Pagyabong ng helenistikong kultura

20,086 views

Published on

Published in: Travel, Education
0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
20,086
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
247
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pagyabong ng helenistikong kultura

  1. 1.  Pinagsanib ang pamumuhay ng Greece at ng Silangan sa kulturang Hellenistic. Nagtatag ng mga lungsod si Alexander sa mga lupaing nasakop at lumaganap ang kulturang Griyego o kulturang Hellenistic. Hinikayat ni Alexander ang pagsasama ng mga Griyego sa mga Asyano tulad ng kanyang pag-aasawa sa isang prinsesang Persiano, si Satera, at kanyang sinunod ang kasuotang Persiano pati na ang kaugalian nito.
  2. 2.  Naghatid ang pagsasanib ng kulturang Silangan at Kanluran sa bagong panahon na nagtagal ng 3,000 taon mula sa kamatayan ni Alexander. Habang naimpluwensyahan ang mga Asyano ng kulturang Hellenic, sila man ay nag-iwan din ng impluwensya ng mga Griyego. Ang lumang tipan ay nasalin sa Griyego mula Hebreo at nagbigay daan sa paglaganap ng Kristiyanismo sa huling dantaon. Sa imperyong itinatag ni Alexander, may malaking pagkakaiba sa lipunan – may kariwasaan, kaginhawaan at kaalaman sa kabilang dako, mayroon ding karukhaan, kakulangan, pang-aalipin ay kamangmangan.
  3. 3.  Bukod dito, pinahina ng pagsasanib ng maraming relihiyon at kultura ang nagbubuklod sa iba`t-ibang lahi. Habang unti-unting nabubuwag ang imperyong ititnayo ni Alexander, sumisikat ang Rome at naging tagapagmana ng kulturang Hellenistic.
  4. 4.  Ang mga lungsod-estado ng Greece ng nagpasimula at nagpayabong ng mga huwarang kaisipan ukol sa pamahalaan at pagkamamamayan. Ang pakikialam sa mga kapakanang pambayan ang nagbibigay-buhay sa isang nomal na Griyego. Bihirang Griyego ang umiiwas sa pulitika upang ilaan ang sarili sa negosyo. Mula sa katagang Griyego na Polis ang salitang politics at metropolis (mother city)
  5. 5.  Iba`t-ibang uri ng pamahalaan ang nakilala sa Greece tulad ng monarkiya, aristokrasya, tyranny, at demokrasya. Ang pagkakataon tungo sa pagpapaunlad ng sarili na ibinibigay ng polis ay hindi mapapantayan ng alinman sa mga naunang kabihasnan. May laya ang bawat mamamayan na magpulong sa isang sentral na lugar tulad ng agora o lumang pamilihan upang pag-uasapan ang mga kapakanang-pambayan. Si Pericles ang pinakadakilang estadista o statesman ng Greece na ang pangalan ay katumbas ng Ginintuang Panahon ng Greece.
  6. 6.  Siya ang Unang Mamamayan (First Citizen) ng Athens. Lubos na tiwala kay Pericles ng mga iskultor, arkitekto, pilosopo at mandudula sa kani- kanilang sining.
  7. 7.  Nagmula sa salitang pilosopiya sa dalawang salitang Griyego –philos at sophia- na ang ibig sabihin, pag-ibig sa karunungan o katalinuhan. Si Socrates ang unang pilosopo na tumalakay sa suliranin ng tao kaugnay sa ibang tao at sa sansinukob Ang kanyang pamamaraan ng pangangatwiran sa pamamagitan ng palitan ng tanong at sagot ay nakilala sa tawag na Socratic Method o dialectic. Kinikilala rin si Socrates sa kanyang paniniwalng, kilalanin ang sarili.
  8. 8.  Sa pagkamatay ni Socrates at wala siyang naisulat na anupaman tungkol sa kanya, isinulat ni Plato ang lahat ng kanyang mga kaalamanukol sa kanya. Sa Dialogues ni Plato, amkikita ang paraang Socratic sa pagtuklas ng katotohanan sa pamamagitan ng matalinong pgtatanong. Sa kanyang aklat na The Republic, inilarawan ni Plato ang inakala niyang ideyal na estado. Nagtatag si Plato ng paaralan sa Athens na nakilala sa tawag na Academy. Isang masigasig na mag-aarl ni Plato si Aristotle, itinuturing na pinakamatalinong tao ng maraming manunulat ng kasaysayan.
  9. 9.  Mayroon na silang pribadong paaralan at yaong may kaya ay tinuturuan sa tahanan ng mga edukadong alipin na kung tawagin ay pedagogue. Pinag-aaralan nila ang tatlong R (arithmetic, reading at writing) at ang mga tulain ni Homer. Pagtuntong ng 18 gulangng bawat lalaki, dumaraan ito sa pagsasanay-militar at pagseserbisyo.

×