2. Ang tinaguriang Kipot ni Magellan ang nagpasimula ng matagumpay na paglalakbay ni
Ferdinand Magellan sa Pilipinas.
Ang kahalagahan ng pulitika at ekonomiya sa Pilipinas ang umakit sa mga Espanyol upang
sakupin ang Pilipinas.
Kristiyanismo ang pinakamalaking impluwensya sa atin ng mga Espanyol.
Nagkaroon ng sanduguan sina Raja Kolambu at Magellan sa Limasawa upang ipakita nila ang
kapayapaan at pakikipagkaibigan sa halip na digmaan.
Si Raja Humabon ang pinuno ng Cebu na nakipagsanduguan kay Magellan.
Si Miguel Lopez de Legazpi ay matagumpay na nakapagsimula sa pirmihang paninirahan sa
Pilipinas. Nagtagumpay si Legazpi sa pananakop ng Pilipinas dahil may dala sa makabagong
sandata
4. Mga Salik na Nagbigay Daan
sa Panahon ng Pagtuklas at
Pananakop
Kayamanan o Gold
10. RUTANG DINAANAN NI MAGELLAN
San Lucar de Barameda, Spain to Karagatang
Atlantic to Timog Amerika to Puerto San
Julian to Pacific Ocean to Limasawa to
Homonhon to Cebu
16. MAHAHALAGANG PETSAAT LUGAR SA KASAYSAYAN NI MAGELLAN
Abril 7 1521, narating ni Magellan ang Cebu.
Marso 17 1521 , dumaong sa pulo ng Homonhon ang pangkat ni Magellan
Noong 1565, itinatag ni Legazpi ang Lungsod ng Cebu at tinawag niya itong Lungsod ng Kabanal-
banalang Ngalan ni Jesus
Hunyo 24, 1571, ipinahayag ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas
Nagkaroon ng sanduguan sa Limasawa sina Raja Kolambu at Magellan, hangad nila ay kapayapaan at
pakikipagkaibigan sa halip na digmaan.
Sa Cebu unang naganap ang pananakop ni Legazpi sa Pilipinas
Nasa Maynila ang mayayaman at makapangyarihang Muslim. Ang kahalagahang pampulitika at pang-
ekonomiya nito ay umakit kay Legazpi upang sakupin ito para sa Spain.
19. Sa pagpanaw ni
Magellan, pinamunuan
ni Sebastian del Cano
ang pagbabalik ng
ekspedisyon sa
Espanya. Napatunayan
ng ekspedisyong ito na
bilog ang mundo.
22. Mga taong namuno sa paglalayag:
1525 – Juan Garcia Jofre de Loaisa
1526 – Sebastian Cabot
1527 – Alvaro de Saavedra
1542 – Rui Lopez de Villalobos – nagbigay ng pangalang
Islas Felipinas bilang parangal kay Prinsipe Felipe II na
noon ay susunod na Hari ng Espanya
1564 – Miguel Lopez de Legazpi
23. IBA PANG EKSPEDISYONG SA PILIPINAS
1. Ekpedisyon Loaisa (1521)
Ito ay pinamunuan ni Juan Garcia Jofre de Loaisa at
Juan del Cano. Binubuo ito ng pitong barko at 450
tauhan. Noong Hulyo 24, 1525 ay naglayag ang mga ito
mula sa Corina, Spain. Maraming kalamidad ang
naranasan ng ekspedisyong ito kung kaya namatay ang
dalawa sa dagat subalit ang mga kasamahan sa
ekspedisyon ay nakarating sa Mindanao at Mollucas.
24. Ekspedisyong Cabot (1526)
Pinamunuan ito ni Sebastian Cabot, layunin nya
na marating at magalugad ang silangan kasama
na ang molluccas, pilipinas, china at japan.
Narating nila ang Rio de la Plata sa timog
amerika bigo itong bumalik sa espanya noong
agosto 1528. Dahil sa kanyang kabiguan sa
paglalayag at pagkamatay ng kanyang mga
tauhan, bumalik siya sa Spain at nakarating doon
noong 1530.
25. Ekspedisyong Saavedra (1527)
Pinamunuan ito ni Alvaro de Saavedra, umalis ito
sa Mexico noong Oktubre 31, 1527. Dalawa sa
tatlong sasakyang dagat ng ekspedisyon ay nasira
ng bagyo. Ang natira ay nakarating sa Guam at
Mindanao kung saan natagpuan ang tatlong kasama
sa ekspedisyong Loaisa. Sinikap bumalik sa
Mexico ni Loaisa subalit siya ay nabigo at namatay
sa dagat.
26. Ekspedisyong Villalobos (1542)
Pinamunuan ito ni Ruy Lopez de Villalobos, umalis ito
sa Mexico at nakarating sa timog ng Mindanao.
Nakaranas ng gutom ang pangkat kaya't nagpasya silang
bumalik sa Mexico. Hindi nila natagpuan ang rutang
pabalik sa Mexico. Si Villalobos ang nagbigay ng
pangalang Felipinas sa kapuluan. Unang binigay ang
pangalang Felipinas sa rehiyon ng Samar at Leyte
bilang parangal kay Prinsipe Philip II ng Asturias, anak
ni Carlos I at tagapagmana ng korona ng kaharian ng
Spain. Namatay si Villalobos noong 1546.
27. Ekspedisyong Legazpi (1564)
Pinamunuan ito ni Miguel Lopez de Legazpi at
nagtagumpay na makapagsimula ng pirmihang
paninirahan sa Pilipinas. Ang kanyang
pagkamagiliw ang umakit sa mga Pilipino
upang makipagtulungan sa kanya.
Nakipagsanduguan si Legazpi kina Sikatuna at
Sigala, mga pinuno ng Bohol.
28. 1565 – narating ng
ekspedisyon ni Legazpi
ang Samar. Naging
matagumpay ang
pagsakop sa bansa. Ito
ay sa dahilang
kinaibigan ni Legazpi
ang mga pinuno at
nakipagsandugo siya
bilang tanda ng
pagkakaibigan.
32. Cebu – itinatag ni
Legazpi ang kauna-
unahang panahanan ng
mga Espanyol. Tinawag
itong Ciudad del
Santisimo Nombre de
Jesus (Lungsod ng
Kabanal-banalang
Ngalan ni Hesus).
33. Raja Soliman
Nagpadala rin siya ng
kanyang mga tauhan sa
Maynila upang salakayin
ang sentrong kalakalan na
pinamumunuan nina Raha
Soliman.
34. Sa pamumuno ni Martin
de Goiti, natalo ang mga
Espanyol si Raha
Soliman na ayaw
pumailalim sa
kapangyarihan ng hari ng
Espanya. Nasako ang
Maynila at ginawa itong
pangunahing lungsod.
35. Bilang gantimpala sa
mga tagumpay na
ginawa ni Legazpi,
hinirang siya ng hari
ng Espanya bilang
unang goboernador-
heneral ng Pilipinas.
36. Miguel lopez de legazpi
Ipinagpatuloy ng mga
Espanyol ang panankop sa iba
pang pook sa bansa at
malaking bahagi ang
napasakamay nila, maliban sa
mga pamayanang nasa
bulubundukin at ang mga
pamayanang Muslim sa Sulu
at Mindnao na pawing nanatili
sa kanilang kinagisnan.
37. DAHILAN NG PAGKASAKOP SA PILIPINAS
1. Walang pagkakaisa ang mga Pilipino. Nahahati ang mga pangkat ng Pilipino
sa iba't ibang barangay.
2. Ang mga Espanyol ay hindi lamang mahuhusay sa labanan kundi pati na rin
sa pamumuno. Naakit nina Legazpi, Salcedo, de Goiti, at iba pa ang mga
Pilipino na makikipagkaibigan sa kanila sa pamamagitan ng magandang
pakikitungo.
3. Ang mga Pilipino at kulang sa mga makabagong sandata. Tanging pana at
tabak ang sandata nila samantalang mayroon nang mga baril at kanyon ang mga
Espanyol.
4. Nabihag ang mga Pilipino sa mga aral ng Kristiyanismo. Ang kanilang
pagsampalataya sa Kristiyanismo ang naging tanda ng kanilang pagiging
matapat na alagad ng Spain.
38. Activity: Sagutin ang mga tanong. Ilagay ang sagot sa isang buong
papel. (recitation)
1. Ano-ano ang mga sanhi at bunga ng ekspedisyon ng mga
Espanyol sa Silangan?
2. Sa iyong sariling palagay, ano ang pinakadahilan ng pagdating ng
Espanyol sa bansa? Bigyang katwiran ang iyong kasagutan.
3. Ano ang naging susi ng pagtatagumpay ng pangkat ni Lapu-lapu
sa pangkat ni Magellan?
4. Kaunti lamang nag mga Espanyol kung ihahambing sa mga
katutubo. Ano-ano ang mga dahilan ng madaling pagsakp ng mga
Espanyol sa mga katutubo?
5. Bakit nabigo ang mga Espanyol sa pananakop sa Mindnao at Sulu?
39. Takdang aralin:
Basahin at Pag-aralan ang Aralin 5: Paraan ng
Pamamahala ng Espanyol sa Bansa
--Buod ng Aralin 5
40. LAPU-LAPU
Si Lapu-lapu ang pinuno ng Mactan na namuno sa pangkat na nakipaglaban at pumatay kay
Magellan. Lubhang mahalaga ang pagwawagi ni Lapu-lapu kay Magellan. Napatunayan nito
na hindi lahat ng Pilipino ay sang ayon sa pananakop ng mga dayuhan. Ang Magulang ni
Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni
Lapu-lapu. Nag pakasal siya kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay
biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Dahil may matagal nang alitan sa
pagitan nina Zula at Lapu-lapu, inalok ni Zula na labanan niya si Lapu-lapu kung bibigyan
lamang siya ni Magellan ng kawal. Ngunit tumangi si Magellan sa alok ni Zula at minabuti
niyang siya na mismo ang makipaglaban kay Lapu-lapu. Kasama ang kanyang 100 tauhan,
nilusob ni Magellan ang Mactan noong Abril 27, 1521. Sa labanang naganap, natalo ng
pangkat ni Lapu-lapu ang mga Espanyol at natalo nya si Magellan nang tamaan niya ito sa
kaliwang binti at sa huli at pinatay ni Lapu-lapu si Magellan. Walang nakakaalam sa
kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay
siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas.
41. MAGANDANG KATANGIAN NI LAPU-LAPU
Si Lapu-lapu at talagang may matigas na puso at
matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng
Mactan. Isang patunay rito ang pag tangi nya sa alok
ni Magellan ng isang magandang posisyon at
pagkilala kay Lapu-lapu, kapalit ang pagkilala at
pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang
nasasakupan.