Adiksyon sa kompyuter games

50,357 views

Published on

0 Comments
13 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
50,357
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
595
Comments
0
Likes
13
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Adiksyon sa kompyuter games

  1. 1. Kompyuter GamesA. Panukalang Pahayag- Ang paglalaro ng computer games ay may masamang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ngKolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo TomasB. Paksa at Suliranin-Pagtukoy ng PaksaAng paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mgamasasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila.-Paglalahad ng SuliraninSa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng 1-LAM ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado.-Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksaAng mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng 1-LAM sa UST na gustong ipaalam sa mgaestudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ngmga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ngmga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan.Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong dinsila sa mga taong nakakaranas nito.C. REBYU / PAG-AARALSa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay anginternet.
  2. 2. D. LAYUNINA. Pangkalahatan- Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral nanagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na anginteres ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito.B.Tiyak-Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mgaepekto sa paglalaro ng kompyuter games at kung paano nga ba maiiwasan ang mgamasasamang epekto sa paglalaro nito. Nais din ng mga mananaliksik na makatulong sa bawatestudyanteng nakakaranas ng mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.E. HALAGA-Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito ay magbibigay impormasyon sa mga estudyantengnaglalaro ng kompyuter games ukol sa mga hindi magagandang bagay na kanilang maaraningsapitin kung sila ay magpapatuloy sa pag gawa ng bagay na ito. Ang kahalagan din ngpananaliksik na ito ay upang malaman ng mga estudyante kung paano nila maiiwasan ang mgamasasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.F. KONSEPTWAL NA BALANGKASKompyuter Games-Kasaysayan-Masamang Epekto-Kalusugan-Pag-aaral-Mga sikat na Laro sa Kompyuter-Mga Kompyuter Shop-Batas ng Gobyerno tungkol dito
  3. 3. G.METODOLOHIYAAng pananaliksik na ito ay magsisimula sa pqgbibigay ng sarbey sa mga estudyante ng 1-LAM saUST ang mga tanong ay bubuin na kung naapektuhan ba ang kanilang pag-aaral sa paglalaro ngkompyuter games at kung ano ang mga epekto ng kompyuter games sa kanilang kalusugan.Ito ang magiging sarbey na ipamimigay sa mga estudyante mula sa 1-LAM ng UST ng 2ndsemestre ng taong 2008-2009Kami sina Justin Visda , Heinson Tan at Bryan Yaranon at gusto naming sagutan ninyo angsarbey na ito na tungkol sa mga masasamang epekto sa paglalaro ng kompyuter games.Salamat sa inyong tapat napagsagot.1. Sa paglalaro ng kompyuter games, naapektuhan ba ang iyong pag-aaral ?[ ] Oo[ ] Hindi2. May plano ka ba na ihinto ang paglalaro ng kompyuter games? Bakit?Answer:3. May plano ka ba na maglaro ng kompyuter games habam-buhay? Bakit?Answer:4. Lagyan ng tsek ang mga nararanasan mong masamang epekto sa paglalaro ng kompyutergames.[ ] Pag labo ng mata[ ] Pagka hilo[ ] Pag sakit ng ulo[ ] Ulcer[ ] Iba pa : pakilagay ________________
  4. 4. H. Limitasyon / DelimitasyonAng pagtutuunan ng pananaliksik na ito ay ang mga dahilan kung bakit ang isang estudyante aynaglalaro ng kompyuter games at kung saan nga ba ito nagsimula pati na rin ang mgamasasamang epekto nito at kung paano ito malulunasan. Maaring mabangit din sa pananaliksikna ito ang ibat ibang laro na kinahuhumalingan ng mga estudyante ng 1-LAM at kung saanglugar sila naglalaro.I. DALOY NG PAG-AARAL1. Ang unang kabanata ay bubuuin ng kasaysayan ng kompyuter games mula sa kung saanunang ginawa ang ganitong uri ng bagay at kung anong laro ang mga unang ginawa.2. Ang ikatlong kabanata ay tungol sa mga masasamang epekto ng paglalaro ng kompyutergames sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng 1-LAM at pati na rin sa ibang mga estudyante sa buongmundo.3. Ang pangalawang kabanata ay bubuuin ng mga masasamang epekto ng paglalaro ngkompyuter games para sa kalusugan ng mga mag-aaral ng 1-LAM at sa ibang taong dumaranasng malalang sakit dahil sa paglalaro ng kompyuter games.
  5. 5. KasaysayanAyon sa article ni Mary Bellis ang unang computer game ay ginawa ni Steve Russell ito ay ang"Space War". Ang larawan sa gilid ay ang piktyur ng pinaka unang computer games sa buongmundo ayon kay Mary Bellis. Nabangit rin Mary Bellis sa kanyang article na ang pinaka unangcomputer games na maaring laruin sa isang telebisyon ay ang "Chase" na ginawa ni Ralph Baernoong 1967. Ayon muli sa artikulo ni Mary ang pinaka unang arcade game ay ang "ComputerSpace" na base sa na unang laro ni Steve Russel na "Space War" na ginawa ni Nolan Bushnell atTed Dabney noong 1971 at noong 1972 nilabas ni Nolan Bushnell ang larong "Pong" na ngkinalaunan ay ginamit na pambahay na laro ng "Atari Video Game".Isa namang artikulo ang nabasa ng mga mananaliksik tungkol sa kasaysayan ng kompyutergames ito naman ay ayon sa artikulo ni Geoff Edgers.Ayon kay Geoff ang unang game console ay tinatawag na "Atari VCS" ito raw ay nakabenta ng30 million na uri nito, ito ay may dalawang joystick at itong console na ito ang naghari hangangkalagitnaan noong 1980s ngunit marami daw ang hindi na nakuntento sa game console na itokaya dito nag simula ng pag gawa ng laro ang nintendo ayon ito kay Geoff.
  6. 6. http://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htmMasamang Epekto ng Kompyuter GamesPag-aaral:Ang kompyuter games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa paligid lamang. Masaya atnakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating mga alalahanin Ngunitito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon.
  7. 7. Ayon kay Edmund Kam, ang adiksyon ay ang sobrang pag-lalaro, at hindi na ito napipigilan.Ngunit bakit hindi ito napipigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sakanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang pag-lalaro nang kompyuter angnagbibigay sa kanila nang kasiyahan at ng mapaglilibangan.Maraming mag-aaral ang nagwawaldas nang kanilang mga pera sa pag-lalaro ng kompyuter,minsan pa nga ang kanilang pera ay ginagamit pa nila upang ipambili ng tinatawag na “VirtualMoney”, ito ay ang perang ginagamit sa ilang kompyuter games. Ang pag-lalaro ng mga larongito ay aksaya sa oras lalo na at kinakain nito ang oras mo upang mapaunlad ang iyong sarili atang iyong pag-aaral.Ang adiksyon sa mga kompyuter games ay nilalayo ang mga mag-aaral sa tunay na mundo nadapat para sa kanila. Ang mundo na dapat ay lumilinang sa kanilang mga isipan para maggingmga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi makakatulong sapaghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Minsan pa nga sa sobrang adiksyon ayhindi na pumapasok ang mga mag-aaral sa paaralan.Mahirap pigilan ang pag-lalaro nito ngunit kung hindi ito matitigil paano na ang kinabukasannang ating bayan kung ang mga kabataan ay iba na ang mundong ginagalawan at hindi na dinpinahahalagahan ang pag-papaunlad ng kanilang mga sarili.Paano na ang susunod na henerasyon kung hindi papahalagahan ang edukasyon na siyang susisa bawat maunlad na bansa. Ngayon sa mga mambabasa nang research na ito huwag sanangipagpalit ang edukasyon at ang pag-lilinang sa ating mga sarili sa walang saysay na pag-lalaronang kompyuter games, dahil bukod sa pag-lalaro marami pa tayong magagawang masmakabuluhan.
  8. 8. Kalusugan:Mga masamang epekto ng sobrang pag-lalaro ng kompyuter games:* Sobrang Pag-taba* Video-induced Seizures* Tendonitis* Nerve Compression* Carpal Tunnel Syndrome* Eye StrainPangwakasAng grupo ng mga mananaliksik ay nakakuwa ng impormasyon sa internet pati na rin sakanilang kapwa kakaklase upang makatulong sa pagtapos ng pananaliksik na ito. Talagangmarami ang mga masasamang epekto na idinudulot ng kompyuter games sa mga estudyante sakanilang katawan pati na rin sa pang araw-araw na pamumuhay. Marami ang rason na kungbakit pinag papatuloy ng mga estudyante ang paglalaro ng kompyuter kahit na marami sa kanilaay nakakaranas na ng mga masasamang epekto nito. Sa mga pananaliksik na ginawa mayroondin naman mga batas na ginawa ang gobyerno ukol dito ngunit karamihan sa mga estudyanteay hindi nakakaalam nito at wala rin naman silang paki, dahil ang paglalaro ng kompyutergames ay isang adiksyon na mahirap talagang itigil. Ang mga mananaliksik ay nakakuwa ngimpormasyon tungkol sa mga sakit na maaring makuwa sa paglalaro ng kompyuter at ninanaisnila na ipaalam ito sa mga estudyante upang mabawasan ang mga estudyanteng nakakaranasng mga masasamang epektong dulot ng paglalaro ng kompyuter games.
  9. 9. KonklusyonSa kanilang pananaliksik, marami ang maaring matutunan. Katulad ng kung paano ba nagsimulaat ano ba ang pinakaunang kompyuter games na ginawa at kung sino-sino ang mga unang mgakompyuter programmer. Makikita rin sa pananaliksik na ito ang masasamang dulot ng paglalarong kompyuter games . Napatunayan ng mga mananaliksik na mayroong masamang epekto angpaglalaro ng kompyuter games, dahil sila ay mga estudyante rin na naglalaro ng kompyutergames at nakakaranas ng mga masasamang epekto nito dahil ito ay sagabal at aksaya sa oraspara sa mga mananaliksik, at ang nangyayari ay nawawalan na sila ng oras upang mag-aral.Ayon na rin sa sarbey na kanilang ginawa ay halos karamihan sa mga estudyanteng lalaki ng 1-LAM ay nakakaranas ng panghihilo at paglabo ng kanilang mata ngunit ang mga estudyantengbabae ng 1-LAM naman ay hindi gaano naglalaro nito kayat hindi naapektuhan ang kanilangpag-aaral at kalusugan. Marami din sa mga estudyante ng 1-LAM ay gusto ng tumigil sapaglalaro ngunit ito na rin siguro ang kanilang libangan at sa paglalaro nito at nakakalimutan narin nila ang mga problema sa eskuwelahan at sa bahay. Nagagawa na rin ng mga estudyante ng1-LAM ang hindi pag pasok sa kanilang klase upang makapag laro ng kompyuter games, doon palang ay makikita mo na malaki talaga ang epekto ng paglalaro ng kompyuter games sa kanilangpag-aaral.RekomendasyonAng pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng 1-LAM pati na rin sa lahat ngestudyanteng nahuhumaling na sa paglalaro ng mga kompyuter games. Dahil ang paksa aytungkol sa mga masasamang epekto na dulot ng paglalaro ng kompyuter games at marami samga estudyante ay nakakaranas nito. Hindi sinasabi ng mga mananaliksik na masama angpaglalaro nito kundi ay ipinapaalam lang nila sa lahat ang mga magiging epekto kung sila aymaglalaro nito. Ang pananaliksik na ito ay para ipaalam rin sa mga estudyante at babalaan silana ang pagmamalabis hindi lang sa kompyuter games pati na rin sa lahat ng bagay ay masama,dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ang lahat ng labis ay masama. Gusto rin iparating ngmga mananaliksik na ang mga masasamang epekto ay maaring maiwasan kung ang paglalaro ayhindi sosobrahan at ang pag-aaral ay ang dapat na mas bigyan pansin.
  10. 10. SangunianAng mga impormasyon ay galing sa mga web site na itohttp://www.raisesmartkid.com/raise-smart-preschool-kid-articles/the-good-and-bad-effects-of-video.htmlhttp://library.thinkquest.org/07aug/01690/conclude.htmlhttp://inventors.about.com/library/inventors/blcomputer_videogames.htm

×