karton mula sa kahon
ng sapatos.
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse
4. Bumibili ka ng snack na may sobrang
daming plastik na balot.
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse
5. Maraming papel na may print sa
isang side pero malinis pa ang kabila.
Reuse / Recycle / Reduce / Refuse
Gumuhit ng isang ginamit mong muli na
bagay sa bahay.
GMRC
Pamamahala sa mga Bagay na
Hindi na Nagagamit sa Tulong
ng Kapuwa
QUARTER 3 WEEK 7
D
A
Y
Pagbabahagi ng takdang aralin
Ngayong araw ay mauunawaan
natin kung bakit mahalagang mag-
manage ng gamit at paano ito
nakakatulong sa kapuwa.
Ipapakita ko ang story cards na
naglalarawan ng isang batang
naglalagay ng kalat sa tamang
lalagyan. Pag-aralan ang bawat
card at pagsunod-sunurin ang
mga pangyayari sa tamang
order. Pagkatapos, ipaliwanag
kung bakit iyon ang tamang
pagkakasunod-sunod.
Tingnan ang halimbawa ng sanhi at
bunga tungkol sa basura at pagre-
recycle. Sa inyong mga pares, mag-isip
at gumawa ng sarili ninyong isang sanhi
at bunga na nagpapakita kung paano
nakaaapekto ang ating aksyon sa
kalinisan at kapaligiran.
Sanhi: Hindi pinaghihiwalay
ang bote at papel
Bunga: Lumalaki ang basura
Sanhi: Inirecycle ang bote
Bunga: Nagkakaroon ng
bagong bagay
Sa apat na sulok ng klase, may mga
label na Reuse, Recycle, Reduce, at
Refuse. Magpapakita ako ng isang
larawan. Pag-isipan kung anong
aksyon ang pinakamainam na gawin
ayon sa 4Rs. Pagkatapos, pumunta
kayo sa sulok na tingin ninyo ay
tama. Kapag nandoon na,
ipaliwanag kung bakit iyon ang napili
ninyong aksyon.
Uupo nang naka-bilog. Aking
babanggitin ang isang sitwasyon.
Ipapaabot ng unang bata ang
statement (bulong o whisper) sa katabi.
Ipapasa ito ng bawat bata hanggang
makarating sa huli. Ang huling bata
ang magsasabi ng sagot kung ito ba
ay:
✔ Reuse
✔ Recycle
✔ Reduce
✔ Refuse
1. Lumang garapon ng peanut
butter—gawing lalagyan ng
crayons.
2. Basyo ng plastic bottle—dalhin
sa recycling center.
3. Bumili ng juice pero iwas sa
straw.
4. Gamitin ang parehong folder
kaysa bumili ng bago.
5. Sirang medyas—gawing
pambura ng whiteboard.
Sa isang papel. Iyong isulat ang:
1.Isang bagay na tinanggihan.
2.Isang bagay na binawasan mo.
3.Isang bagay na ginamit mo muli.
4.Isang bagay na ire-recycle mo
Tandaan:
Ang wastong pamamahala
ng gamit ay nakatutulong sa
sarili, kapuwa, at kalikasan.
Basahing mabuti ang
mga tanong. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
A.Reduce
B.Reuse
C.Recycle
D.Refuse
1. Nakakita si Jessa ng lumang ice
cream container. Pwede pa itong
gawing lalagyan ng toys. Ano
ang tamang aksyon?
2. Si Mark ay bibili sana ng juice,
pero nakita niyang may libre
namang sariling tumbler si Mama.
3. Ang papel ni Liza ay may print sa
likod pero malinis pa ang kabila.
Gagamitin niya ito sa pagsusulat ng
notes. Ano ito?
4. Sa canteen, inaalok si Carlo ng
plastic straw pero may dala naman
siyang reusable metal straw. Ano
ang dapat niyang gawin?
5. Naiipon ang mga bote sa bahay,
kaya dinala ito ni Carla sa materials
recovery facility (MRF). Ano ang
aksyon niya?
Mag-obserba sa bahay: Ano ang
isang gamit na hindi niyo ginagamit
na puwedeng ipamigay?
GMRC
Pamamahala sa mga Bagay na
Hindi na Nagagamit sa Tulong
ng Kapuwa
QUARTER 3 WEEK 7
D
A
Y
Ngayong araw ay layunin nating
mailapat ang 4Rs sa tulong ng
kapuwa.
May 6 stations ng community
situations. Bawat isa ay iikot at
sasagot sa sticky note: “Ano ang
masinop na gawain dito?”
Station 1: Maraming papel,
plastik, at bote sa gilid ng daan.
Station 2: Inaayos ni Nanay ang
isang lumang kahon ng sapatos
para magamit muli.
Tandaan:
Kapag tayo ay marunong
mag-manage ng gamit,
nirerespeto natin ang
biyayang bigay ng kalikasan.
Station 3: May nakaipong bote at
lata na dinadala ng isang
residente sa junk shop.
Station 4: Nagdo-donate ng
lumang laruan ang isang bata sa
kapitbahay o charity box.
Station 5: Inaayos ni Tatay ang
upuan kaysa bumili ng bago.
Station 6: Bibili sana ng juice ang
bata pero gagamit ng sarili
niyang tumbler kaysa disposable
cup.
Ating sagutin:
Ano ang papel ng junk shop?
Barangay cleaners?
Kapamilya? Kapitbahay?
Paano sila natutulungan?
Hahatiin ang klase sa mga
grupo. Bawat grupo ay
bibigyan ng isang sitwasyon na
kanilang i-ro-role play. Ipakita
sa inyong maikling dula kung
paano nagiging masinop,
mabait, at responsable ang
bata sa kapaligiran.
Sitwasyon 1: Bata nag-ayos ng bote sa sari-
sari store.
Sitwasyon 2: Nagbigay ng lumang laruan sa
kapitbahay.
Sitwasyon 3: Pagsama-sama ng recyclable
items para sa barangay clean-up.
Ating sagutin:
1. Ano ang natutunan ko tungkol
sa pagiging masinop at pag-
aalaga sa kapaligiran?
2. Aling gawain ang kaya ko nang
simulan sa bahay o sa paaralan
upang makatulong sa kalinisan?
3. Paano makakatulong ang maliit na aksyon
ng bawat tao sa mas malaking pagbabago
sa komunidad?
4. Anong sitwasyon sa role-play ang
pinakanagpakita ng mabuting asal? Bakit?
5. Ano ang isang bagay na gagawin ko
mula ngayon upang mabawasan ang
basura?
Kukuha kayo ng isang maliit na papel at
isusulat ang sagot sa tanong: ‘Ano ang isang
bagay na maibibigay mo sa kapuwa mula sa
hindi mo na gamit?’
Pagkatapos isulat, idikit ang papel sa ating
Kindness Cloud board bilang tanda ng
pagtulong at pagbabahagi."
Tandaan:
Ang pagiging masinop ay hindi lamang para
sa sarili—ito’y pagtulong sa kapuwa at
komunidad.
Sagutin ng 1-2 pangungusap ang tanong:
Paano ka makakatulong sa barangay gamit
ang lumang bagay?
Magdala ng isang lumang bagay para sa Day
4 “Create & Share Project.”
GMRC
Pamamahala sa mga Bagay na
Hindi na Nagagamit sa Tulong
ng Kapuwa
QUARTER 3 WEEK 7
D
A
Y
4
Ano ang mahalagang aral na
natutuhan mo ngayong linggo?
Ngayong araw ay makakabuo
tayo ng ng simpleng recycled
product nang may tulong ng
kapuwa.
Kumuha ng isang malaking manila
paper at isulat sa gitna ang item
na dala ninyo (hal. lumang bote,
lumang papel, sirang krayola).
Mula sa gitna, gumuhit ng mga
sanga o linya palabas at punan
ng mga sagot sa tanong na:
‘Ano ang puwede kong gawing
bago rito?’
Gamitin ang inyong imahinasyon—
maaaring maging laruan,
dekorasyon, organizer, o anumang
kapaki-pakinabang na bagay.
1. Piliin ang mga bagay na dala ng
bawat isa.
2. Planuhin ang magiging produkto.
3. Tukuyin ang roles: cutter, designer,
assembler, decorator.
4. Gawin ang produkto.
5. Ipresenta sa klase na may slogan:
“Maliit na Gawa, Malaking Tulong!
Paggawa ng awtput
Presentasyon ng awtput
Tandaan:
Ang 4Rs ay simpleng hakbang
ngunit may malaking epekto sa
kalikasan at kapuwa.
Pamantayan sa awtput:
Paggamit ng Recycled Materials - 10 pts.
Kreatibidad at Pagiging - 10 pts Kapaki-
pakinabang
Pakikipagtulungan sa Grupo - 10 pts.
Linaw ng Layunin (Paano ito nakatutulong
sa kapuwa) - 10 pts.
Sagutin ang tanong:
Ano ang pakiramdam mo na nakagawa
ka ng bagong bagay mula sa luma?
Kanino mo ito ibabahagi at bakit?