Maiklingkwento1

2,745 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
2,745
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
13
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Maiklingkwento1

  1. 1. MAIKLINGKUWENTO
  2. 2. Ano ang maikling kuwento? Ito ay isang akdang pampanitikantuluyan na sa pamamagitan ng mgapangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan atkakayahan bilang isang alagad ng panitikan,mailahad niya ang isang pangyayari sabuhay ng pangunahing tauhan,makapagkintal ng isang bisa sa puso atdiwa ng mga mambabasa.
  3. 3. Ano ang maikling kuwento? Ito ay likha ng bungang-isip nahango sa isang bahagi ng buhay natunay na nangyari o maaaringmangyari.
  4. 4. Ano ang maikling kuwento? ay isang maigsing salaysay hinggil sa isangmahalagang pangyayaring kinasasangkutan ngisa o ilang tauhan at may iisang kakintalan oimpresyon lamang. Isa itong masining na anyong panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rinitong paggagad ng realidad, kung ginagagadang isang momento lamang o iyong isangmadulang pangyayaring naganap sa buhay ngpangunahing tauhan
  5. 5. Ano ang maikling Kwento?• Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.
  6. 6. Ano ang maikling kuwento? Sapagkat ito’y may makitid na larangan,mabilis na galaw kaya’t tuluy-tuloy angpagsasalaysay, matipid at payak ang mgapangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nangmay pangunahing tauhan,payak o karaniwan angpaksa, maikli ang panahong sinasakop…ang maiklingkuwento ay madaling maunawaan, kaya’tmasasabing angkop sa lahat, lalo na sa mga taongmahilig magbasa ngunit kapos sa panahon.
  7. 7. Mga Bahagi ngMaikling Kuwento
  8. 8. Simula• Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin
  9. 9. 1. Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
  10. 10. 2. Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling kathabagama’t laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sakuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ngpagganap ng pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang ga-law at ugali nakasalalay nang malaki ang kagandahan ngakda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya atang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran.Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas nakaanyuan – pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatigng kanilang ugali at pili ng mga salita. Sa mga tauhannalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento atkung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaringbida, kontrabida o suportang tauhan.
  11. 11. 3.suliraninang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
  12. 12. Gitna• Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
  13. 13. Gitna• Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin..
  14. 14. Gitna• Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsay ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.
  15. 15. GitnaKasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
  16. 16. Wakas• Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.
  17. 17. Wakas• Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
  18. 18. Wakas• . At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
  19. 19. Mga Salik / Sangkap ng Maikling Kuwento .
  20. 20. Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayosat magkakaugnay upang maging matatag atkapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nitoay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud-sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.
  21. 21. 1. Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
  22. 22. A. pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang kanilang pagkatao ng pangunahing tauhan; ma- pangibabaw ang katangian ng pangunahing tau- han upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa
  23. 23. B. pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga tauhan – kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang maitanim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod pang pangyayari
  24. 24. C. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng dam- daming palilitawin sa kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa
  25. 25. D. paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan, magagawa ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa ak- da; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming nasang maantig sa mambabasa
  26. 26. 2. Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang mga pangyayari kaya’t si- nasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka- tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.
  27. 27. 3. Kasukdulan Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan ng pangunahing tauhan.
  28. 28. 4. Wakas Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

×