Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ang pasibol na guro- Jenny Tuazon

329 views

Published on

Balagtasan

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Ang pasibol na guro- Jenny Tuazon

  1. 1. Ang Pasibol na guro. Magandang araw! Good morning ! o minsa’y Good afternoon! Ang inyong maririnig sa aking tinig. Ngunit kayo ba ay nakikinig? O kayo ay may sariling Gawain na tila ba hindi ako naririnig? Oo, alam ko, alam ko sa sarili ko na minsan kayo ay interesado upang matutunan ang aking ibabahagi. Ngunit sa mahigit na walong buwan ng ating pagsasama mayroon bang araw na kayo ay handang makinig sa aking ibabahagi? Sa bawat araw na ako ay papasok sa inyong silid aralan kayo ba ay masaya na ako’y masilayan? Dahil ako? Ako ay naghahanda bawat gabi kung ano ang aking ituturo dahil para sakin ang bawat araw ay kailangang punan ko ng kaalaman ang inyong isipan. At kapag ako na ang nasa harapan? Ako’y nasasaktan, ako’y nasasaktan kapag aking natatanaw na kayo ay abalang abala na tapusin ang inyong takdang aralin sa English, Filipino, at iba pa Nagdurugo ang puso ko na habang ako ay nasa harapan kayo ay walang ginawa kundi magkwentuhan Subalit ng ako ay nagalit tila wala lang ako sa inyong harapan Tila ba hindi mag aaral aking kinakausap at tinititigan At ako’y nasaktan Ano nga ba ang aking halaga sa tuwing kayo ay papasok sa silid aralan na ito? Kung sa bawat pagpasok ko ay hinihiling niyo na sana hindi ako ito Na sana ibang guro ang inyong pakikitunguhan sa araw na ito Na sana hindi niyo na lang nakilala ang gurong ito Napakasakit isipin na kayo, kayo na aking mag aaral sa halos isang taon kayo ay aking minahal Ngunit ako’y hangin lamang na nagdaan OO. Oo ako’y hangin na hindi maramdaman Naalala ko nang minsan ay may isang batang lumapit sa akin at tinanong “Ma’am bakit ka po nakikipagkaibigan sa amin?” Ako’y napangiti, na ang batang ito ay hindi manhid upang di maramdaman na sila ay maaring magpahayag ng kanilang damdamin. Oo, oo upang kanilang nararamdaman, na sila ay malayang ipahatid sa akin ano man ang kanilang nadarama Maging ito man ay malungkot o masaya Ako’y makikinig. Ako’y makikinig sa kanila hindi dahil sila ay aking mga mag aaral Kung di lahat sila ay aking anak Ano ba ang aking karapatan upang sila ay aking tawaging anak? Ni hindi ako ang kanilang punong guro Ako ay kanilang ordinaryong guro lamang At naalala ko na may karapatan ako dahil sila ay mahal ko Oo kung minsan ay nagagalit ako sa kanila Minsan ay nasasaktan ko ang kanilang damdamin Ngunit sa kabila ng lahat mas higit akong nasasaktan Dahil ayaw ko man na sila aking pagalitan o minsa’y mapahiya sa klase ay hindi ko maiwasan Hindi ko maiwasan dahil sila mismo ang nag udyok na gawin ko sa kanila iyon Ngunit ako’y humingi ng tawad Ngunit nanumbalik sa aking alaala hindi ako binigyang pagkakataon na humingi ng tawad Isang bagay na ipinagkait sa akin Ngunit nung mga araw na ako ay umiiyak dahil sa kanila Dahil sa kanilang pag walang galang at pambabalewala ako man ay masaktan Hindi sila humingi ng tawad, ngunit sila’y aking inunawa. Na tila kahit pang unawa ay ipinagdamot Na sa isang iglap naglaho Naglaho ang lahat ng aking pinaghirapan Bilang guro ay napakahalaga ng ating tiwala sa sarili Pati ang bagay na iyan ay naglaho Nanumbalik ang sakit na aking naramdaman mula pa nung una Noong una na kung saan ay ipinadama na kahit kailan ay wala akong nagawang tama Noong una na kahit respeto sa aking sarili nalimutan ko na Nalimutan ko na ng ako’y maliitin at halos madarag ang aking pagkatao sa aking kinatatayuan Idagdag pa ang aking hinanakit sa aking ama Ang aking ama na ako ay inabandona ako ay sangol pa lamang Na matapos ang labing walong taon ay muling nagpakita At ngayon, ako’y muling iniwan
  2. 2. Na tila ba ako ay isang gamit na itatapon at maaring balikan ano mang oras gustuhin Napakasakit na tila ba buong mundo ay pinaparusahan ka Nadarama mo na ba ang pait na aking dinaranas? Maaaring nasaktan kita ngunit walang wala yan sa sakit na dinulot ng padalos dalos mong desisyon Maaring ako’y nagkasala Ngunit nasaan ang hustisya Na tila kung ako’y mapaparusahan Ay nararapat ding managot ang iba pang may sala Ngunit wala nang dudurog pa Sa puso ko kungdi ang pagmamakaawa ng aking ina Oo. Nagmamakaawa ang aking ina na malaman ang aking problema Na kahit gusto kong sabihin ay hindi ko magagawa Na mas nanaisin ko pa na mag alala siya sa wala tuwing makikita niya akong tulala Napakasakit na isipin Na kahit anong buti mo sa ibang tao Wala silang makikita kung di ang iyong PAGKAKAMALI Na handa silang kalimutan ang lahat ng nagawa mong tama dahil lang sa sila ay nasaktan Hindi ko sinasabing ako’y perpekto Ngunit ako’y marunong makiramdam Marunong masaktan, magpatawad, umunawa, at magmahal Ngunit binago ng tadhana Ngayon, kahit ang pagtitiwala ay hindi ko maibigay Hindi ko maibigay dahil ako’y natatakot na hindi maalagaan ng tama Ngayon ako’y walang ibang hinangad kundi ang mawala Maglaho na parang bula Dahil wala ng mas sasakit pa sa aking nadama Ako’y isang gurong pasibol, ngunit sa aking pagsibol ay biglang nagdilim Sa sobrang dilim ako’y hindi na muling sisibol pa Dahil ako’y natatakot harapin ang liwanag Sa takot na mabalutan muli ng dilim. Hindi ko nanaising makonsensya pa ang aking mga mag aaral Ang nais ko ay maging masaya sila Masaya dahil ako ay wala na Maging masaya sila na ako’y sumuko na at di na makabangon pa Masakit man ngunit kung ito ang makakapagpaligaya sa kanila Ako’y SUSUKO na. Sa aking pagsuko, nawa’y maginhawaan ang kanilang pakiramdam Dahil wala nang mananakit pa sa kanila. Dahil wala nang guro ang magbibiro ng “early lunch na kase masama ang pakiramdam ko o ako ay nagugutom na” Dahil wala nang magagalit sa kanila Dahil wala nang makikialam sa kanila Dahil wala nang magpapalinis ng silid aralan nila Bilang pangalawang ina ninyo, handa akong masaktan ng sobra kahit halos ikamatay ko na sumaya lamang kayo. Wala nang sagabal sa kaligayan niyo. Sana kayo ay masaya at kung hindi ay sayang ang aking pagkawala. Ipagpatawad niyo kayo’y nasaktan ko.

×