Halimbawa ng Impormal na Sanaysay at Pormal na Sanaysay

141,270 views

Published on

Published in: Education
1 Comment
11 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
141,270
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
30
Actions
Shares
0
Downloads
859
Comments
1
Likes
11
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Halimbawa ng Impormal na Sanaysay at Pormal na Sanaysay

  1. 1. Obillo, Nichole Beatrize V. Setyembre 21, 2012A-203 Gng. Josefina C. Perez FILIPINO-IIIPormal na Sanaysay. “Ikaw? Saan ka Patungo?” Dito sa ating daigdig ang buhay ng isang tao ay parang hagdan lamang. Minsantayo’y paakyat kung saan nauuna ang paghihirap bago pa makamit ang kaginhawaan,at pababa kung saan ay nauuna ang kaginhawaan patungo sa kahirapan kung saanika’y babagsak at habang buhay mong pagsisisihan ang nagawang desisyon. Iisalamang ang tanong ko, ikaw? Sa buhay mo, saan ka patungo? Isa lamang ang sagotdiyan, at dalawa lamang ang maaaring pagpilian iyon ay ang pataas o pababa. Kung ako ang papipiliin ay siyempre gusto kong pataas. Hindi na bale kungmahirapan man ako sa una basta’t alam ko na makakamit ko ang aking adhikain atninanais sa buhay. Ang pagsubok ay hindi nawawala sa ating buhay, sapagkat tayo’ysinusubok lamang ng ating Panginoong lumikha upang tayo’y matuto at manaligsakanya. Siya ay lagi nating kaakibat sa lahat ng problema’t kahulilip ang kanyangpagmamahal sa atin. Sa aking buhay ay marami na rin akong pinagdaanan at sigurado akong ikaw rin,diba? Walang taong nabubuhay sa laging masayang pamumuhay, gaya nga ng sabinila na ang buhay ng tao ay parang gulong minsan nasa ibabaw at minsan ay nasailalim ngunit nakadepende lang yan sa gusto ng tao.
  2. 2. Wala ring taong perpekto, minsan nga’t tayo’y nadadapa at nawawalan ng pag-asa para bumangon muli, ngunit ang tanging lumikha ba sa atin ay nawawalan din ngpag-asa na tayo’y muling patawarin sa hindi na mabilang na naging kasalanan natin?Ang sagot sa tanong na iyan ay, hindi. Basta’t tayo’y marunong humingi ngkapatawaran at magapatawad sa ating kapwa ay hindi tayo mawawalan ng pag-asakapag tayo’y makakaranas ng matinding dagok sa buhay. Malayo-layo na rin ang ating binabagtas, at marami-rami na rin ang atingnatututunan at naranasan pero sapat na ba ito upang tayo’y mapagod sa hiram nabuhay na ipinagkaloob sa atin? Kung marami na tayong pinagdaanan sa buhay ay masmarami pa ang dapat nating maranasan at mararanasan pa. Tanging ang lumikhalamang ang makakapagdesisyon kung kailan niya babawiin ang buhay na ipinahiram saatin at wala tayong karapatan na magreklamo o mapagaod sa buhay na mayroon tayongayon. Kung nagsumikap ka ba naman ay hindi ka makakaranas ng matindingpaghihirap sa buhay. Sa aking hakbang pataas ay kaulayaw ko rin ang aking mahal na pamilya, silaang mga unang tao na sumoporta sa akin. Sila rin ang nagturo sa akin na manalig saPanginoon sa oras ng kasayahan,kalungkutan at kahirapan. At sa aking paghakbang pataas para makamit ko ang aking pangarap atmakapagtapos sa pag-aaral ay dumaranas ako ng matinding pangungulila sa akingmga mahal sa buhay. Malayo man sila sa akin ngunit gagawin ko ang lahat ng akingmakakaya upang sila’y aking mapasaya. Habang pinagpapatuloy ko ang aking hakbang pataas ay marami pang tao angnakapagpahina ng aking loob at nakapagpasakit ng aking damdamin. Ngunit hindi akonawawalan ng pag-asa na labanan ang mga taong naging hadlang sa akingpinapangarap dahil alam kong iyon ay malalampasan ko. Lagi ko ring pinapanalanginsa Panginoon na huwag akong pabayaan na malulong sa kahit ano mang bisyo otemptasyon sa buhay. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tuluyan ko nang makamit angaking adhikain sa buhay. Kaya’t hanggang ngayon ay humahakbang pa rin ako pataasupang marating ko ang liwanag na naghihintay sa akin doon. Pipilitin kong hindi akomahuhulog pababa dahil lamang sa naging mali kong desisyon kung saan naroroonang kadiliman at hindi ko mawari kung ano naroon sa madilim na iyon. Ngunit kungkagustuhan man ng Panginoon na ako’y mapupunta sa baba ay handa akongtanggapin iyon. Dahil handa rin akong magsimula ulit ng panibagong hakbang paitaassapagkat alam ko na mas maganda ang plano ng ating Panginoon kesa sa ating mgapinaplano sa buhay. Kailangan lang nating manalig sakanya. Muli, uulitin ko aking tanong.Ikaw? Saan ka patungo?
  3. 3. Obillo, Nichole Beatrize V. Setyembre 21, 2012A-203 Gng. Josefina C. Perez FILIPINO-IIIImpormal na Sanaysay. “Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang patutunguhan unapaitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang liwanag na atinggustong abutin kung saan naroroon ang kasayahan at kaginhawaan at sa baba namankung saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw maranasanang kahirapan at kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro kaginhawaan atkasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna dumaan sa kahirapan bagomo maabot ang iyong gusto. Ikaw? Subukan mo kaya umakyat sa hagdan na ito, diba nakakapagod? Peropagdating mo naman sa itaas ay mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan.Subukan mo rin humakbang pababa diba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamopa na sana ang hagdan ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y paakyat.Iyon din ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka nalang bababa?Paano uunlad at giginhawa ang buhay mo kung kapagoran at katamaran ang lagi monginiisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong gusto kung hindi mo ito paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo basta-basta nakukuha kailangan momag-aral, magtrabaho, magtiis sa iyong boss para ika’y bigyan ng sahod at mabibili mo
  4. 4. na ang iyong gusto.Ganyan ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero masasanay karin. Kung habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman salahat ng panahon ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikapat pilitin mong ‘wag umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhaymo kapag sila’y biglang nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin naman sirain ang iyong buhay at sa tingin mong wala na itongsilbi kaya’t ikaw ay pababa nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip mo ba kung anongbuhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?Hindi mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamangsirain mo ito? Kung nanalig ka lang sakanya at pinagkatiwalaan mo siya ay hindi kamagkakaganyan. Hindi naman masyadong mahirap ang humakbang paitaas kailangan mo lang ngkonting pasensya at labanan ang mga nakakapagpahina ng loob mo, dahil kapagnakamit mo na ang gusto mo ay wala ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil angpasasalamat mo sa Panginoon na hindi ka niya pinabayaan habang tinatahak mo angiyong landas pataas. Kung ako ang tatanungin, syempre gusto ko pataas ang aking patutunguhandahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto sa buhay. Hindi na bale kungmahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng pamilya ko. Ikaw? Saan ka patungo?

×