Walang sugat

8,620 views

Published on

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
8,620
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
83
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Walang sugat

  1. 1. Walang Sugat ni Mark Jozen M. Barnachea (BSEd I) Sa isang probinsya sa Nueva Ecija ay mayroong dalawang tao na sina Joaquin at Teresa.Si Joaquin ay isang anak nila Pepito at Berta. Ang mga magulang ni Joaquin ay isa lamang mgahamak na magsasaka sa lupain nila Teresa, na nag iisang anak lamang nila Don Julio De la Vegaat Donya Conchita De la Vega. Ang kanilang pamilya ay tanyag sa buong lalawigan dahil sakanilang karangyaan. Sila ay maraming hacienda at nagmamay ari ng maraming mga lupain atmga negosyo. Sila ay mayroong pagawaan ng alak at marami pa silang mga tanyag na negosyo.Minana pa nila ito sa kanilang angkan. Ang pamilya naman nila Joaquin ay galing sa angkan ngmga Dela Rosa. Galing din sila sa mayamang angkan ngunit sila ay nag-hirap dahil ang ama niJoaquin na si Pepito ay itinakwil ng kanyang ama na si Don Facundo Dela Rosa. Itinakwil siyadahil noong ito ay binata pa lamang ay pinakasalan niya si Berta, isang dukhang maralita na anakng trabahadora ng kanilang lupain. Nagkatuluyan sila, ngunit hadlang sa pagmamahalan nila siDon Facundo, ang dahilan nito ay hindi pwedeng magkatuluyan ang amo at ang alila. “Hindi kamaaring mag-pakasal sa kanya dahil siya lamang ay isang alila! Wala kang mahihita sa kanya…,siya ang may mahihita sa iyo at yun ang kayamanan natin! At isa pa, isang malaking kahihiyansa reputasyon ng ating pamilya kung magpapakasal ka sa aliping iyan! Hindi mo na ba angmaaring sabihin sa atin ng ibang tao?!” ani ni Don Facundo kay Pepito. “Wala na kayongmagagawa dahil mahal na mahal ko si Berta at walang sinuman ang makakapigil niyon kahitkayo pa papa! Sa ayaw’t sa gusto ninyo ay itutuloy ko ang aming kasal sa lalong madalingpanahon”. “Sige at subukan mong ituloy yang binabalak mo at sinasabi ko sayo…., wala kangmamanahin ni isang kusing sa kayamanan ko…, tandaan mo iyan! At isa pa, itatakwil kita bilangaking anak”. At itinuloy nga ni Pepito ang pagpapakasal kay Berta. Hindi dumalo sa kanyangkasal ang kanyang mga magulang, ngunit hindi ang mga magulang ni Berta. Suportado nila siBerta sa kanyang pagmamahal kay Pepito kahit alam nila na hindi papayag ang mga magulang niPepito. At bumuo sila Pepito at Berta ng isang pamilya. Nagkaroon sila ng isang anak na lalakina pinangalanan nilang Joaquin. Naging katuwang nila si Joaquin sa mga gawain sa kanilangmaliit na bukirin habang nagta-trabaho siya sa pagawaan ng alak ng pamilya Dela Vega. Athanggang sa makilala nga ni Joaquin si Teresa sa hacienda nito. Noong una palang niya itomakilala ay nahulog na agad ang loob nito sa dalaga. Ngunit hindi iyon ang naramdaman niTeresa kay Joaquin. Noong una niyang makita si Joaquin ay normal lamang na pakiramdam angkanyang naramdaman. Alam niya sa kanyang sarili na hindi siya maaring umibig sa lalakinghindi niya kaantas. Iyon din kasi ang sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang noon. SiJoaquin ay nagpatulong sa kanyang kaibigan na si Romero, isa ding manggagawa sa mga Dela
  2. 2. Vega. Nagpatulong siya rito dahil nagta-trabaho na ito sa mga Dela Vega simula pa lamang nasiya ay bata. Anak kasi siya ng isa sa mga katulong doon na si Aling Lumen. Si Aling Lumenang siyang nag-alaga kay Teresa simula pa lamang noong bata pa ito. Siya ang tumayong pangalawang magulang ni Teresa dahil sa pagiging abala nila sakanilang negosyo. Kaya lumaki ito sa piling ng kanyang butihing yaya. Ngunit lagi nalangsiyang pinaghihigpitan ng kanyang mga magulang, hindi siya pwedeng lumabas ng bahay ngwalang pahintulot, hindi din siya pwedeng umabot ng gabi sa labas ng kanilang bahay at higit salahat ay hindi siya maaring umibig sa kahit kaninong dukhang maralita sa kanilang hacienda.Iyon ay sinusunod naman ni Teresa kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Wala naman kasisiyang magagawa kung hindi ay sumunod din. At nakilala nga niya si Romero, anak ni AlingLumen, siya ang naging kababata ni Teresa. Siya lang ang tanging naging kaibigan nito sakanilang hacienda. Lagi silang magkasama at magkalaro. Kaya hindi din imposible na mahulogang loob ni Teresa kay Romero pero hindi ito nangyari. Ang tingin lamang kasi ni Teresa kayRomero ay kaibigan o “Best Friend” lamang at ganun din naman si Romero. Lumaki sila ngganun ang tingin nila sa isa’t isa. Sa kabilang banda, naging matalik na mag-kaibigan namansina Romero at Joaquin. At dahil may pag-hanga nga ito kay Teresa, tinulungan nga siya niRomero. Gumawa sila ng napakaraming hakbang para magkalapit sila Teresa at Joaquin.Nagtagumpay sila, nagkalapit nga sila Joaquin at Teresa ngunit hindi masabi ni Joaquin kayTeresa ang tunay na nararamdaman niya para rito. Alam niya din kasi ang mangyayari kungmagkagayon. Pero ang hindi alam ni Joaquin ay may nararamdaman na din si Teresa para kayJoaquin. Hindi ito masabi ni Teresa kay Joaquin dahil ayaw niya itong masaktan at sinusubukanniya din pigilin ang kanyang nararamdaman. Hanggang sa isang araw, umuwi ang kanyang mgamagulang galing maynila dala ang isang balita. Ibinalita nila kay Teresa na nakilala na nila anglalaking ipagkakasundo nila para sa kanya. Ang kanyang ngalan ay si Constantino. Siya aygaling sa pamilya Legazpi. Sila ay isa sa pinakamayayaman na pamilya sa maynila at salalawigan ng Pampanga. Sila ang may-ari ng Legazpi Group of Companies, na isa ang pamilyaDe la Vega sa mga kasosyo nila. Pinagkasundo nila Don Facundo si Teresa kay Constantino nghindi alam ni Teresa. Nagulat siya ng kanyang itong malaman. “Ano!?” sambulat niya sakanyang mga magulang. “bakit ninyo naman po ako ipinagkasundo sa isang lalaking hindi koman lamang kilala??”. “Bakit ija?Ayaw mo ba??Tanong niya kay Teresa. “Ngunit….” Tugon nahindi natuloy dahil nagsalita agad ang kanyang ama. “Wala ka ng magagawa teresa kung hindisundin ang aming kagustuhan ng iyong mama. Sa ayaw’t sa gusto mo ay itatakda ko ang inyongkasal sa lalong madaling panahon.” “Ngunit may iba akong mahal papa at iyon ay si Joaquin…”sagot ni Teresa. “si Joaquin? Si Joaquin na dukhang maralitang patay gutom na nagta-trabahodito sa hacienda? Siya ang iyong mahal? Hahaha nahihibang ka na ba??! Ano sa tingin mo angmapapala mo sa kanya?? WALA! Ano sa tingin mo ang maipapakain niya sa iyo kung siya angpipiliin mo?? LUPA??Tigilan mo ang kahibangang iyan Teresa! Kung hindi mo susundinangaming kagustuhan ay mapipilitan akong itakwil ka bilang aking anak! Wala kang mamanahino wala kang makukuha ni isang kusing sa akin kapag ako ay namatay!”. “Papa malaki na ako,alam ko na ang aking ginagawa at iniisip. At isa pa ay hindi na ako bata para diktahan niyo pa ngdapat at nararapat kong gawin.” “Suwail kang babae ka!” at sabay sampal kay Teresa.Tumakbong umiiyak si Teresa papalayo sa kanila at pumunta siya sa kaniyang silid.
  3. 3. Doon ay patuloy siya sa pag-iyak at nag-iisip. Mahal na nga niya si Joaquin, hindi na niya iyonmaitanggi. Pero wala siyang magagawa kung hindi sumunod sa kanyang mga magulang. Kayanapag-desisyunan na niya na pumayag siyang ipagkasundo kay Constantino. Kinabukasan ay nagkita sila Teresa at Joaquin. Ito din ang araw na sasabihin na niJoaquin kay Teresa ang tunay niyang nararamdaman. At nagkita nga sila sa isang puno ng mangasa hacienda. Doon ay unang nagtapat si Joaquin kay Teresa dahil sa mgkahalong pagkagalak atkaba na kanyang nararamdaman. “Teresa…” sambit ni Joaquin. “matagal ko na kasi itonggustong sabihin sa iyo eh…,” “ano iyon Joaquin??” tanong ni Teresa. “Teresa…., Mahal namahal kita.” “Huh!?” sagot ni Teresa. “Mahal na mahal kita Teresa. Matagal ko na itongnararamdaman. Una palang kita makita noonay nahulog na ang loob ko sayo. Hindi ko lamangmasabi-sabi sa iyo dahil natatakot ako na ipagsawalang bahala mo iyon at isa pa ay hindi pa akohandang sabihin iyon sa iyo.” Hindi na nagulat si Teresa sa sinabi sa kanya ni Joaquin dahil alamna niya ito at nahahalata niya din ito sa tuwing magkakasama sila ni Joaquin. “Alam ko nay anJoaquin, matagal na. Nahahalata ko naman sa iyo yun sa tuwing magkasama tayo. Sa totoo ngamasaya ako sa piling mo tuwing magkasama tayo. Hindi ko alam kung bakit at paano pero mahalna din kita Joaquin.” Nagulat si Joaquin sa kanyang mga narinig mula kay Teresa. Hindi niya itoinaasahan. “isang anak mayaman na katulad ni Teresa ay iibig sa katulad kong dukha??” sabi saisip ni Joaquin. “Totoo ang aking mga sinabi sa iyo Joaquin.Lihim rin kitang iniibig. Pinipigilanko ngunit hindi ko magawa. Mahal na nga yata kitang tunay.” Sambit ni Teresa. “Kung gayonnaman pala Teresa ay magsama na tayo!Bumuo tayo ng isang masayang pamilya, ikaw, ako atang mga magiging anak natin. Mamumuhay tayo ng tahimik, malayo sa mga problema at gulo.”Tugon naman ni Joaquin. “Ngunit Joaquin hindi maari ang sinasabi mo” tugon ulit ni Teresa.“naipagkasundo na kasi ako ng aking mga magulang kay Constantino. Siya na ang lalaking akingmapapangasawa.” Nagulat si Joaquin sa mga binitawang salita ni Teresa sa kanya. Hindi niyalubos maisip iyon, nanahimik siya. “Mabuti na din at naipahayag na natin ang ating mganararamdaman sa isa’t isa. Maganda na din iyon para kung sakaling magkalayo man tayo aykaunti lang ang sakit na mararamdaman natin sa isa’t isa.” Sabi ni Teresa. Habang nagkakausappala sila ay lihim silang pinapanood ng ama ni Teresa. At pagkatapos nilang mag-usap ayumalis na nga sila at nag-hiwalay na. Pag dating ni Teresa sa kanilang mansion ay agad siyanginundayan ng sampal ng kanyang papa. “Walang hiya ka talagang babae ka!” Pak! Sabay sampalsa kutis porsenalang mukha ni Teresa. Nagulat si Teresa sa ginawa sa kanya. “bakit papa?”tanong niya. “Anong bakit!? Hindi ba pinagbawalan kitang makipag kita sa lalaking hampaslupang dukhang maralitang patay gutom na iyon! Sadya talagang matigas ang iyong ulo, sigeTeresa, subukan mo pa akong muli at makikita mo ang maari kong gawin.” Banta ni Don Juliokay Teresa. Kinagabihan ding iyon ay tumungo si Don Julio kasama ang kanyang mga tauhanupang tumungo kay Joaquin. Nakita nila si Joaquin habang nagta-trabaho sa gawaan ng alak.“Magandang gabi ho Don Julio….” At hindi na naituloy pa ni Joaquin ang kanyang sinabi dahilagad siyang inundayan ng suntok ng isa sa mga tauhan ni Don Julio. “Ahh!!...” sambit niJoaquin. Doon ay binugbog siya ng binugbog ng mga tauhan ni Don Julio. “Wag na wag kangmakikipag-kita sa anak ko! Punyeta ka akala mo kung sino ka!? Isa ka lamang dukhang maralitana palamunin ko dito! Ang lakas ng loob mong mahalin ang anak ko!? Bakit huh, ano angipapakain mo sa kanya?? Lupa?? WALA! Kung ikaw nga walang makain eh, magpapalamon ka
  4. 4. pa!? Bata, maliit pa ang pak-pak mo pero wag kang lumipad ng pagkataas-taas.” Sabi ni DonJulio.Sumagot ang duguang si Joaquin, “Mahal ko po ang anak niyo at gagawin ko po ang lahatmabuhay ko lamang siya.Hinding-hindi ko siya papabayaan at sasaktan, ipanapangako ko po sainyo yan Don Julio. “Silencio! Wala akong gustong marinig ni anumang salita na manggagalingsa bibig mo hudas ka! At tuluyan nangang nawalan ng malay si Joaquin. Akala ni Don Julio aynalagutan na ito ng buhay dahil sa bugbog na tinamo nito sa mga tauhan niya. Sige na, itaponniyo na yan sa bakanteng lote. Tinapon nga siya sa isang bakanteng lote sa hacienda ring iyon.Makalipas ang isang buwan, nakatakda na ang kasal nila Constantino at Teresa. Papunta na silasa simbahan kasama ang mga magulang ni Teresa at magulang din ni Constantino. Unangpumasok sa simbahan si Constantino. Nasa altar na siya; lumakad na si Teresa papuntang altar.Sinalubong siya ni Constantino at sabay silang humarap sa altar. Nang tatanungin na si Teresa aymay isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Siya ay lupaypay at tila gulay sa lambot ngkanyang katawan. “Teresa!” sigaw nito. Napatingin ang lahat sa kanya. Ang lalaking iyon ay siJoaquin. Laking gulat ni Don Julio, Constantino at ni Teresa. Natuwa si Teresa sa dahil ang akalaniya ay patay na si Joaquin. At tumungo si Joaquin papunta kay Teresa. Tinignan ni Teresa siConstantino, alam na ni Constantino ang ibig sabihin ng tingin ni Teresa kaya sinabi niya rito,“sige Teresa, pinapakawalan na kita, sumama ka na sa kanya. Pakatandaan mo lang lage namahal na mahal kita. Kung saan ka maligaya ay duon ka na.” at napunta nga kay Joaquin siTeresa. Nuon ding araw na iyon ay ikinasal sina Joaquin at Teresa. “Mahal na mahal kitaTeresa…” “mahal na mahal din kita Joaquin…” at sila ay namuhay ng masaya aymapayapa…..WAKAS……

×