Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

PANANALIKSIK (K+12)

306,325 views

Published on

Agosto 2010 pa lamang ay mayroon nang sistema ang mga paaralan para maisakatuparan ng Departamento ng Edukasyon. Base sa nakalap ng DepEd, ang Pilipinas ay hindi pa nakamit ang istandard na kailangan ng mga estudyante para makipagkompetensya sa internasyonal na lebel. Ang ating bansa ay nasa pinakamababang ranggo sa asignaturang Matematika at Siyensiya sa internasyonal na pagsusulit (Poliquit 60: 2011). Panahon na para sa ating mga Filipino na saklawin ang ganitong uri ng pagbabago sapagkat tayo lamang na bansa sa Asya ang mayroong 10-taon na programang basikong edukasyon. Ayon sa pag-aaral na ang 12-taong basic education curriculum ay nag reresulta ng mas mainam o mas mahuhusay ang mga mag aaral (Ortal 61: 2012).
Ayon kay Presidente Noynoy Aquino, kinakailangan magdagdag ng dalawang taon sa ating basic education. Para sa mga kayang magbayad hanggang labing-apat na taon sa pag aaral bago sa unibersidad. Ang mga kabataan ay mapupunta sa pinakamahuhusay na Unibersidad at magandang trabaho bago makapagtapos. Ang kanyang nais ay labindalawang taon para sa mga pampublikong paaralan para mabigyan ang mga kabataan ng magandang kinabukasan.
Ayon kay Mullet (2012), ang K+12 ay nangangahulugang kindergarten at ang labindalawang taon sa elementarya at sekondaryang education. Isang taon sa kindergarten, anim na taon sa baitang 1 hanggang 6, apat na taon sa junior high school na tinatawag na baitang 7 hanggang 10, at dalawang taon sa senior high school na tinatawag namang baitang 11 hanggang 12. Ang mga estudyante sa elementarya ay makakukuha ng diploma, gayundin sa junior at senior high school. Ang dalawang taon ng senior high school ay nagbibigay sa kanila ng panahon upang makapamili sa siyensya, teknolohiya, musika, sining, agrikultura, isport at pagnenegosyo. Ang labindalawang taon ng basic education ay kailangan upang makarating sa susunod na antas.

Published in: Education
  • please
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • maaari bang mahingi ang softcopy para sa aking project ? ljericho12@yahoo.com
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • thanks po
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • hello po ate.pwede pong mahingi yung soft copy po nito..pagbebase po kasi namin.ito po yung email ko po minminongonion@gmail.com
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here
  • Magandang-araw nagagalak po akong makita ang isa sa iyong halimbawang thesis..puede ko bang mahingi ang softcopy nito para magagamit ko sa pagtalakay sa aking Pagbasa at Pagsusuri ng grade 11 students...Maraming salamt po sa iyong pagbasa nito...ito po ang aking email ad: elisamosqueda@ymail.com....sobrang nakakatulong po ito halimbawang thesis...maraming salamat po
       Reply 
    Are you sure you want to  Yes  No
    Your message goes here

PANANALIKSIK (K+12)

  1. 1. 1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Agosto 2010 pa lamang ay mayroon nang sistema ang mga paaralan para maisakatuparan ng Departamento ng Edukasyon. Base sa nakalap ng DepEd, ang Pilipinas ay hindi pa nakamit ang istandard na kailangan ng mga estudyante para makipagkompetensya sa internasyonal na lebel. Ang ating bansa ay nasa pinakamababang ranggo sa asignaturang Matematika at Siyensiya sa internasyonal na pagsusulit (Poliquit 60: 2011). Panahon na para sa ating mga Filipino na saklawin ang ganitong uri ng pagbabago sapagkat tayo lamang na bansa sa Asya ang mayroong 10taon na programang basikong edukasyon. Ayon sa pag-aaral na ang 12-taong basic education curriculum ay nag reresulta ng mas mainam o mas mahuhusay ang mga mag aaral (Ortal 61: 2012). Ayon kay Presidente Noynoy Aquino, kinakailangan magdagdag ng dalawang taon sa ating basic education. Para sa mga kayang magbayad hanggang labing-apat na taon sa pag aaral bago sa unibersidad. Ang mga kabataan ay mapupunta sa pinakamahuhusay na Unibersidad at magandang trabaho bago makapagtapos. Ang kanyang nais ay labindalawang taon para sa mga pampublikong paaralan para mabigyan ang mga kabataan ng magandang kinabukasan.
  2. 2. 2 Ayon kay Mullet (2012), ang K+12 ay nangangahulugang kindergarten at ang labindalawang taon sa elementarya at sekondaryang education. Isang taon sa kindergarten, anim na taon sa baitang 1 hanggang 6, apat na taon sa junior high school na tinatawag na baitang 7 hanggang 10, at dalawang taon sa senior high school na tinatawag namang baitang 11 hanggang 12. Ang mga estudyante sa elementarya ay makakukuha ng diploma, gayundin sa junior at senior high school. Ang dalawang taon ng senior high school ay nagbibigay sa kanila ng panahon upang makapamili sa siyensya, teknolohiya, musika, sining, agrikultura, isport at pagnenegosyo. Ang labindalawang taon ng basic education ay kailangan upang makarating sa susunod na antas. 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral Napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat maaari itong magbigay ng karagdagang impormasyon at kaalaman para sa mga estudyante, ilang guro, at mga magulang na karamihan ay naguguluhan pa rin kung ano nga ba ang programa o ang nais ng gobyerno para sa lipunanang ginagalawan. Malaki ang maitutulong nito, hindi lamang sa mga kasalukuyang mag-aaral ng kursong Edukasyon kundi pati na rin sa mga mambabasa o susunod na henerasyon na maaaring naghahanap ng karagdagang kaalaman tungkol sa programang K+12. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ang mga adbentahe at disadbentahe ng programa. Ang mga mag-aaral ng kursong Edukasyon ay mas
  3. 3. 3 magiging handa at mapapaunlad ang karunungan tungkol dito. Malalaman din ng mga mag-aral at mambabasa ang tunay na layunin ng programa. Sa pamamagitan din nito, ang sinumang makakabasa ng nilalaman ay inaasahang magkaroon ng malawak na pananaw at karunungan upang maiaply sa pagtuturo. 4. Saklaw at Limitasyon 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito: Ang academics ay batay sa pormal na pag-aaral lalo na sa isang institusyon ng mas mataas na pag-aaral. Ang basic education ay tumutukoy sa buong hanay ng mga pang-edukasyon na gawain na nagaganap sa iba't-ibang mga setting (pormal, hindi pormal at impormal), na naglalayong matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pag-aaral. Ang bracket ay bantas na ginagami na may alawang pars sa loob ng teksto upang ilaan o magsingit ng iba pang teksto. Ang budget ay pera na kapag ito ay kulang o tama lamang ay pwede mo itong tipirin. Ang committee hearing ay pagdinig, na kung saan ay karaniwang bukas sa publiko, ginaganap upang mangalap ng mga opinyon at impormasyon at matulungan ang mga miyembro na gumawa ng mga pagpapasya tungkol sa ipinanukalang batas o
  4. 4. 4 tulungan silang matupad ang kanilang pangangasiwa at mga responsibilidad ng pagsisiyasat. Ang curricular reforms ay ang proseso ng pagbabago ng nilalaman ng pag-aaral upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan. Ang curriculum ay ang mga kurso na inaalok sa pamamagitan ng isang institusyong pang-edukasyon. Ang default ay ang pagkabigong gawin ang isang bagay na kinakailangan ng isang kasunduan , sa pagganap ng tungkulin , o sa ilalim ng batas . Ang deliberations ay talakayan at pagsasaalang-alang sa pamamagitan ng isang grupo ng mga tao (bilang isang hurado o mambabatas) ng ang mga dahilan para sa at laban sa isang panukala Ang deregulated ay pagbabawas o pag-aalis ng kapangyarihan ng pamahalaan sa isang particular na inustriya,karaniwang pagsasabatas upang limikha ng mas maraming komptisyon sa loob ng inustriya. Ang dropouts ay isang mag-aaral na nabigo upang makumpleto ang isang pagaaral o sa kolehiyo. Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang gross domestic product ay ang halagang pamilihan ng lahat ng opisyal na kinikilalang huling mga kalakal at serbisyong nilikha sa loob ng isang bansa sa isang ibinigay na panahon.
  5. 5. 5 Ang internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagka-kaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tanso, kawad na fiber-optic, wireless na kuneksyon at iba pang teknolohiya. Dinadala nito ang mga iba't ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magka-kaugnay na mga pahina ng web ng World Wide Web. Ang mandatory ay tinatawag din na may kagustuhan ng mga botante sa isang tao o estado na may hawak ng utos. Ang miscellaneous ay pagkakaroon ng iba't-ibang mga katangian, mga aspeto, o mga paksa: isang sari-sari talakayan. Ang monetary ay may kaugnayan sa pera , o ang mga mekanismo na kung saan ito ay ibinigay, at circulates sa, isang ekonomiya . Sa paghahambing, ang piskal na nauugnay sa mga pampublikong kita ( pagbubuwis ) at pampublikong paggasta , utang , at pananalapi. Ang pilot-testing ay isang pamamaraan na ginagamit upang subukan ang disenyo at / o mga pamamaraan at / o instrumento bago hanggang sa pagdadala sa pananaliksik. Ang semi-skilled ay bahagyang bihasa o sinanay ngunit hindi sapat kaya gawin nagdadalubhasang trabaho Ang unemployed ay nangyayari kapag ang tao ay walang trabaho at aktibong naghahanap ng trabaho.
  6. 6. 6 Ang universal kindergarten ay isang pang-internasyonal na kilusan access sa preschool na edukasyon na magagamit sa lahat ng mga pamilya, katulad sa abeylabiliti ng kindergarten . Nagtataguyod ng bata at iba pang mga kasapi ng kilusan na ito ay naiiba sa mga tuntunin ng kung paano sila tukuyin na dapat maisama at kung paano ito dapat na malagyan ng pondo. Ang unlicensed ay ang pagkakaroon ng hindi opisyal na lisensya, tapos nang walang pahintulot; hindi awtorisado. Ang volunteer ay isang tao na kusang-loob na undertakes o nagpapahayag ng pagpayag upang idaos ang isang serbisyo. KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang K+12 o K-6-4-2 Model ay ang pinaikling terminolohiya ng "Kindergarten + 12 years in elementary at highschool" na karaniwang ginagamit ng maraming bansa sa mundo gaya ng mayayamang estado sa Amerika at Europa. Sa sistemang K+12, ang elementarya ay bubuuin pa rin ng 6 na taon ngunit ang high school naman ay mahahati na sa Junior at Senior. Idagdag pa dito ang panukalang Universal Kindergarten na magbibigay oportunidad sa mga limang taong gulang na bata na makapag-aral ng isang taon sa kindergarten sa mga public at private schools. Sa madaling sabi, ang basic education ay binubuo na ng labintatlong taon (Papa, 2012).
  7. 7. 7 Ayon sa datos ng Social Weather Station noong 2010, tatlo sa bawat sampung Pilipino na 18 taong gulang pataas ang walang trabaho. Ito na umano ang pinakamataas na adult unemployment rate na naitala ng SWS. Totoo, lubha nang nakakabahala ang pagkakaroon ng mahinang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon naman sa mga propesyunal at intelektwal, ang bagong sistema ay isang long term goal para sa Pilipinas na dapat bigyan ng atensyon. Kung pag-iibayuhin ang 12 year Basic Education System sa mahabang panahon, tataas ang antas ng edukasyon at maaari nang makasabay ang ating bansa sa mga first world countries sa mundo. Ayon naman sa Sekretaryo ng Edukasyon Armin Luistro, na pinagsama ang programa ng DepEd, CHed, TESDA at mga mag-aaral sa mga pampubliko at pribadong paaralan. "What we want is a seamless transition from the current to the enhanced curriculum that is more responsive to learning needs of students and the community". Krisis sa edukasyon sa ilalim ni PNoy, kinondena ng kabataan Nagrali ang kabataan para sa dagdag-badyet sa edukasyon at kontra sa programang K+12 sa paanan ng Mendiola, malapit sa Malakanyang, noong Hunyo 19. (Pher Pasion) Muling sinalubong ang kabataan ng taun-taong problema tuwing pasukan na hindi pa rin nasosolusyunan ng mga gobyernong nagdaan. Kulang pa ring ang guro, klasrum, at iba pang esensiyal na mga kailangan sa paaralan at patuloy na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin. Samantala, tila nilihis ng
  8. 8. 8 administrasyong Aquino ang krisis na ito sa pinag-uusapang K+12 (kindergarten plus 12 years) na programa na isa ring itinuturing problema imbes na solusyon. Taas at pagkaltas Sa inaasahang idudulot ng pagkaltas sa badyet ng edukasyon, hindi na halos ikinagulat ng kabataan ang pag-apruba ng Commission on Higher Education sa mahigit 200 pribadong pamantasan ng pagtaas ng matrikula sa pang-akademikong taon 20122013 sa average na 10 porsiyento. Nanatili pa ring deregulated o wala sa kontrol ang pagtaas ng miscellaneous fee dahil sa kawalang aksiyon ng pamahalaan. Sa state universities and colleges (SUCs), naitulak ang mga administrasyon na magtaas ng iba pang bayarin o di kaya ay magpatupad ng mga sistema na sa esensiya ay pagtataas ng singil sa matrikula. Para sa militanteng mga grupo ng kabataan, katulad ito ng nangyari sa Unibersidad ng Pilipinas, sa anyo ipinatupad na mga pagbabago sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). Sa naturang programa, sa Bracket A, magbabayad ang estudyante ng P1,500 kada yunit. Dating itinakdang default na bracket ng lahat ng mga estudyante ng UP ang Bracket B, na nagbabayad ng P1,000 kada yunit. Sa mga estudyante namang nangangailangan ng mas mababang bayarin kaysa sa nakatkda sa Bracket B, kailangang dumaan sa proseso ng aplikasyong magpapatunay umanong nangangailangan nila ng diskuwento sa matrikula. Samantala, sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), nagtaas ang bayarin sa miscellaneous fee para sa mga papasok sa unang taon ng halos sa P500.
  9. 9. 9 “Dapat hindi muna ito ipapatupad, subalit nakakagulat na ipinatupad na nila (Board of Reagents) ito sa paniningil sa mga first year. Ang second year ay apektado para doon sa bayarin sa PE uniform na umaabot sa P300,” pahayag ni Charlie Urquiza, opisyal ng konseho ng mga mag-aaral sa PUP sa panayam ng Pinoy Weekly. Ayon kay Issa Baguisi, pangkalahatang kalihim ng National Union Students of the Philippines, ang ganitong mga pagtaas ay epekto ng kaltas-badyet sa edukasyon na nagtutulak sa SUCs na magkataas ng mga bayarin para mapunuan ang mga kakulangan sa badyet. “Pagtaas ng mga bayarin sa publikong mga pamantasan ang nagpapalakas ng loob o ginagawang dahilan ng pribadong mga pamantasan upang magtaas ng matrikula,” sabi naman ni Pat Santos, vice-president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. K12, solusyong naging problema Sa pagbubukas ng taon, agad na naging kontrobersiyal ang programang K+12 na dagdag na dalawang taon at mandatory na kindergarten. Agad naman itong tinutulan ng Kabataan Party-list at ACT Teachers Party-list ang programang ito sa kakulangan pa lamang ng gobyerno sa kahandaan nito sa implementasyon nito. “Hindi ibig sabihin ng bagong kurikulum ay nangangahulugan na agad ng improvement. Hindi dapat ng magpokus sa academic cycle, isang factor lang ‟yan. Mas higit na dapat tugunan ang mga pundamental na problema ng edukasyon,” paliwanag ni Kabataan Rep. Raymond Palatino.
  10. 10. 10 Sa 2012, may kulang na 132,483 guro ang pampublikong mga paaralan. Mayroon ding kulang na 97,685 klasrum at 153,709 na tubig at sanitasyon, ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. “Walo sa bawat sampung kabataan ang kasalukuyang out-of-school youths at nangangamba kami na lalala pa ito sa desperadong pagpapatupad ng K+12 ng administrasyong Aquino,” ayon kay Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan. Sa implementasyon ng K+12, ginagawang lehitimo ang pagkaltas sa badyet ng mga serbiyong panlipunan gaya ng edukasyon. Ayon sa Anakbayan, sang-ayon ito sa landas na nais ipatahak sa administrasyong Aquino ng pinagkakautangang mga pandaigdigang institusyong pampinansiya tulad ng International Monetary Fund, World Bank at Asian Development Bank. “Ang administrasyong Aquino ay pumapaloob sa malakihang bentahan ng kinabukasan ng kabataan,” dagdag ni Crisostomo. Kapabayaan at paglaban Paliwanag pa ni Santos ng CEGP, kailangang mabigyang-diin sa pambansang gobyerno na dapat sapat na pondohan ang edukasyon. Ayon pa sa Anakbayan, nitong nakaraang taon ay naglalaan lamang si Aquino ng P238.8 Bilyon, o nasa P7.00 kada estudyante kada araw para sa edukasyon. Sa halip na 6% ng gross domestic product ang ginagastos sa edukasyon sa edukasyon, ayon sa rekomendasyon ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco), umaabot na lamang ito sa 2.1%
  11. 11. 11 “Kaya lamang makalikha ng empleyo sa pamamagitan ng dayuhang pamumuhunan at export labor policy ang ekonomiya ng Pilipinas. Si Aquino ay patuloy sa implementasyon sa ganitong polisiya sa edukasyon upang maging mas mura ang lakas-paggawa ng mga Pilipino at manaig sa kumpetisyon sa dayuhang mamumuhunan sa mga atrasado, agrikultural at di-industriyalisadong bansa,” pagtatapos ni Crisostomo. Nakatakdang magmobilisa ang mga kabataan sa Hunyo 26 sa Mendiola sa kaalinsabay ng diyalogo ng mga lider-kabataan at guro sa Malakanyang sa usapin ng K+12. Bahagi ito ng paghahanda para sa mga kilos-protesta kaalinsabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Aquino. K+12 sa kongreso, minamadali Kinondena ng Kabataan Party-list at ACT Teachers‟ Party-list ang anila‟y minadaling pagpapasa sa second reading ng House Bill 6643 o ang K+12 sa Kamara sa kabila ng anila‟y hindi pa pagiging handa ng Department of Education para sa implementasyon nito. “Sa pagtatanong ko sa plenaryo, inamin ng pangunahing mga nagpasa ng K+12 Bill na ang Department of Education ay nasa pilot-testing pa lang ng curricular reforms ng K+12. Ang punto ko: bakit minamadali ng Kongreso na ipasa ang panukalang batas na ito imbes na maghintay para sa pagtatasa ng pilot-testing?” ayon kay Kabataan Rep. Raymond Palatino.
  12. 12. 12 Pahayag naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, lumabas sa deliberasyon ng plenaryo noong committee hearing na bigo ang mga may akda ng K+12 na patunayan ang kahandaan ng DepEd upang epektibong maipatupad ang buong programa. Sinabi ni Mai Uichanco, pangkalahatang kalihim ng League of Filipino Students, na magkakaroon ng hindi magagandang epekto sa mga mag-aaral ang pagmamadali sa pagpapasa ng programa. Hindi pa umano natutugunan ng DepEd ang mga kakulangan sa sektor ng batayang edukasyon at itinutulak ngayon ang K+12 kahit na ang mga paaralan, ang mga guro at maging ang DepEd mismo ay hindi pa handa. Naniniwala naman ang National Union of Students of the Philippines (NUSP) na ang pangangailangan sa murang lakas-paggawa sa daigdig ang motibo sa likod ng K+12. Bahagi ito ng neoliberal na mga polisiyang itinutulak ng imperyalistang mga bansa sa pamamagitan ng pandaigdigang mga institusyong pampinansiya tulad ng World Bank, International Monetary Fund at Asian Development Bank. “Kailangang pag-aaralan muli ng DepEd ang kurikulum ng K+12. Nangangamba kami sa integrasyon ng teknikal at bokasyonal na mga kurso sa hayskul…Imbes na pagtuturo sa mga mag-aaral ng batayang subjects na kakailanganin nila upang makapagambag sa pambansang pagpapaunlad, inihahanda pa ng gobyerno ang mga mag-aaral para ieksport,” ayon kay Issa Baguisi, pangkalahatang kalihim ng NUSP. Sa ilalim ng K+12 kurikulum, tuturuan ang mga mag-aaral ng apat na preparatoryong teknikal at bokasyonal na mga kurso sa Grade 7 at Grade 8.
  13. 13. 13 Sa Grade 9-12, makapamimili ang mga mag-aaral ng kanilang ispesyalisasyon, katulad ng mga kurso sa Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), kabilang ang aquaculture, pananahi, carpentry, caregiving, at iba pa. “Kung ipapatupad natin ang K+12, maipapangako ba natin na ang mga magsisipagtapos sa K+12 ay magkakaroon ng trabaho? Hindi, hindi natin ito mapapangako. Maging ang mga nagsipagtapos sa kolehiyo hirap sa paghahanap ng trabaho,” dagdag ni Palatino. Taliwas naman sa administrasyong Aquino, hindi masusulusyunan ng K+12 ang kawalan ng trabaho sa bansa. Isang panlilinlang umano na sabihing ang pagsasaayos ng problema sa edukasyon ang magreresolbasa kawalan ng trabaho, ayon kay Roger Soluta, pangkalahatang kalihim ng Kilusang Mayo Uno (KMU). “Ang problema ay ang pagdepende ng administrasyong Aquino sa dayuhang mga mamumuhunan upang makapaglikha ng trabaho. Ang kailangan ng gobyerno ay pagtulak ng mga polisiya para sa tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon,” dagdag ni Soluta. Dumaraming dropouts sa panahon ng ‘Noynoying’ Darami lamang ang kabataang di makakapag-aral sa susunod na pasukan, kung magpapatuloy ang “Noynoying” ng administrasyong Aquino sa mga panawagang makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa at pagtigil sa taas-matrikula at presyo ng langis. Ito ang babala ni Kabataan Rep. Raymond Palatino, matapos mabalitang mahigit 300 pribadong kolehiyo at unibersidad ang magtataas ng matrikula sa pagpasok ng taong akademiko, ayon sa Commission on Higher Education.
  14. 14. 14 “Sa kasalukuyan, milyong kabataan ang hindi nabibigyan ng kanilang karapatan sa edukasyon dahil sa paglubog sa kahirapan at pagtaas ng gastos sa edukasyon. Sa patuloy na hambalos ng taas-presyo na lalong magpapahirap sa kasalukuyan ng hirap na badyet ng pamilya, ang edukasyon ng kabataan ay mapag-iiwanan,” ayon kay Palatino. Malinaw umano ang mga datos hinggil dito. Ayon sa Department of Education noong nakaraang budget deliberations sa Kongreso, tinatayang 7.93 milyong elementarya at hayskul na kabataan (edad 6-15) ay pawang mga out of school o hindi nakakapag-aral. Sa pag-aaral naman ng Philippine Institute for Development Studied (PIDS), nagpapakita na 79 sa 100 kabataan na pumapasok sa Grade 1 ay hindi nakakapagtapos ng kolehiyo kahit na teknikal at bokasyonal na mga kurso. Narito ang datos ng DepEd hinggil dito: Population, Enrolment and Out-of-School ELEMENTARY SY Population (6-11) SECONDARY Enrolm‟t OSY Population Enrolm‟t OSY (6-11) (6-11) (12-15) (12-15) 07- 13,470,672 10,173,516 3,297,156 8,191,327 (12-15) 3,708,670 4,482,657 08 08- 13,785,800 10,415,797 3,370,003 8,382,982 3,821,938 4,561,044 09 (54.4%) 09- Waiting 10 for DepEd Source: DepEd Basic Education Information System, 2010
  15. 15. 15 Mamahaling edukasyon Batay sa kasalukuyang average ng matrikula, ang isang magulang ay nangangailangan ng hindi bababa sa PhP20,000 upang pantustos sa matrikula pa lamang upang makapag-enrol ang kanyang isang anak sa isang semestre. Maliban sa matrikula, ang mga magulang at mag-aaral ay dapat maging handa sa mga dagdag na bayarin sa miscellaneous at gastusin para sa libro, gamit sa eskuwela, uniporme, proyekto sa paaralan at iba pa. Sa kasalukuyan, ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region ay nasa P426 kada araw. Hindi sapat kumpara sa P1,088 na kailangan ng isang pamilya upang mabuhay sa isang araw. “Sa ganitong kasalukuyang kalagayan ng minimum na sahod, ang isang pamilyang Pilipino ay hindi dapat gumastos sa loob ng 46 na araw para lamang bayaran ang matrikula ng isang anak sa isang semestre,” ani Palatino. Ang patuloy na kawalang aksiyon ng gobyerno ang nagbigay-daan sa hindi makatarungang matrikula at ibang bayarin taun-taon. Ngayong taon, daan-daang pribadong pamantasan ang inaasahang magtataas ng matrikula na may average na 1015% . Mula sa average na PhP257.41 kada unit sa Academic Year 2001-2002, ang average na matrikula ay halos dumoble sa PhP536.31 para sa AY 2011-2012. Sa kabilang banda naman, sa National Capital Region, kung saan matatagpuan ang mayorya ng mga pamantasan, ang average na matrikula ay tumaas nang 145.93%, o mula P439.59 patungong P1,078.60 sa taong 2011, ayon sa Kabataan.
  16. 16. 16 Dagdag pa ng grupo, maliban sa bayarin sa matrikula, iba‟t ibang kakatwang bayarin at maanomalyang bayarin sa miscellaneous ang ipinapataw ng mga administrador ng pamantasan na walang limitasyon at regulasyon sa gobyerno. “Maliban sa bayarin sa matrikula, malaki rin ang ginagastos ng mga mag-aaral sa mga gastusing may kinalaman sa eskuwelahan tulad ng pagkain, dormitoryo, transportasyon at iba pa. Kada semestre, tinatayang P4,000 ang kailangan para sa libro at uniporme. Samantala, kada buwan, ang isang estudyante ay gumagastos ng P5,000 para sa pagkain, transportasyon, at gamit sa eskwela sa minimum,” dagdag ni Palatino. Item Amount Books At least 2,000 Uniform At least 2,000 Total P4,000 “Ang presyo ng mga batayang bilihin na ito ay maaari pang magtaas sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Maliban sa mataas na bayarin sa matrikula, ang mataas na halaga ng iba pang gastusin sa paaralan ay nagpapahirap sa mga mag-aaral at magulang,” dagdag ni Palatino. Tatlong perwisyo “Ang walang tigil na pagtaas ng matrikula ay higit na masakit sa ganitong panahon na mataas ang pangunahing mga bilihin at hindi tumataas na sahod. Ang mas masakit pa rito, ang administrasyong Aquino ay tumatangging aksyunan ang mga ganitong problema,” paliwanag pa ni Palatino.
  17. 17. 17 Dagdag niya, kayang apprubahan ng administrasyong Aquino ang kahilingang sa pagtaas ng presyo ng langis mula mga kompanya ng langis at pagtaas ng matrikula mula sa may-ari ng mga paaralan. Pero pagdating sa kahilingan na dagdag-sahod ng mga manggagawa, tila katapusan na ng mundo ang nais ipakita ng gobyerno upang balewalain ang lehitimong panawagan ng mga mamamayan. “Dapat itigil na ng presidente ang „Noynoying‟ at dapat seryosong tugunan ang panawagan ng mga mamamayan. Dapat agarang ipatupad ng gobyerno ang moratoryo sa pagtaas ng matrikula at presyo ng langis at itulak ang nakabubuhay na pagtaas sa sahod ng mga manggawa upang makakita man lamang tayo ng kaunting liwanag para sa kinabukasan ng mga kabataan,” pagtatapos ni Palatino. K+12 sa Pilipinas - Ano, bakit, kailan at sino ang apektado nito? Narito ang isang paglilinaw ukol sa gagawing pagpapatupad ng programang K+12 ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan sa darating na pasukan. Ano ang K+12 at ang layunin nito? Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaa at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad
  18. 18. 18 magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo. Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. Sa kasalukuyan ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy (Aquino III) ang K+12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 basta ma-satisfy lang ang requirements ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang magtrabaho matapos ito. Sino ang sakop ng mga pagbabagong ito? Tuloy na ba ito this coming school year? Sino ba ang maapektuhan nito? Ang masasakop talaga ay ang incoming first year high school ng pampublikong paaralan. Ang pagsisimula nito ay nangangahulugang ipatutupad na ang bagong curriculum para sa grade 1 curriculum lamang, kindergarten, at grade 7 o first year high school lamang. Hindi pa madaragdagan ng dalawang taon. Pampublikong paaralan, dahil ang mga papasok ng first year high school, ay sila ang maapektuhan dahil sila ang first batch of grades 11 to 12 graduates sa taong 2016 hanggang 2018. Ibig sabihin, yung incoming first year high school o grade 7 this school year 2012 to 2013. Samantala ang
  19. 19. 19 mga incoming second year, 3rd year at fourth year, ay gagraduate sa dating bilang ng taon na pinapasukan. Sa kasalukuyan ay maraming mga kakulangan tulad ng silid-aralan, guro, aklat, na nais tugunan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ng pamahalaan. At dahil ang karagdagang grades 11-12 ay ipatutupad at mangyayari lamang sa 2016 to 2018, ang natitirang apat na taon ang ay paghahanda dito. Inihayag ni Department of Education (DepEd) Bacon District Division head Leon Gaon na ipatutupad na ngayong taon ang bagong kurikulum ng Deped na K+12 mula sa Grade 1 hanggang Grade 7 o unang taon sa hayskul. Aniya madadagdagan na ng dalawang taon ang basic education curriculum sa bansa subalit hindi umano ito dapat na ikalungkot ng mga magulang at mag-aaral sapagkat kung titingnan sa positibong perspektibo, mas mapapataas pa ng programang K+12 ang antas ng kalidad ng mga mag-aaral at ng basic education sa bansa. Ipinaliwanang niyang ang dalawang taong madadagdag sa pag-aaral ay matapos ang apat na taong programa sa hayskul kung saan tatawagin itong senior high school. Sa pamamagitan umano ng programang ito ay makakasabay na ang mga mag-aaral sa Pilipinas sa ibang bansa sa Asya na may kahalintulad na kurikulum. Kadalasan umanong nagiging hadlang sa paghahanap ng maayos na trabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino ang kakulangan sa bilang ng taon ng pag-aaral sa basic education. Isa din umano sa magandang adhikain ng programa ang matugunan ang suliranin sa mataas na bilang ng mga bumibitiw sa kalagitnaan ng pag-aaral na karaniwang
  20. 20. 20 kawalan ng kaalaman ang idinadahilan sa dami ng pinag-aaralan at kawalan na rin ng interes. Matatandaang sinimulan na noong nakaraang taon ang universal kindergarten program at ipatutupad naman sa 2016 ang Grade 11 o high school year 5 at Grade 12 o high school year 6 sa taong 2017. Nakatakdang magtapos ang unang batch ng mga magaaral sa ilalim ng K+12 program sa taong 2018. Binigyang-diin din niya na idinisenyo din ang programa sa interes ng mga mag-aaral at makakapamili ito mula sa kanilang mga elective subject ayon sa interes nila kung saan pagkatapos ng hayskul ay maaari na nilang magamit upang makahanap ng mapagkakaitaan sakaling hindi na sila makakapagpatuloy pa ng pag-aaral sa kolehiyo. (MAL/BAR-PIA Sorsogon) K+12: Dagdag aralin, dagdag pasanin Piket ng Anakbayan kontra sa K+12. (Kontribusyon) Sa pagbubukas ng pangakademikong taon 2012-2013, hindi na lamang taun-taong problema sa edukasyon ang sasalubong sa mga mag-aaral, guro, at mamamayan, kundi ang implementasyon ng Universal Kindergarten o K+12 na naglalayong dagdagan ang mga taon sa elementarya at hayskul. (Pher Pasion,2012) Ang K+12 ang programa ng administrasyong Aquino na naglalayong solusyunan daw ang matagal nang problema sa edukasyon. Pero umani ito ng batikos. Base sa programa, magiging mandatory ang kindergarten, magkakaroon ng anim na taon sa
  21. 21. 21 elementarya (Grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10) at dalawang taon na senior high school (11 hanggang 12). Subalit ayon sa Kabataan Party-list, hindi sasagot sa bumababang kalidad ng edukasyon, sa paglobo ng bilang ng mga out-of-school youth, maging ang problema sa kawalan ng trabaho sa bansa, ang hakbang sa pagdagdag ng taon sa batayang edukasyon. Kalidad at reyalidad Isa sa ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino na layunin ng K+12 ang pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Pero inulan agad ito ng di pagsang-ayon sa aktuwal na kalagayan ng mga paaralan sa Pilipinas. Sa implementasyon pa lang ng mandatory kindergarten ngayong taon, tampok na ang kakulangan ng pamahalaan sa pisikal na pangangailangan ng mga paaralan. Sa Department of Education Order N0. 37 na pinamagatang “Policies and Guidelines on the Implementation of the Universal Kindergarten for SY 2011-2012,” pinahihintulutan ang pagggamit ng “other available spaces” ng pampublikong mga paaralan. Binatikos ito ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio. “Ganito ba ang patakaran ng isang matinong gubyerno? Hihikayating mag-enrol ang lahat ng limang taong-gulang kahit wala palang klasrum na paglalagyan, kaya pagkakasyahin na lamang sa „any available spaces‟?” ani Tinio. Binatikos din ni Tinio ang pagpahintulot ng DepEd Order No. 37 sa pagkakaroon ng volunteer o unlicensed teachers para sa kakulangan ng guro sa kindergarten na labag umano sa Section 27 ng RA No 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994.
  22. 22. 22 Dagdag pa, sa 2011 datos ng Alliance of Concerned Teachers, tinatayang 103,599 ang kulang na mga guro sa bansa. Samantalang nagsisiksikan ang 45 mag-aaral o higit sa isang klasrum. Nasa 10,000 lamang ang target na idagdag na guro dahil di sapat ang badyet sa edukasyon nitong 2011. Tinatayang 22 milyong kabataan ang pumasok ngayon taon sa elementarya. Sa pag-aaral mismo ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), ang haba ng pag-aaral ay hindi nangangahulugan ng mas magandang grado. Sa katunayan, ang ilang bansa na may katulad ng haba ng edukasyon sa Pilipinas ay nakakuha ng mas mataas na grado kumpara sa mga bansang nagpapatupad ng K+12 o higit pang taon subalit mas baba ang grado. Paliwanag ng League of Filipino Students, may rekisito ang K+12 sa implementasyon nito at iyon ang paglaan ng mataas na badyet sa batayang edukasyon. Aabot sa 2.26% lamang ng Gross Domestic Product (GDP) ang inilalaan ng gobyerno. Malayo ito sa rekomendasyon ng United Nations na dapat nasa 6% ng GDP ang inilalaan sa edukasyon, ayon naman sa Anakbayan. Samantalang patuloy ang bawas-badyet sa edukasyon: mula 3.3% noong 2001, naging 2.19% ito noong 2008 at 2.7% ng GDP sa taong 2009. Mas mataas pa ang sa ibang bansa sa Timog Silangang Asya, tulad ng Malaysia na naglalaan ng 7.4% sa kanilang GDP at Thailand ng 4%. Trabaho pagkatapos? Sa K+12, kasama sa kurikulum ang mga pagsasanay sa semiskilled na mga trabaho. Inaasahan na sa pagtatapos nila sa hayskul, nasa 18-anyos na ang mga mag-aaral para makapasok sa trabaho.
  23. 23. 23 Ayon sa Kabataan Party-list, taun-taon sa nakalipas na dekada, tinatayang nasa 300,000 ang bagong gradwado na dumadagdag sa labor force—mayorya sa kanila ang naitatala sa tumataas na bilang ng estadistika ng unemployed. Ngayong 2012, tinatayang 400,000 mga bagong gradwado ang inaasahang dadagdag sa bilang ng “tigil” na mga manggagawa. Upang masolusyunan ang kawalan ng trabaho sa mga kabataan, kailangan ayusin hindi lamang ang batayang edukasyon ng bansa kundi maging ang polisiya nito sa ekonomiya at empleyo, dagdag ng Kabataan. Para sa College Editors Guild of the Philippines, layunin ng K+12 ang pagluluwal ng semi-skilled workers na nagbebenta ng murang lakas-paggawa para sa dayuhang mga kompanya. Nakapokus ang programa sa pagluwal ng mga gradwado sa mga kursong bokasyunal, na magiging kontraktuwal na mga manggagawa — barat ang suweldo, di regular, walang benepisyo. Sabi ng Kabataan, sa 100 mag-aaral ng pumapasok sa Grade One, 66 lamang ang nakakatapos ng Grade six. Sa 58 na pasok sa hayskul, 43 ang nakakatapos. Sa 33 na nakakatuntong ng kolehiyo, 21 ang nakakapagtapos. Ang 21 na ito‟y walang kasegurduhan na magkakatrabaho. Lalo pa ang natitirang 79 na mag-aaral. Samantala, ang pangingibang-bansa ng gradwado sa narsing, pagtuturo at pagdodoktor para maging caregivers, medical assistants at domestic helpers sa ibang bansa ay indikasyon ng malalim na problema sa edukasyon at ekonomiya ng bansa. Nakakalungkot na naitutulak ng gobyerno palayo ng bansa ang pinakamahuhusay nating manggagawa at propesyunal, ayon pa sa Kabataan.
  24. 24. 24 Sa programang ito, inaasahang magiging opsyon na lamang ng kabataan ang pagpasok sa kolehiyo. Mababawasan ang mga gustong pumasok sa mga unibersidad na magiging hudyat ng lalong pagbawas sa badyet ng edukasyon. Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), sa tuwing nagtataas ng matrikula ang State Colleges and Universities (SUCs), lalong lumalakas ang loob ng pribadong mga pamantasan na itaas ang kanilang matrikula at iba‟t ibang “malikhaing” bayarin sa porma ng miscellaneous fees. Samantala, bago pa man mapilitan ang mga magulang na ipasok sa kindergarten at junior high school ang kanilang mga anak, baon na sila sa mabibigat na bayarin. Bagamat libre ang pampublikong edukasyon sa elementarya, mangangailangan pa rin ang isang mag-aaral ng P20,000 para sa gastusin sa pamasahe, gamit sa eskuwela at pagkain para sa buong taon, kuwenta ng League of Filipino Students. Sa sarbey ng Family Income and Expenditures Survey, napag-alamang mas pinipili ng pamilyang Pilipino na paglaanan ng panggastos sa pagkain at iba pang pangaraw-araw na pangangailangan higit sa pangangailan ng kabataan sa paaralan o papasukin pa sa paaralan. Batay sa mga dahilang ito, masasabing sa ilalim ng K+12, taun-taong dimaiiwasan at mananatiling mataas ang bilang ng dropouts at out-of-school youths dahil sa mababang paglalaan sa edukasyon, pagtaas ng mga batayang bilihin, pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan, at hindi gumagalaw na sahod ng nagtatrabahong mga mamamayan.
  25. 25. 25 LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Danganan, Rodel. 2012. The modern teacher:DEPED committing to quality education through K+12 (Vol 61). Manila: Publishers Associaton of the Philippines, Inc. Mullet, Valentina. 2012. 2011. The modern teacher:An opinion on the K+12 program (Vol 61). Manila:Publishers Associaton of the Philippines, Inc. Ortal, John Rey. 2012. The modern teacher:Do we need K+12? (Vol 61). Manila: Publishers Associaton of the Philippines, Inc. Papa, Joemar A. (Ed.).2012. The philippine artisan -manila. Manila: Artisan. Paredes, Horacio. 2012. www.duckyparedes.com/blogs Pasion, Pher.2012. http://pinoyweekly.org/new/2012/6 Poliquit, Monica. 2011. The modern teacher:The enchanced K+12 basic education program (Vol 60). Manila: Publishers Associaton of the Philippines, Inc.

×