1. John Anthony B. Teodosio
BSED- 4
SI MICOY
Kilala si Micoy bilang tahimik at seryosong tao. Patunay diyan na isa siyang
napakahusay na estudyante sa UP College of Law. Sino ba naman ang hindi mamamangha sa 19anyos na boyfriend ko eh valedictorian siya noong elementarya at sekondarya sa UPIS – malupit
talaga siyang mag-aral, aiming for Summa Cum Laude, puro uno ang nakukuha niyang grado
pero napaka-sweet pala niya. Sa katunayan, naghandog siya ng isang harana sa akin noong
Valentines. Bestfriend ko siya dati pero sa katagalan ay unti-unti siyang dumadamoves sa akin –
tipong lalake nga. Eh di na ako makatiis, tatlong taon kaming mag-BFF ay kailangan nang
pataasin ang level kaya BFF turned to BF/GF. Hindi ko rin malilimutan sa kanya ang niluto
niyang pansit na pagkasarap-sarap. Lagi ko na ngang binabalikan iyon eh at hindi siya
nagdadalawang isip na ipagluto ako ng pagkain. Minsan kapag nakita niya akong nahihirapang
mag-aral, ay lagi siyang nariyan para tulungan ako at kapag nade-depress ay nariyan siya para
dumamay. Hindi siya humorous pero matapat, masipag, at laging nag-e-encourage sa mga
ginagawa ko sa buhay – ganyan ako kamahal ni Micoy. Pero alam mo, may naiiba sa kaniya na
komparahin mo sa mga ideyal na lalake. Siya ay iba.....ibang iba talaga.
Kung lumakad iyon ay parang bumibigay. Sabi naman niya na masakit lang daw ang
binti niya. Kung minsan naman ay lagi siyang nakatitig sa ibang mga lalake lalo na kapag
dumadaan kami sa Sunken Garden, eh katuwiran naman niya ay wala – iba ang tinitingnan
niya... ano kaya iyon? Eh kung makangiti at makatitig ay hanggang langit, ang kulang na lang ay
tumili. Lagi rin siyang naglalaro ng volleybal kasama ng mga babae at bading. Walang makatalo
sa kaniya pero kung magsuot siya ng sports attire ay parang ka-level na yata ng mga babaeng
volleyball player sa UAAP. Ito pa ang isa, noong napili akong Reyna Elena sa Santacruzan sa
aming lugar, siya ang taga-ayos ng beauty ko – nagsusuklay ng buhok, naglalagay ng make-up at
foundation, namimili ng mga gown, lahat-lahat. Talo yung ibang mga bading na designer kay
Micoy. Di naman sa nanghihinala na ako pero hindi ko na mapigilang itanong sa kanya kung
bakit ganito ang kaniyang kinikilos eh sa kabutihang palad ay hindi siya sumagot...no comment.
Ika-21 kaarawan ko ngayon, naroon ang lahat ng mga kaibigan at kaklase ko sa College
of Business Administration ay siyempre, ang boyfriend kong si Micoy. Pero ytumindi ang kaba
sa aking puso nang naroon din ang ex kong si Jethro. Kinakausap niya si Micoy, waring may
masamang gagawin sa kaniya. Namimilit siyang painumin ng alak, at pasayawin sa harap ng
mga kaibigan niya eh todo tanggi si Micoy. Galit na galit si Jethro, kaya’t sinuntok niya ito.
Hindi ko na mapigilang awatin siya. Hindi pa rin nagbabago si Jethro. Ang katuwiran niya ay di
naman talaga tunay na lalaki si Micoy, nagpapanggap lamang na siya ay lalaki sa harapan ko.
Ilang ulit ko nang pinapatigil si Jethro pero ayaw talaga, tuloy pa rin ang panlalait kay Micoy. At
dahil sa hindi na mapigil ni Micoy ay nanlaban na ito pero agad siyang pinagtulungan ng mga
kaibigan niya. Agad namang umawat ang mga naroon sa party. Matapos nu’n ay isang malakas
na suntok ang ibinigay ko kay Jethro, Nanggulo siya sa aking kaarawan at nakakahiya ang
ginawa niya! Nag-walk-out ako at naiwan ang bumagsak na sina Micoy at Jethro. Kinuyog at
pinagtulungan ng mga kamag-aral ko ang grupo ng aking ex at pinalabas sa aking bahay.
2. Tinanong ng ilang mga naiwan sa duguang si Micoy kung ok lang ba siya. Ayos lang
daw. Dahan dahan siyang tumayo at dali-dali siyang tumungo sa hardin kung saan ako ay
naroon. Parang nahihiya si Micoy kaya’t pinangunahan ko na ang tanong na kung totoo ba ang
sinabi ng Jethro. Buong tapang na inamin ni Micoy ang tunay niyang katauhan – kauri siya ng
pederasyon. Humihingi siya ng tawad sa kanyang kasinungalingan. Hindi niya intensiyon na
lokohin niya ako, natatakot kasi siyang mapahiya at hindi ko na siya mahalin. Ngunit
naipapangako naman niya na magiging tapat siya sa akin at habambuhay akong mamahalin.
Mula sa kaniyang puso sinambit ang katagang “I Love You, Arrianne” at siya’y lumuha... luha
ng pagsisisi at pagkatakot, umaasang matatanggap ko siya.
Hmp, naging ideyal na sa akin ang isang maginoo, makisig at guwapong lalaki. Ngunit sa
pagkakataong ito, may isang lalakeng bentahe ang kaniyang puso at isip upang maging matapang
at tapat sa gitna ng kakulangang pisikal. Naramdaman ko ang kabutihang loob ng mga lalakeng
torpe, bading o chaka na kapag sa huli pala ay makikita ang tunay na pagmamahal katulad ng
ginagawa sa akin ni Micoy. Walang mag-aayos ng beauty ko kung wala siya, Di ko na
matitikman ang masarap na pagkain kung wala siya, at walang magme-make over at sa akin
kung wala siya. Kahit anong gawing katauhan diyan – bakla man iyan, lalake pa rin sila at iyon
ang aking pananaw kaya salamat, Micoy. Boyfriend pa rin kita.