Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Talambuhay na patula 2

4,708 views

Published on

  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Talambuhay na patula 2

  1. 1. Maikling Kwento
  2. 2. AKALAIN MO?
  3. 3. Dapya ng maaliwalas na hangin,pabugso – bugsong agos ng napakalinaw na tubig sa talon, kalas ng mga hayop sa mala paraisong gubat, na sinabayan ng iba‟t – ibang huni ng kalikasang kaysarap lasapin ang lumantad sa ulirat ni Minerva. Namulat siya ng datnan ang sarili sa lugar kung saan bago sa kanyang paningin. “ ang ganda! Ang ganda ng paligid! “halos hindi makapaniwalang wika ni Minerva habang nilalasap ang napakasarap na hangin na may dalang bango ng iba‟t – ibang uri ng mga bulaklak na nakapaligid dito. “kung nasan man ako, alam kong biyaya ito sa akin! Alam kong magiging Masaya ko dito! Nararamdaman ko, na para sa akin ang paraisong ito! Patawang sambit ni Minerva. Habang naglalakad sa kabuuan ng paligid, may narinig na boses si Minerva.. boses ng isang babae, napakagaan pakinggan na animo‟y isang anghel na tinig. “Minerva….Minerva….halika….” salitang binigkas ng tinig. “s – sino ka? P -p –aano mo nalaman ang pangalan ko?” sagot naman ni Minerva sa boses na narinig. “halika dito, humakbang ka ng dalawampu‟t limang beses galling sa kinatatayuan mo ngayon patungong kanan, pagdating mo, agad mong makikita ang malaking batong mala ginto. Lumapit ka at doon, doon mo ako makikita” ang panghihikayat na sambit ng boses.
  4. 4. Agad na humakbang si Minerva tungo sa direksyong sinabi ng boses, habang naglalakad ay magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman, animo’y tambol kung tumunog ang kabog ng kanyang dibdib. “isa, dalawa, tatlo,apat,…………….labin – siyam” isang hakbang nalang ng napatigil si Minerva. “ iisang hakbang nalang, Minerva, itutuloy mo ‘ba ‘to? Hindi, uo,hindi, ou” paulit – ulit na sambit ni Minerva sa kanyang sarili ngunit sa huli’y napagpasyahan niyang ituloy ang hakbang at ng siya ay dumating sa lugar ng tinig, agad siyang namangha sa kanyang nakita. Isang napakalaking gintong bato, hugis puso na may makikinang na diamante sa gilid nito. Napakaliwanag ng bato,nakakalula tingnan. “ang ganda! “ tanging salitang nasambit ni Minerva na nakatulala ang kanyang mga mata. Ng ilang saglit ay may naaninag siyang mukha.. sa una ay napakalabo nito, ng lumaon ay dahan – dahan itong lumilinaw.. isang babae, isang napakagandang babae ang nasa loob ng batong nasa kanyang harapan. “ang ganda – ganda niya, mukhang anghel.. nakalugay ang kanyang aalon – alon na buhok, napakaamo ng kanyang mukha” palihim sa sambit ni Minerva sa sarili.
  5. 5. . “Minerva…tawagin mo nalang ako sa pangalang Rossetta,isa akong diwata at ikaw ay nandirito sa kaharian kung saaan mahihiling mo anu man ang iyong gusto”ngunit tatandaan, tatlong kahilingan lamang. Wika ng diwata. “t –t –talaga- a?? s –s –sigurado ka? Pautal – utal na tanong ni Minerva. “uo, maari kang humiling sa akin ngayon” ang sagot naman ng diwata. Tamang – tama! Marami akong nais hilingin! Kung ganito ang magiging buhay ko, mas gugustuhin ko pang manatili dittong mag - isa, walang ka proble problema..saya!Ayos „to! Uumpisahan ko na! gusto kong magkaroon ng napakagandang damit, sapatos at android phone!” ang sunod – sunod na hiling ni Minerva! Laking gulat niya ng tumambad sa kanya ang limang uri ng damit, mukha itong mga mamahalin, isang android na celllphone at napakagarang sapatos. “wow! Totoo nga! Updated ka rin pala sa android phone!” masayang sambit ni Minerva. “Meron pa, gusto ko ng maraming pagkain, iba‟t – ibang uri ng masasarap na pagkain” at agad naman itong tinugon ng diwata. “gusto kong magkaroon ng napakalaki at napakagandang palasyo, ditto sa lugar na ito”niya. “Minerva, pangatlong hiling mo na ito sigurado ka bang ito ang huli mong hiling? Tanong ng diwata. “uo naman! Pangarap kong magkaroon ng napakagandang bahay!. Agad na tinugon ng diwata. “ngayon, tumingin ka sa iyong kaliwa” sambit ng diwata. At ng siya ay bumaling sa kaliwang banda kung saan siya ay nakatayo, laking gulat ni Minerva ng Makita ang isang napakagandang palasyo na kulay bughaw. “wow! Ang ganda – ganda!” namamanghang sambit ni Minerva. “maaari mo ng pasukin ang iyong bahay.”may makahulugang ngiting sabi ng diwata.
  6. 6. Pagkapasok ni Minerva sa loob ay agad na tumambad sa kanya ang napakalawak na looban ng bahay. Punong – puno ng malagintong muebles ang makikita, ang bango – bango ng paligid. Sa isang sulok ay may nakahandang pagkaing masasarap! Inikot ni Minerva ang sulok ng bahay. Dahil sa laki nito ay napagod at nagpasyang kumain ng pagkain si Minerva. Iba – ibang putahe ang nakahanda at animo’y napakasarap kainin ng mga ito. Una niyang isinubo ay ang fried chicken, sinabayn ng kanin at uminom ng napakalamig na juice sa h”apag. Ng sandal ay…… “kokak!kokak!ahhhh!!!! b-bakit?” gulat na gulat na sigaw ni Minerva. “Bakit ako nagging palaka? Bakit ganito? Hindi maari ito! Diwata! Rosetta! Bakit ako nagkaganito??!!”. Tila walang may nakakarinig sa kanya. Agad siyang napatigil. “ hindi ito maari, kung pagkain ang dahilan ng pagbabago ng aking anyo, pagkain din ang makakabalik sa aking tunay na kaanyuan. Agad na tumalon papuntang mesa si Minerva at ulit na tumikim ng pagkain ng sa pagkakataong iyon, spaghetti naman ang kanyang tinikman, ng……….”sssssssssssss……ssssssssssssss…ahhhhhhhhhhh!!!!!!! !!!!!!!haaaaaaaaaaaasssssss!!!!! bakit ganito? Bakit ganito???????? Diwata! Magpakita ka saken, ibalik moko sa dati! Manloloko ka! Galit at pasigaw na tinig ni Minerva. “hahahahahahahaha! Ganyan ang napapala ng mga makasariling tao, tingnan mo ang sarili mo Minerva, binigyan ka lang ng pagkakataong humiling, mas pinili mo ng manatili ditto, hindi mo inisip ang iyong pamilya, ni hindi mo sila sinali sa iyong mga kahilingan, hindi mo man lang inisip na dapat ay makabalik ka sa iyong pinanggalingan, hindi mo ba naaalala ang iyong sinabi bago ka humiling? Tanong ng diwata.
  7. 7. At agad na bumalik sa isipan ni Minerva ang kanyang mga sinabing.. “Tamang – tama! Marami akong nais hilingin! Kung ganito ang magiging buhay ko, mas gugustuhin ko pang manatili dittong mag - isa, walang ka proble - problema..saya!Ayos ‘to! Uumpisahan ko na! gusto kong magkaroon ng napakagandang damit, sapatos at android phone!”. “h-h-indi….. hndi maari!” pasigaw na sbi ni Minerva.. “paalam……” pamamaalam ng diwata. “susubukan ko, kailangan kong makaalis ditto! Agad na gumapang si Minerva papuntang mesa at paulit – uli siyang tumikim ng pagkain at paulit – ulit ding nag – iiba ang kanyang anyo..hanggang sa nagging isa siyang langgam.” Ang liit – liit ko, pagod na pagod na ‘ko ayoko na! tatalon ako mula sa mesang ito, magpapakamatay ako! Eto na! tatalon na’ko! Eto na…. aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!! Sssandali, pag – iisipan ko muna… “ yatlon ako, wala ng silbi ang buhay ko, n=bahala, eto na! tatalon na! ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!bogshhhhh hhhhhhhh!!!
  8. 8. Minervaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! batang ‘to, gumising ka nga at maglalaba pa tayo! Napakalakas na tinig ng ina ni Minerva habang siya ay niyuyugyug. “huh? Nnnaaayyy???? Buhay pa ako?? Sambit ni Minerva. “hindi patay ka na anak, patay ka na! ano “akalain mo, panaginip lang pala, maraming salamt naman at panaginip lang ang lahat. bang nangyayari sa’yo ha? Kanina pa kita tinatawag nandito ka lang pala’t natutulog, hala sige na at marami pa tayong labahin. Agad na natahimik si Minerva at napa- hinga ng malalim. Dagling siyang tumayo ng nakangiti sabay sabing“salamat at panaginip lang lahat”.

×