Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Likas na yaman

54,617 views

Published on

  • Be the first to comment

Likas na yaman

  1. 1. LIKAS NA YAMAN Depinisyon: Ang mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilog at lawa maging ang mga depositong mineral. Ang mga ito ay tinatawag na kayamanang mana ng bansa Pagpapalawak: Ang mga sumusunod na larawan ay mga likas na yaman na karaniwang matatagpuan sa bansa ngunit nanganganib sa pagdaan ng panahon dahil sa maling paggamit at kakulangan sa pangangalaga dito.
  2. 2. Dalisay Ang tubig ay dalisay. Puro at malinis. Ngunit lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Maging ang buhay ng tao, darating ang punto na ito'y tutuldukan. Sa mga susunod na henerasyong yayakap sa mundong ating ginagalawan ngayon, dalawa lang ang maari nilang kahantungan. Ipagpapatuloy nila ang buhay ng masagana o magdudusa dhail sa ating kapabayaan. Tumingin ka sa mga larawan dito. Lumangoy ako sa tubig na nagmumula sa talong ito. Napakasarap ang pakiramdam. Malamig ang tubig na parang nanggaling sa freezer o refrigerator. Mapalad ako dahil nasaksaksihan ko itong isa ganda ng ating likas yaman. Ngunit ako ay nababahala para sa aking mga batang pamangkin, sa magiging anak ko at mga anak rin nila sa hinaharap. Kung ang tao ay hindi marunong magtipid ng tubig, darating ang yugto sa mundong ito na ang mga yamang tubig ay mawawala. Kung ang tao ay walang pakundangan sa pagtapon ng basura sa mga ilog, hindi malabong maglalaho rin ang gandang nakikita pa natin ngayon. Natatakot akong dumating ang araw na sa mga larawan na lamang tulad nito ito masasaksihan.

×