Alaala ni laura

27,322 views

Published on

Do not plagiarize ..

Published in: Education
5 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • nababliw ka na?
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Nice to meet you Where you been? I could show you incredible things Magic, madness, heaven, sin Saw you there and I thought oh my god Look at that face, you look like my next mistake Love's a game, wanna play New money, suit and tie I can read you like a magazine Ain't it funny rumors fly And I know you heard about me So hey, let's be friends I'm dying to see how this one ends Grab your passport and my hand I could make the bad guys good for a weekend [Pre-Chorus] So it's gonna be forever Or it's gonna go down in flames You can tell me when it's over If the high was worth the pain Got a long list of ex-lovers They'll tell you I'm insane Cause you know I love the players And you love the game [Chorus] Cause we're young and we're reckless We'll take this way too far It'll leave you breathless Or with a nasty scar Got a long list of ex-lovers They'll tell you I'm insane But I got a blank space baby And I'll write your name Source: http://www.directlyrics.com/taylor-swift-blank-spaces-lyrics.html
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • ang ganda mo
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • ano namn ang ibig sabihin nan! ng bawat kabanata
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • sir! thank you pooo!!! HAHA
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
No Downloads
Views
Total views
27,322
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
209
Comments
5
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide
  • 53."Iyong pipitasin ang lalong marikit,dini sa liig ko'y kusang sasabit;tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit."
  • Alaala ni laura

    1. 1. ALAALA NI LAURA (Saknong Blg. 41-68)
    2. 2. INIHAHANDOG NG PANGKAT I Dustin Jerod Convento Jorelle C. Medina Trisha R. Racraquin Xyra Abegail A. Efa Joanna R. Bacalaoloyo Camille B. Valencia II-Gold
    3. 3. I. PAGTUKLAS
    4. 4. A. Mga Gawain
    5. 5. 1. Punan ang matrix sa itaas ng mga hinihinging impormasyon.
    6. 6. Karakter sa teleserye/pelikula na may positibong pananaw sa gitna ng kahirapan Paano ipinakita ang kanilang positibong pananaw 1.Budoy Kahit na siya ay may kapanasanan ay hindi siya sumuko at ipinakita niya na makakayanan niya ang magapagsubok sa buhay niya na parang normal na tao. 2. Arriane Kahit na siya ay mahina, ginawa pa rin niya ang lahat upang makapasok sa top 100 sa kanilang school. 3.Benjamin Kahit na siya’y bakla ay pinanindigan niya pa rin ang gusto ng kanyang ama na maging isang sundalo siya. At dahil sa pagtityaga at pagtitiis ay nakamtan niya ang maging sundalo.
    7. 7. 2. Paghihinuha. Bakit kailangang magkaroon ng positibong pananaw kahit na sa gitna ng paghihirap? Kinakailangan ito upang mayroon kang panghuhugutan ng lakas ng loob at mayroon kang pag-asa na malalagpasan mo ang kinahaharap mong problema.
    8. 8. 3. Anu-ano ang mahihinuha mo sa salitang PAGLILILO?
    9. 9. Pagtataksil Panloloko PAGLILILO Pangangaliwa Pagtatraydor
    10. 10. II. PAGLINANG
    11. 11. A. Pagbasa ng Teksto
    12. 12. 41. "Katiwala ako't ang iyong kariktan, kapilas ng langit — anaki'y matibay; tapat ang puso mo't 'di nagunam-gunam na ang paglililo'y nasa kagandahan."
    13. 13. 42. "Hindi ko akalaing iyong sasayangin maraming luha mong ginugol sa akin; taguring madalas na ako ang giliw, mukha ko ang lunas sa madlang hilahil."
    14. 14. 43. "„Di kung ako Poo'y utusang manggubat ng hari mong ama sa alinmang s'yudad, kung ginagawa mo ang aking sagisag, dalawa mong mata'y nanalong perlas?"
    15. 15. 44. “Ang aking plumahe kung itinatahi ng parang korales na iyong daliri, buntung-hininga mo'y nakikiugali sa kilos ng gintong ipinananahi."
    16. 16. 45. "Makailan, Laurang sa aki'y iabot, basa pa ng luha bandang isusuot; ibinibigay mo ay naghihimutok, takot masugatan sa pakikihamok!"
    17. 17. 46. "Baluti't koleto'y 'di mo papayagan madampi't malapat sa aking katawan, kundi tingnan muna't baka may kalawang ay nanganganib kang damit ko'y marumham."
    18. 18. 47. "Sinisiyasat mo ang tibay at kintab na kung sayaran man ng taga'y dumulas; at kung malayo mang iyong minamalas, sa gitna ng hukbo'y makilala agad."
    19. 19. 48. "Pinahihiyasan mo ang aking turbante ng perlas, topasyo't maningning na rubi; bukod ang magalaw na batong d'yamante, puno ng ngalan mong isang letrang L."
    20. 20. 49. "Hanggang ako'y wala't nakikipaghamok, nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob; manalo man ako'y kung bagong nanasok, nakikita mo na'y may dala pang takot."
    21. 21. 50. "Buong panganib mo'y baka nakasugat, 'di maniniwala kung 'di masiyasat; at kung magkagurlis ng munti sa balat, hinuhugasan mo ng luhang nanatak."
    22. 22. 51. "Kung ako'y mayroong kahapisang munti, tatanungin mo na kung ano ang sanhi; hanggang 'di malining ay idinarampi sa mga mukha ko ang rubi mong labi."
    23. 23. 52. "Hindi ka tutugot kung 'di natalastas, kakapitan mo nang mabigla ang lubas; dadalhin sa hardi't doon ihahanap ng ikaaliw sa mga bulaklak."
    24. 24. 53. “Iyong pipitasin ang lalong marikit, dini sa liig ko'y kusang sasabit; tuhog na bulaklak sadyang salit-salit, pag-uupandin mong lumbay ko'y mapaknit.”
    25. 25. 54. "At kung ang hapis ko'y hindi masawata, sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha: napasaan ngayon ang gayong aruga, sa dala kong sakit ay 'di iapula?"
    26. 26. 55. "Halina, Laura ko't aking kailangan ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ngayon hinihingi ang iyong pagdamay — ang abang sinta mo'y nasa kamatayan."
    27. 27. 56. "At ngayong malaki ang aking dalita ay 'di humahanap ng maraming luha; sukat ang kapatak na makaapula, kung sa may pagsintang puso mo'y magmula."
    28. 28. 57. "Katawan ko ngayo'y siyasatin, ibig, tingni ang sugat kong 'di gawa ng kalis; hugasan ang dugong nanalong sa gitgit ng kamay ko, paa't natataling liig."
    29. 29. 58. "Halina, irog ko't ang damit ko'y tingnan, ang hindi mo ibig dapyuhang kalawang; kalagin ang lubid at iyong bihisan, matinding dusa ko'y nang gumaan-gaan."
    30. 30. 59. "Ang mga mata mo ay iyong ititig dini sa anyo kong saklakan ng sakit, upang di mapigil ang takbong mabilis niring abang buhay sa ikakapatid."
    31. 31. 60. "Wala na Laura't ikaw na nga lamang ang makalulunas niring kahirapan; damhin ng kamay mo ang aking katawan at bangkay man ako'y muling mabubuhay!"
    32. 32. 61. "Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap! Wala na si Laura'y aking tinatawag! Napalayu-layo't 'di na lumiliyag ipinagkanulo ang sinta kong tapat."
    33. 33. 62. "Sa ibang kandunga'y ipinagbiyaya ang pusong akin na at ako'y dinaya; buong pag-ibig ko'y ipinang-anyaya, nilimot ang sinta't sinayang ang luha."
    34. 34. 63. "Alin pa ang hirap na 'di na sa akin? May kamatayan pang 'di ko daramdamin? Ulila sa ama't sa inang nag-angkin, walang kaibiga't nilimot ng giliw."
    35. 35. 64. "Dusa sa puri kong kusang siniphayo, palasong may lasong natirik sa puso; habag sa ama ko'y tunod na tumino, ako'y sinusunog niring panibugho."
    36. 36. 65. "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap, pagdaya ni Laura ang kumakamandag; dini sa buhay ko'y siyang nagsasadlak sa libingang laan ng masamang palad."
    37. 37. 66. "O, Konde Adolfo, inilapat mo man sa akin ang hirap ng sansinukuban, ang kabangisan mo'y pinapasalamatan, ang puso ni Laura'y kung hindi inagaw."
    38. 38. 67. Dito naghimutok nang kasindak-sindak na umalingawngaw sa loob ng gubat; tinangay ang diwa't karamdamang hawak ng buntung-hininga't luhang lumagaslas
    39. 39. 68. Sa puno ng kahoy ay napayukayok, ang liig ay supil ng lubid na gapos; bangkay na mistula't ang kulay na burok ng kaniyang mukha'y naging puting lubos.
    40. 40. B. Mga Gawain
    41. 41. 1. Pagpapalawak ng talasalitaan. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit at gamitin sa pangungusap.
    42. 42. a. Naakit si Hans sa kariktan ng iniidolo niyang aktres. b.Ang pakikihamok na kanyang ginawa ay hindi nagustuhan ng dakilang ina. c. Sinisiyasat mo ba ang labas-pasok sa inyong bakuran? d. Si Mario ay nag-apuhap ng pera ng siya ay masagasaan na matuling sasakyan. e. Mahirap masawata ang tao sa bisyong nasimulan sa murang edad pa lamang.
    43. 43. Pangungusap: a. Kagandahan- Ang kagandahan ng kalikasan ay parang ikaw aking minamahal. b. Paglaban- Ang kanilang paglaban ang naghatid sa kanilang tagumpay. c. Sinusuri- Bawat detalye ng kanyang ulat ay kanyang sinusuri. d . Naghanap- Naghanap ang magkasintahan ng isang perpektong lugar para sa kanilang dalawa. e. Mailayo- Kinkailangang mailayo ang isang tao sa mga masasamang bagay habang bata pa.
    44. 44. 2. Madamdaming pagbasa ng Saknong 41-68.
    45. 45. 3. Pag-unawa sa binasa.
    46. 46. a.Tukuyin ang naaalala ni Florante na ginagawa ni Laura kung siya ay nakikipaglaban.
    47. 47. Pahihiyasin nito ang kanyang turbante ng iba’t ibang palamuti. Sinisiyasat ni Laura ang tibay at kintab ng armas ni Florante. Pagkatapos niyang lumaban, susuriin ni Laura si Florante kung ito’y may sugat. Kung hindi matalastas, dad alhin si Florante sa hardin at bibigyan niya ito ng bulaklak.
    48. 48. b. Bigyan ng sariling pakahulugan ang winika ni Florante “Katiwala ako‟t ang iyong kariktan kapilas ng langit anaki‟y matibay tapat ang puso mo‟t at di nagunam-gunam na ang paglililo‟y nasa kagandahan.” Sinasabi bang taglay ni Laura ang kagandahang may paglililo?Sang-ayon ka ba rito?Bakit? Opo;Hindi po sapagkat hindi naman lahat ng taong maganda ay kayang nang magtaksil sa lalaking iniibig niya.
    49. 49. c. Sa tulong ng character profile, ilarawan si Florante.
    50. 50. FLORANTE Kalagayang Pisikal Siya ay matapang at makisig. Saloobin/Damdamin Nagmamahal at nasasaktan din. Kaisipan Negatibo ang nasa isip niya.
    51. 51. d. Pumili ng isang saknong sa aralin na babasahin nang madamdamin, bigyan ng opinyon. Napiling Saknong: “Alin pa ang hirap na di na sa akin? may kamatayan pang di ko daramdamin? ulila sa ama‟t sa inang nag-angkin, walang kaibiga‟t nilimot ng giliw.” Reaksyon: Kalunos-lunos ang nangyari kay Florante. Ang nararamdaman ni Florante ay parang ang lahat ng problema ay nasa kanya na. Parang ang lahat ng kaligayahan ay lumayo sa kanya.
    52. 52. e. Alin ang higit na ikinalulungkot ni Florante, ang hirap at panghihina ng katawan o ang inaakalang pagtataksil ni Laura?Patunayan. Hindi iniinda ni Florante ang panghihina ng katawan niya. Ang iniisip niya habang nakagapos siya ay si Laura. Iniisip niya ang pagtataksil ni Laura sa kanya. Nangako sila na sila lang sa habambuhay. Kaya hindi lubos maisip ni Florante na magagawa iyon ni Laura sa kanya.
    53. 53. f. Ibuod ang mga pangyayari sa aralin sa tulong ng rays concept organizer.
    54. 54. Inilarawan ni Florante ang kanyang paghihinagpis kay Laura dahil inaakala niya ito’y nagtaksil. Ang paglilo nito’y nasa kagandahan. Inilahad niya kung paano siya alalahanin ni Laura bago siya lumaban at sumabak sa digmaan. FLORANTE Sinabi naman niya kay Aladin kung paano siya alalahanin ni Laura matapos siyang lumban. Inilahad niyang muli ang naranasan niyang hirap sa gubat. Sinabi niya rin na hinahanap niya si Laura sa ganong hirap.
    55. 55. III. PAGPAPALALIM
    56. 56. A. Mga Gawain
    57. 57. 1. Pagpapaliwanag. Bakit may kanya-kanyang pananaw ang bawat nilalang sa anumang usapin sa mundong ito? Ito‟y dahil ang bawat nilalang dito sa mundo ay may iba‟t ibang dahilan kung bakit iyon ang kanilang pananaw. Maaring ang iba ay dahil nararamdaman lang nila iyon o kaya‟y pinag-nilay-nilayan nilang mabuti ang usapin.
    58. 58. 2. Pagbibigay ng interpretasyon: Ilahad ang dahilan ng paglililo ng isang tao sa kanyang kapwa mula sa sarili mong pananaw. Nagagawa nila ito marahil sa galit na nararamdaman nila o kaya‟y nais nilang maghiganti upang makabawi.
    59. 59. 3. Pagbuo ng pananaw: Kung ikaw si Florante, paano mo haharapin ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay?Ilahad ang sagot sa pamamagitan ng staircase strategy.
    60. 60. Pamamaraan 4 – Gagamitin ko ito ng tibay ng loob. Hindi ako papaapekto sa dulot nitong kahirapan. Pamamaraan 3 – Magiging masaya ako sa pagharap nito at ituturing ko ang pagsubok na madali. Pamamaraan 2 – Hindi ko daramdamin ang problema upang hindi ako magtungo sa depresyon. Pamamaraan 1 – Magiging positibo ako na masosolusyunan ang mga pagsubok.
    61. 61. 4.Pagkilala sa sarili: Alin ang iyong higit na ikatatakot,ang kamatayan o ang paniniwalang pinagtaksilan ka ng minamahal? Ipaliwanag. Kamatayan sapagkat kung ikaw ay nasa isang problema na, tapos mag-papasok ka pa uli ng ibang problema, maguguluhan ka. Hindi mo alam kung paano mo masosolusyonan ang isang problema. Kapag nakagawa ka ng paraan upang makaligatas kay kamatayan, at least kung sino man ang nagtaksil sa iyo ay maitatanong mo kung pinagtaksilan ka ba niya talaga.
    62. 62. 5. Pag-unawa sa damdamin ng iba: Ano ang damdamin mo sa mga taong may positibong pananaw kahit na nasa gitna ng paghihirap? Dapat ba silang hangaan? Pangatwiranan ang sagot. Mataas ang pagtingin ko sa kanila sapagkat kung positibo ang iniisip mo kahit nasa gitna ka nang paghihirap, makakagawa at makakaisip ka nang paraan upang malagpasan ang problemang ito.
    63. 63. 6. Sintesis: Batay sa natutuhan sa aralin, bakit mahalagang magkaroon ng positibong pananaw? Mahalaga ito sapagkat isa ito ang daan upang makalagpas ka sa kinahaharap mong problema at isa rin itong daan sa pagtitiwala sa iyong kapwa.
    64. 64. Nawa‟y may natutuhan kayo ^_^

    ×