Comprehensive Values Education Module: Personal Values and Life Planning for Grade 10
Explore personal values, moral responsibility, and effective life planning through interactive activities and Schwartz's value theory in this Grade 10 Values Education lesson.
Comprehensive Values Education Module: Personal Values and Life Planning for Grade 10
1.
MODELONG BANGHAY-ARALIN SA
VALUESEDUCATION 10
Kuwarter 2: Aralin 1 (Linggo 1) | Sariling Pagpapahalaga bilang Gabay sa Pagpaplano
sa Buhay
Mga Manunulat at Tagasuri:
• James Cesar A. Metiam (Mariano Marcos State University)
• Elanor O. Bayten (Pamantasang Normal ng Pilipinas)
MATATAG K to 10 Curriculum Pilot Implementation (2025-2026) | Bureau of Learning Resources
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 1
2.
Mga Pamantayan atLayunin sa Aralin GABAY SA
KURIKULUM
Pamantayang
Pangnilalaman
• Pag-unawa: Natututuhan ng
mag-aaral ang pag-unawa sa
sariling pagpapahalaga bilang
gabay sa pagpaplano sa buhay.
Pamantayan sa
Pagganap
• Pagsasagawa: Naisasagawa
ang mga plano na nagpapakita ng
wastong paghahanda sa
pagpaplano sa buhay upang
malinang ang pagiging
mapanagutan.
Kasanayan at Layunin
• Kasanayan: Nakapagsasanay
ng pagiging mapanagutan sa
pagbubuo ng tamang pananaw sa
paghahanda sa bokasyong
pagpapamilya.
• Nasusuri: Ang sariling
pagpapahalaga bilang gabay.
• Naipaliliwanag: Komitment at
moral na pananagutan.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 2
3.
Balik-aral at PangganyakDAY 1
Maikling Balik-aral: Karapatang
Pantao
• Katanungan 1: Bakit mahalagang magkaroon ng
sariling paninindigan sa karapatang pantao?
• Katanungan 2: Sa paanong paraan natin naipapakita
ang paninindigan sa karapatang pantao sa pangaraw-
araw?
• Paalala sa Guro: Humingi lamang ng isang
kasagutan sa bawat mag-aaral upang magkaroon ng
malawak na pakikilahok.
Paglinang sa
Kahalagahan ng
Pagpaplano
• Gampanin at Kakayahan: Sa
isang group project, sino ang
madalas piliin na maging lider?
• Gabay na Tanong: Sa anong
mga bagay tayo madalas
magplano sa buhay?
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 3
4.
GAWAIN 1: ANOANG
MAHALAGA SA AKIN?
Maglista ng tatlong bagay o
pagpapahalagang pinakamahalaga sa
iyo. Ipaliwanag kung bakit at paano
ito nakaaapekto sa iyong mga
desisyon.
5.
Paghawan ng Bokabolaryosa Nilalaman DAY 1
Sariling
Pagpapahalaga
Ito ang mga paniniwala at halaga ng isang tao na nagtatakda ng kanyang mga
layunin at pamantayan sa buhay.
Pagpaplano Ito ang proseso ng pagtatatag ng mga layunin at pagbuo ng mga hakbang para
maabot ang mga ito.
Moral na
Pananagutan
Ito ay ang tungkulin ng isang indibidwal na magpasya at kumilos nang may
wastong moralidad at konsensya.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 4
6.
Ang sariling
pagpapahalaga aymga
bagay o prinsipyo na
mahalaga sa isang tao
at nagsisilbing gabay
sa kanyang mga
desisyon at kilos.
Ang sariling pagpapahalaga
ay nagpapakita kung ano ang
pinakamahalaga sa isang tao
at nagsisilbing gabay sa
kanyang mga desisyon at
kilos. Kahit pareho ang
pinahahalagahan ng dalawang
tao, maaaring magkaiba ang
paraan nila ng pagkamit o
pagpapakita nito.
7.
Sampung Uri ngPagpapahalaga ayon kay Schwartz (Part 1) DAY 1
Inilahad ni Schwartz (1992) na may sampung uri ng pagpapahalaga na nagmumula sa iba't ibang motibasyon. Ito ay pare-
pareho sa iba't ibang kultura sa buong mundo.
1.
Pagsasarili
(Self-direction)
Kalayaan
(freedom)
Pagiging
malikhain
(creativity) sa
pagpapasya sa
buhay.
2. Pag-
uudyok
(Stimulation)
Masayang buhay
(exciting life)
Pagiging
mapangahas
(daring) sa
pagharap sa mga
hamon.
3.
Hedonismo
(Hedonism)
Kasiyahan
(pleasure)
Pagiging
mapagbigay-
sarili (self-
indulgent) para
sa sariling saya.
4.
Tagumpay
(Achievement)
Ambisyoso
(ambitious)
Matagumpay
(successful) na
pagsasakatupara
n ng mga
pangarap.
5.
Kapangyari
han
(Power)
Kayamanan
(wealth)
Awtoridad
(authority) at
kontrol sa
sariling
direksyon.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 5
8.
Sampung Uri ngPagpapahalaga ayon kay Schwartz (Part 2) DAY 1
Walang tiyak na listahan ng pinakamahusay na halaga; ang bawat isa ay may natatanging kahalagahan para sa sarili at
nagsisilbing moral na pundasyon.
6.
Seguridad
(Security)
Kaayusan sa
lipunan,
seguridad ng
pamilya (family
security), at
kalinisan.
7.
Pagsunod
(Conformity)
Pagiging magalang
(politeness),
disiplina sa sarili, at
paggalang sa iba.
8.
Tradisyon
(Tradition)
Paggalang sa
mga
nakasanayang
tradisyon,
pagiging
maayos, at
mapagpakumba
ba.
9.
Kabutihan
(Benevolence)
Katapatan (loyal),
responsable,
matulungin, at
pagiging
mapagpatawad.
10.
Universalis
mo
(Universalism)
Pagkakapantay-
pantay,
katarungang
panlipunan, at
pagprotekta sa
kalikasan.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 6
9.
Ang pagpaplano ayang pag-iisip nang
maaga kung ano ang gusto mong makamit
at kung paano mo ito gagawin. Kasama
rito ang pagtatakda ng layunin, paggawa
ng mga hakbang, at paglalaan ng oras
upang maisakatuparan ang plano.
10.
Ang pagpaplano aybahagi ng moral na pananagutan
dahil ipinapakita nito na tayo ay responsable, maingat,
at seryoso sa ating mga tungkulin at pangako.Kapag may
plano tayo, mas malinaw kung ano ang ating gagawin
upang maabot ang ating mga layunin sa pag-aaral,
trabaho, pamilya, o bokasyon. Hindi sapat na gumawa
lamang ng plano; mahalaga ring tuparin ito.
Kahalagahan ng pagpaplano sa buhay at komitment sa
pagsasakatuparan nito bilang bahagi ng moral pananagutan
11.
APPLICATION – TOP3 KO: Pumili ng
tatlong pagpapahalaga at kumpletuhin:
“Mahalaga sa akin ang ____ dahil ____.”
12.
Isulat ang: 3pagpapahalagang
mahalaga sa iyo; 2 paraan kung
paano nakaaapekto ang mga ito sa
iyong desisyon; at 1 plano sa buhay
na nais mong makamit.
13.
BALIK-ARAL: TOP 3KO
Balikan ang sampung uri ng pagpapahalaga ayon kay
Schwartz. Pumili ng tatlong pinakamahalaga sa iyo at
magbigay ng maikling dahilan.
GABAY NA TANONG: Paano makatutulong ang mga
pagpapahalagang ito sa pagtupad ng isang plano sa
buhay?
14.
GAWAIN 1: HAGDANANNG
PAGPAPAHALAGA
Gumuhit ng isang hagdan na
gagamitin sa pagtupad ng iyong
plano sa buhay. Sa bawat baitang,
isulat ang pansariling
pagpapahalagang kakailanganin at
tukuyin kung saan at paano ito
gagamitin.
15.
Pamprosesong Tanong: 1)
Anoang isinaalang-alang
mo sa pagtukoy ng mga
hakbang? 2) Paano mo
planong gamitin ang iyong
“hagdan” sa pagtupad ng
plano?
16.
Pinatnubayang Pagsasanay: Hagdananpara sa Hinaharap DAY 2
TUNGO SA PANGARAP
HAKBANG 5
Pagsasarili
HAKBANG 4
Kabutihan
HAKBANG 3
Seguridad
HAKBANG 2
Pagsunod
HAKBANG 1
Tradisyon
Gabay sa Pagsasagawa at Pagninilay
• Konsepto ng Hagdanan: Ang hagdanan
ay sumasalamin sa pagkakaroon ng
sistema sa pag-abot ng iyong mga plano sa
buhay.
• Pansariling Pagpapahalaga: Sa bawat
hakbang, isulat ang sariling pagpapahalaga
na gagabay sa iyo at tukuyin kung saan at
paano ito gagamitin.
• Kahalagahan ng Paglapat: Tandaan na
mawawalan ng saysay ang sariling
pagpapahalaga kung walang malinaw na
plano kung paano mo ito isasabuhay.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 7
17.
Mag-isip-Magpares-Magbahagi (Think-Pair-Share) DAY2
Paksang Tatalakayin: Ang
Plano ko sa Buhay
• 1. MAG-ISIP (Think): Pagnilayan ang iyong
mga ala-ala noong ikaw ay nasa elementarya
pa lamang. Ano ang iyong pangarap?
• 2. MAGPARES (Pair): Humanap ng
kapareha o kamag-aral na makakausap nang
tapat.
• 3. MAGBAHAGI (Share): Ibahagi ang iyong
kasagutan sa gabay na mga tanong at makinig
din sa kwento ng iyong kapareha.
Mga Gabay na
Katanungan sa Kapareha
• Tanong 1: Ano ang plano mo sa buhay noong ikaw
ay nasa elementarya pa lamang? Bakit ito?
• Tanong 2: Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ba ang
plano mo noon hanggang ngayon? Bakit oo o hindi?
• Tanong 3: Ano ang nag-udyok sa iyo na magbago
ng plano o paano mo napagtantong hindi na ito para
sa iyo?
• Tanong 4: Ano ang iyong pangkasalukuyang plano
at anong mga gawain o hakbang ang kailangan mong
gawin upang matupad ito?
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 8
18.
Balangkas ng WastongPaghahanda sa Pagpaplano sa Buhay DAY 3
1. Magtakda
ng Layunin
Isaalang-alang
ang mga nais
makamit at
magtakda ng
konkretong
layunin. Ito ay
nagbibigay ng
masusing gabay
sa bawat
hakbang.
2. Tukuyin
ang
Kakayahan
Suriin ang mga
kakayahan at
kasanayan,
sapagkat ito ang
magiging matibay
na pundasyon sa
pag-abot ng mga
plano.
3. Magbigay
ng
Prayoridad
Tukuyin kung aling
mga layunin at
aspeto ng buhay
ang
pinakaimportanten
g pagtuunan ng
pansin at unahin.
4. Tukuyin
ang Halaga
Alamin ang
iyong mga
prinsipyo at
personal na
halaga upang
magsilbing
gabay sa tamang
desisyon at
pagkilos.
5. Magplano
ng Aksyon
Isalaysay ang
isang konkretong
plano na
naglalaman ng
mga detalyadong
hakbang na
kailangan upang
maabot ang
plano.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 9
19.
Paglalapat: Paggawa ngSariling Plano sa Buhay DAY 3
1. Pangarap sa Buhay (Larawan)
• Pumili ng mga Larawan: Pumili ng mga larawang
kumakatawan sa iyong nais na pangarap sa buhay
(hal. trabaho, bokasyon, o pagpapamilya) at idikit ito
sa kahon.
2. Tatlong Konkretong Layunin
• Magsulat ng Layunin: Ihayag ang tatlong
konkretong layunin batay sa napiling larawan.
Siguraduhing ito ay tiyak at may malinaw na
tunguhin.
3. Mga Detalyadong Hakbang
• Mga Hakbang kada Layunin: Para sa bawat
layuning isinulat, magtakda ng tatlong (3)
konkretong hakbang na kailangan mong
isakatuparan upang ito ay makamit.
4. Pagtatakda ng Prayoridad
• Ipaliwanag ang Prayoridad: Pumili ng isang
pangunahing layunin na dapat unahin. Ipaliwanag
kung bakit ito ang napili at paano ito makakatulong
sa iyong pangarap.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 10
20.
Pabaong Pagkatuto: Bintanang Pag-unawa DAY 4
REYALISASYON
• Bagong Kaalaman: Ang bago at dagdag na mga
kaalaman, konsepto, o katotohanan na dapat
tandaan mula sa aralin tungkol sa personal na
pagpapahalaga at pagpaplano.
INTEGRASYON
• Pag-uugnay ng Konsepto: Ang pag-uugnay sa
iba pang ideya o konsepto batay sa mga
pagkakatulad ng binasa, napanood, o napakinggan
sa sariling buhay.
EMOSYON
• Saloobin at Naramdaman: Ang iyong mga
naramdaman, damdamin, o personal na saloobin ukol
sa mga nakuhang kaalaman at kahalagahan ng
pagpaplano sa buhay.
AKSYON
• Tugon at Kilos: Ang angkop na tugon o kilos na
gagawin upang maipamalas ang natutuhan at
maisabuhay ang sariling pagpapahalaga.
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 11
21.
Dilemma: Diploma oDiskarte & Pagtataya DAY 4
Pagninilay: Diploma o Diskarte?
• Konteksto ng Tanong: Bilang isang mag-aaral sa
ika-10 baitang, maaari mong nakikita sa social media
ang debate tungkol sa DIPLOMA o DISKARTE.
• Sariling Pananaw: Alin ang mas mahalaga sa iyo?
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili at ibahagi ito
sa iyong klase.
• Tala sa Guro: Hindi mahalaga kung alin ang piliin ng
mag-aaral. Ang pinaka-mahalaga ay maunawaan nila
ang magiging kahahantungan ng kanilang desisyon.
Ebalwasyon ng Pagkatuto
• I. Pagsusulit (10 puntos): Basahin at unawain ang
bawat pahayag. Tukuyin kung Tama (T) o Mali (M) ang
isinasaad nito ukol sa aralin.
• II. Pagpapahalaga (10 puntos): Pumili ng limang (5)
pagpapahalaga mula sa listahan ni Schwartz at isulat
ang kahalagahan ng bawat isa sa iyong sariling buhay.
• III. Sanaysay (10 puntos): Sagutin sa isang
sanaysay ang katanungan: 'Paano nakatutulong ang
sariling pagpapahalaga sa pagpaplano sa buhay?'
Modelong Banghay-Aralin sa Values Education 10 | Kuwarter 2 Aralin 1 Slide 12
Editor's Notes
#3 Ang pinakabihasa o pinaka-responsable sa pangkat.
Hal. pagpunta sa palengke, outing, paggawa ng proyekto, o mga okasyon) • Inaasahang Resulta: Matutukoy ng mag-aaral na ang pagpaplano ay natural at mahalagang bahagi ng ating mga gawain.
#5 ariling Pagpapahalaga – mga paniniwala at bagay na mahalaga sa atin na gumagabay sa ating buhay.
Pagpaplano – pagtatakda ng layunin at pag-iisip ng mga hakbang upang makamit ito.
Moral na Pananagutan – pagiging responsable sa pagpili at paggawa ng tama ayon sa konsensya.
Sa madaling salita, a
#6 Halimbawa, kung mahalaga sa isang tao ang pamilya, maglalaan siya ng oras para sa kanila. Kung mahalaga naman sa kanya ang pagtulong sa kapuwa, maaari siyang gumawa ng mga gawaing kawanggawa.Magkakaiba ang pagpapahalaga ng bawat tao dahil naaapektuhan ito ng kanilang kultura, karanasan, pamilya, at kapaligiran. Sa madaling salita, ang ating mga pagpapahalaga ang tumutulong sa atin na malaman kung ano ang mahalaga at kung paano tayo magdedesisyon sa buhay, tulad sa trabaho, pakikipagkaibigan, at iba pang aspeto ng ating buhay.
Halimbawa, parehong mahalaga sa dalawang tao ang tagumpay. Ang isa ay maaaring magsikap at mag-aral nang mabuti, habang ang isa naman ay maaaring humanap ng ibang paraan upang umunlad.
#9 Halimbawa: Kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral, kailangan mong magplano kung kailan mag-aaral, anong mga gawain ang uunahin, at paano mo hahatiin ang iyong oras.Sa madaling salita:Pagpapahalaga → kung ano ang mahalaga sa iyo.Pagpaplano → kung paano mo maaabot ang iyong mga layunin.
#10 Halimbawa, kung nangako kang tatapusin ang isang gawain sa tamang oras, kailangan mong planuhin kung kailan at paano mo ito gagawin. Kapag tinupad mo ang iyong plano, ipinapakita mo ang iyong integridad, katapatan, at pagiging responsable.Sa madaling salita:Magplano nang maayos + tuparin ang plano = pagiging responsable at mapanagutan.
#12 3 Pagpapahalagang Mahalaga sa Akin:
Tagumpay – nais kong maging matagumpay sa aking mga mithiin.
Seguridad – mahalaga sa akin ang seguridad at kapakanan ng aking pamilya.
Kabutihan – nais kong maging responsable at matulungin sa kapuwa.
2 Paraan kung paano nakaaapekto ang mga ito sa aking desisyon:
Nagsisikap akong mag-aral at gumawa ng tamang desisyon upang makamit ang aking mga pangarap.
Isinasaalang-alang ko ang kapakanan ng aking pamilya at ibang tao bago gumawa ng mahalagang desisyon.
1 Plano sa Buhay na Nais Kong Makamit:
Makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng magandang trabaho, at makatulong sa aking pamilya.
See another version