Magulang

7,954 views

Published on

tula

Published in: Health & Medicine, Travel
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
7,954
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
4
Actions
Shares
0
Downloads
97
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Magulang

  1. 1. “ Ang Hangarin ng Isang Magulang”
  2. 2. Sa aking pagtan da unawain mo sana ako at pagpasensiyahan k apag dala ng kalabuan ng mata ko ay nakabasa g ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa ha pag - kainan, huwag mo sana akong kagalitan . Maramdamin ang isang matanda.
  3. 3. Nagsiself pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako, kapag mahi na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana a kong sabihan ng bingi kundi pakiulit na l ang ang sinasabi mo o pakisulat na lang. Pas ensiya ka na talaga anak, matanda na ako.
  4. 4. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensiyahan mo sana ako kung ako man ay makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lamang ako
  5. 5. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mong sinasabi, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
  6. 6. Pagpasensiyahan mo na rin ang aking amoy, amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko at madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
  7. 7. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensiyahan mo sana kung madalas akong masungit, dala na marahil ito ng aking kataandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin ako.
  8. 8. Kapag may kaunti kang panahon magkuwentuhan naman tayo kahit sandali lang, inip na ako sa buhay, maghapong nag-iisa at walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
  9. 9. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Pinagtitiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
  10. 10. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsasawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana ako kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking hukay. Tutal hindi na ako magtatagal.
  11. 11. Kapag dumating na ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
  12. 12. At huwag kang mag-alala anak, dahil bago malagot ang aking hininga, idadalangin ko sa Ama na sana ay pagpalain ka ng ating Panginoong Dios.

×