Pagsusuri sa Tula at Pelikula

72,215 views

Published on

Pagsusuri sa Tula at Pelikula
(Mga Kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Juan dela Druz at Mga Munting Tinig)

7 Comments
16 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
72,215
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
5
Actions
Shares
0
Downloads
927
Comments
7
Likes
16
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pagsusuri sa Tula at Pelikula

  1. 1. Tarlac College of Agriculture Institute of Education Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas Tula: Pelikula: Ang mga Kagila-gilalas na Mga Munting Tinig Pakikipagsapalaran ni JUAN dela CRUZ ni Jose F. Lacaba ni Gil M. PortesSinuri ni: Loreto C. Morales BEED IV-A General Ipinasuri ni: Gng. Cecile L. Lapitan Guro
  2. 2. BALANGKAS NG PAGSUSURI (Pelikula)I. Pamagat ng Akda: Mga Munting TinigII. May-Akda: Gil M. Portes Ang Manunulat at Direktor na si Gil M. Portes ay tanyag sa paggawa ng pelikula at ang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima (25) na sa mga makabuluhang pelikulang kanyang mga naggawa. Ito ay ang opisyal na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003. Siya ay nag-aral sa Universidad ng Sto. Tomas at nakatanggap n isang degree master sa teatro mula sa Brooklyn Coolege sa New York. Dahil sa kanyang paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng pulitika at iba pang interesanteng paksa kaya siya nakakuha ng ibat-ibang parangal. Ilan sa kanyang mga sikat na gawa ay ang mga sumusunod: • SARANGGOLA, 1999 • GATAS… SA DIBDIB NG KAAWAY, 2001 • BUKAS MAY PANGARAP, 1994 • MARKOVA: COMFORT GAY At ngayon siya ay sumisikat nanaman sa linya ng pagiging direktor, sabi pa nga ng isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse, beautifully lit images.”III. Mga Tauhan: 1. Melinda (Alessandra) isang batang guro na pilit hinahanap ang lugar na kanyang kahihimlayan. Pilit na inaabangan ang araw na pakikinggan na siya ng kanyang ina. 2. Mrs. Pantalan (Dexter) Ang Principal o ang Officer-in-Charge ng Mababang Paaralan ng Malawig. May dalawang anak sa Maynila na kanyang pinag-aaral. Nagbebenta ng ice candy sa mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag na kita. 3. Chayong (Gina Alajar) ang ina ni Pilar. Ang may-ari ng tahanang tinitirhan ni Melinda. 4. Luz (Amy) ang nanay nina Obet at Popoy. Tanging magulang na naniwala sa kakayahan ng mga estudyante. 5. Popoy (Bryan) kapatid ni Obet. May talentong musical ngunit hindi nakasali sa patimpalak dahil sa isang masalimuot na pangyayari. 6. Obet (Pierro) kapatid ni Popoy. Ayaw maparis sa amang NPA. Naulila sa ama at kapatid dahil sa isang pangyayari. 7. Fe (Irma) isa sa mga guro ng Mababang Paaralan ng Malawig. Nagtuturo ng asignaturang Ingles. Dumalo ng ibat-ibang pulong upang makatulong sa kanyang pagtuturo subalit walang epekto sa kanya, siya’y nanatiling kulang ang kaalaman. 8. Solita (Malou) isang guro rin sa Mababang Paaralan ng Malawig. Pinaglilinis ng kanyang bahay ang kanyang mga estuduyante. 9. Pilar (Lailani) dating guro ng paaralan subalit tumungong Singapore upang doon mamasukan ngunit nalinlang ng ahensyang kanyang pinasukan. Anak ni Chayong. Kagaya ni Melinda na nagbibigay inspirasyon sa mga bata
  3. 3. IV. Buod/Lagom ng Katha Mga Pangarap ang iniwang alaala ni Melinda noong araw na linisan niya ang baryo ngMalawig. Nang dumating ang batang guro, ay tumambad sa kanya ang mga lupain na tinatamnanna palay at buko, at mga taong tila wala nang pag-asa sa buhay. Kahirapan ang dahilan kungbakit naging tamad ang mga tao, at tinanggap na lamang ang kanilang kinakaharap namasalimuot na buhay, habang ang ilan naman ay umaakyat sa kabundukan upang ipaglaban angnais makamit na pagbabago. “Tanging ang mga mayayaman lang ang maaring mangarap, at tayong mahihirap ayhindi.” Mga simpleng salita mula sa isang bata ang nagtulak kay Melinda upang ipaliwanag samga mamamayan ng lugar na hindi kahirapan ang dahilan kung bakit lumalabas na biktima angtao. Ang Pag-asa ay importante at ang bawat pangarap ay maaring abutin. Laban sa hindipakikinig ng taong – bayan, isinali parin ni Melinda ang mga bata sa isang simpleng patimpalaksa pag-awit. Ang kanilang mga tinig ay tumayo laban sa kadiliman, laban sa kahirapan,kamatayan, at kalungkutan. Ang kanilang awit ang gumising sa maliit na apoy ng pag-asa sa bawat puso ng taong-bayan. Isang pag-asa na nagbigay sa kanila ng lakas upang mangarap, lakas upang ipaglaban angkanilang mga pangarap. Si Melinda ay lumisang naniniwalang nasa bawat isa ang kapangyarihanupang gumawa ng pagbabago, na nasa atin ang isang tinig ng pag-asa na nag-aantay marinig.V. Pagsusuri 1. Panahong Kinabibilangan Ang pelikulang ito ay nabibilang sa mobernong panahon dahil may mga ganitongpangyayari pa rin ngayon sa ating lipunan. 2. Sariling Puna Ang bawat isa, kahit ang mga bata, mahirap man o mayaman ay may karapatangmangarap sapagkat ang bawat isa sa atin ay binayayaan ng talino at talentong dapat gamitin.Sa ating lipunan ay karaniwan mo nang makikita ang mga taong nambibiktima ng kapawa nila.Gagawin ang lahat makalamang lang sa iba. Karaniwan mo naring makikita ang mga taong uupona lang sa isang tabi upang tanggapin ang kanyang kalagayan, hindi man lamang magsusumikapupang abutin ang kanyang mga pangarap dahil sa nawalan na sila ng pag-asa. Ilan lamang ito sa mga katotohanang matutunghayan sa pelikulang “ Mga MuntingTinig.” Kung ang lahat sa atin ay ganito mag-isip at makipagkapwa – tao, anong lipunan angating tinitirhan? Sino pa ang maiiwang naniniwala? Sino pa ang maiiwang kikilos para sa isangkaunalaran? Ang pelikulang ito ay kapupulutan niyo ng aral at magbibigay sa inyo ng inspirasyonupang ipagpatuloy ang buhay ng buo ang loob at nasa tama. 3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Ang Kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap, pangarap na minimithi ng bawatisa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin satama na ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan. Dapat nating gamitin ang ating mga munting tinig na sumisigaw ng isang malinis napagbabago. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan ay hindi maaring ikumpara sa mgamatatanda. Dapat ay maging bukas ang ating kaisipan sa lahat ng aspeto ng buhay.
  4. 4. Bawat nilalang, bata, matanda, babae o lalaki ay may paninindigan na dapat marinig ngbuong mundo. Walang sinuman ang may karapatang hadlangan makapagpahayag ng kanyangdamdamin. Kahit na munti man ang ating tinig kapag pinag-isa ay maaring makapagdulot ngmalaking epekto sa lipunan.4. Mungkahi Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay napakaganda. Ang musika, iskrip, mga tauhan,ang pagganap, at ang direksyon ay pawng napakahusay dahil ito’y nabuo ng may masining nakakahayan, ngunit kinalulungkot kong sabihin, na lagi itong nakaliligtaan sa maramingpelikulang Pilipino. Ang mga tunog na ginamit, lalo na ang musical score at ang kanilangtamang punto, ay tama lang dahil nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Sa katunayan,pinanood namin ito, siguro dalawang taon pa lang kami sa kolehiyo, talagang nakakaiyak atmasasabi kong ito’y isang makabagbag-damdaming pelikula.
  5. 5. Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ ni Jose F. Lacaba Nang dapuan ng libog Isang gabing madilim si Juan de la Cruzpuno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz namasyal sa Culiculi pusturang-pustura at nahulog sa pusali kahit walang laman ang bulsa parang espadang bali-bali BAWAL MANIGARILYO BOSS YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED sabi ng konduktora CASH at minura sabi ng bugaw si Juan de la Cruz. sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa Kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz naglibot sa Dewey ang buong Avenida si Juan de la Cruz BAWAL PUMARADA PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY sabi ng kalsada SATISFY BAWAL UMIHI DITO sabi ng neon. sabi ng bakod Humikab ang dagat na parang leon kaya napagod masarap sanang tumalon pero si Juan de la Cruz. BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz Nagbalik sa Quiapo tumapat sa Ma Mon Luk si Juan de la Cruzinamoy ang mami siopao lumpia pansit at medyo kinakabahan hanggang sa mabusog. pumasok sa simbahan Nagdaan sa Sine Dalisay IN GOD WE TRUST Tinitigan ang retrato ni Chichay sabi ng Obispo PASSES NOT HONORED TODAY ALL OTHERS PAY CASH. sabi ng takilyera tawa nang tawa. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz Dumalaw sa Konggreso dala-dalay gulok si Juan de la Cruz gula-gulanit na ang damit MAG-INGAT SA ASO wala pa ring laman ang bulsa sabi ng diputado umakyat Nagtuloy sa Malakanyang sa Arayat wala naming dalang kamanyang ang namayat KEEP OFF THE GRASS na si Juan de la Cruz. sabi ng hardinero WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng sundalo sabi ng PC kay Juan de la Cruz. at sinisi ang walanghiyang kabataan
  6. 6. kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz BALANGKAS NG PAGSUSURI (Tula)I. Pamagat ng Akda: Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZII. May-Akda: Jose F. Lacaba Kilala din sa pangalang Pete Lacaba, pinanganak siya sa Cagayan de Oro City noong ika-25ng Nobyembre 1945. Isa siyang makata at manunulat ng iskrip. Sina Jose M Lacaba Sr. at Fe Floresang kanyang mga magulang. Napangasawa niya si Marra PL. Lanot, isang makata at mananaysay,kung saan nagbunga ng isang lalaking anak.. Hindi niya natapos ang pagaaral ng Ingles sa Ateneo dManila University upang magtrabaho bilang isang mamamahayag. Noong 1974 naaresto siya kasamaang mandudulang si Bonifacio Ilagan at maunulat na si Dolores Stephens-Feria. Bago siya palayainnoong 1976, napatay ng mga hukbong sandatahan ng gobyerno sa Mindanao ang kapatid niya na siEmmanuel. Naging patnugot siya ng mga magasin na Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader,National Midweek at ang pinakahuli ay ang Pilippine Graphic. Noong 1970 ay naging parte ng mga kilusang estudyante-aktibista si Lacaba para saPhilippine Free Press kung saan nabuo ang ilan sa mga pinakamahusay na sanaysay ukol sa tinatawagna First Quarter Storm. Nang lumaon ay nilikom ang mga ito at ipinalimbag bilang Days of Disquiet,Nights of Rage, noong 1982. Ang unang kalipnan ng kanyang mga tula, Mga Kagilagilalas naPakikipagapalaran ay nalimbag noong 1970 at sinundan ito ng isa pang kalipunan ng mga tula, SaPanahon ng Ligalig, na nilimbag noong 1991. Noong 1979 sa pakikipagtulangan niya kay Ricardo Lee ay nabuo nila ang iskrip para sapelikulang Jaguar ni Lino Brocka. Ang ilan pa sa mga kilalang screenplay na ginawa niya namayroong kinalaman sa mga ordinaryong tao na biktima ng kahirapan at kawalang-hustisya ay angmga sumusunod: Angela Markado noong 1980, Sister Stella L. noong 1984, Bayan Ko: Kapit saPatalim noong 1985 at Orapronobis noong 1989. Nabigyan ng unang gantimpala ang tula ni Lacaba na may titulong sa Panahon ng Ligalig saCarlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983. Ang awiting Aling Pag-ibig Pa? aynanalo sa Best Theme Song category ng Catholic Mass Media Awards noong 1984 ay isinulat din niJose Lacaba.III. Mga Tauhan: 1. Juan dela Cruz – pangunahing tauhan sa tula kung saan nilakbay niya ang komplikaadong mundo ng siyudad 2. Konduktora – binawalan niya si Juan na manigarilyo sa loob ng bus at minura niya ito. 3. Hardinero at sundalo 4. Bugaw 5. Obispo
  7. 7. IV. Buod/Lagom ng Katha Si Juan de la Cruz ay isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing binabanggit ang pangalang itoay naiuuganay agad ito sa mga Pilipino dahil matagal na at madalas nang ginagamit ang pangalangito sa mga tauhang Pilipino. Sa unang saknong ay makikita na isang probinsyano si Juan nalumuwas patungong siyudad. Tulad ng ibang bagong salta sa Maynila ay pumorma syang mabutikahit mahirap lamang upang maging katulad ng mga mamamayan sa lungsod. Halata rin na bagosa kanya ang pagpunta sa lugar na ito dahil nabanggit na siyay kinakabahan. Ang mga ginamit na tagpuan sa tula ay mga kilalang lugar sa Maynilatulad ng Avenida atQuiapo. Maraming pook-pasyalan ang kanyang pinuntahan ngunit mapupuna na hindi niyanapasok ang mga ito dahil sa kahirapan. Gustuhin man niyang kumain ay wala naman siyangpambili. Tila maramin ring hadlang sa kanyang paglalakabay. Maraming siyang gusting puntahanngunit lagi na lamang may pumipigil sa kanya at nagbabawal. Sa bandang huli ng tula nasawi rin si Juan sa kanyang pagtungo sa lungsod. Inilarawan siyabilang isang pulubi at wala man lamang makain. Naipakita sa mga huling saknong na nakasamapara sa kanya ang paninirahan sa siyudad. Maaring naging maganda na ang simpleng buhay niyasa probinsya kayat nagsisi siya na mamuhay sa lungsod.V. Pagsusuri 1. Panahong Kinabibilangan Ang tula ay naisulat noong panahon nang batas militar subalit napapanahon pa rinhanggang ngayon ang mga pangyayari sa tula kaya nabibilang pa rin ito sa modernong panahon 2.Sariling Puna Sa aking palagay, ang tulang ito ay tumutukoy sa isang probinsyanong Pilipino na hinanapang kapalaran sa siyudad ngunit nabigo. Tipikal na ang ganitong kwento lalo na dati na limitado paang komunikasyon mula sa mga lalawigan at lungsod. Inaakala ng mga taga-probinsya namaganda ang Maynila at maraming trabaho ang naghihintay sa kanila ditto. Inakala nila na angmga matataas na gusali ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang narito. Maaaring nakitanila ito sa kanilang mga sinuwerteng kababayan na matapos magtrabaho sa Maynila ay bigla nalamang yumaman. Kung kayat ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ay inihantuladnila sa kahirapan.Para sa akin, mas maganda pa rin ang payak na pamumuhay sa probinsya. Doon ay mas tahimik atpayapa na mas masarap tirahan kaysa sa siyudad na magulo at komplikado. Ngunit sang-ayon parin naman ako sa mga naglalakas-loob na magahanap ng ikabubuhay sa Maynila dahil hangadlamang nilang umunlad. 3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Maging kuntento kung anong meron sa atin dahil pag kinainggitan natin ang iba, maaaring tayo’y bumagsak a lalong bababa ang ating antas ng buhay na meron tayo. Hindi ang pagpunta sa siyudad ang solusyon para yumaman kundi nasa atin din kung tayo’y magsisikap.4. Mungkahi Ang tula ay isinulat sa kanyang sariling ekspresyon, ginamitan ng mga salitang Inglespero napaganda naman niya ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.

×