Isinilang si francisco

15,319 views

Published on

0 Comments
6 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
15,319
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
97
Comments
0
Likes
6
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Isinilang si francisco

  1. 1. Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo‟sBalagtas),Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sinaJuanBalagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang FranciscoBaltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambengtaga Orion,Bataan at nagkaroon ng pitong anak.Bata pa si Kikong Balagtasas mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mgaluntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mgadahon ang awit ngmga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyangama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambingniya sa musika.Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mgaEspanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sanararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayanngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyangumibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigayng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan atkatarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas nakatuangkulansa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doonniyanaunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyangmgakababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “FloranteatLaura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabusoat pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang itoaynaglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, atmgaaral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, paggalangsa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sakabayanihan. Atdahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ngMakatang Pilipino.” SiFrancisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20,1862.
  2. 2. Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag angunang edisyon ng“Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na siFrancisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag namanang “Kung Sino ang Kumatha ng„Florante‟” ni dalubhasang sa Tagalog nasi Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni FranciscoBaltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.Unang Paglimbag Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasawikang Tagalog at Ingles,subalit natupok ang mga ito noong 1945, nangmagwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat kabilang nga itosa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbaglamang ang mga kopya ngakda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel( papel dearroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay naipinagbibili tuwing may misa atmga kapistahan sa halagang 10 centavobawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ngChicago, Estados Unidoslamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at1875, kabilangsa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito saBiblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad angkopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875. Nalilimbag ang pamagatng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybayPaglalarawan Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ngQuezonaria , at angnagsasalaysay ay mismong si Florante,habang nakikinignaman ang muslim na si Aladdin.Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florantemula sa sariling karanasan atkasawian ni Francisco Baltasar, sapagkatnakulong ang huli dahil sa bintang ni MarianoKapule (kaagaw ni Selya) atkawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR-ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibalsa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.
  3. 3. Florante=>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ngmga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ayang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan niFlorante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyanginang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya angnagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sakanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.Konde Adolfo=>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahingkontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula saAlbanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saannag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawangtaon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang niFlorante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhatng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal angpanahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. Atdahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, atpagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyanggurong si Antenor.Aladin=>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtasng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ringumagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkitanang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysaysa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling namandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na angkausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya,siya na ang naging sultan.
  4. 4. Laura=>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ngAlbanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubosna kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kayLaura sa unang pagkakakita pa lamang.Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksani Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sakanya kay Konde Adolfo.Menandro=>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas dinng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyangtinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nilasa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya,marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanyanang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.Flerida=>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya angisip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupadang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.Duke Briseo=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilangsariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay atipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nangkanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.Prinsesa Floresca=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona,at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenaspabalik ng Albanya.Antenor=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo atMenandro.Menalipo=>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula saisang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamanggamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit namas matanda kaysa kay Florante.
  5. 5. Konde Sileno=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante aymarangal.Haring Linseo=>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Angkanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapantungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upanggutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan niKonde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyangnagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni KondeAdolfo upang maiupo ang sarili sa trono.Sultan Ali-Adab=>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan niAlading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ngkamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya saPersya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Fleridamula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nangnangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako nahindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; angnaging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyangkailanman ay hindi niya mababalikan.Osmalik=>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sailalim ng utos ni Aladin.Miramolin=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.Emir=> moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay LauraHeneral Miramolin=> heneral ng TurkiyaHeneral Abu Bakr=>Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
  6. 6. Aralin 1Kay Selya Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisayna pag ibig. Ito‟y tungkol sa unang pag-ibig ng may-akda na si Francisco“Balagtas” Baltazar kay Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya.Iniisip ng may-akda ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Selya,gaya ng walang hanggang pagmamahalan nila sa isa‟t isa, ang larawan niSelya na guhit sa sintang pinsel na ito raw ay inilimbag ng kanyang puso‟tpanimdim na kahit kalian ay hindi mananakaw sa kanya at ang mgamasasayang pangyayari sa ilog Beata. Nang matauhan siya sa kanyangpag-iisip napaiyak siya dahil sa labis na kalungkutan. Marami siyangtanong sa kanyang sarili na si Selya lamang ang makakasagot nito atnaisip rin niya ang mga masasayang nimfas sa ilog ng Bai at ang mgasirena na ang mga tinig ay magaganda. Sinabi ni Francisco na kahitsumakabilang buhay na siya hinahangad parin niya na ang tapat na pag-ibig ay tumagal. Tinagurian niyang M.A.R. at tinawag na Selya angkanyang unang pag-ibig.Aralin 2Puno ng Salita Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatanglalaki na nakagapos sa isang puno.
  7. 7. Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi makapasokang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres.Ang mga baging naman na namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ngtinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag itoy kinain.Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilongmabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito aysyerpente at tigre na may masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapitsa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na inilarawanbilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain aydinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag angtubig. Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sapuno, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindigkahit nakatali na ang kamay, paa‟t liig, makinis ang kanyang balat, at angkanyang pilik-mata‟t kilay ay parang isang arko.Aralin 3Kaliluha’y Hari Ang araling ito ay naglalarawan ng kaguluhan na nangyari saAlbanya at kung ano ang naramdaman ni Florante sa mga pangyayaringito. Sa gubat na kinalalagyan ni Florante ay walang nakatirang nimfaso harpyas na mahihingian niya ng tulong, kaya naman kinausap niFlorante ang Diyos sa pamamagitan ng padadasal. Ang kanyang mgahinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang loob nanakatira sa Albanya at tungkol sa ibang bandila na iwinawagayway saAlbanya. Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang taoang nakakaranas ng tagumpay at ang mga mabubuting tao naman angnakakaranas ng kamalasan. Sa galit ni Florante nasisi niya ang Diyos salahat ng mga nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaangmangyari. Alam niya na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona niHaring Linseo at sabugan ng sama ang Albanya. Kaya naman hiniling niFlorante mula sa makapangyarihang kamay ng Diyos na itapon angkanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa Albanyaat natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa anyang mgasinasabi at kung bakit hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay.Aralin 4Ang Panibugo Ang araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay KondeAdolfo dahil nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura Sinabi ni Florantesa Diyos na kung gusto niya talaga na siya‟y magdusa may hihilinginlamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florantepang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laurana lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang
  8. 8. palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakitna kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakitat pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyakna maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan nglibu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin atisinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman angkanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindimagtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura.Aralin 5Halina, Laura Ko Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura!Ang sabi ni Florante ay katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi rawniya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalaynito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Floranteang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis oinuutusan si Florante ni Haring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ayumiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe ni Florante ayparang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan siFlorante sa pakikipaglaban, ang baluti‟t koleto ay hindi pinapayagan niLaura na madampi‟t malapit sa katawan ni Florante hangga‟t hindi niyanasisigurong wala na itong kalawang, pinahihiyasan ni Laura ang turbanteni Florante ng perlas, topasyo‟t maningning na rubi, kapag hindi padumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindimapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung maygalos lang si Florante sa balat ay labis na ang pag-aalala ni Laura rito athindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya‟ynakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kayFlorante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ayumalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos atsakit na nararamdaman ay nahimatay siya.
  9. 9. Aralin 6Ang Pagdating ni Aladin sa Gubat Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero napumunta sa gubat upang makalimutan ang masasakit na nangyari tungkolsa kanyang pag-ibig. Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ngputong na turbante na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Morosa siyudad ng Persya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tuminginsiya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at maynakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoyat doon siya‟y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyangkaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Tumagilidsiya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya naang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahilinagaw na ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw angkanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang nakikipaglaban na siyangayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyangpagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang atinihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagangmakapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib angmakakaharap, ito‟y hahamakin para lamang sa minamahal.Aralin 7Duke Briseo: Amang Mapagmahal Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awangpinatay ang ama ni Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysayniya ito.
  10. 10. Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya‟y namangha kayanaman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita atdumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante naumiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay angkanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibiganng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masamaat may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibiganniyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapaglumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamangsiya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ngkanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan atng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw angugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahitsa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak anginiisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahatng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.Aralin 8Ang Morong Nakikinig Ang araling ito ay tungkol sa isang gererong naghahanap ng tunayna kalinga at pagmamahal ng isang ama. Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agadniyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parangikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni Florante kung paanoito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilangisang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan atnais ng kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya‟y mamatay.Namatay ang kanyang ina ng siya‟y isinilang kaya naman ang kanyangama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoaypawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.Aralin 9O, Laura
  11. 11. Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama,narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito‟y tungkol kayLaura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya‟y sumakabilangbuhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Floranteang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ngnasa harapan na niya ito, ito‟y tumigil at mukhang naawa sa kanyangkalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya nangayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan.Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ngAlbanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahilsa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa diinaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay rawsiya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayarisa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan angsakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ngpananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladinkung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapitna si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay napagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ngsilain ng mgaleon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niyang taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.Aralin 10Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon
  12. 12. Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon,kinalagan niya kaagad si Florante at siya‟y umiiyak habang kinakalaganniya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sapagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya siFlorante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kayFlorante habang ito‟y natutulog, si Florante ay biglang gumising athinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin nasagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang mulinggumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moroat siya‟y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladinngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kayFlorante na ang baya‟t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaringito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay taolamang na sumusunod rin s autos o batas ng langit kaya naman tinulunganniya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladinkung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na angkanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa niFlorante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin angumiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.Aralin 11Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladinsi Florante hanggang sa ito‟y gumaling at ikinuwento ni Florante angkanyang pagkabata.
  13. 13. Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siyang lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyangdako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niyahiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumainat inalok niya si Florante nito, sa una ito‟y umayaw ngunit hindi naglaonito‟y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis atnabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan niAladin at hindi natulog si Aladin dahil siya‟y natatakot na baka makagatsi Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapagnagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ngnangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at muntingnapayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walangbinitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan niFlorante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante.Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florantena ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin nasana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, angama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo saanumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait angkanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ngAlbanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyangbuhay ng siya‟y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw aynatutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibongpang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabutinalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinananiya ang ibon at ito‟y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas mayisang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ngtumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahilparati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas angmasayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat ahanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan aysinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang. Aralin 12Kabataan ni Florante Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Floranteng siya‟y bata pa lamang.
  14. 14. Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata nanagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mgaibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag maynakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, biglaraw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit namatutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot angkanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindimasukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama nahindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at purokaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon nadarating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya itomalulutas dahil siya‟y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadalasiya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyangina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mgaPitako, ito‟y mabait at marunong na isang maestro.Aralin 13Nahubdan ng Balatkayo Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyaksimula ng siya‟y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagalnapayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. Maynadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo anganak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na siAdolfo‟t si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilangisang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito‟ylaging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganinman siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mgakaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyangmaestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo atsinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindipaimbabaw ito‟y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigatang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din angnararamdaman ni Adolfo sa kanya.
  15. 15. Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ngpilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Angpagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sagitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala.Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ngpangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ngdumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata,iba‟t iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawanna naaayon sa musika‟t awit na mapakikinggan. May laro ring buno‟tarnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi‟t karunungan.Aralin 14Nasalag ang Dagok Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante.Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polineseat anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang siPolinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nangisinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sakanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw rawniya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapatlng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalangpatalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya‟y natumbabuti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkataposng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon paang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyangama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit nanaramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ngmabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya‟ymagkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata‟yhindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya nanamatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buongsandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman angginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nitoAralin 15Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florantepapunta sa Albanya.
  16. 16. Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya‟t aliw si Florante sa Atenassimula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating angikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya saAlbanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. Mayhinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kayflorante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wagmagpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya saaraw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ngmahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapatraw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdatingsa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro aylabis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawangmagkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa‟t isa kaya tinulutan nalamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo saAlbanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanyasinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdaganang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.Aralin 16Ang Heneral ng Hukbo Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona aykinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya,ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. SiAladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin atsinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kungmagkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isangtao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin niAladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkolsa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matuladang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw itoninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.
  17. 17. Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala angkanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari atniyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalosa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ngkanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya‟y walang sagot na naisabikundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ngAlbanya. Aralin 17Patay o Himala Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala niLaura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya‟y inimbitahan ni Haring Linseo sapalasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya angisang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mgabuhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseona pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siyamasasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisipniya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapakkung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawainna nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siyasa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahonlamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyangpinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng haring palasyo real si Florante.Aralin 18Perlas sa Mata‟y Nunukal
  18. 18. Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito‟yhigit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahatng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo niFlorante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya itong mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok angmatinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ngmatamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban anghiyang perlas na sa mata‟y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis niFlorante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante namasagot bago siya umalis tungkol kay Laura. Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doonnaglaban ang dalawang kampo at ito‟y umabot ng limang oras hanggang samapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalikay parang nagluksa ang langit.Aralin 19Krotona‟y Nagdiwang Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyoreal at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ngKrotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahilang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ngkaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga.Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilanghindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong harinakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kayadn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo‟y walang lubos nakatuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problemaparin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante saKrotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad paranghindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad saAlbanya.
  19. 19. Aralin 20O, Sintang Florante Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakitanila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasakamay ng mga Moro at ito‟y nakagapos at pakiramdam nila ito‟ypupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahilnangangamba siya na ito‟y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyanggalit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibangMoro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalisniya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinalana ito‟y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap niLaura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain niEmir si Laura ay sinampal niya ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sakamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balatnito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya niLaura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang angHaring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyangpumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, angkanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ngkanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman aynagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo niAdolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Florantengtagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataasna hari sa palasyo real.Aralin 21Silu-Silong Sakit
  20. 20. Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ngAlbanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanyalalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sakadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling magingpinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante anghukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na gallingsa kanyang ama na siya‟y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ngdumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno atnahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florantena pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at angpinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sapagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyangkamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isangnapakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop.Aralin 22Kawawang Aladin Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman angnagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyangsariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyangpapugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habangnakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay SultanAli-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya‟t pinaalis na lamangsiya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya.Aralin 23Hatinggabing Kadiliman
  21. 21. Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silangdalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala angnaririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sapamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim napakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Lauranaman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya‟tdinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating siFlerida at siya‟y iniligtas. Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alamannitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nangdumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya. Umuwi ang apat sa Albanya na maligayang-maligaya.Nagpabinyag sina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo at nagpakasal.Maging sina Florante at laura ay pinag-isang dibdib at sila‟y naging hari atreyna ng Albanya. Muling nagbalik sina Aladin at Flerida sa Persya atnamuno sa kanilang kaharian. ~wakas ng awit~

×