Alamat ni daragang magayon pagsusuri

20,840 views

Published on

Alamat ni daragang magayon pagsusuri
ito ay orihinal kung pagsusuri :)
namay paghahambing sa isa pang akdang pang ibang bansa partikular sa hawaii..

Published in: Education
0 Comments
14 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
20,840
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
341
Comments
0
Likes
14
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Alamat ni daragang magayon pagsusuri

  1. 1. Tema Mga Tauhan -Ang Alamat ng Daragang Magayon ay isang trahedya. Datu Makusog Isang mapagmahal na ama sa kanyang nag-iisang anak. Handa niyang ibigay ang lahat sa kanyang dalaga para sa ikaliligaya nito. Pinapahalagahan at iginagalang niya ang mga nagiging desisyon ng kanyang anak. -Patungkol ito sa wagas na pag-iibigan, pagkainggit, pagkagalit, at pagkapoot. Daragang Magayon Kaisa-isang anak ni Datu Makusog. Walang makapapantay sa taglay nitong kagandahan at kabaitan. Pihikan siya sa pagpili ng kanyang magiging kasintahan. Handa niyang isuko at isakripisyo ang kanyang mga kaligayahan mailigtas niya lamang ang kanyang ama sa kapahamakan. Ulap/Panganoron Magiting ngunit tahimik na mandirigma. Naglakbay magmula sa katagalugan masilayan lamang ang kagandahan ni Daragang Magayon. Handa niyang ipaglaban ang kanyang iniibig huwag lamang ito mawala sa kanyang piling. Pagtuga/Paratuga Isang magiting ngunit mapagmataas na Datu ng Iraga Inaakala niyang ang kayamanan ang batayan ng pagmamahal upang makuha niya ang loob ni Daragang Magayon. Hindi siya marunong tumanggap ng pagkabigo at pagkatalo. Tagpuan Banghay Pagsusuring Pangkultural Mensahe Teorya Naganap ang alamat na ito sa isang maliit na bayan ng Rawis Simula Sa isang payapang rehiyon ng Ibalong, sa isang maliit na bayan ng Rawis na pinamumunuan ni Datu Makusog at ng kanyang asawa na si Dawani na nagdadalang tao, sa kanyang pangnganganak ay namatay ito. Pinangalanan ng ama ang sanggol, Daragang Magayon. Ang “Ang Alamat ng Daragang Magayon” ay nagmula sa Bicol. Tungkol ito sa pinagmulan ng Bulkang Mayon na isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas na nagbibigay na malaking turismo sa ating bansa. Dahil dito ay nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating bansa gayundin sa pag-unlad ng Panitikang Filipino. “Ang Wagas na Pagmamahalan ay Hindi Mahahadlangan ninuman” Teoryang Romantisismo Nangngingibabaw ang Teoryang ito dahil sa pagmamahalan ng mga tauhan sa alamat sa kanilang pamilya, at kasintahan. Pagpaigting na Galaw Dahil sa kagandahan ni Daragang Magayon, maraming kalalakihan ang ninais Makita ang dalaga upang ibaon ang kanikanilang sibat sa lupa kung saan nakatayo ang balay nina Datu Makusog ngunit ni isa man sa kanila ay „di naibigan ng dalaga. Kahit ang magiting ngunit mapagmataas na si Pagtuga/Paratuga na naghandog pa ng ginto, perlas, at iba pang kayamanan. Isa lamang ang naibigan ng dalaga, si Ulap na nagligtas sa kanya nang siya ay madulas sa batuhan. Kanilang itinago ang kanilang relasyon, kinalaunan ay naglakas ng loo bang binatang harapin ang ama ni Magayon upang ipagtapat na sila ay tunay na nagmamahalan at kagustuhang pakasalan ang dalaga. Hindi na tumanggi pa ang ama ni Magayon dahil nakikita naman nito na masaya ang kanyang anak. Suliranin/Krisis Nakarating agad ang balita kay Paratuga/Pagtuga na naghudyat upang siya mamula sag alit. Habang nangngangaso si Datu Makusog ay dinakip niya ito. Nagpadala ng mensahe si Paratuga/Pagtuga kay Magayon na kanyang papatayin ang ama nito kung Nangngingibabaw ang wagas na pag-iibigan nina Ulap at Magayon na kahit mayroong humadlang ay hindi sila sumuko namatay man silang dalawa ay nanatiling magkasama sa kani-kanilang piling. Nangngibabaw rin ang labis na pagmamahal ni Daragang Magayon sa kanyang amang si Datu Makusog.
  2. 2. hindi siya magpapakasal dito. Kasukdulan Walang nagawa si Magayon kaya kahit labag ito sa kanyang kalooban ay tinanggap niya ang kagustuhan ni Paratuga/Pagtuga kaya agad inihanda ang kasalan ng dalawa at nang nalaman ni Ulap ay agad siyang bumalik sa Rawis kasama ang mga magigiting na mandirigma. Sa halip na kasalan ang ipinagdiriwang ay isang madugong digmaan ang naganap na sanhi ng pagkamatay ni Paratuga/Pagtuga dahil sa duwelo nila ni Ulap. Masayang sasalubungin ni Magayon ang kanyang minamahal ngunit sa „di inaasahan ay natamaan siya ng ligaw na palaso na naging sanhi ng pagkamatay ni Magayon gayundin si Ulap na tinamaan ng sibat na gawa ng kawal ni Paratuga. Naghukay si Datu Makusog upang ilibing ang anak pati na ang nag-iisang pag-ibig na si Ulap. Realisasyon/Wakas Tumaas ng tumaas ang pinaglibingan ng dalawang nag-iibigan at sinamahan pa ito ng pagyanig ng lupa at pagtilapon ng mga nagbabangaang mga bato. At pinaniniwaalan ng mga matatanda na kapag ganito ang nagyayari ay ginagalit daw ni Paratuga/Pagtuga ang bulkan dahil gusto maibalik ang mga kayamanang kanyang ibinigay sa dalaga. At kapag natatakpan ng ulap ang tuktok ng bulkan ay naghahalikan sina Ulap at Magayon. Pagkatapos nito ay marahang dumadampi ang ulan sa libis ng bulkanat ang pangalan na Magayon ay naging Mayon na sa kasalukuyang panahon ay tinatawag na Bulkang Mayon.
  3. 3. Tema -Ang Alamat ng bulaklak ng Naupaka ay isang trahedya. -Patungkol ito sa wagas na pagiibigan,pagkainggit, pagkagalit, at pagkapoot. Mga Tauhan Dyosa Pele (Goddess Pele) Siya ay sinasamba ng mga tao dahil siya ang nagbibigay ng init o apoy sa kanilang bayan. Sa kabila nito ay kinakatakutan pa rin siya ng mga tao dahil kapag nagalit ito ay hindi siya magdadalawang-isip sirain ang lahat- lahat sa kanilang isla. Hindi siya mapagkakatiwalaan dahil lahat ng mayroon ang kanyang kapatid ay gusto niyang agawin. Hindi marunong tumanggap ng pagkabigo at pagtanggi sa kanya. Princesa Naupaka Siya ay isang mapagmahal at marikit. Gusting-gusto rin siya ng mga tao dahil sa kanyang kabaitan. Agad siyang nahumaling sa isang mangingisda ng kanyang makita at agad ding umibig sa isang ordinaryong tao. Nasawi siya dahil sa kagagawan ni Dyosa Pele. Kaui Isang makisig at masipag na mangingisda na nagtatrabaho para sa kanyang mga magulang. Minahal niya rin si Prinsesa Naupaka. Nasawi ito dahil sa kagagawan ni Dyosa Pele. Tagpuan Banghay Naganap ito sa isang Isla. Simula Panibagong mundo ang sumalubong sa mga taong naninirahan sa isang isla. Panibagong mundo dahil hindi na kailanman sumikat ang araw. Lamig ang kanilang nadarama at pagod na sila kumain ng hilaw na mga pagkain at ang mga bundok ay malaki at kumpol-kumpol ang mga bato. Pagpaigting na Galaw Isang araw, isang kislap ang kanilang nakita sa isang madilim na kapaligiran, Dyosa Pele, ang ngalan nito. Sinasamba siya ng mga tao dahil siya ang nagbigay ng apoy upang magkaroon ng liwanag, pampainit sa kawawang mga nilalang na matagal nang nakararanas ng lamig at nakakapagluto na rin sila ng pagkain. Mayroong kapatid ang Dyosa si Prinsesa Naupaka. Suliranin/Krisis Laging kinaiinggitan ni Dyosa Pele ang kanyang kapatid dahil inaakala niyang mas mahal ito ng mga tao kaysa sa kanya na wala naman katotohanan. Pati na rin sa usaping pag-ibig ay tila kinaiingitan ang kapatid dahil umiibig ang kanyang kapatid sa isang mangingisda na kanyang nagustuhan din. Pagsusuring Pangkultural Ang “Ang Alamat ng Bulaklak ng Naupaka” ay isang malaking ambag sa panitikan ng bansang Hawaii dahil sa kakaibang katangian ng bulaklak na ito. Bulaklak na may kalahating talulot na pinaniniwalaan ng mga tagarito na ito ay mula sa pagmamahalan ng dalawang tao na pinaghiwalay na nagkatawang bulalak sa tabing dagat at sa bundok. Ang alamat na ito ay pinakakilala at pinakasikat sa bansa ng Hawaii Mensahe “Ang Wagas na Pagmamahalan ay Hindi Mahahadlangan ninuman” Teorya Teoryang Romantisismo Nangngingibabaw ang Teoryang ito dahil sa pagmamahalan ng mga nina Prinsesa Naupaka at Kaui Nangngingibabaw ang wagas na pagmamahalan nina Kaui at Naupaka na hanggang sa huli ay dala-dala nila sa pagkakatawang bulaklak.
  4. 4. Kasukdulan Nagpasyang puntahan ni Dyosa Pele ang mangingisdang kinuwento ng kanyang kapatid at nabatid nito na tunay na makisig at kaakit-akit ang mangingisda. Inalok ng Dyosa na magsama sila habambuhay na agarang tinaggihan ni Kaui dahil nagmamahalan na sila ni Prinsesa Naupaka na nagbigay hudyat upang magalit ng tuluyan si Dyosa Pele. Kaya pinaagos niya ang lava pababa ng dagat at agad tumakbo si Kaui ngunit bigo itong nakaligtas. Iniligtas din ni Prinsesa Naupaka ang kanyang sarili at nagtago sa tuktok ng bundok dahil alam niyang walang kakayahan ang kanyang kapatid na paakyating muli ang lava pabalik ng bundok ngunit mali ang kanyang pag-aakala. Sa sobrang galit ni Dyosa Pele ay nagawa niyang pabalikin mula itaas ang umaapaw na apoy kaya nasawi rin si Prinsesa Naupaka sa bundok na kanyang kinalalagyan. Realisasyon/Wakas Dumaan ang ilang araw, mayroong tumubong halaman sa dagat kung saan dito nasawi si Kaui. Isang makintab na dahon at bulaklak na kalahati lang ang pagtubo gayundin sa bundok kung saan nasawi si Prinsesa Naupaka na mayroon rin tumubong halaman ngunit kalahati lamang ang bulaklak nito. Kaya sa isla mayroong dalawang uri ng halaman, Naupaka Makai na tumutubo sa dalampasigan at Naupaka Mauka na tumutubo sa Bundok.

×