Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Aralin17 AP 10

81,419 views

Published on

Published in: Education

Aralin17 AP 10

  1. 1. ARALIN17 ANG PAMBANSANG EKONOMIYA
  2. 2. 1. Nailalarawan ang ibat ibang modelo ng pambansang ekonomiya. 2. Natutukoy ang mga sektor sa bawat modelo na nakaiimpluwensya sa takbo o galaw ng ekonomiya; 3. Naipaliliwanag ang ugnayan at epekto ng mga pangunahing tagapagganap o sektor sa kalakaran nito; at 4. nasusuri ang mga pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita.
  3. 3. Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng pamamaraan upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. Sinusuri nito kung paano nakaaapekto ang mga desisyon at kinikilos ng iba’t ibang sektor sa pambansang ekonomiya. Sinisikap din nitong pag- aralan ang naidudulot na katatagan o kahinaan ng pambansang ekonomiya sa iba’t ibang sektor.
  4. 4.  Gumagamit ng Modelo sa pagsusuri ang makroekonomiks. Ang modelo ay representasyon ng isang ipinaliliwanag na kosepto o kaganapan. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad. Maaaring isa rin itong abstract generalization kung paano nag kakaugnay-ugnay ang mga datos.
  5. 5.  May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Depende ito sa uri ng sistema ng ekonomiya. Depende rin ito sa saklaw ng mga gawaing makikita rito. Sa araling ito, pag tutuunan ng pansin ang mga modelo ng pambansang ekonomiya sa loob ng sistemang pamilihan. Mamamalas sa mga ito ang pamamaraan ng paglikom ng pambansang kita.
  6. 6.  Ang unang modelo ay naglalarawan ng isang simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa modelong ito. Dito ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsiyumer.
  7. 7.  Halimbawang ikaw ay napunta sa pulong walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap ng pagkain,gagawa ng sariling bahay,at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita, ang sambahayan at bahay kalakal ay ikaw lamang.
  8. 8.  Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay kalakal.
  9. 9.  Ang sambahayan ay may demand sa produkto. Ngunit wala itong kakayahang gumawa ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto. Ngunit bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon . Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay-kalakal. Sa paggamit ng lupa, magbabayad ito ng renta o upa. Sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Ang sambahayan din ang may suplay ng abilidad ng entreprenyur.
  10. 10.  May kita na nakukuha ang entreprenyur sa pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang sa kita ng sambahayan. Apat ang pinagmulan ng kita ng sambahayan .kumikita ang sambahayan sainteres,kita ng entreprenyur,renta o upa at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang mga ito ay gastusin sa salik ng produksyon. Matapos ang produksyon, makikipag-ugnayan ang bahay- kalakal sa sambahayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng produkto na makatutugon sa kanilang pangangailangao kagustuhan.
  11. 11.  Gagamitin ng sambahayan ang kanilang natanggap na kita upang makabili ng produkto. Sa pananaw ng sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal. Mamamalas dito ang interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal. Sila ay umaasa sa isa’t isa upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.
  12. 12.  Ang ikatlong modelo ay mayroong dalawang pangunahing sektor- ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang- alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
  13. 13.  Sa ikatlong modelo, hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lamang pangkasalukuyang produksyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto,ang pag- iimpok(savings) at pamumuhunan(investments) ay nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansyal (financial market).
  14. 14. .  Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik ng produksyon,commodity o tapos na produkto. At para sa mga pinansyal na kapital. Nag-iimpok ang mga mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi na natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ay inilalagak sa pamilihang pinansyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang mga bangko,insurance company, pawnshop at stock market.
  15. 15.  Sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa o daigdig. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng produksyon nito. Maaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansyal na kapital . Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal.
  16. 16.  Ang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan.kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok. Ito ay dahil sa inilalagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal ito ay mahalagang gastusin. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang-ekonomiya ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano sa hinaharap ang mga naturang aktor. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pagpaplano at pamumuhunan.
  17. 17.  Ito ang modelo ng ekonomiya na kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit ang gampanin ng pamahalaan dito. Maaaring malaki rin at aktibo ang pamahalaan dito.
  18. 18.  Kung ang unang gampanin ang pagbabatayan, ang pamahalaan ay pamahalaan ay kabilang sa polital na sektor. Labas ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan. Kung ang huli ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang ikatlong sektor ng modelo. Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at bahay-kalakal. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya.
  19. 19.  Ang pagbabayad ng buwis ay hindi gawain ng sambahayan at bahay-kalakal sa sa isang pamilihan. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa ikaapat na modelo ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda sa kabuuang gastusin ng sambahayan,bahay- kalakal at pamahalaan.
  20. 20.  Maitatakda rin ang pambansang kita sa pamamagitan sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan,bahay-kalakal at pamahalaan. Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksyon; ikalawa, ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang produktibidad ng gawain ng pamahalaan.
  21. 21.  Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag- ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.
  22. 22.  Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Ang perspektiba sa pambansang ekonomiya na bukas ay internasyonal.
  23. 23.  Ang pambansang ekonomiya ay tinatawag na home economy. Ang ekonomiyang kaugnay nito ay tinatawag na dayuhang ekonomiya o foreign economy. May mga sambahayan at bahay-kalakal ang pambansang ekonomiya. Pareho din sila na may pinagkukunang- yaman.Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami nito bilang salik ng produksyon. Ang pangangailangan sa pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan.
  24. 24.  May mga pinagkukunang-yaman na gumagamit bilang sangkap ng produksyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa. Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari din namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa’t isa.
  25. 25. Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng aktor sa isang ekonomiya. Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.
  26. 26. Sarado ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas. Ang simpleng ekonomiya ay ang modelo kung saan kung saan ang sambahayan ay siya ring bahay-kalakal. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Bukas ang ekonomiya kapag ito ay nakikilahok sa kalakalang panlabas. Pambansang ekonomiya at dayuhang ekonomiya ang tawag sa mga nakikipagkalakalang bansa.
  27. 27. Ang kita ng sambahayang hindi ginagasta ay magiging impok na ilalagak swa Bangko.Nagkakaroon ng karagdagang puhunan sa sistema sa pamamagitan ng pangungutang ng bahay-kalakal sa mga bangko at iba pang institusyong pinansyal. Ang pamahalaan ay nangongolekta ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal upang makabuo ng kalakal at serbisyong pampubliko. Dahil sa panlabas na sektor, nagaganap ang pag-angkat at pagluluwas sa pagitan ng mga bansa.

×