Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

29,061 views

Published on

K.I

Published in: Education

Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

  1. 1. Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon G L O B A L I S A S Y O N Inihanda ni: MR. EDWIN PLANAS ADA Teacher I, Dasmarinas West NHS
  2. 2. LA Y U N I N • Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang suliraning panlipunan • Bibigyan pansin sa araling ito ang mga pagtugon sa iba’t ibang hamon ng globalisasyon.
  3. 3. Guarded Globalization Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang: > Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at > Pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong-pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.
  4. 4. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade) Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang- ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.
  5. 5. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’ Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag- alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany,Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
  6. 6. OFW (Skit) Imported Products (Hugot Lines) Pop Culture (#Hashtag) Open Economy (Graphic Organizer) PANGKATANG GAWAIN
  7. 7. RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN KRAYTIRYA GOOD(5 pts.) BEST(10 pts.) EXCELLENT(15 pts.) Kooperasyon 1-5 miyembro ang walang koopersayon sa pangkat. 1-2 miyembro ang walang kooperasyon sa pangkat Lahat ng miyembro ay may kooperasyon. Tema Angkop ang tema Mas angkop ang tema Higit na angkop ang tema Presentasyon Mahusay ang presentasyon ng pangkat. Mas mahusay ang presentasyon ng pangkat. Napakahusay ng presentasyon ng pangkat.
  8. 8. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
  9. 9. Gawain 6.Decision Diagram Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram. Globalization: Progress or Profiteering? (Liza Smith) Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalaking negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita. Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na handang makipagkompetensya upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ngNorth American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning bansa. Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa. Ngunit kabaliktaran naman nito ang nagyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng penomenong ito. Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang ‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang pag-usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural. Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa malakas na impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho. Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon, mananatili ang edukasyon, flexibility at adaptability sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay dito.
  10. 10. Gawain 6.Decision Diagram Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram. Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines (Ma.Stella F. Arnaldo) Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018 hangagang 2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mga programa na may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad na pagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga Peninsula. Ayon din sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang mamuhunan hanggang malinawan sila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, ang kabuuangforeign direct investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang 2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita ang huli ng $136 milyon sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago na may average na 11.13% kada taon simula ng 2011. Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa Espanya tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ngAyala Group consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway (Calax), Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios)para sa proyektong paliparan,at Abengoa para sa mga proyektong patubig. Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang nakatanggap ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya na magaya ang proyekto nitong national disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
  11. 11. Gawain 6.Decision Diagram Suriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram. Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama ba ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? MabutingDulotngGLOBALISASYON Di-MabutingDulotngGLOBALISASYON
  12. 12. Pamprosesong Tanong 1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di- mabuting dulot ang globalisasyon? 2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa. 3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan ang iyong sagot.

×