Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Ponolohiya

60,654 views

Published on

ENJOY!

Ponolohiya

  1. 1. Ang Ponolohiya
  2. 2. Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas- pagbaba ng mga pintig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening). Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema: ang segmental at ang suprasegmental. Ano ang Ponolohiya?
  3. 3. Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig. a) Labing-lima (25) ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat at ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa. Ano ang ponemang segmental?
  4. 4. b) /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/ ang bumubuo sa ponemang katinig Halimbawa: ba : tah – housedress tu : bo - pipe ba : ta? – child tub : bo? – profit c) Ang ponemang patinig ay lima: a, e, i, o, u. Ano ang ponemang segmental?
  5. 5. d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /l/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Halimbawa: babae – babal kalapati – kalapate lalaki – lalake noon - nuon Ano ang ponemang segmental?
  6. 6. e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin. Halimbawa: uso – modern mesa - table oso – bear misa - mass Ano ang ponemang segmental?
  7. 7. Tatlong Salik sa Pagsasalita 1. Enerhiya (Energy) – nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga. 2. Artikulador (Articulator) – nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig. 3. Resenador (Resonator) – nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador. Ponolohiya
  8. 8. Ang ponema ay isang makabuluhang tunog. Ang Filipino ay may 20 ponema: 15 ang katinig at 5 ang patinig. Mga katinig: * 1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/. 2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/. 3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/. 4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/. 5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/. 6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,ŋ,w/. 7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/. 8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/. * Mga patinig: A, E, I, O, U Ponolohiya ng Filipino
  9. 9. Paraan ng artikulasyon/ paraan ng pagbigkas: 1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/. 2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/. 3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/. 4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/. 5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/. 6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,ŋ,w/. 7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/. 8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog /?,h/. Ponolohiya ng Filipino
  10. 10. Ang diptonggo ay alin mang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y. Halimbawa: aw, iw, ay, ey, iy, oy, at uy Halimbawang salita: bahaw, bahay, okoy, baliw * Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. * Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito ay maaaring salitang ugat o panlapi. Diptonggo, Morpolohiya, at Morpema
  11. 11. 1. Asimilasyon – pagbabagong nagaganap sa huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na ponema. Kung ang ponemang ‘pang’ ay ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m. Halimbawa: pang + balabal = pambalabal pang + panitikan = pampanitikan pang + kuha = panguha pang + tabas = pantabas Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
  12. 12. 2. Metasis – ang salitang ugat na nagsisimula sa L, O, Y pag nilagyan ng panliping (in) ay nagkakapalit ng posisyon. Halimbawa: in + layo = nilayo in + yakap = niyakap 3. Pagpapalit ng ponema – kapag ang ponema ay nasa unahan ng salitang (d) ito ay karaniwang nagpapalitan ng ponemang (r) kapag ang huling ponema ng unlapi ay patinig. Halimbawa: ma + damot = maramot ma + dungis = marungis Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
  13. 13. 4. Paglilipat-diin – ang mga salita ay nagbabago ng diin kapag nilalapian. Halimbawa: basa + hin = basahin laro + an = laruan 5. Pagkakaltas ng ponema – nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawala kapag nilalagyan ng hulapi. Halimbawa: takip + an = takipan – takpan sara + han = sarahan – sarhan Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
  14. 14. Maraming salamat sa pagtingin sa aking pag-uulat!

×