Ang klima

77,729 views

Published on

Published in: Education
6 Comments
21 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
77,729
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
27
Actions
Shares
0
Downloads
1,668
Comments
6
Likes
21
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang klima

  1. 1. Ang KlimaAng klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. May kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at mga bahay na itinayo natin.Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag- araw at tag-ulan.
  2. 2. Ang Panahon• Ang panahon ay ang kalagayan ng papawirin at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa bansa sa maikling panahon
  3. 3. Pag-ikot ngmundo sa araw
  4. 4. Ang Temperatura• Ito ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig ang isang lugar.
  5. 5. 4 na Uri ng KlimaUnang Uri ng Klima TuyoIkalawang Uri ng Walang panahongKlima tuyoIkatlong Uri ng Hindi tiyak angKlima panahonIkaapat na Uri ng Halos pantay ngKlima distribusyon ng ulan
  6. 6. • Unang uri- Luzon, Negros, Palawan, Minadanao at Mindoro.• Ikalawang uri- Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Samar, Leyte, Quezon, Sorsogon, Camarines Sur, at Silangang Mindanao.• Ikatlong uri- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Silangang Lalawigang Bulubundukin, Masbate, Romblon, Timog Quezon, Palawan, Cebu, Negros, at Hilagang Mindanao.• Ikaapat na uri- Batanes,Mindoro, Bohol, Marinduque, Kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albay at sa ilang bahagi ng Mindanao
  7. 7. 3 Uri ng HanginAng hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t ibang direksyon at pabagu-bago. May tatlong uri ng hangin sa bansa. Ang hanging balaklaot o hanging hilaga (tradewinds) ay nanggagaling sa hilagang kanluran ng bansa. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran. Ang hanging amihan o sabalas ay nagmumula sa hilagang-silangan. Ang tatlong uri ng hangin a bansa ay may epekto sa temperatura, distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang lugar
  8. 8. Mga Babala ng Bagyo• Ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration) ay nagpapalabas ng apat na uri ng babala kapag panahon ng bagyo. Ipinalabas din ng PAG-ASA ang bagong paraan ng pagbibigay-babala sa bagyo na tinatawag nilang Modified Public Storm Warning System (MPSWS).
  9. 9. Babala ng bagyo bilang 1• Kalagayang MeteorolohikalAng lugar ay maaapektuhan ng bagyo na may hanging umiihip ng 30 hanggang 60 kph sa loob ng 36 na oras.May manaka-nakang pag-ulan.• Lakas ng HanginAng maliliit na puno ay mababali ang mga sanga. Ang mga bahay na yari sa hindi matibay na materyales ay ililipad ng hangin.Hindi gaano ang pinsalang mararanasan. Pinapayuhan ang mga tao na subaybayan ang taya ng panahon sa loob ng anim na oras.
  10. 10. Babala ng bagyo bilang 2• Kalagayang MeteorolohikalKatamtamang bagyo ang makakaapekto sa mga lugar.. Umiihip ang hangin nang 60 kph hanggang 100 kph sa loob ng 24 oras.• Lakas ng HanginMaaaring humilig at bumagsak ang mga puno. Ang mga bahay naman na yari sa kugon at nipa ay mabubuwal. Mapanganib para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
  11. 11. Babala ng bagyo bilang 3• Kalagayang MeteorolohikalLubhang malakas na hangin ang mararanasan na mula 100 kph hanggang 185 kph sa loob ng 18 oras
  12. 12. Babala ng bagyo bilang 4• Kalagayang MeteorolohikalMaapektuhan ng napakalakas na bagyo ang lugar. Makararanas ng napakalakas na hangin mula 185 kph. At higit pa sa loob ng 12 oras.• Lakas ng hanginMalaki ang kapinsalaang hatid sa mga pananim. Mabubunot ang mga ugat ng maraming puno at babagsak ang mga ito. Ang mga gusali at mga bahay na yari sa iba’t ibang materyales ay masisira. Higit na malaking pinsala ang hatid sa mga lugar na apektado.
  13. 13. Mga Surilaning Hatid ngKlimaNagkakaroon ng pagbaha kung tag-ulan, nagkakabuhul-buhol ang trapiko at nasususpinde ang mga klase dahil sa pagbaha lalo na sa mga pook urban at sa Kamaynilaan. Madalas din ang bagyo tuwing tag-ulan na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at bahay. Ang mga tao ay hindi nakapagtatrabaho at hindi nakalalabas ng bahay.
  14. 14. • Sa panahon naman ng tag-araw ay lubhang maalinsangan at napakainit ng paligid. Kadalasan ding nagkakaroon ng kakulangan sa tubig. Ang mga magsasaka ay hindi makapagtanim dahil nagkakaroon ng sobrang pagkatuyo ng mga lupang sakahan. Ang mga pananim ay namamatay. Nararanasan din ang madalas na sunog ng mga kabahayan at mga kagubatan tuwing tag-araw.

×