Panghalip

91,088 views

Published on

6 Comments
35 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
91,088
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
49
Actions
Shares
0
Downloads
3,452
Comments
6
Likes
35
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Panghalip

  1. 1.  mula sa salitang "tao", kayat nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao" ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.
  2. 2. Taong Nagsasalita Isahan: Ako, akin, ko Dalawahan: kita, kata (Maligo tayong dalawa sa ulan.) Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, aminTaong Kausap Isahan: Ikaw, ka Dalawahan: kita, kata (Makikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal) Maramihan: Kayo, inyo, ninyoTaong Pinag-uusapan Isahan: Siya, niya, kanya Dalawahan: kita, kata (Ayaw nila sa ating dalawa.) Maramihan: Sila, kanila, nila
  3. 3. ay inihalili sa itinutulad na bagay. Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita >Ganito/Ganire ang paggawa niyan. >Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor. Ganyan - Malapit sa kausap >Ganyan nga kung umiyak si Momay. Ganoon - Malayo sa nag-uusap >Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog
  4. 4. Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kayat may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles.Mga halimabawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, at pawang.
  5. 5.  Nagsasaad ng Kaisahan a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.) b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.) c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.) d. bawat isa (Bawat isa ay mayroon tungkulin sa bayan.) Nagsasaad ng dami o kalahatan a. Lahat (Lipunin ang lahat ng peste!) b. Tanan (Magandang halimbawa ang ipinakita niya sa tanan.) c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.) d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng balana.) e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.) f. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.
  6. 6. Ang panghalip na pananong (mula sa salitang "tanong", kayat may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.Mga halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, atalin-alin
  7. 7.  a. pangtao (sino, kanino) Sino ang kumuha ng bolpen ko? Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala? b.bagay, hayop, lugar (ano, alin) Ano ang laman ng kahon? Alin dito ang sa iyo? c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan) Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan? Ilang halaman ang ating dadalhin?
  8. 8. ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
  9. 9.  Malapit sa Nagsasalita -ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.) -heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.) -dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.) Malapit sa Kausap -iyan ( Iyan ang libro ko.) -hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!) -diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.) Malayo sa Nag-uusap -iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.) -hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!) -doon (Doon tayo kumain.)
  10. 10. Ang panghalip na pamanggit (mula sa salitang "banggit", kayat pakahulugang "pambanggit" o "pangsabi") ay may mga halimbawang kinabibilangan ng mga salita o pandugtong na na at -ng
  11. 11. 1. Kaukulang palagyo- kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. Halimbawa: 1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan. 3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.
  12. 12. 2. Kaukulang Paari - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap.Halimbawa: 1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan. 2. Ang aking lolo ay isang sastre
  13. 13. 3. Kaukulang Palayon - ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb).Halimbawa: 1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla. 2. Ang kamalig ay sinunog nila.

×