Ang kabihasnang mesopotamia

19,635 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
8 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
19,635
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
7
Actions
Shares
0
Downloads
875
Comments
0
Likes
8
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang kabihasnang mesopotamia

  1. 1. Ang Kabihasnang Mesopotamia
  2. 2. • Ang pag-usbong ng kabihasnan ay ang-ugat sa mga pag-unlad na naganap sa Panahong Neolitiko. • Nabago ang pamumuhay ng mga tao. • Mula sa pagiging nomad ay nagtatag ng permanenteng mga pamayanan. • Nagsimula ring maging bihasa ang mga tao sa iba’t ibang larangan, sa mga institusyonng pang-estado o pamamamahala, sa sistema ng pagtatago ng mga talaan at dokumento at sa makabagong mga teknolohiya.
  3. 3. • Ang pagiging isang lungsod ay hindi nagtatapos sa pagkakaroon ng malawak na teritoryo at malaking populasyon at pagiging sentro ng kalakalan para sa mga magsasaka at mangangalakal. • Ang mga kabihasnan ay karaniwang may sistema ng pamahalaan o estado na namamahala rito. • Kaalinsabay nito ang pagkakaroon g relihiyon at paghahating panlipunan (socila stratification).
  4. 4. • Mesopotamia – nagmula sa wikang Griyego na mesos,ibig sabihin ay “gitna” at potamos, ibig sabihin ay “ilog”. • Ang Mesopotamia ay nabuo sa pagitan ng dalawang ilog, ang ilog Tigris at ilog Euprhates. • Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa Iraq. • Ang mga lupain ay mataba at mayaman sapagkat dumanas ng taunang pagbaha. • Bahagi ng isang rehiyon na tinatawag na Fertile Cresent
  5. 5. PAMANA AT AMBAG NG SINAUNANG KABIHASANAN SA MESOPOTAMIA
  6. 6. Sumerian (5300-2334 BC) • Unang kabihasnang nabuo sa Mesopotamia. • Unang nagtatag ng mga lungsod-estado na pinamumunuan ng mga lugal o hari. • Ilan sa malalaking lungsod na umusbong sa Sumer ay ang Uruk, Ur, Kish, Lagash, Umma at Nippur.
  7. 7. Mga naging ambag ng Sumerian • Sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform, kung saan ang mga salita ay kinatawan ng mga simbolo o hugis, kadalasan ay tatsulok. Ang karaniwang gamit na panulat ay stylus o eskriba na gawa sa reed, isang uri ng halaman, at ang sulatan naman ay tabla na gawa sa putik.
  8. 8. • Mas mainam na sistema ng irigasyon at pagsasaka; gumamit ng sinaunang uri ng araro ang Sumerian. • Paggamit ng potter’s wheel sa pagawa ng tapayan. • Paggamit ng gulong bilang instrumento ng transportasyon ng mga tao at kagamitan. • Code of Ur-Nammu – unang saligang batas • Sexagesimal system – sa larangan ng matimatika.
  9. 9. • Pagtatag ng mga paaralan upang ipakalat ang paraan ng pagsulat at makapagtago ng mga talaan na pinamahalaan ng simbahan o templo. • Pagtatayo ng mga templo bilang lugar- sambahan o ziggurat na nakalaan lamang sa mga pari. Ang Sumerian ay naniniwala sa maraming Diyos (politeismo) na tumutulong sa iba’t ibang aspekto ng kanilang buhay • Unang sistema ng pagsukat ng timbang at distansya • Lunar kalendaryo na may 12 buwan.
  10. 10. Akkadian (2334-2193 BC) • Nagsimula bilang maliit na lungsod- estado na malapit sa mga Sumerian. • Dahil sa kanilang galing sa pakikidigma, nagapi nila ang mga Sumerian. • Itinuturing na unang kabihasnang nakapagtatag ng isang imperyo at ito ay naisakatuparan sa pamumuno ni Sargon I.
  11. 11. Mga napagtagumpayang gawin • Nagpasimula ng isang uri ng pamamaraan ng paghahatid ng sulat at mensahe • Paggamit ng selyo na gawa sa putik para sa mga sulat • Pagpapangalan ng mga taon batay sa pangalan ng haring namumuno.
  12. 12. Babylonian (1792-1595 BC) • Nabuo ang kabihasnan ng mga Babylonian mula sa mga labi na naiwan ng Imperyong Akkadian. • Itinatag ni Sumuabum ang maliit na bayan ng Babylon hanggang sa ito ay lumaki at naging isang imperyo sa pamumuno ni Hammurabi.
  13. 13. Mga naging ambag ng Babylonian • Code of Hammurabi – isang batas na may malupit na kaparusahan para sa mga krimen na nagawa ng mga Babylonian. Isa rin itong gabay para magkaroon ng isang organisadong lipunan. • pag-aaral sa larangan ng astronomiya at matematika. • Epiko ni Gilgamesh – ang pinakamatandang akdang pampanitikan na natuklasan sa kasaysayan ng daigdig. • Paggamit ng mga sundial at water-clock.
  14. 14. Hittite (1180-800 BC) • Naging tanyag sa pagmina ng mineral at paggamit ng bakal bilang materyales sa paggawa ng mga armas at mga gamit sa pangangaso. • Naimbag din nila sa kabihasnan ng daigdig ang pagkakaroon ng talaan ng mga titulo ng lupa ng mga mamamayan nito.
  15. 15. Assyrian (2500-608) • Kilalang imperyo na gumapi sa mga Hittite at Babylonian. • Ang kanilang pinuno na si Ashurbanipal ay naging tanyag dahil sa kaniyang pagtatatag ng kauna-unahang sistematikong aklatan sa lungsod ng Ninevah.
  16. 16. Chaldean-Neo-Babylonian (626-539 BC) • Humalili sa mga Assyrian matapos nilang magrebelde sa pamumuno ni Nabopolassar. • Naipatayo ang tanyag na Hanging Gardens of Babylon, isa sa mga itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar.
  17. 17. Phoenician (1550-300 BC) • Kilala bilang magagaling sa manlalayag mula sa rehiyong Levant (Lebanon) • Kabihasnan na lumikha ng alpabeto na ponetika (phonetic), kung saan ang mga tunog ng mga salita o titik ay may kaagapay na simbolo. • Gumamit ng ibang sistema ng pagsulat o pictograph.
  18. 18. Lydian (2000-546 BC) • Ay nagmula sa rehiyon ng Anatolia (Turkey) na bahagi rin ng Fertile Crescent. • Tanyag sa paggamit ng mga barya bilang uri ng salapi – kabayaran sa pakikipagkalakalan.
  19. 19. Persian (550-330 BC) • Kasalukuyang matatagpuan sa Iran. • Ang Imperyong Persian o Imperyong Achaemenid ay nagmula sa pangalan ni Achaemenes,isa sa mga naunang pinuno ng lungsod-estado. • Cyrus the Great – naging isang malaking imperyo na gumapi sa mga Imperyong Assyrian at Chaldean at ilan pang bahagi ng Fertile Crescent.
  20. 20. • Darius I – humalili kay Cyrus the Great. Lumawak pa lalo ang impeyo hanggang sa ilang bahagi ng Europa at India. Mga naiambag ng Kabihasnang Persian • Satrapy – pamamalakad pinamumunuan ng isang satrap • Zoroatrianism – relihiyong nagmula sa mga Persian. Ito ay batay sa mga pangaral at turo ni Zoroaster o Zarathustra. Relihiyong naniniwala sa isang Diyos o monotheism • Ahura Mazda – kinikilalang Diyos ng relihiyong ito.

×