Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Panitikan ng Bagong Lipunan

32,656 views

Published on

  • Be the first to comment

Panitikan ng Bagong Lipunan

  1. 1. ANG PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
  2. 2. Bunga ng mga nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang samahan at ang masigasig na aktibismo ng mga kabataan noong Panahon ng Isinauling Kalayaan, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Batas Militar
  3. 3. Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar anf pansamantalang pag papahinto ng publikasyon ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang ntigil ang mga programa sa radyo . Batas Militar
  4. 4. Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng pangunahing tgapgtaguyod sa katauhan ng noon ay Unang Ginang ng bansa na si Imelda Marcos Batas Militar
  5. 5. Akronim ng PLEDGES
  6. 6. Peace and Order (Kapayapaan) Land Reform (Reporma sa Lupa) Economic Reform (Reporma sa Pangkabuhayan Development of Moral Values (Paglinang ng Kahalagahang Pantao) Government Reform (Repormang Pampamahalaan) Educational Reform (Repormang Pampaaralan) Social Reform (Repormang Panlipunan)
  7. 7. Naging karaniwang paksain ng mga lathalain sa unang bahagi ng Dekada’ 70 ang tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan. Ang mga ito ay ang pagtataguyod ng kaunlaran pangkabuhayan, pagbabagong panlipunan at kalinangang pangkultura ng bansa. Dekada ‘70
  8. 8. Ang Dula
  9. 9. Sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan noong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahing nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito ng panitokan ang pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya ng Metropolitan Theatre. Unang Ginang Imelda Marcos
  10. 10. Mga Naitanghal sa Metropolitan Theatre. Isang Munting Alamat Portrait of the Artist as a Filipino ni Lamberto Avellana. “Halik sa Kampilan” ni Leonardo Ilagan “Usa sa Kasalan” ni Orlando Nadres “Tales of the Manuvu” ni Beinvenido Lumbera dula
  11. 11. Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto, isang bagay na nakadaragdag sa pagsigla ng dula sa panahong ito. Isa sa mga natampok na dulang pinagkalooban ng gantimpala ng Palanca noong 1974 ang dulang – “Sidewalk Vendor” ni Reul Molina Aguila na naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor – mga nagtitinda ng sigarilyo. Gawad palanca
  12. 12. Usaping Panulaan
  13. 13. Isa sa mga bagay na laging maaalala sa panahon ng Bagong Lipunan ang malaganap na popularidad ng mga islogan. islogan
  14. 14. Halimbawa: Hinggil sa Kahalagahang pantao: Sa ikauunlad ng bayan, Disiplina ang kailangan. islogan
  15. 15. Hinggil sa Programang pangkabuhayan: Magplano ng pamilya, Nang buhay ay lumigaya Tayo’y magtanim Upang mabuhay islogan
  16. 16. Kaugnay sa seryosong panitikan itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT) Tulang nasulat noong panahon ng Batas Militar “Pilipino: Isang Depinisyon” ni Pociano B.Pineda “Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran” ni Juan dela Cruz “Doktrinang Anak Pawis” ni Virgilio Almario “Litanya kay Sta. Clara” ni Teo Antonio Galian sa arte at tula
  17. 17. Piling Bahagi ng LITANYA KAY STA. CLARA Misis dela Cruz, sumayaw ka Kumendeng ka, kumendeng pa, Ipagaspas mo ang iyong saya, Humiling ka sa mhal na santa, Umawit ka sa mahal na patrona
  18. 18. Hindi dasal ang pamphlet sa pagpaplano Ang kampanya sa dyaryo Ang operasyon sa ari ng tao Sta. Clarang pinung-pino Sila po ay pakinggan Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo Isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.
  19. 19. Isang bahagi ng tulang “Polusyon” ni Beinvenido Ramos: May isang uri ng polusyong hindi mo kayang lunasan Ni hindi mo kayang pigilin, lumalason di sa katawan mo Kundi sa iyong moral, sa iyong ispiritu (Kung mayroon ka), Sa iyong kaluluwa. Paano malulunasan ang polusyong ito? Hindi mo ito nakikita ngunit nadarama mo.
  20. 20. Ito’y polusyong likha ng pabrika rin, ngunit pabrika ng iyong sarili na kumakain ng kasakiman, karumihan, pandaraya, panlalamang, kalupitan, pang -aapi pananagano, pagpapakayamo- sapagkat ikaw ay lumikha ng isang pabrika sa iyong sarili na nagtatapon ng lason, dumi, polusyon.
  21. 21. Ang pagbibigay ng gawad parangal at pagkilala sa mga natatanging tulang nasulat ay ipinagpatuloy ng Gawad Palanca. Gayundin naman, tumatanggap ng pagkillala ang mahuhusay na makata mula sa Timpalak Literaryo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at sa Talaang Ginto. Gawad palanca
  22. 22. Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa pinakamahusay na tulang naisulat sa isang takdang panahon. Ipinagkaloob ang parangal sa mga sumulat ng mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang ng Arawni Balagtas na isinasagawa tuwing Abril 2, sa araw ng kapanganakan ng dakilang si Francisco Baltazar. Gawad palanca
  23. 23. Sa Timpalak Literaryo na pinamahalaan ng Cultural Center of the Philippines, kabilang sa mga makatang nabigyan ng parangal sa kanilang mga isinulat ang mga sumusunod: Patimpalak literaryo
  24. 24. • Gloria Villaraza Guzman – nagsaaklat ng epikong Handog ng Kalayaan. • Jesus Manuel Santiago – nagkamit ng ikalawang gantimpala sa Timpalak ng Tula ng CCP noong 1976. Patimpalak literaryo
  25. 25. Usaping MAIKLING KUWENTO
  26. 26. Nagpatuloy nag Gawad Palanca sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga namumukod na maikling kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit walang nalathalang mga kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa sa karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan Gawad Palanca PAtuloy!
  27. 27. Alfredo Lobo Mario Libuan Augusto Sumilang Lualhati Bautista Reynaldo Doque Benigno Juan Benjamin Pascual Domingo Landicho, Rebolusyonaryong manunulat
  28. 28. Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng maikling kuwento sa panahon ng Bagong Lipunan ang “Sagisag”. Nagkaloob din ito ng Gawad Sagisag. Magasing “sagisag”
  29. 29. Usaping nobela
  30. 30. Naging balakid sa pagsulong ng nobela ang suliranin sa pagpapalimbag. Bukod sa kamahalan ng pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa kawalan ng insentibo ng mga nobelista na sensura sa nilalaman mga inilathala. Mahigpit na sensura!
  31. 31. “Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador Mirasol “May Tibok ang Puso ng Lupa” ni Beinvinido Ramos “Gapo” ni Lualhati Bautista “Dekada 70” ni Lualhati Bautista “Hulagpos “ ni Mano de Verdades Posadas Lathalaing Nobela
  32. 32. Usaping AWITING PILIPINO
  33. 33. Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsyerto, ballet at dulang itinanghal sa CCP. Awiting nilikha upang gamiting Propaganda: Awiting Pilipino Sumigla
  34. 34. Bagong Lipunan May bagong silang May bago nang buhay Bagong bansa, bagong galaw Sa bagong lipunan Nagbabago ang lahat Tungo sa pag-unlad At ating itanghal Bagong Lipunan
  35. 35. Ang gabi magmaliw nang ganap At lumipas na ang magdamag Madaling araw ay nagdiriwang Sa umagang daratal. Ngumiti na ang pag-asa Sa umagang anong ganda (Ulitin ang unang bahagi)
  36. 36. Tayo’y Magtanim Lahat na makakain ay ating itanim Magtanim, magtanim tayo’y magtanim Gawing kulay luntian ang kapaligiran Magtanim, magtanim upang mabuhay Magtanim, magtanim Tayo nang magtanim upang mabuhay.
  37. 37. Ako’y Pinoy Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa Pinoy na isinilang sa ating bansa Ako’y hindi sanay sa wika ng mga banyaga Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika
  38. 38. Anak Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at atatay mo’y di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo
  39. 39. Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo’y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamng bisyo At ang una among nilapitan ang iyong inang lumuluha At ang tanong, “Anak, ba’t ka nagkaganyan?”
  40. 40. Usaping PAHAYAGAN AT MAGASIN
  41. 41. Nangapinid ang mga pahayagan at lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral ng batas Militar. Mga pahayagan • Philippine Daily Express • Times Journal • Balita at Pilipino Express Pahayagan at magasin
  42. 42. • Hiwaga • Espesyal • Bulaklak • Aliwan • Tagalog Klasiks • Darna • Liwayway Komiks
  43. 43. usaping PELIKULA, TELEBISYON At RADYO
  44. 44. Nakatulong sa pagpapaunlad ng pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila Film Festival. • Manila sa Kuko ng Liwanag • Minsa’y Isang Gamu-gamo • Ganito Kami Noon… Paano kami Bukas? • Insiang • Aguila Pelikula, telebisyon at radyo
  45. 45. Pangkalahatang Pananaw sa panitikan Sa panahon ng Batas militar
  46. 46. Sa kabuuan, bagaman at nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Nagging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw ng interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal , awitin at musikang naisulat at mga pelikulang ipinalabas. Pangkalahatang balita

×