Mga pangulo ng pilipinas

47,093 views

Published on

1 Comment
20 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
47,093
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
7
Actions
Shares
0
Downloads
1,321
Comments
1
Likes
20
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Mga pangulo ng pilipinas

  1. 1. Emilio Aguinaldo Manuel L. Quezon Unang Pangulo ng Pilipinas Ikalawang Pangulo ng Pilipinas Emilio Aguinaldo y Famy Pangulo ng Unang Republika Manuel Luis Quezon y Molina Unang Presidente ng Commonwealth Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa. Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang nabigong rebolusyong noong 1896.
  2. 2. José P. Laurel Sergio Osmena Ikatlong Pangulo ng Pilipinas Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas José Paciano Laurel y García Pangulo ng Ikalawang Republika Sergio Osmeña y Suico Ikalawang Pangulo ng Commonwealth Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong Republika Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935. Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.
  3. 3. Manuel Roxas Elpidio Quirino Ikalimang Pangulo ng Pilipinas Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas Manuel Acuña Roxas Ikatlong Pangulo ng Commonwealth Unang Pangulo ng Ikatlong Republika Elpidio Rivera Quirino Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15, 1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa Bar Exam noong 1912. Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong 1948.
  4. 4. Ramon Magsaysay Carlos P. Garcia Ikapitong Presidente ng Pilipinas Ikawalong Pangulo ng Pilipinas Ramon del Fierro Magsaysay Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika Carlos Polistico Garcia Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49. Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" bilang simbolo ng pagiging makabayan.
  5. 5. Diosdado Macapagal Ferdinand Marcos Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas Ikasampung Pangulo ng Pilipinas Diosdado Pangan Macapagal Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan. 25, 1986. Marami siyang naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.
  6. 6. Corazon Aquino Ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas María Corazón Cojuangco-Aquino Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika Unang Pangulo ng Ikalimang Republika Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang Marso 25, 1986. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang "People Power Revolution". Fidel V. Ramos Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas Fidel Valdez Ramos Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.
  7. 7. Joseph Ejercito Estrada Gloria Macapagal Arroyo Ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas Joseph Ejercito Estrada Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng korapsiyon. Maria Gloria Macapagal-Arroyo Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010. Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at
  8. 8. pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001. Benigno S. Aquino III Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas Benigno Simeon Cojuangco Aquino III Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika Ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas at mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo 30, 2010. Siya ay ang nagiisang anak na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon Aquino.

×