Advertisement
Advertisement

More Related Content

Advertisement
Advertisement

Maikling Kwento

  1. MAIKLING KUWENTO
  2. Ano ang maikling kuwento? Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy- tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan,payak o karaniwan ang paksa, maikli ang panahong sinasakop…ang maikling kuwento ay madaling maunawaan, kaya’t masasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taong mahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.
  3. Mga Salik / Sangkap ng Maikling Kuwento .
  4. • Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
  5. 2. Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang ga- law at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan – pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita.
  6. 3. Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud- sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.
  7. Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
  8. 1. Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
  9. A. pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; ma- pangibabaw ang katangian ng pangunahing tau- han upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa
  10. B. pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga tauhan – kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod pang pangyayari
  11. C. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng dam- daming palilitawin sa kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa
  12. D. paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa ak- da; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming nasang maantig sa mambabasa
  13. 2. Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang mga pangyayari kaya’t si- nasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka- tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.
  14. 3. Kasukdulan Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan ng pangunahing tauhan.
  15. 4. Wakas Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
  16. Mga Uri ng Maikling Kuwento
  17. 1. Kuwento ng Pag-ibig 2. Kuwento ng Maromansang Pakikipagsapalaran 3. Kuwento ng Madulang pangyayari 4. Kuwento ng katatawanan 5. Kuwento ng Katatakutan 6. Kuwento ng Tauhan 7. Kuwentong Makabanghay 8. Kuwento ng Katutubong Kulay/Kapaligiran
  18. Binuo ni: Rosemelyn T. Ranches Quezon City High School
Advertisement