Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Kabihasnan ng Tao

2,147 views

Published on

Published in: Education
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

Kabihasnan ng Tao

  1. 1. HANDOUTS sa ARALIN PANLIPUNAN III FIRST QUARTER Pinagmulan ng Daigdig Paano nabuo ang Daigdig?Ano naman ang kahalagahan kung malalaman kung paano ito nabuo?May kinalaman ba ito sa pag-aaral ng Kasaysayan? KASAYSAYAN – Isang sistematikong pag-aaral ng mga pangyayari sa nakalipas na pinatutunayan ng mga ebidensya tulad ng mga relika, labi, artifacts, mga dokumento at mga kwentong bayan. Ito ay maaring nasusulat o hindi nasusulat na nag-iiwan ng mga arala para sa kasalukuyang kapakinabangan. Mga Batayan sa Pag-aaral ng Kasaysayan * relika * artifacts * fossils/labi * dokumento * kwentongBayan Note* ang Daigdig ang lugar na pinag-ganapan ng mga makukulay na kasaysayan ng bawat bansa, bawat lahi at bawat mga henerasyon! Ang mga katangian nito ay masasabing may epekto sa pamumuhay ng mga tao at nakatugon sa pangangailangan ng tao para mabuhay. Teorya Ukol sa Pinagmulan ng Daigdig Teorya – resulta ng isang sistematikong pag-aaral na sumasagot sa isang bagay bagaman hindi pa ito lubos na napapatunayan (1). Maka- Relihiyon ** Sa teoryang ito, sinasabi na mayroong isang makapangyarihan na nilalang ang may gawa ng lahat. Ang nilalang o ang Diyos na ito ay ginawa ang digdig upang maging pangunahing tirahan ng mga taong kanyang nilikha (2). Maka- Agham **Ang pagkakabuo ng daigdig ay kayang ipaliwanag ng SIYENSYA matapos ang siyentipiko at sitematikong pag-aaral. Mga Teoryang Maka-agham: a. Nebular b. Dynamic Encounter c. Dust Cloud d. Kolisyon e. Kondensasyon f. Planetissimal g. Big Bang Ang Daigdig bilang Tirahan ng Tao Daigdig – ang planetang pangunahing tirahan ng lahat ng tao Tinawag itong makarelihiyon at hindi biblical dahil sa pagkilala sa iba pang relihiyon sa daigdig na may sariling paliwanag ukol sa pinagmulan ng daigdig!! Huwag Kalimutan ang naging mga paliwanag sa bawat mga teoryang nabanggit sa itaas!!!!
  2. 2. Tatlong Pangunahing sapin/layer 1. Atmosphere : hanging bumabalot sa daigdig 2. Hydrosphere : lahat ng tubig na nasa daigdig 3. Lithosphere : ito ang matigas na bahagi sa ibabaw ng daigdig (matatagpuan ang mga anyong lupa) Mga Karagatan sa Daigdig 1. Pacific/Pasipiko : East – North America at South America West – Asya at Australia North – Kipot ng bering South – Antarctica 2. Atlantic: North - Asya South – Antarctica 3. Indian : North – Asya South – Antarctica East – Australia at Indonesia West – Africa 4. Arctic – Pinaka hilagang bahagi ng daigdig ** Milwaukee Region: (atlantic) pinakamalalim na bahagi ** Java Trench: (Indian) pinakamalalim na bahagi PINAGMULAN NG KONTINENTE Mga Teorya ukol dito: 1. Alfred Wegener – (Meteorologist) CONTINENTAL DRIFT THEORY (1912) Tesis: nabuo ang mga kontinente sa daig dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa. (isang pulgada bawat taon sa ibabaw ng daigdig) ** Pangaea – Solidong masa ng lupa na sinasabing pinanggalingan ng lahat ng kontinente sa mundo. (Super Continent) ** Dagat Panthalassa – Ang dating pangalan ng ngayon ay Karagatang Pasipiko. Ito ang dagat na sinasabing nakapalibot sa Pangaea. PANGAEA Gondwana Laurasia • umusad papuntang timog • ng lumaon ay umusad pa-hilaga • nagkahiwalay ang Africa at Timog Amerika = Dagat Atlantic
  3. 3. ** Nagbanggaan ang Gondwana at Laurasia = pitong (7) kontinente sa daigdig – Ano ang dahilan ng paggalaw ng lupa? (ang isa sa mga bagay na hindi lubos na naipaliwanag ng kanyang teorya!) 2. David Griggs – (Geologist) PLATE TECTONIC THEORY Tesis: Dahil sa patuloy na pagtaas ng temperature, lalong gumalaw ang mga lupa. Sa ilalim ng lupa ay mga plates na pag gumalaw at nagbanggan ay nagreresulta ng pagkakabiyak ng lupa. ** Ang pag-aaral ni David Griggs ay ibinatay nya sa pag-aaral ni Alfred Wegener. Naniniwala sya sa Tesis ni Wegener, kung kayat ang sinikap nyang gawin ay bigyan ng paliwanag ang dahilan ng paggalaw ng lupa. TEORYANG PINAMULAN NG MUNDO Teoryang Nebular - Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit ng uminit, hanggang sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na “Nebular Hypothesis”. - Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang sayantist na Pranses noong 1796.
  4. 4. Teoryang Planetisimal - Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa. Teoryang Big Bang - Ang pinaka popular na teorya ngayon ay ang Teoryang Big Bang. Ayon sa teoryang ito, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong taon na ang nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng apoy na ito ay nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa. - May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.
  5. 5. Teoryang Kondensasyon - Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit- ulit at walang katapusan. Teoryang Dynamic Encounter - Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”. MGA PAG-AARAL UKOL SA PAGLIKHA AT KAGANAPAN SA DAIGDIG 1650 • James Ussher ang arsobispong Angelican ng Armagh sa Ireland na nagpahayag na ang paglikha ay naganap noong 4004 B.C.E. Ito ay batay sa kanyang pagtutuos ng numerolohiya sa lumang tipan (Old Testament) ng bibliya. • John Lightfoot
  6. 6. ang master ng St. Catherine’s Cllege sa Cambridge, England. Ayon sa kanya ang araw ng paglikha ay naganap noong ikasiyam ng umaga ng Oktubre 23.  Ussher - Lightfoot - ang daigdig ay nasa 6,000 taon pa lang 1800 • Diluvial Theory - ang mga fossils ay walang iba kundi ang mga labi ng hayop na namatay sa The Great Flood • Catastrophe Theory - serye ng mga kalamidad na lumipol sa populasyon ng mga hayop at halaman sa daigdig, kaya't nagkaroon ng 27 paglikha; ayon kayGeorge Cuvie KONTINENTE: ****TANDAAN!!! – Bawat isang kontinente ay magkakaiba at bawat isa ay may “unique” na katangian. Lokasyon, laki/sukat, likas na yaman, klima Pundasyon ng bawat kontinente at ng kasaysayan nito (Mga aspekto: Politikal, Sosyal, Ekonomiks, Ispiritwal) Apat na Kalupaan/Rehiyon • Eurasia – Africa : tripling kontinente (Europa, Asya, at Africa) • Amerika – Hilaga at Timog Amerika • Antarktika (Antarctic) – kalupaan sa Timog Polo • Australia at Oceania K L I M A sa Daigdig Klima – pangkalahatang atmospera sa mahabang panahon ** tandaan – ang pagkakabuo ng buhay sa mundo ay naapektuhan nito * sinasabing ang pagbabago sa klima ay isa sa mga salik ng Ebolusyon * May mga bansa na mayroong apat na “season” ang iba naman ay dalawa lamang UNANG TAO SA DAIGDIG *Bakit kailangan na alamin ang pinagmulan ng mga Tao sa daigdig?
  7. 7. “Simple lang ang sagot, mas mauunawaan ng sinuman ang kanyang kalagayan at mga katangian at magkakaroon ng mas malawak na kamalayan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa” EBOLUSYON NG TAO *Australopithecus * Homo Habilis * Homo Erectus * Homo Sapiens Neanderthalensis * Homo Sapiens Sapiens ** ang bawat isa ay may katangian na maaring tagapagtukoy ng kanilang mga pagbabago • Paleontologist – nagsusuri ng mga sinaunang mga labi • Historian – ang nagsusulat ng kasaysayan matapos ang masusing pag- aaral ANTAS NG TAO 1. Hominid – (Australopithecus) 5 uri ng Australopithecus a. A. Anamensis : nabuhay sa Africa may 4M years na ang nakakaraan b. A. Afrarensis : nabuhay ang may 3.7 milyon taon na ang nakakaraan c. A. Africanus : mas malaki ang bungo nito, mas malaki ang utak d. A. Boisei at Robiticus : mas malaki ang bagang at panga 2. Homo Habilis – Pinakamatandang uri ng Tao, nabuhay sa Africa may 2 milyong taon na ang nakararaan. HOMO – (salitang latin) TAO HABILIS – sanay o bihasa - pinaniniwalaan na gumawa ng unang kagamitan na gawa sa bato bilang panghiwa, pangkayod at pantadtad - kumain ng prutas, karne, insekto at mga halaman - nakakalakad ng tuwid 3. Homo Erectus – Nakakatayo na ng tuwid, may taas na limang talampakan, makapal ang bungo, at malaki ang panga - unang natutong gumamit ng apoy at damit mula sa balat ng hayop - nakagawa na rin sila ng mga palakol mula sa mga bato 4. Homo Sapiens – taong nakapag-iisip at nakakapangatwiran, higit na malaki ang utak sa lahat ng mga naunang tao (hinfdi nalalayo ang utak nila sa mga modernong tao) 2 uri – (1) Neanderthal (2) Cro-Magnon Neanderthal * - ( Paleolithic-hunting people) pinangalanan mula sa isang lambak sa Germany kung saan ang kanilang mga labi ay natagpuan
  8. 8. • pinaniniwalaan na ang mga taong ito ay nagsagawa ng mga ritwal para sa masagana at matagumpay na pangangaso kung saan isa ito sa kanilang pangunahing paraan kanilang pamumuhay Cro-Magnon * - * sila mula sa Timog Pransya * nakilala ang mga taong ito sa kanilang maunlad na sining TANDAAN*** - malaki ang kinalaman ng kapaligiran sa pisikal na kaanyuan ng sinaunang tao – dahil na rin sa pagnanais nilang manatiling buhay, nakaapekto ng labis ang kanilang paraan pamumuhay! Teorya tungkol sa Pinagmulan ng TAO 2 Pangunahing teorya : * Ebolusyon (Siyentipiko) * Paglalang (Paglikha/Creation) • 1. PAGLALANG (Teoryang MAKARELIHIYON) Katoliko • pangunahing pinaniniwalaan nila ay ang nakasulat sa Bibliya • partikular sa aklat ng GENESIS – ang tao ay nilikha ng isang makapangyarihang nilalang Unang Araw: Liwanag Ikalawang Araw: Langit at Lupa Ikatlong Araw: Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbp Ikaapat na Araw: Mga Halaman at Puno Ikalimang Araw: Mga Hayop Ikaanim na Araw: Tao
  9. 9. Creationist – tawag sa mga tagapagtaguyod ng teorya ukol sa paglalalang Creationist Theory (1650) – inilathala ni Arsobispo Usser – sinabi nya na nilalang ang daigdig at ang lahat ng tao ditto noong 4004 BC. • 2. EBOLUSYON : ( Teoryang Makarelihiyon) Histoire Naturelle – inilathala ni George Louis Leclerc * dahil ditto nagsimulang mabuo ang teorya ng ebolusyon * ayon sa kanya, ang ebidensya ng pagkakabuo ng daigdig batay sa mga pagbabago ng heolohiya at heograpiya ** magkakaiba ang mga tao sa daigdig dahil sa pagkakaiba ng kanilang kapaligiran at mga pwersa ng pagbabago ng klima • Carolus Linnaeus – (Botanist) : nagpanukala ng TAXONOMY **TAXONOMY : sistematikong pagpapangalan sa mga halaman at mga hayop ayon sa Genus o pangkat na kinabibilangan nila * Sir Chevalier de Lamarck - ang nakatuklas at nakapagpangalan sa 2 uri ng hayop : vertebrate at invertebrate - siya rin ang nagsabi o nagpanukala ng teorya na sumasailalim ang mga hayop sa malaking pagbabago ayon sa mga pagbabago ng kapaligiran at namamana ito ng magiging anak nila.
  10. 10. • Charles Darwin – (Biologist) - nabuo ang tao at ang lahat ng uri ng buhay sa daigdig mula sa iilang ninuno nito sa pamamagitan ng NATURAL SELECTION - Origin Of Species by Means of Natural Selection - inilathala noong 1859 Nilalaman: hindi eksaktong magkatulad ang anumang dalawang bagay sa mundo, maging halaman man ito, o hayop o kahit pa maging tao. • bawat tao ay may kanya-kanyang katangian na namamana nito sa kanilang mga ninuno • sa pamamagitan ng natural selection, dumarami ang nilalang na may kakayahangh makipaglaban para sa mga pangangailangan nila tulad ng pagkain at tirahan • nawawala o namamatay ang mga nilalang na walang kakayahang makaangkop sa kapaligiran • mayroon naman ibang mga nilalang na higit na nangingibabaw ang kakayahang mabuhay sa ibang lugar at iabng panahon kung kaya nawawala din ang iba nilang katangian na hindi na umaangkop ditto *** ang mga ito daw ang sinasabing mga dahilan kung bakit nabuo ang ibat-ibang organismo at unti-unting nagbago ang mga uri ng nilalang sa ibat-ibang lugar ***** maraming kumontra sa teoryang ito ni Darwin lalo na ang mga relihiyoso ngunit sa kabilang banda, marami rin ang sumuporta at naniwala sa kanya!! • Gregor Mendel – (Australian Monk) – nakatuklas ng prinsipyo ng GENETICS (1860) • Thomas Hunt – Amerikanong Biologist – nakatuklas na CHROMOSOMES ang may dala ng genes ng bawat nilalang - nabubuo ang katangiang namamana sa pamamagitan ng pagpapalitan ng genes ng dalawang chromosomes - dekado 40 – natuklasan ang deoxyribonucleic acid (DNA) sa mga Chromosomes ( tagadaala ng mga katangiang namamana ng mga nilalang0 Ebolusyong Pangkultura ng Tao Kultura – paraan ng pamumuhay ng mga tao – ang kanilang tanging sibilisasyon o kabihasnan - ang lahat ng mga nagawa o nilikha ng tao - paniniwala at gawi hanging sa kanilang mga institusyong panlipunan at pampulitika hanggang sa mga kagamitan at iba’t ibang uri ng sining
  11. 11. Mga yugto sa pagsulong ng kabihasnan ng sinaunang tao - nahahati ayon sa mga kagamitan at sandatang nakita ng mga antropologo sa iba’t-ibang parte ng mundo 1. Panahon ng Lumang Bato o Paleolitiko (Paleolitic Age) - binansagan ang mga tao bilang mga tool maker - pangangaso at pangangalap ng halamang gubat - lagalag (nomad) ang mga tao - kweba at mga tent na gawa sa sanga ng kahoy at balat ng hayop - 20-30 katao ang isang pangkat - mga kagamitang yari sa magaspang na bato - gumawa ng mga kabigha-bighaning mga pagpipinta sa loob ng kweba - sumasamba sa kalikasan (paganismo) 2. Panahon ng Gitnang Bato o Mesolitiko (Mesolitic Age) - nanirahan sa gilid ng ilog dahil sa kaalaman sa pangingisda (pansamantala lamang) - ang mga kagamitan ay umunlad at nagging mas matalim - natutuhang mag-alaga ng hayop - natutuhang mag-imbak ng pagkain 3. Panahon ng Bagong Bato o Neolitiko (Neolitic Age) - ang mga kagamitan ay nagging makinis - natutuhan ang paghahalaman - nanatili sa isang lugar ang mga tao upang mamuhay -nakipagpalitan ng kalakal (barter) - naimbento ang gulong at layag - natuklasan ang apoy 4. Panahon ng Metal (Age of Metal) - napaunlad ang kalakalan sa pagkakatuklas ng paraan ng pagsasalita - nahahati sa tatlong yugto 1. Panahon ng Tanso (Copper) - unang natagpuan at ginamit na metal - unang natuklasan ng mga taga ehipto - may kalambutan at natutunaw sa init, at karaniwang ginagamit bilang palamuti 2. Panahon ng Bronse (Bronze) - pinaghalong tanso at lata - higit na matibay na gamitin - natuklasan din ang paggawa ng mga kasangkapan at palamuti mula sag into, pilak at iba pang metal - lumitaw ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia, India at Tsina 3. Panahon ng Bakal (Iron) - unang ginamit ng mga Hitite ng Asia Minor - higit na matigas kaysa bronse - bumuti ang sistema ng transportasyon

×