Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Filipinopowerpointgroup1 130210034726-phpapp01
1. Pagtutulad o Simili
Ito ay di tiyak o di direktang paghahalintulad
ng dalawang magkaibang tao, bagay, hayop,
o pangyayari.
Maaring ito ay pantay o di-pantay. Ang pantay
ay ginagamitan ng mga salitang: tulad ng,
paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ang di-
pantay ay ginagamitan ng mas___kaysa,
mas___kumpara kay, higit pa sa, at iba pa. Ito
ay tinatawag na Simile sa Ingles.
2. Mga halimbawa
Tila parang isang rosas ang ganda niya.
Ang pag-ibig mo ay parang lobong may
butas, paliit ng paliit habang dumadaan
ang panahon.
Si Kiko ay higit na mahusay kumpara kay
Huseng Sisiw.
Siya'y parang isang leon habang
nakikipagtunggali sa mga kawal ng mga
Espanol.
3. Pagwawangis o Metapora
Katulad ng pagtutulad ngunit ang
pagkakaiba ay hindi na ginagamit ang
mga salitang tulad, parang at iba pa
Ito ay tiyak na paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay.
4. Mga Halimbawa
Ang puso niya ay bato.
Ang kanyang kamao ay bakal
Ikaw ay isang ahas.
Ang aking ina ay ilaw ng tahanan namin.
Ang aking mahal ay isang magandang
rosas.
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay
mga anghel ng kagubatan.
6. Mga Halimbawa
Sumasayaw ang mga bulaklak.
Nagwawala ang mga hangin
Nagagalit ang mga alon.
Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa
atin.
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip
ng hangin.
Nahiya ang buwan at nagkanlong sa
ulap.